You are on page 1of 8

Mother Tongue 2

Ika apat na Markahan - Modyul 1:


Mga Kombensyon sa Pagsulat
PangaIan: _________________________________ Seksyon: ___________

MTB-MLE 2
Ikaapat na Markahan Paggamit ng mga Kombensyon
Unang Linggo
ng Pagsulat sa Pagbuo ng mga
Tala ng Jornal at Liham
MELC : 1. Nagagamit ang mga kombensyon ng pagsulat sa
pagbuo ng mga tala ng jornal at liham (liham pangkaibigan,
liham pasasalamat, liham paanyaya at pagbati sa kaarawan)
Layunin:
1. Nakikilala ang mga kombensyon sa pagsulat ng jornal at
iba’t ibang uri ng liham;
2. Nakasusunod sa halimbawa sa pagsulat ng isang liham
pangkaibigan.

Subukin Natin
Panuto: Basahin ang ang liham at sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.
Marso 15, 2021
Mahal kong Cora,
Kumusta ka na!
Napag-alaman ko ilang araw na lamang at babalik ka na dito sa ating
probinsya sa Oriental Mindoro. Nasasabik na akong makita at makasama ka
muli sa paglalaro sa paborito nating palaruan malapit sa may sapa.
Gusto ko ring ibalita sa iyo na sa susunod na buwan ay ipagdiriwang ko
ang aking ikapitong kaarawan. Ibig ko sanang maging isa ka sa mga bisita sa
pagdiriwang na ito. Magiging masaya ako kung darating ka. Isama mo na rin
ang iyong Mama at Papa pati na rin ang kapatid mong bunso. Sabi ni Mama
mayroon daw darating na clown para sa aking kaarawan na magpapakita ng
iba’t ibang uri ng magic.
Sana ay makarating ka at nang maipakita ko rin sa iyo ang pulang bestida
na iniregalo ni mama sa akin noong nakaraang Pasko.

Mag- iingat ka diyan!

Nagmamahal,
Anna
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang batang magdiriwang ng ika-7 na kaarawan?
A. Anna B. Cora C. Dina D. Tina
2. Ano ang kulay ng bestida na ibinigay ng mama ni Anna sa kanya?
A. pula B. dilaw C. berde D. rosas
3. Batay sa liham, saang probinsya nakatira ang magkaibigan?
A. Cavite B. Marinduque C. Mindoro D. Palawan 4. Paano
magiging masaya ang ipagdiriwang na kaarawan?
A. Kung darating ang kaibigan
B. Kung mayroong handa
C. Kung mayroong malalaking lobo
D. Kung mayroong tsokolate
5. Ano ang pangako ng mama ni Anna sa kanyang kaarawan?
A. Malaking sapatos
B. Clown
C. Maraming tsokolate
D. Higanteng cake

Ating Alamin at Tuklasin


Nasubukan mo na bang magpadala ng mensahe sa isang malayong
kaibigan o kamag-anak? Bukod sa paggamit ng teknolohiya upang
magpadala ng mensahe, ano pa ang mga bagay na maaari mong gamitin?
Halika, alamin natin! Basahin at unawain ang mga tala sa ibaba.
Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng
kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa kanyang
kapwa. Ang liham ay mayroong iba’t ibang nilalaman. Maaaring liham
pangkaibigan, liham pasasalamat, liham sa pagbati sa kaarawan at liham
paanyaya. May liham din na humihingi ng paumanhin. Sa bawat liham ay may
layunin o nais ang taong sumulat nito. Bagama’t iba’t iba ang nilalaman ng
mga ito, magkakapareho pa rin ang mga bahagi nito. Ito ay ang pamuhatan,
bating panimula, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda.
Pamuhatan
Ito ay naglalaman ng lugar at petsa kung kailan isinulat ang liham. Kadalasan,
kung petsa lamang, ito ay makikita sa gawing kanan ng liham sa pinakaitaas
na parte. Narito ang halimbawa ng pamuhatan:
 Barangay Alfonso, Lungsod ng Bacolod Ika-24 ng Hunyo
2019

Bating Panimula
Ito ay maikling panimula patungo sa katawan ng liham. Dito binabati ng may-
akda ang tatanggap ng liham. Narito ang mga halimbawa:
 Mahal kong Jojiet
 Kung kanino ito maaaring alalahanin

Katawan ng Liham
Sa bahaging ito nakasulat ang mga nais iparating ng may-akda ng liham sa
bibigyan niya nito. Narito ang halimbawa:
 Kumusta ka na? Ang tagal na rin nating hindi nagkita. Lumipat na pala
kami ng bahay at nasa Barangay Kahel na kami ngayon nakatira. Sana
sa susunod na pag-uwi mo sa probinsya natin makadalaw ka sa amin. Miss
na miss ka na namin.

Bating Pangwakas
Sa bahagi na ito ipinapahayag ang magalang na pamamaalam ng may sulat.
Nagtatapos ito sa kuwit at kadalasang makikita sa dakong kanan ng liham sa
ibabang bahagi bago ang lagda.
 Lubos na gumagaling,
 Nagmamahal,

Lagda
Sa lagda nakasaad ang pangalan ng nagpadala ng liham. Maaari ring may
lagda sa ibabaw ng pangalan.

Gumagamit din ng iba’t ibang uri ng pangungusap at tamang bantas


sa pagsulat ng isang liham.
Narito ang halimbawa ng isang liham.
No. 163 Street, Barangay. Del Pilar,

Pamuhatan Naujan, Oriental Mindoro

Pebrero 15, 2020

Mahal kong Marie, Bating Panimula

Kumusta ka na?

Ka Ta Sumulat ako sa iyo upang ipaabot ang aking pasasalamat sa


ipinadala mong regalo sa aking nakaraang kaarawan. Labis akong
wan
nagagalak sa ibinigay mo at palagi ko itong ginagamit. Nabasa ko
ng
rin ang mensahe na inilagay mo sa kard na kasama ng iyong regalo.
Liham
Natutuwa akong malaman na itinuturing mo akong matalik na
kaibigan sapagkat ganoon din naman ako sa iyo.
Nasasabik na akong makita at makasama kang muli.

Mag-iingat ka palagi!

Bating Pangwakas Nagmamahal,


Lagda Maricel
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Pansinin ang larawan.
Sa iyong palagay, tungkol saan kaya ang larawan?
Narito ang isang maikling salaysay kaugnay ng larawan sa ibaba.

Liham
ni Rhea T. Bejasa

Linggo ng umaga, sabik na naghihintay si Anna at ang bunsong kapatid na si


Aldrin sa harap ng kanilang bahay. Ngayong araw daraan ang kartero sa
kanilang lugar. Nasasabik na siyang matanggap ang liham na padala ng
kanyang ina na nagtratrabaho sa bansang Amerika. Noong nakaraang
buwan ay umulan ng yelo sa bansang pinagtatrabahuhan ng kanyang ina
kaya naman nais niyang makita ang mga litratong kalakip ng liham. Ilang
minuto pa ang lumipas, tumigil ang isang motorsiklo sa tapat ng bahay nina
Anna. Mula rito ay bumaba ang isang matangkad na lalaki. Nakangiti itong
lumapit sa kanila at iniaabot ang dalawang puting sobre. Nasasabik na iniabot
ito ng magkapatid at dali-daling binuksan. Mababakas sa kanilang mukha ang
kasiyahan habang tahimik na binabasa ang liham. Malayo man ang kanilang
ina, pakiramdam nila ay naroon din ito dahil sa mga liham na natanggap.
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang hinihintay ng dalawang bata sa harap ng kanilang bahay?
A. kartero C. tubero
B. hardinero D. karpintero

2. Sino-sino ang mga tauhang nabanggit sa salaysay?


A. sina Juan, Nanay, Kuya at Perla
B.sina Anna, Aldrin at ang kartero
C. sina Kuya, Ate at Ana
D. sina Nida, Juan, Ben, at Karla

3. Ano ang iniabot ng kartero sa magkapatid?


A. puting tela C. puting kamiseta
B. puting panyo D. puting sobre
4. Saang bansa nagtatrabaho ang ina ng magkapatid?
A. sa Canada
B. sa Singapore
C. sa Amerika
D. sa Hongkong
5. Ano ang nararamdaman ng magkapatid habang binabasa
ang liham galing sa ina?
A. kalungkutan C. kaligayahan
B. galit D. takot
Gawain 2: Pagbabahagi ng Karanasan
Sa panahon ng pandemya, nabawasan ang ating mga galaw, hindi tayo
nagkaroon ng pagkakataon na umalis ng bahay at hindi tayo nakapunta sa
ating mga kaibigan. Naging bahagi ng ating pakikipag-usap sa kanila ang
paggamit ng mga liham.

Panuto: Tukuyin ang bahagi ng liham na tinutukoy ng sumusunod na pahayag.


Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
A pamuhatan C. katawan ng liham
B. bating panimula D. bating pangwakas

E. lagda

_____1. Mahal kong Teresa,


_____2. Maari ka bang imbitahan na maging bahagi na aking ika7 kaarawan
na gaganapin ngayong linggo. Inaasahan ko ang iyong pagdating.
Maraming Salamat!
_____3. Ang iyong kaibigan,

_____4. Barangay. Banaba. Hulyo 16, 2020


_____5. Bb. Madrigal

Ating Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Isaayos ang mga bahagi ng liham sa ibaba ayon sa pagkakasunod-


sunod nito. Isulat ito sa nakalaang espasyo sa ibaba.

Kumusta ka na? Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita.


Naaalala mo pa ba noong tayo ay nagbabahaybahayan? Sa loob niyon
tayo ay nagluluto-lutuan gamit ang pinigang katas ng gumamela bilang
ating mantika. Nakakatuwang balikan ang ating mga naging karanasan
tuwing bakasyon. Kaya sana, makauwi ka na dito sa atin. Sigurado akong
magiging masaya ang muli nating pagkikita. Hanggang dito na lamang
at sana ay palagi kang magiingat.

Pebrero 24, 2021

Mahal kong Sherlita,

Naujan, Oriental Mindoro

Irene

Ang iyong kaibigan,

Camia St., Malinao,


Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang liham sa iyong kaibigan na nasa malayong lugar.
Sundin ang tamang pormat/mga bahagi sa pagsulat nito.

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag. Piliin ang
sagot sa loob sobre.
pamuhatan bahagi
lagda bating panimula

komunikasyon pagbati
katawan

Ang Liham

Sa _______________, ito ay mahalaga,


Iba’t iba ang uri ngunit ang _______________ay iisa,
Maaaring gamitin sa ______________ at pangungumusta,
Sa huling bahagi makikita mo ang ___________.

Bahaging pinagmulan, mababasa sa ______________,


Mga nais sabihin ay matatagpuan sa _______________,
__________________ay kailangan,
Upang itong liham ay magkaroon ng kabuluhan.

Halika aking kaibigan,


Papel at panulat ay hawakan,
Tayo’y magbahagi ng kaalaman,
Gagawa tayo ng liham para sa kapwa natin kabataan

Ating Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o


saloobin na pinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.
A. liham
B. balita
C. chat message
D. text message
2. Ito ay naglalaman ng lugar at petsa kung kailan isinulat ang liham.
A. katawan ng liham
B. bating panimula
C. pamuhatan
D. lagda
3. Sa bahaging ito ipinapahayag ang magalang na pamamaalam ng may
sulat.
A. bating panimula
B. bating pangwakas
C. lagda
D. katawan ng liham
4. Sa bahaging ito nakasulat ang mga nais iparating ng mayakda ng liham
sa bibigyan niya nito.
A. bating panimula
B. bating pangwakas
C. lagda
D. katawan ng liham
5. Sa bahaging ito nakasaad ang pangalan ng nagpadala ng liham.
A. bating panimula
B. bating pangwakas
C. lagda
D katawan ng liham

Gabay
\\\
sa Pagwawasto

You might also like