You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

DIONY L. GONZALES
Hunyo 13-17, 2016
Unang Markahan

I. Layunin:
a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga /pagbibinata, sa kanyang mga talento, kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga tungkulin
bilang nagdadalaga/nagbibinata
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at
kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibi nata.

Unang Araw: PRE-TEST at PAUNANG PAGTATAYA


Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nahihinuha ng mga mag-aaral ang mga araling sa tingin niya ay kanya nang
alam at napagninilayan ang mga aralin na hindi pa niya napag-aaralan.
2. Nalilinang ang kanyang kakayahan sa pagpili sa pamamagitan ng pagpili niya
nang sa tingin niya ay pinakawastong sagot.

Layunin (Unang Araw)


Sa 50-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natataya ang mga kaalaman na kabilang sa mga tanong sa Pre-Test at Paunang Pagtataya sa
unang aralin
B. Nalilinang ang kakayahan sa wastong pagpili sa pamamagitan ng mga nasabing pagsusulit
C. Naiwawasto ang sagutang papel ng kaklase

II. Nilalaman
Paksa: MANGARAP KA!

Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay
(paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
Mahalagang Tanong: Anu-anong mga pagbabagong inaasahan ko sa aking
pagdadalaga/pagbibinata? Alin sa mga kakayahanko ang dapat kong linangin? Anu -anong mga bagay
ang dapat ko nang kalimutan o iwaksi?

Sanggunian
Ikaapat na Markahang Pagsusulit, Taong Panuran 2015-2016 at Susi sa Pagwawasto
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-3
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Modyul 1; Pahina 1-6
Mga Kagamitan
Sagutang papel, bolpen, susi sa pagwawasto na nasa visual aids

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
Pag-uulat/Pagtatala ng liban

B. Pagganyak
Stetching upang mabuhay ang mga natutulog na kalamnan at diwa. Muling masayang pagbati
upang maganyan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa pagsusulit. Pagpapaala-ala na huwag
mangamba kung hindi makapapasa sa gagawing pagsusulit sapagkat hindi itatal a ng guro ang
nakuhang grado. Iyon ay pagtataya lamang kung ano at hanggang saan ang kanilang nalalaman sa
mga darating na mga aralin.

C. Pagwawasto sa mga sagutang papel


Makikipagpalit ng sagutang papel ang mga nakaupo sa gitnang bahagi sa katapat na hanay upang
maiwasto ang papel ng kamag-aral.

D. Item Analysis
Kapag may oras pa ay ipagagawa ng guro ang pagtatala ng aytem.

1|B ANG H AY ARALI N SA ES P 7 – DI ONY L. GONZALES


IV. Takdang Aralin
Maghanda sa seating arrangement, sa isahang gawain sa susunod na pagkikita. Magdala ng
coloring materials, lumang magazines at pandikit.

Ikalawang Araw: SEATING ARRANGEMENT, ISAHANG GAWAIN (Pagtuklas ng Dating Kaalaman)

I. Layunin (Ikalawang Araw)


Sa 50-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagkakaroon ng seating arrangement upang mas madali sa mga mag-aaral at guro ang mga
magiging gawain sa mga susunod na araw
b. Natutukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang na 8 - 9 hanggang sa
kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad,
(b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan, at (d)
Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
c. Nakapagbabahagi ng gawain sa harapan ng klase.

II. Nilalaman
Paksa: MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA (Pagtuklas ng Dating Kaalaman)

Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay
(paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
Mahalagang Tanong: Anu-ano ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon
sa mga kategoryang: (a) Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad (b) Papel sa lipunan bilang babae o
lalaki (c) Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa (d) Kakayahang gumawa ng maingat na
pagpapasaya

Sanggunian
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-4
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Pahina 6-8
Mga Kagamitan
Activity Sheet, Coloring Materials, “Star in Action” (Reward System) sa mga mag-aaral na
magbabahagi ng gawain sa harap ng klase.

III. Pamamaraan
E. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
Pag-uulat/Pagtatala ng liban

A. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga kilalang artista noon bata pa sila hanggang
sa sila ay maging ganap na dalaga at binata na. Tatanungin ng guro ang buong klase: “Anu-
ano ang inyong napansin sa mga pagbabagong naganap sa mga artistang ito?” Matapos
magtawag ng ilang mag-aaral, sasabihin ng guro: “Nais ko rin malaman kung anu-ano ang
mga pagbabagong naganap sa inyo sa pamamagitan ng ating gawain. Simulan na ito upang
makapagbahagi pa tayo ng ating mga awtput.”

B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN


Isahang Gawain:

Panuto: Sa iyong activity sheet, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong
sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili.
Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga
kategoryang ito. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang
kategorya.

2|B ANG H AY ARALI N SA ES P 7 – DI ONY L. GONZALES


a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki.


2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan

Ngayon, ikaw naman:


a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
1. _____________________________
2. _____________________________ (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________

b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki


1. _____________________________
2. _____________________________ (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
7
c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________ (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
4. _____________________________
5. _____________________________

d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya


1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________ (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
4. _____________________________
5. _____________________________

C. Pagtataya
Magkakaroon ng “star” ang mga mag-aaral na boluntaryong magbabahagi sa harapan. Bibilangin
ito ng guro sa susunod na lingo sa ikalawang araw upang maitala sa hanay ng “recitation” para sa
karagdagang marka. Ang resulta ng gawaing Pagtuklas ng Dating Kaalaman ang siyang magiging
pagtataya sa linggong ito

IV. Takdang Aralin


Sagutan ang “Profayl Ko, Noon at Ngayon”

3|B ANG H AY ARALI N SA ES P 7 – DI ONY L. GONZALES


Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong
itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong
ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.

Profayl Ko, Noon at Ngayon

Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon


Pakikipag-ugnayan sa mga Hal. Kalaro ko ang aking mga Hal. Karamay ko ang mga
kasing-edad Kaibigan. kaibigan ko sa mga hinaharap
na suliranin.
Papel sa lipunan bilang babae o Hal. Tungkulin ko ang maging Hal. Nagtatrabaho at nag-aaral
lalaki isang mabuting mag-aaral. ako para makapasok sa mas
mahusay na trabaho.
Hal. Masunurin ako sa utos ng
Pamantayan sa asal sa aking mga magulang dahil Hal. Sumusunod ako sa batas
pakikipagkapwa alam nila ang mabuti para sa upang makaiwas sa suliranin.
akin.
Kakayahang gumawa ng Hal. Ang aking mga magulang Hal. Ginagawa ko kung ano
maingat na pagpapasiya ang nagpapasya para sa akin. ang alam kong makabubuti sa
akin at sa aking pamilya.

Ikaw naman:

Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon


Pakikipag-ugnayan sa mga
kasing-edad
Papel sa lipunan bilang babae o
lalaki

Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa
Kakayahang gumawa ng
maingat na pagpapasiya

Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, isa-isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa
iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon.

Tayain kung positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa iyong sarili

4|B ANG H AY ARALI N SA ES P 7 – DI ONY L. GONZALES


Kung nakarating ka sa itaas ng bundok, positibo ang karamihan sa mga naging pagbabago sa iyo. Kung hindi
ka umabot dito, maaaring mas maraming negatibo kaysa positibong pagbabago sa iyo.

Sagutin sa iyong kwaderno:


Sa iyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing na iyong ginawa.
Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba.
1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata?
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan?
6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?

Magdala ng colored paper. (Magtatalaga ang guro ng kulay sa bawat pangkat [section] ng kanilang kulay)

Inihanda ni: Checked by:

DIONY L. GONZALES JESSICA Y. SANTOS


Guro, EsP 9 Puno ng Kagawaran, EsP

5|B ANG H AY ARALI N SA ES P 7 – DI ONY L. GONZALES

You might also like