You are on page 1of 16

Unang Markahan - Ikapitong Linggo

Unang Araw

I. Layunin
1.Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino
sa panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano
- Battle of Manila Bay at Mock Battle of Manila
2. Napapahalagahan ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng digmaang
Pilipino- Amerikano
3. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng pakikibaka ng mga Pilipino sa
panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano
II. Nilalaman
A. Paksa:
Digmaang Pilipino- Amerikano
a.Battle of Manila Bay
b. Mock Battle of Manila
B. Kagamitan:
larawan, organizer, videoclips
C. Sanggunian:
LM, TM, Curriculum Guide, BOW 2017 AP6PMK-Ig-10
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Balitaan sa napapanahong isyu
2. Balik-aral
May mga hakbang na isinagawa ang mga Pilipino noon upang makamit
ang kalayaan n gating bansa.
Ang ilan sa mga ito ay ipinapakita sa larawan sa ibaba. Alam mo ba kung
ano ang mga ito?

www.google.com
Kongreso ng Malolos Araw ng Kalayaan sa Cavite
Ikwento ang nalalaman mo tungkol sa mga ito.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Pagganyak
Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral na may tig-lilimang miyembro.
Magbigay ng mga bagay na pumapasok sa iyong isipan kapag narinig ang
bansang Estados Unidos.
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti

www.google.com
Pagpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa paksa. Hayaan ang mga
mag-aaral na pansinin at ipaliwanag ang mga larawan.
Panonood ng videoclip tungkol sa Battle of Manila Bay at Mock Battle of Manila
https://www.youtube.com/watch?v=CkLd9HWD228
https://www.youtube.com/watch?v=_r-Z1rtw_6ss
2. Analisis
Sagutin ang sumusunod na katanungan
a. Tungkol saan ang pinanood na video?
b. Sa inyong palagay, bakit nilusob ng mga Amerikano ang Maynila?
c. Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari ang napanood mo sa
video?
d. Bakit nagkaroon ng Battle of Manila at Mock Battle Bay of Manila
3. Abstraksyon
Panuto: Basahin at suriin ang paksa tungkol sa Paglusob ng Amerikano sa
Manila Bay ( Battle of Manila Bay )at Pagkukunwaring Labanan ng mga
Amerikano at Espanyol (Mock Battle of Manila )
Pangkat I at II - Amerikano sa Manila Bay ( Battle of Manila Bay )
Pangkat III at IV - Pagkukunwaring Labanan ng mga Amerikano at
Espanyol (Mock Battle of Manila )
Pangkat I at II – Sagutin ang sumusunod na katanungan
1. Sino ang namuno sa Battle of Manila?
2. Ano ang kinalabasan ng labanan ng mga Amerikano at Espanyol?
3. Kailan at paano naganap ang pagkukunwaring labanan sa pagitan ng
mga Amerikano at Espanyol?
4. Bakit ito tinawag na Mock Battle of Manila?
Pangkat III at IV – Gamit ang graphic organizer, isa-isahin ang mga
pangyayari sa Paglusob ng Amerikano sa Manila Bay
( Battle of Manila Bay )at Pagkukunwaring Labanan ng mga Amerikano at
Espanyol (Mock Battle of Manila )

Pagkukunwaring Labanan
Paglusob ng Amerikano ng mga Amerikano at
sa Manila Bay ( Battle of Espanyol (Mock Battle of
Manila Bay ) Manila )

4. Aplikasyon
A. Pagpapalitan ng kuro-kuro
May mga pangyayaring naganap sa panahon ng digmaang Pilipino-
Amerikano, maaari mo bang isa-isahin ito.
B. Pakikibahagi
Kung ikaw ay nasa panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano ano ang
mararamdaman mo sa ginawa nilang paglusob sa Maynila at ang
pagkukunwaring labanan ng Espanyol at Amerikano?
5. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng
Battle of Manila at Mock battle of Manila Bay?
IV. Pagtataya
Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino sa
panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano. Isulat ang A kung ang pangyayari ay
tungkol sa Paglusob ng Amerikano sa Manila Bay ( Battle of Manila Bay ) at
B kung Pagkukunwaring Labanan ng mga Amerikano at Espanyol (Mock Battle of
Manila)
____1. Binomba ng makabagong barkong pandigma ang mga barko ng mga espanyol
sa Maynila
___2. Nagsidatingan ang maraming suportang sundalong Amerikano sa Maynila mula
Hunyo 30 hanggang Hulyo 31 at naghanda sila sa pagsalakay rito.
___3. Natalo ang mga Espanyol sa pamamahala ni Admiral Patricio Montojo at sumuko
ng 12:30 g hapon.
V. Takda
Gumawa ng poster na nagpapakita ng pakikibaka ng mga Pilipino sa sa panahon
ng Digmaang Pilipino- Amerikano
Unang Markahan - Ikapitong Linggo
Ikalawang Araw

I. Layunin
1.Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay daan sa digmaan ng mga Pilipino
laban sa Estados Unidos
2. Napapahalagahan ang mga pangyayaring nagbigay daan digmaan ng mga
Pilipino laban sa Estados Unidos
3. Nakapagpapahayag ng mga saloobin tungkol sa mga pangyayaring nagbigay
daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos
II. Nilalaman
A. Paksa:
Digmaang Pilipino- Amerikano
➢ Negosasyon at Pagpapatibay ng Kasunduan sa Paris ng 1898
➢ Pagpapahayag ng Benevolent Assimilation
B. Kagamitan:
larawan, organizer, videoclips
C. Sanggunian:
LM, TM, Curriculum Guide, BOW 2017larawan, AP6PMK-Ig-10
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
Balitaan sa napapanahong isyu
2. Balik-aral

www.google.com
Tukuyin kung ano ang ipinakikita ng larawan at magkwento ng nalalaman tungkol dito.
3. Pagganyak
Nakaranas na ba kayong gumawa ng kasunduan?
Pagpapakita ng larawan
www.google.com
Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Panonood ng video
https://www.youtube.com/watch?v=8SRRsToc8gc
https://www.youtube.com/watch?v=ONaTqoN0HZ0
2. Analisis
Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos mapanood ang video
1.Ano ang kasunduan sa Paris?
2. Anu-ano ang nilalaman ng kasunduang ito?
3. Sinu-sino ang lumagda ditto?
4. Ano ang naramdaman ng mga Pilipino sa ginawang kasunduang ito?
5. Ano ang benevolent assimilation?
3. Abstraksyon
Hatiin sa 2 pangkat ang klase at talakayin ng bawat pangkat ang Kasunduan
sa Paris
Pangkat I- Gagamit ng semantic web sa pagtalakay sa Kasunduan sa Paris
Pangkat II- Debate tungkol sa Benevolent Assimilation
4. Aplikasyon
A. Pagpapalilitan ng kuro-kuro o Debate tungkol sa Kasunduan sa Paris at
Benevolent Assimilation
B. Pakikibahagi
Ano ang kahalagahan ng Kasunduan sa Paris at Benevolent Assimilation
sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados Unidos
5. Paglalahat
Ano ang kasunduan sa Paris?
Ano ang Benevolent Assimilation?
IV. Pagtataya
Tukuyin ang mga pangyayaring nagbigay daan sa digmaan ng mga Pilipino
laban sa Estados Unidos. Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin sa kahon
sa ibaba.

Benovolent Assimilation

$20,000,000

Kasunduan sa Paris

Rebolusyon

1. Ang ______________ Kasunduan na nilagdaan noong Disyembre 10, 1898 sa


pagitan ng mga Amerikano at Espanyol.
2. Bilang kapalit ng karapatang sakupin ng Estados Unidos ang Guam, Puerto Rico at
ang Pilipinas ay binayaran ng mga Amerikano ng halagang US ____________ ang mga
Espanyol.
3. Ang ___________________ ay pinairal ni William McKinley na ang pangunahing
layunin ay mapasunod at makuha ang tiwala ng mga Pilipino.

V. Takda
Maghanda ng isang dula-dulaan tungkol sa kasunduan sa Paris at Benevolent
Assimilation.
Unang Markahan - Ikapitong Linggo
Ikatlong Araw

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino
sa panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano
a. Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
b. Labanan sa Tirad Pass
c. Balangiga Massacre
2. Napapahalagahan ang mga pangyayari sa panahon ng digmaang
Pilipino- Amerikano
3. Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa mga pangyayari sa panahon ng
digmaang Pilipino- Amerikano
II. Nilalaman
A.Paksa:
Digmaang Pilipino- Amerikano
a. Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
b. Labanan sa Tirad Pass
c. Balangiga Massacre
B. Sanggunian:
LM, TM, Curriculum Guide, BOW 2017larawan, AP6PMK-Ig-10
C.Kagamitan:
larawan, organizer
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
Balitaan sa napapanahong isyu
2. Balik-aral
Ayusin ang sumusunod na letra upang makabuo ng salita
lebeovnnt
sunakandu
arisp
amillasiinto
3. Pagganyak
Pinoy Henyo
- Manila
- Samar
- Heneral gregorio Del Pilar
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Pagpapakita ng larawan
www.google.com
Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan.
Pangkat I – Unang larawan
Pangkat II- Ikalawang larawan
Pangkat III- Ikatlong Larawan
2. Analisis
Gamit ang tree Diagram, isa-isahin ang mga pangyayari sa digmaang Pilipino-
Amerikano.

Mga Pangyayari sa Digmaang Piliino- Amerikano

Unang Putok sa Panulukan ng Labanan sa Tirad Pass Balangiga Massacre


Silencio at Sociego Sta. Mesa
Manila

Pangkat I -Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila


Pangkat II- Labanan sa Tirad Pass
Pangkat III- Balangiga Massacre
Pamprosesong Katanungan
1. Ano ang naganap sa panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila?
2. Sino ang tinaguriang bayani ng Tirad Pass?
3. Bakit tinawag na massacre ang naganap sa Balangiga Samar?
3. Abstraksyon
Gamit ang ibat-ibang pamamaraan talakayin ang mga mahahalagang pangyayari
sa pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano
Pangkat I – Role Playing
Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
Pangkat II- Panel Discussion
Labanan sa Tirad Pass
Pangkat III- Pagkukwento
Balangiga Massacre
4. Aplikasyon
A. Pagpapalitan ng kuro-kuro
May mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino sa
panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano tukuyin kung anu-ano ang mga
kaganapan ng mga sumusunod na pangyayari:
Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
Labanan sa Tirad Pass
Balangiga Massacre
B. Pakikibahagi
Ano ang iyong saloobin hinggil sa mga pangyayari sa panahon ng
digmaang Pilipino- Amerikano:
Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
Labanan sa Tirad Pass
Balangiga Massacre
5. Paglalahat
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino
sa panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano ?
IV. Pagtataya
Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa digmaang Pilipino-Amerikano .
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. May utos noon ang mga pinunong Amerikano na huwag magpaputok
kung hindi lumalaban ang mga Pilipino ngunit pinaputukan pa din ang isang kawal na
Amerikano ang isang Pilipino. Saang kalye naganap ang unang putukan?
a. Claro M. Recto
b. EDSA
c. Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
2. Walang lubay na sinalakay ng mga Amerikano ang tanggulan ng mga
Pilipino. Sinong heneral na Pilipino ang namuno sa paghadlang sa papagsalakay ng
mga Amerikano.
a. Heneral Antonio Luna
b. Heneral Emilio Aguinaldo
c. Heneral Rogelio “Bato” dela Rosa
3. May mga Pilipinong nagging bayani sa pakikipaglaban sa mga amerikano
.Siya ang pinakabatang heneral sa gulang na 24 at tinagurian siyang “Bayani ng
Pasong Tirad”
a. Dr.Jose Rizal
b. Apolinario Mabini
c. Gregorio H. Del Pilar
4. Sa labanan sa samar maraming namatay na sundalong Amerikano at
bilang ganti minasaker nila ang mga taga- Samar. Pati ang mga batang lalaking may
gulang 10 pataas ay kanilang pinatay.Ano ang tawag sa kaganapang ito?
a. Balangiga Massacre
b. Labanan sa Tirad Pass
c. Pagpatay sa tatlong paring martir
V. Takda
Magsaliksik pa ng ibang impormasyon tungkol sa mga sumusunod:
Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
Labanan sa Tirad Pass
Balangiga Massacre
Unang Markahan - Ikapitong Linggo
Ikaapat na Araw

I. Layunin
1.Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa pakikibaka ng mga Pilipino
sa panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano
2. Nakapagpapahayag ng saloobin sa naganap na kasunduan
3. Nakapagsasagawa ng dula-dulaan tungkol sa Kasunduang Bates
II. Nilalaman
A. Paksa:
Digmaang Pilipino- Amerikano
Kasunduang Bates
B. Sanggunian:
LM, TM, Curriculum Guide, BOW 2017larawan, AP6PMK-Ig-1
C. Kagamitan:
larawan, organizer
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
Balitaan sa napapanahong isyu
2. Balik-aral
Magkwento tungkol sa natutunan sa mga sumusunod na paksa
Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego Sta. Mesa Manila
Labanan sa Tirad Pass
Balangiga Massacre
3. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng Sultan at Amerikano
Ano ang masasabi ninyo sa dalawang larawan?
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
1.1 Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo
1.2 Ipabasa ang tekstong tumatalakay sa Kasunduang Bates sa pahina __
Pangkat I - Rap
Pangkat II- Tula
Pangkat III- Dula- dulaan
2. Analisis
Pagtalakay sa ipinakita ng bawat pangkat
Pamprosesong katanungan:
2.1. Ano ang ginawa ng mga Moro sa Mindanao at Sulu
2.2. Ano ang kasunduang Bates at anu-ano ang nilalaman nito?
2.3. Sinu-sino ang nagkasundo at lumagda dito?
3. Abstraksyon
Gamit ang ibat-ibang pamamaraan magbigay ng detalye tungkol sa Kasunduang
Bates
Pangkat I – Semantic Web
Pangkat II- Panel Discussion
Pangkat III- Pagkukuwento
4. Aplikasyon
A. Pagpapalitan ng kuro-kuro
Ipaliwanag ang kahalagahan ng Kasunduang Bates
B. Pakikibahagi
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na balikan ang panahon ng
paggawa Kasunduang Bates, aling bahagi ng kasunduan ang gusto mong
baguhin?Bakit?
5. Paglalahat
Ano ang Kasunduang Bates?
Sino-sino ang lumagda dito?
IV. Pagtataya
Natutukoy ang mga nilalaman ng kasunduan Bates. Isulat ang / kung ito ay
nilalaman ng Kasunduang Bates at X kung hindi.
______1. . Nilagdaan nina Heneral John Bates bilang kinatawan ng Estados Unidos at
ng Sultan at kanyang mga datu na kinatawan naman ng Sulu ang kasunduang ito.
_____2. Nagbayad ang mga Amerikano ng hallagang $20,000,000 sa Espanya.
_____3. Nagtatakda na kinikilala ng Sultan ang kapangyarihan ng Estados Unidos sa
buong kapuluan ng Sulu.
_____4. Igagalang ng Estados Unidos ang mga karapatan at karangalan ng sultan at
kanyang mga datu
_____5. Hindi makikialam ang Estados Unidos sa rehiyon ng mga Moro
V. Takda
Magsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol sa Kasunduang Bates at bumuo
ng isang dula tungkol dito.
Unang Markahan - Ikapitong Linggo
Ikalimang Araw

I. Layunin
1.Natutukoy ang mga motibo o layunin ng pananakop ng Amerikano sa bansa sa
panahon ng pagpapalawak ng kanilang “political empire”
2. Nasasabi ang saloobin sa mga motibo o layunin ng pananakop ng Amerikano
sa bansa sa panahon ng pagpapalawak ng kanilang “political empire”
3. Nakabubuo ng isang graphic organizer tungkol sa mga motibo o layunin ng
pananakop ng Amerikano sa bansa sa panahon ng pagpapalawak ng kanilang
“political empire”
II. Nilalaman
A. Paksa:
Mga Motibo o Layunin ng Pananakop ng Amerikano sa Bansa sa Panahon ng
Pagpapalawak ng Kanilang “Political Empire”
B. Sanggunian:
LM, TM, Curriculum Guide, BOW 2017larawan, AP6PMK-Ig-10
C. Kagamitan:
larawan, organizer, videoclips
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
Balitaan sa napapanahong isyu
2. Balik-aral
Kasunduang Bates
3. Pagganyak
Buuin ang salita
OMBITO
LNIYUAIN
Magbigay ng pahayag tungkol sa layunin ng Amerikano sa pananakop sa
Pilipinas

B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
1.1Pagpapakita ng larawan

Pananakop ng mga Amerikano Base Militar ng mga Amerikano


www.google.com
Ano ang masasabi ninyo sa larawan.
1.2 Panonood ng video
Pananakop ng mga Amerikano
https://www.youtube.com/watch?v=nELU-HYLwhU
1.3 Pagbasa sa teksto
1.4 Pangkatang Gawain
Pagsasadula ng mga bata ng mga sumusunod na gawain
Pangkat I Paniniwala– Ang White Man’s Burden of Manifest Destiny. Mga
paniniwala ng mga bansang kanluranin na sila ay may tungkulin at
responsibilidad na tulungan ang mga maliliit na bansa.
Pangkat II Pangkabuhayan – Kailangan ng Amerika ang Pilipinas upang
maging himpilan ng mga negosyante ng Amerikano tungo sa pagpapalawak ng
kanilang negosyo sa Asya. Layunin din ng Amerika na mapakinabangan ang
mga likas na yaman ng Pilipinas upang magamit sa kanilang mga industriya.
Pangkat III Pampulitika – Ang Pilipinas ay mainam na pagtayuan ng base-
militar ng Amerika sa Asya dahil sa istratehikong lokasyon nito. Ito ay
matatagpuan malapit sa mga Asyanong bansa tulad ng Tsina at Hapon.
Pangkat IV Panrelihiyon – Kailangan ng mga Protestanteng Amerikano ang
Pilipinas upang ito ang maging sentro ng pagpapalaganap ng relihiyong
Protestantismo sa Asya.
2. Analisis
Pamprosesong tanong:
1. Anu-ano ang mga motibo o layunin ng mga amerikano sa pagsakop sa
ating bansa?
2. Sa inyong palagay, bakit kaya sila nagkaroon ng mga motibo o layuning
ganito ang mga Amerikano?
3. Abstraksyon
Pagpapakitang gawa ng bawat pangkat sa pamamagitan ng dula-dulaan
Unang Pangkat- Paniniwala
Ikalawang Pangkat- Pangkabuhayan
Ikatlong Pangkat- Pampulitika
Ikaapat na Pangkat-Panrelihiyon
4. Aplikasyon
A. Pagpapalitan ng kuro-kuro
May ibat-ibang layunin ang mga amerikano sa pagsakop sa Pilipinas.
Maari ba ninyong isa-isahin ang mga motibong ito?
B. Pakikibahagi
Sang-ayon ba kayo sa mga layunin/motibo ng Amerikano? Bakit?
5. Paglalahat
Tukuyin ang mga layunin/motibo ng Amerikano sa pananakop sa Pilipinas.
IV. Pagtataya
Tukuyin ang mga motibo o layunin ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Sagutin ng Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng layunin / motibo ng
Amerikano sa pananakop sa Pilipinas at Mali kung hindi.
______1. Ang paniniwala na sila ay may tungkulin at responsibilidad na tulungan ang
mga maliliit na bansa.
______2. Kailangan ng Amerika ang Pilipinas bilang himpilan ng kanilang base militar
______3. Ipalalaganap ang relihiyong katolisismo.
______4. Obligadong tulungan ng mga bansang kanluranin ang mga maliliit na bansa.
______5. Maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa istratehikong lokasyon nito.
V. Takda
Bumuo ng isang graphic organizer tungkol sa mga motibo o layunin ng
pananakop ng Amerikano sa bansa.

You might also like