You are on page 1of 2

a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL


Santiago, City of Gen. Trias, Cavite

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan
Week 2, Day 1

I. LAYUNIN

1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri


ng buhay.
2. Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung
ito ay may pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya
3. Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ay gabay sa tamang pagpapasiya upang magkaroon ng tamng direksiyon
sa buhay at matupad ang mga pangarap

NILALAMAN

A. Paksa: Modyul 14: Ang Mabuting Pagpapasiya


B. Kagamitan: pisara, yeso, marker, pantulong na biswal , LCD Projector, laptop
C. Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao
Kagamitan ng Mag-aaral

D. Pamantayang Nilalaman: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng


makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay..

E. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na


Pahayag sa Buhay batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya

III. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain
Patalista (Mag-ulat ang bawat pastol ng grupo sa kanilang nawawalang tupa)
Panalangin:

May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng
kamatayan. –Proverbs 14:12

Gabay na tanong tungkol sa bible verse bago ang panalangin.


1. Sa iyong palagay ,ano ang kahulugan ng bible verse na ito?
a

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL


Santiago, City of Gen. Trias, Cavite

A. PAGGANYAK

Pagpapakita ng mga larawan na magpapakita ng mga sitwasyon kung saan ay


pipiliin nila ang dapat na gawing pagpapasya.

B. PAGLALAHAD- POWERPOINT PRESENTATION


1. Kohleberg’s moral Dillema
2. Mga sangkap sa Pagpapasiya
3. Mga Hakbang sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya
4. Pagtalakay sa Pahayag ng Personal na Layunin sa Buhay o Personal Mission
Statement
5. Mga Paraan sa Pagsulat ng Mission Statement ayon kay Steve Covey

C. PAGHAHALAW

Paglalahat

Ang personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa punong may malalim na


ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lalago.

Pagpapahalaga:
Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, mahalagang maunawaan na ang
pagkaunawa sa pagkakaroon ng mabuting pagpapasya sa iyong buhay habang
ikaw ay bata pa ay magbibigay sa iyo ng maganda at makabuluhang buhay.
D. PAGLALAPAT-TAKDANG ARALIN 100 points

Gumawa ng personal mission statement batay sa mga hakbang ng mabuting


pagpapasiya na tinalakay sa klase. Isulat ito sa short bond paper at gumamit
ngpangkulay at dekorasyon.

Inihanda ni:

JESSICA M. ACEBUCHE
TI, SANTIAGO NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like