You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


Unang Markahan
Ikaapat na Linggo
Unang Araw

I. LAYUNIN
1. Nakikilala ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral ng mahahalagang pangyayari sa buhay
hanggang sa kanyang kasalukuyang edad.

II. PAKSANG ARALIN


Aralin 2
Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng Buhay

Kagamitang Panturo:
CG LAMP - AP1NAT-Id-8, p.4
Essential Leaning Competencies, p. 1
Gabay ng Guro sa Pagtuturo, pp. 12
Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 32-33
Mga larawan, tsart, powerpoint presentation

II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga kaganapan ng nakaraang araw.

2. Balik – aral
Laro: Paikutin ang roleta na may mga paboritong nakalista. Kung saan mahihinto kailangan
masabi ng bata ang halimbawa nito.
Hal. Paboritong alaga – aso
Paboritong tauhan sa kartun – Dora
3. Pagganyak
Itanong: Ano-anong paghahanda ang ginagawa ninyo araw-araw bago pumasok sa paaralan?

B. Activity
Ipakita ang larawan.

- Ano ang napansin mo sa agila?


- Ano ang napansin mong pagbabago?
- May alam ka pa bang ibang hayop o insekto na ganito rin ang pagbabago?
- Paano mo maihahalintulad sa tao ang mga pagbabagong pinagdadaanan ng mga insekto o
hayop na natalakay sa klase?
- Ano-ano ang mga pagkakatulad ng pagbabagong nangyayari sa tao at hayop o insekto na
natalakay sa klase? Ano-ano naman ang pagkakaiba?
- Maglaro Tayo.
Bubuo kayo ng pangkat at aayusin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga larawan
ng paglaki ng isang bata, mula pagsilang hanggang sa kasalukuyan. Humanda sa pagtalakay ng
inyong mga sagot.

C. Analysis
Paano ninyo naisaayos ang mga larawan nang wasto?
D. Abstraction
Alam mo ba ang tawag sa iyong nabuo? (Timeline)
Tandaan: .
Ipinakikita sa atin ng isang timeline kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung
anu-ano ang mga bagay na nagbago.
E. Application
Sa mga larawan sa timeline ng paglaki ng isang bata, mula pagsilang hanggang sa
kasalukuyan, alin ang pinakagusto mong pangyayari sa iyong paglaki at bakit?

F. Assessment
Gawain:
Lagyan ng bilang 1-5 upang mabuo ang timeline.
Ang Paglaki at Pagbabago ng Isang Tao

___ ____ ___ ____ ____

IV. ASSIGNMENT
Magdala ng larawan noong ikaw ay sanggol pa lamang hanggang sa ksalukuyan.

V. MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailan ng ng iba pang gawain para sa remediation
(No.of learners who requires additional acts.for remediation who scored below 80%)
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
(Did the remedial lessons work? No.of learners who caught up with the lessons)
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
(No.of learners who continue to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiya sa patuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
(Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?)
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa tulong ng aking punong guro at superbisor?
(What difficulties did I encounter which my principal/supervisor can help me solve?)
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
(What innovations or localized materials did I used/discover which I wish to share with other teachers?)

You might also like