You are on page 1of 5

REPUBLIKA NG PILIPINAS

COMISSION OF HIGHER EDUCATION


REHIYON IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

Msusing Banghay-Aralin para sa Pakitang-Turo sa Filipino

Petsa : Abril 18, 2016


Araw : Lunes

I.KASANAYANG PAGKATUTO (LAYUNIN)


a) Nabibigyang kahulugan ang salitang “Kalayaan”.
b) Nakaipapakita ang iba’t ibang uri ng kalayaan sa masining na pamamaraan.
c) Napapahalagahan ang kalayaang tinataglay ng bawat isa.

II.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (NILALAMAN)


Panitikan : Sanaysay ng Kalayaan
Paksa : Pagtukoy sa mahahalagang pangyayaring nagaganap sa parabola.
Sanggunian : Ma. Celeste del rosario Aguila:Mithi II Sa Panitikan at Wikang Pilipino, pp.19-22
Kagamitan : Pantulong biswal, yesa, at pisara.

III.PROSESO NG PAGKATUTO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagdarasal
2. Pagsasaayos ng silid aralan
3. Pagtatala ng mga liban

B. AKTIBITI

Okay, klas. Alam kong nanunuod kayo ng


telebisyon lalo na tuwing tanghali. Isa sa
unyong pinapanuod ay ang palabas na
“It’s Showtime”. May isang programa
roon kung saan ay hinuhulaan ng isang tao
ang ibinubuka ng bibig ng kanyang
kakampi. Ngayong araw na ito ay gagawin
natinito sa klase at Ito ay pamamagatan
natin itong “Ang Sabe?”
Kailangan ko ng isang boluntaryo upang
isagawa ito sa unahan at huhulaan ng
buong klase.

(Tatawagin ng guro ang isang


boluntaryong mag-aaral)

Mayroon akong inihandang lupon ng mga


salita na kailangang hulaan ng klase .
kailangan ninyo itong mahulaan sa loob
lamang ng dalawang minute. Naiintindihan
ba ? Opo.

Magaling! Simulan na natin.


Mga salita:
1. Kadena
2. Kahulugan
3. Bandila
4. Kalapati
5. Kalangitan
6. Demokrasya
7. Laso
8. Kalayaan
9. Pagkakaisa
10. Diyos
C. Analisis

Ang larawang ito ay may malaking


kaugnayan sa paksang ating tatalakayin sa
raw na ito. At ito ay ang sanaysay ng
“Kalayaan”.

Nais nyo abng matunghayan ang parabula? Opo.

Ako ay magsisimula ng pagbasa at tatawag


ako ng mga susunod na babasa.
Handan a ba kayo? Opo.

(Pagbabasa ng sanaysay)
“Kalayaan” ni Marcelo H. del Pilar

Upang lubusan ninyong maunawaan ang


akda ay may inihanda akong katanungan.

1. Ano ang iyong naramdaman habang


binabasa ang akda? Nagtataka dahil ayon sa nabasang akda sinasabing
ang mga hayop ay iba lalo na sa tao, dahil di dapat
tayo ikumpara sa hayop kung alam nating iba tayo
sa kanila.

2. Anong bahagi ng akda ang kumintal sa


iyong isipan? (Ang mga mag-aaral ay may Iba’t ibang kasagutan)

3. Sa iyong palagay nakatulong ba ang


binasang akda upang malaman ang
kahalagahan ng kalayaan? Opo, mas makokonsensya ang mga tao na gumawa
ng kasalanan lalo na sa kanilang kapwa.

4. Ano ang ibig sabihin ng kalayaan ayon


kay Marcelo H. del pilar? Ibig sabihin po ay kung wala tayong kalayaan tulad
ng isang ibon tayo ay maituturing na hayop na
ikinulong sa isang hawla pero kung tayo ay may
kalayaan nasa sa atin na kung gagamitin natin ito
sa tama.

5. Bakit hindi magkatulad ang


pagkakaroon ng kalayaan ng tao at
hayop? Dahil tayong mga mayroong pag-iisip na
magbibigay at magsasabi ng tama at dapat gawin ,
samantalang ang hayop naman ay di marunong
mag-isip kailangan po silang turuan.

6. Paano natin masasabing di inaabuso ng


tao ang kalayaan? Kung ito ay ginagamit sa wasto at sa magandang
bagay tulad ng pagtulong sa kapwa.
7. Bakit kailangang ganap ang kalayaan n
gating kaisipan? Upang malaman at maintindihan kung alin ba ang
tama at mali.

8. Ano ang dapat gawin sa kalayaang


ipangkaloob ng diyos sa atin ? Dapat nating gamitin ito sa tama at sa mas kapaki-
pakinabang.

D. ABSTRAKSYON

Pangkatang Gawain:
Bawat pangkat ay inatasang
ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga
pariralang iniatas na gawain.

Pangkat I
Kalayaan sa pagmamahal.
Pangkat II
Kalayaan sa pagpili ng relihiyon. (Presentasyon ng bawat grupo)
Pangkat III
Kalayaan sa pagsasalita.
Pangkat IV
Kalayaan sa pamamahayag.

Rubrik para sa oral presentation:


Kaugnayan sa tema 45%
Kalinawan 20%
Kalidad ng boses 20%
Presentasyon 10%
100%

E. APLIKASYON
Ano ang inyong aral sa binasa nating
parabula? Kung ako po ang tatanungin ang aking nakuhang
aral ay dapatnating gamitin ang kalayaang
ipinagkaloob satin ng diyos sa maayos na paraan.
(Ang mga mag-aaral aymay kanya kanyang
kasagutan)
IV.PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin sa hanay C ang salitang kumakatawan sa bawat bilang sa hanay B. isulat sa
hanay A ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B Hanay C


1. Ang ____ ay walang kalayaan tulad ng a. ikinasawi
tao.
2. Nilikha ng _____ ang tao at b. diyos
sinangkapan ng pag-iisip at loob
bilang kalayaan.
3. Ang kalayaan ay dili kundi _____ c.hayop
sumunod o sumuway sa sariling
kalooban.
4. Ang gawaing mabuti ay nararapat sa d.pagdedesisyon
panginoon , ang masama ay ______.
5. Ang kalayaan sa pagbalik at ______ e.kapangyarihang
ay nararapat upang masabi ang tama
at mali.

1.D
2.B
3.E
4.A
5.C

V. Takdang Aralin

Sa pamamagitan ng pagguhit ilarawan ang kalayaan sa pagpili ng taong uupo sa pwesto sa


darataing na halalan sa bansa. Iguhit sa isang Oslo paper.

Inihanda ni:
MIKEE V. ATIENZA
Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

_____________________
Sir Joel Sangalang
Gurong Tagapatnubay

You might also like