You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Ikalawang Araw

I. LAYUNIN
1. Nakikilala ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral ng mahahalagang pangyayari sa buhay
hanggang sa kanyang kasalukuyang edad..

II. PAKSANG ARALIN


Aralin 2
Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng Buhay

Kagamitang Panturo:
CG LAMP - AP1NAT-Id-8, p.4
Essential Leaning Competencies, p. 1
Gabay ng Guro sa Pagtuturo, pp. 12
Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 34-36
Mga larawan, tsart, powerpoint presentation, gunting at pandikit

II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga kaganapan ng nakaraang araw..
2. Balik – aral
Sa paano nagsimula ang buhay ng isang agila? Muling ipakita ang timeline sa paglaki at
pagbabago ng isang agila.

3. Pagganyak
Tingnan ang larawan ng isang bagong silang na sanggol na nakasulat ang petsa ng
kapanganakan. Ano ang masasabi tungkol sa larawan? Tanungin ang mga bata kung kailan sila
ipinanganak.

B. Activity
Masdan at ilarawan ang dalawang timeline na nagpapakita ng pagbabago sa buhay nina Buboy
at Mimi.
-Ano ang napansin mong pagbabago sa mga larawan sa dalawang timeline?
-Ano ang napansin mong pagbabago sa anyo nina Mimi at Buboy?
-Bakit kaya nagbago ang kanilang anyo?
-Nakararanas ba lahat ng tao ng ganitong mga pagbabago?

Pangkatang Gawain
Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Gupitin at idikit sa tamang kahon ang bawat
larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pagbabagong nagaganap sa isang tao. Ilagay sa
kahon na may bilang 1 ang dapat na maunang larawan at ilagay naman sa kahon na may bilang
5 ang dapat na mahuli.

C. Analysis
Paano ninyo naisaayos ang mga larawan nang wasto?
D. Abstraction
Alam mo ba ang tawag sa iyong nabuo? (Timeline)
Tandaan: .
Ipinakikita sa atin ng isang timeline kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung
anu-ano ang mga bagay na nagbago. Nakakaranas ang lahat ng tao ng ganitong pagbabago.
E. Application
Sa mga larawan sa timeline ng pagbabagong nagaganap sa buhay ng isang tao alin ang
pinakagusto mong pangyayari at bakit?

F. Assessment
Gawain:
Lagyan ng bilang 1-5 upang mabuo ang timeline.
Ang Paglaki at Pagbabago ng Isang Tao

___ ____ ___ ____ ____

IV. ASSIGNMENT
Gamit ang mga larawan noong ikaw ay sanggol pa lamang hanggang sa ksalukuyan,
Gumawa ng ‘photo album’ tungkol sa inyong sarili simula ng ikaw ay isilang hanggang sa
kasalukuyang gulang. Magpatulong sa magulang.

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation
(No.of learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
(No.of learners who continue to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
(Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at superbisor?
(What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with other teachers?)

You might also like