You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 5

Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo

Pangalan:________________________________________________Pangkat: ______________

PARTISIPASYON NG IBA’T- IBANG REHIYON NG KATUTUBO SA PAKIKIBAKA NG BAYAN

Konsepto/Aralin
1. Pag-aalsa ni Dagami (1565-1567) Ang pamilya Dagami ng Leyte ay namuno sa rebolusyon laban
sa mga Espanyol noong 1567.Tinaraydor si Dagami at sya ay pinapatay sa pamamagitan ng “Drawn
and Quartered”.
Ang Drawn and Quartered ay isang uri ng kaparusahan na ipinapataw ng mga Espanyol sa mga
Pilipinong nagtaksil sa kanila. Ito ay ang paghila ng kabayo sa katawan ng taong pinarusahan
hanggang sa siya’y mamatay. 2. Si Raha Lakandula (1574) Dakilang Raha ng Tondo ay nanguna
sa isang pag-aalsa laban sa mga Kastila.
3. Si Raha Sulayman (1574) Isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at
Lakandula. Inabuso ng mga Espanyol ang kanyang kabaitan. Namuno siya ng isang kudeta
upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.
4. Pampanga Revolt (1585) Ito ay nagsimula noong 1585 ng mga Kapampangan na mga
nagmamay-ari ng mga lupang sakahan o mas kilala sa tawag na encomenderos na pawang
tinaggalan ng karapatan bilang mga dating datu ng kanilang barangay.
5. Conspiracy of the Maharlikas (1587-1588) Kilala sa tawag na “Tondo Conspiracy” na binubuo
ang samahan ng mga maharlika o pangkat ng mga datu ng Maynila, Bulacan at Pampanga
kasama ang kanilang mga kaanak na lumaban sa mga Espanyol dahil sa kawalan ng kalayaan
sa kaniyang mga nasasakupan.
6. Cagayan at Dingras (1589) Ang pag-aalsang nabuo laban sa pagbabayad ng tributo o buwis
ng mga taga Cagayan at Ilocos Norte noong 1589 ay tinawag na Cagayan at Dingras Revolt.
7. Pag-aalsa ni Magalat (1596) Siya ay tubong Cagayan na nag-alsa laban sa mga Espanyol dahil
sa hindi makatwirang paninigil ng mga Espanyol.
8. Pag-aalsa ng mga Igorot (1601) Hindi pumayag ang mga katutubo na mapasailalim rin sa
kagustuhan ng mga Kastila na maging mga Kristiyano sila at talikuran ang kanilang mga
paniniwala sa kani-kanilang mga relihiyon.
9. Ang pag-aalsa ng mga Intsik (1603) Noong 1603, mahigit kumulang na 30,000 Tsinong
mangangalakal, namumuno at mamamayang Instik ay pinatay ng mga Espanyol na namumuno
noon sa lugar.
10. Pag-aalsa ni Tamblot (1621-1622) Pinamunuan niya ang isang rebolusyong kinikilala sa
tawag na Tamblot Revolt noong 1621.Siya rin ang pinuno ng relihiyon sa Bohol.
11. Pag-aalsang Bankaw (1621-1622) Pinamunuan niya ang Carigara sa Leyte.

Pagsasanay 1
Panuto: Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot.

A. Conspiracy of the Maharlikas B. Tamblot C. Raha Sulayman D. Raha Lakadula E.


Cagayan at Dingras

______1. Isang Muslim na datu.


______2. Pinuno ng Tamblot Revolt
______3. Binubuo ng samahan ng mga Maharlika sa Maynila
______4. Dakilang Raha ng Tondo
______5. Pag-aalsa ng nabuo laban sa pagbabayad ng buwis ng mga taga Cagayan at Ilocos Norte
noong 1589.

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang Opo kung ang pangugusap ay tama at Hindi po kung mali.
______1. Ang Drawn and Quartered ay isang uri na pagpaparusa na pinupugotan ang ulo.
______2. Ang pamilya - Dagami ng Leyte ay namuno sa rebolusyon laban sa mga Espanyol noong
1567.
______3. Pumayag ang mga katutubo na mapasailalim ng mga Kastila at maging Kristiyano.
______4. Si Tamblot ay naging pinuno ng Bohol.
______5. Ang Pampanga Revolt ay nagsimula noong 1585.

MELC - 4th Quarter Week 6


Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. (AP5PKB-IVf-4)
Batayang Aklat: AP 5 Pilipinas bilang Isang Bansa pahina 208-223

Inihanda ni:

IMELDA MARFA
AP Teacher

You might also like