You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:1


LEVEL: GRADE 1 WEEK:5
MONDAY-TUESDAY TIME: 8:00-8:40

SEMI DETAILED LESSON PLAN IN AP

I. LAYUNIN

 Natutukoy ang paghihinuha ng Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago


 Nalalaman ang mga Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago ayon sa
pagkasunod-sunod nito
 Nasasagawa ang aralin tungkol sa Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago
Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng


pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago
B. Pamantayan sa Pagganap:Buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kwento
tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing
Pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:Nakapaghihinuha ng konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mgalarawan ayon sa pagkakasunod-
sunod. AP1NAT-If- 10

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paghihinuha ng Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago Konsepto ng
Pagpapatuloy at Pagbabago
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 AP
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Sa kasalukuyan mong edad anu-ano na ba ang kaya ninyong gawin?

2. Pagganyak
Pagmasdan ang mga batang nasa larawan. Anu-ano ang ginagawa nila?
Kaya nyo na ba ang mga ginagawa nila? Tumutulong ka ba sa mga gawaing
bahay?
Anu-ano ang mga kaya mo ng gawin?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalalahad
Pag-aralan ang mga larawan. Isaayos ito ayun sa tamang pagkasunod-sunod.
Lagyan ng bilang 1-6.

2. Pagtatalakay
Tanungin ang mga bata gamit ang mga sumusunod na katanungan at pasagutan
ang gawain.
 Marunong na ba kayong mag prito ng itlog?
 Ano ang tamang pagkasunod-sunod. Lagyan ang mga larawan ng bilang
1-4.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Kumpletuhin ang pangungusap. Ang ______________ay salitang tagalog na
nangangahulugang matalinong paghula o pagbibigay ng opinion sa mga
pangyayari gamit ang mga patunay na makatotohanan sa pamamagitan ng
matalinong pag-iisip at paghusga.

2. Paglalapat
Ano ang tatlong bagay na una mong ginagawa pagkagising sa umaga.
Iguhit mo ang iyong sarili habang ginagawa ito.

IV. PAGTATAYA
Suriin ang larawan. Isulat ang bilang 1 hanggang 3 ayon sa pagkakasunod sunod
ng magsusuot nito mula bata-papatanda.

V. TAKDANG ARALIN
Pag-aralan ang paghihinuha sa gabay ng inyong magulang.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:1


LEVEL: GRADE 1 WEEK:5
MONDAY-TUESDAY TIME: 8:00-8:40

SEMI DETAILED LESSON PLAN IN ESP

I. LAYUNIN

 Nakikilala ang mga Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago ng isang pangyayari


 Naipaunawa ang mga pagbabago gamit ang mga ibat-iabang halimbawa
 Naisasagawa ang aralin ng may pag-unawa sa Konsepto ng Pagpapatuloy at
Pagbabago

A. Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng


pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago
B. Pamantayan sa Pagganap:Buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kwento
tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing
Pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:Nakapaghihinuha ng konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mgalarawan ayon sa pagkakasunod-
sunod. AP1NAT-If- 10

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paghihinuha ng Konsepto ng Pagpapatuloy at Pagbabago
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 AP
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Masdan ang larawan. Gupitin at pagtambalin ang maaaring naging bunga
ng naunang yugto.

2. Pagganyak
Suriin ang larawan. Alin sa mga ito ang ginagamit ng isang sanggol? Bilugan ang
mga ito.

B. Panlinang na Gawain
1. paglalahad
Pagpapatuloy sa pagtalakay ng aralin tungkol sa paghihinuha. Tingnan ang
mga larawan ayun sa tamang pagkasunod-sunod ng yugto ng buhay ng isang
paru-paro.

2. Pagtatalakay
Gawain 1: Lagyan ng bilang 1-4 ayun sa tamang pagkasunod-sunod ng yugto ng
buhay ng isang manok.

Gawain 2: Lagyan ng bilang 1-4 ayun sa tamang pagkasunod-sunod ng yugto ng


buhay ng isang palaka.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
 Ang paghihinuha ay salitang tagalog na nangangahulugang matalinong
paghula o pagbibigay ng opinion sa mga pangyayari gamit ang mga
patunay na makatotohanan sa pamamagitan ng matalinong pag-iisip at
paghusga.

2. Paglalapat
 Kung ikaw ay pagsusulatin ng iyong pangalan, anu-ano ang mga bagay na
kakailanganin mo para dito. Iguhit sa iyong notbuk.
IV. PAGTATAYA
Piliin ang letra ng tamang sagot.

___1. Ikaw ngayon ay nag-aaral na sa baiting isa.


A. sanggol
B. 6 na taong gulang
C. 2 taong gulang

___2. Ikaw ay kumakain na mag-isa.


A. 2 buwang gulang
B. sanggol
C. 2 taong gulang

___3. Ito ay ibinibigay kapag ang sanggol ay gutom na.


A. baso ng gatas
B. kanin
C. dede

V. TAKDANG ARALIN
Mag-aral at maghanda para sa isang pagsusulit.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY


LEVEL: GRADE 1

LINGGUHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN

Pangalan:_________________________________________________________ Iskor:

I. Lagyan ng bilang ang kaho ayun sa tamang pagkasunod-sunod ng


yugto ng buhay ng isang bata.

II. Suriin ang mga larawan. Ang nasa bahaging A ay nagpapakita ng


mga naunang yugto sa buhay ng isang tao. Sa hanay B naman ay
ang paglalarawan ng mga maaring naging bunga ng naunang
yugto. Pag-aralan ang mga katangian nila upang mapagtambal mo
ang angkop sa bawat isa.

You might also like