You are on page 1of 68

TALENTO MO,

TUKLASIN,
KILALANIN AT
PAUNLARIN!
TALENTADO KA
BA?!!!
Ang talento ay
ginagamit na
kasingkahulugan
ng biyaya at
kakayahan.
Ito ay isang likas
na kakayahan na
kailangang
tuklasin at
paunlarin.
Tulad ng isang
biyaya, dapat
itong ibahagi sa
iba.
Ang talento ay
isang pambihira
at likas na
kakayahan.
Ang kakayahan ay
kalakasang intelektwal
upang makagawa ng
isang pambihirang bagay
tulad ng kakayahan sa
musika o kakayahan sa
sining.
Ang talento ay may
kinalaman sa
genetics o mga
pambihirang
katangiang minana
sa magulang.
Ang kakayahan naman
ay likas o tinataglay ng
tao dahil na rin sa
kanyang intellect o
kakayahang mag-isip.
Ang pagtutuon ng
atensyon ng marami sa
talento sa halip na sa
kakayahan ay isang
hadlang tungo sa
tagumpay.
Mas mahalagang bigyan
ng tuon ang kakayahang
magsanay araw-araw at
magkaroon ng
komitment sa
pagpapahusay sa taglay
na talento.
Ang bawat tao ay may
kanya kanyang panahon
ng pagsibol, lalo na ang
mga teenager. Ang iba at
tinatawag na Late
Bloomer.
Kaya hindi dapat
ikasira ng loob ang sa
tingin natin ay
napakasimple nating
mga kakayahan.
KAILANGAN NATING
TUKLASIN ANG ATING
MGA TALENTO AT
KAKAYAHAN.
Kung sa bawat gawain o
pagkakataon na ibibgay sa atin
ay magbubuhos tayo ng ating
atensyon, panahon, lakas at
talino, matutuklasan natin ang
ating mga talento at kakayahan
at ang hangganan ng mga ito.
ANG TEORYA NG
MULTIPLE
INTELLIGENCES ayon
kay DR. HOWARD
GARDNER
Ayon sa teoryang ito,
ang mas angkop na
tanong ay “ANO ANG
IYONG TALINO?” at
hindi “GAANO KA
KATALINO?”
VISUAL SPATIAL
Ang taong mabilis na matuto sa
pamamagitan ng paningin at
pag-aayos ng mga ideya.
Nakagagawa sya ng mahusay
na paglalarawan ng ideya na
kailangan din niyang makita
upang maunawaan ito.
May kakayahan sya na
makita sa kanyang isip
ang mga bagay upang
makalikha ng isang
produkto o makalutas ng
suliranin.
May kaugnayan
din ang talinong
ito sa kakayahan
sa matematika
Ang larangan na
angkop sa talinong
ito ay sining,
arkitektura at
inhinyera.
VERBAL/
LINGUISTIC
Ito ay talino sa
pagbigkas o
pagsulat ng
salita.
Kadalasan ang mga taong
may taglay na talinong ito
ay mahusay sa pagbasa,
pagsulat, pagkukwento at
pagmememorya ng mga
salita at mahahalagang
petsa.
Mas madali syang
matuto kung
nagbabasa,
nagususulat,
nakikinig, o
nakikipagdebate.
Mahusay sya sa
pakikipagtalumpati,
pagpapaliwanag,
pagtuturo,
pagtatalumpati o
pagganyak sa
pamamagitan ng salita.
Ang larangan na
nababagay sa talinong
ito ay pagsulat,
abogasya,
pamamahayag, politika,
pagtula at pagtuturo.
MATHEMATICAL/ LOGICAL
Taglay ng taong may
talino nito ang mabilis na
pagkatuto sa
pamamagitan ng
pangangatwiran at
paglutas ng suliranin.
Ito ay talinong kaugnay ng
lohika, paghahalaw at
numero. Gaya ng
inaasahan, ang talinong ito
ay may kahusayan sa
matematika, chess,
computer programming at
iba pa.
Ang larangan na
kaugnay nito ay
pagiging scientist,
mathematician,
inhinyero, doktor,
ekonomista.
Ang larangan na
kaugnay nito ay
pagiging scientist,
mathematician,
inhinyero, doktor,
ekonomista.
Bodily/ Kinesthetic
Ang taong may ganitong
talino ay natututo sa
pamamagitan ng mga
kogkretong karanasan o
interaksyon sa
kapaligiran.
Mas natututo siya sa
pamamagitan ng
paggamit ng kanyang
katawan, tulad
halimbawa sa
pagsasayaw o paglalaro.
Mahusay sya sa
pagbubuo at
paggawa ng mga
bagay gaya ng
pagkakarpintero.
Ang larangang karaniwang
kanyang tinatahak ay ang
pagsasayaw, sports,
pagiging musikero,pag-
aartista, doktor,
konstruksyon, pagpupulis,
at pagsusundalo.
MUSICAL/ RHYTHMIC
Ang taong nagtataglay ng
talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit,
ritmo, o musika. Hindi
lamang ito pagkatuto sa
pamamagitan ng pandinig
kundi pag-uulit ng isang
karanasan.
Likas na nagtatagumpay
sa larangan ng musika
ang taong may ganitong
talino. Magiging masaya
sila kung magiging isang
musician, kompositor, o
disc jockey.
INTRAPERSONAL
Natututo ang tao
sa pamamagitan
ng damdamin,
halaga, at
pananaw.
Ito ay talino na
kaugnay ng kakayahan
na magnilay at
masalamin ang
kalooban
Karaniwang ang
taong may ganitong
talino ay malihim at
mapag-isa o
introvert.
Mabilis niyang
maunawaan at
matugunan ang
kanyang
nararamdaman at
motibasyon.
Ang larangang
kaugnay nito ay isa
researcher,
manunulat ng mga
nobela o negosyante
NATURALIST
Ito ay talino sa pag-uuri,
pagpapangkat, at
pagbabahagdan. Madalas
niyang makikilala ang mumunti
mang kaibahan sa kahulugan.
Hindi lamang ito angkop sa
pag-aaral ng kalikasan kundi sa
lahat ng larangan.
Kadalasan ang mga
taong mayroong
ganitong talino ay
nagiging
environmentalist,
magsasaka o botanist
EXISTENTIALIST
Ito ay talino sa
pagkilala sa
pagkakaugnay ng
lahat sa daigdig.
Ang talinong ito ay
naghahanap ng
paglalapat at
makatotohanang pag-
unawa ng mga bagong
kaalaman sa mundong
ating ginagalawan.
Kadalasang ang
taong mayroong
ganitong talino ay
masaya sa pagiging
philosopher o
theorist.
INTERPERSONAL
Ito ang talino sa
interaksyon o
pakikipag-ugnayan
sa ibang tao.
Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at
makiisa sa isang
pangkat.
Siya ay sensitibo at
mabilis na nakakatugon
sa pagbabago ng
damdamin, motibasyon
at disposisyon ng kapwa.
Kadalasan sya ay
nagiging tagumpay sa
larangan ng kalakan,
politika, pamamahala,
pagtuturo o edukasyon
at social work.
Kailangang paunlarin
ang ating mga
talento at
kakayahan.
Kadalasan, di sapat
ang likas na
kakayahan upang
maging bihasa at
matagumpay.
Ang kanilang
pagtatagumpay at
kahusayan ay bunga
ng masusi at
matamang
pagsasanay.
Bukod sa talento o
kakayahan,
mahalaga rin na tayo
ay may interes o hilig
sa ating larangang
pinasok.
Dapat tayo ay
masaya sa ating
ginagawa upang
magkaroon tayo ng
insipirasyon at
motibasyon
Kailangang
malampasan ang
ating mga kahinaan.
TAKDANG ARALIN!
GAWIN ANG PAHINA
PP.33-38 (EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO)
(Gawin sa isang buong
papel)
GAWAIN: Sa isang buong
papel, Isulat ang iyong
reaksyon at gagawing
mga hakbang upang
mapaunlad pa ang iyong
talento.

You might also like