You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Ikaapat na Markahan: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya


Sa Uri ng Buhay

I. LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya sa uri ng
buhay
2. Nakapagbibigay ng ilang hakbang sa paggawa ng wastong pasya
3. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting pagpapasya.

II. NILALAMAN:
A. PAKSANG ARALIN: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng
Buhay (Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Paksa)
B. SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kwarter 4 -Modyul 14: Ang
Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay
C. KAGAMITAN: laptop, telebisyon, powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
GAWAIN NG GURO
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PANALANGIN
2. PAGBATI
3. PAG SASAAYOS NG SILID
4. PAGTATALA NG MGA LIBAN

B. PAGBABALIK ARAL

1. Ano-ano muli ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya?

1. PAGGANYAK

Dumating na ba sa iyong buhay ang pagkakataon na kinailangan mong mamili sa pagitan ng mga
bagay na may halaga sa iyo? Ano ang iyong naging damdamin tungkol dito? Ano ang iyong ginawa?
Ibahagi mo ang iyong naging karanasan gamit ang pormat sa ibaba.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong naging pasya?


2. Ipaliwanag ang naging bunga ng iyong pasiya.
3. Ano sa inyong palagay ang kaugnayan nito sa ating tatalakayin

2. PAGTALAKAY

Hindi ba maaari natin ihalintulad ang paglalaro ng chess sa ating mga pagpapasiya sa buhay?
Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Ito ang dahilan kung bakit binibigyan din tayo ng
laya na magpasiya para sa ating sarili. Isa itong gawain na hindi maiiwasan ng sinuman sa araw-
araw. Ngunit ang tanong, sapat na ba ang iyong kaalaman para magpasiya at mamili? Katulad ka ba
ng isang grandmaster sa chess na laging naipananalo ang kaniyang laban? Kung hindi pa ganap ang
iyong tiwala sa iyong kakayahan, makatutulong sa iyo ang babasahing ito.

Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasya


Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng
isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili. Ang
pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon. Ang pagpili ng
paglalakad sa bangketa ay pagpili na hindi maglakad sa kalsada. Ipinapalagay, sa simpleng pagpili na
ito, na alam mo ang kaibahan ng bangketa sa kalsada – kaysa, halimbawa, sa isang lasing na ang
paningin at pambalanse ay naapektuhan ng alkohol. Kung mahusay ang pagpapasya, mas malinaw
ang mga pagpiling gagawin.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya

1. Magkalap ng kaalaman.

2. Magnilay sa mismong aksiyon.


a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon.
b. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang iyong personal
na hangarin sa iyong isasagawang aksiyon.
c. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon.
3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.
4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
5. Pag-aralang muli ang pasiya

3. PAGLALAHAD

Think, Pair, Share


Panuto: Pumili ng kapareha, sagutan ang tsart at ibahagi sa isa’t isa ang kasagutan.

Mga Mga Naging Mga Maaaring Dahilan ng


Mahahalagang Pasya ni Mark Kinahinatnan ng naging Pasya Pasya
Pangyayari sa Pasya ni Mark mo
Buhay ni Mark

Kung kayo ang nasa sitwasyon ni Mark, ano ang inyong magiging pasya? ______________
_________________________________________________________________________

4. PAGLALAHAT
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o
nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang prosesong
ito sa ating pagpili. Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o
diskriminasyon.

5. PAGTATAYA

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang
pasya at MALI kung hindi.

_____1. Mahalaga na mapag-aralang muli ang pasya.


_____2. Hindi na kailangang magnilay sa mismong aksyon.
_____3. Sa mabuting pagpapasya, kinakailangang mangalap muna ng kaalaman.
_____4. Hindi kailanman kailangan ang paghingi ng gabay sa Diyos sa pagpapasya.
_____5. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang iyong
personal na hangarin sa iyong isasagawang aksiyon

IV. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Gawin ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ito sa inyong kwaderno.
1. Ano ang ibig sabihin ng Personal Mission Statement o Pahayag ng Layunin sa
Buhay?
V. REPLEKSYON
Naibigay ng mga mag-aaral ang kanilang sariling pasya hinggil sa isang sitwasyong
nabasa nila na naranasan ng tauhan. Nabanggit nila ang kahalagahan at dulot ng
pagkakaroon ng wastong pasya.

VI. MGA TALA


182/206 ang nakakuha ng 5 puntos sa pagtataya.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:


JENNY JOY MADEL L. DIMAUNAHAN RAYMUNDO F. HERMO
Teacher I Punung-guro II

You might also like