You are on page 1of 17

Pagpapaunlad ng

mga
Hilig
Inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a.Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay


nakatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda
tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa
kapwa at paglilingkod sa mamamayan. (EsP7PS-If-3.3); at
 
b.Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga
sariling hilig. (EsP7PS-If-3.4)
Pumili ng pinakahilig mong larawan sa ibaba, sabihin kung bakit mo ito gusto. Kung wala sa pagpipilian
ang iyong hilig, maari kang gumuhit o magdikit ng sarili mong larawan. Isulat ang sagot sa
kwaderno sa EsP.
Magsulat ng limang pinakagusto sa buhay at iranggo ito mula sa pinakagusto
hanggang sa pinakahuling gusto. Maaaring ang mga hilig na ito ay
ginagawa mo sa bahay, sa paaralan o sa pamayanan.

Mga Hilig Ranggo(Rank)


1  

2  

3  

4  

5  
Mga Hilig
“Ang mga hilig ay preperensiya sa mga
partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.
Nagsisikap ka kung may motibasyon dahil
gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at
nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na
makatutulong sa iyong pag-unlad.”
(Santamaria, 2006)
Ang mga hilig ay maaaring:
a.Natutuhan mula sa mga karanasan
b.Namamana sa ating mga magulang.
c.Galing sa ating mga pagpapahalaga at
kakayahan. 
Makatutulong sa iyo ang kasunod na mga hakbang:
1.Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan
(hobby) at paboritong gawain.
2.Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa
iyo.
3.Suriin ang mga gawaing iyong iniiiwasang gawin.
Sampung Larangan ng Hilig:
1.Outdoor – nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
2.Mechanical – nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan
(tools)
3.Computational – nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang
o numero
4.Scientific – nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman,
pagdidisenyo at pag-imbento ng mga bagay o produkto
5.Persuasive – nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-
ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan
6.Artistic – nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo
ng mga bagay
1.Literary – nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at
pagsusulat.
2.Musical – nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o
pagtugtog ng instrumentong musikal
3.Social services – nasisiyahang tumulong sa ibang tao
4.Clerical – nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang–
opisina
Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang
gawain. Ito ay maaaring:
Tao – may kinalaman sa tao
Datos – may kinalaman sa mga records, files, numero
Bagay – gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine)
Ideya – pag -iisip at pag-oorganisa ng mga ideya
Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa kwaderno
sa EsP at ipaliwanag ang mga sumusunod.

1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?


__________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga hilig?
____________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
____________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at ang tuon ng mga ito?
______________________________________________________
Kopyahin at dugtungan ang mga konsepto sa pagpapaunlad ng mgachilig gamit
ang graphic organizer: Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.
Kopyahin ang tsart ayon sa hinihingi: Magtala ng limang hilig, at
isulat ang iyong sagot sa kwaderno sa EsP.
Kopyahin sa iyong kwaderno sa EsP ang nasa ibaba at isulat ang bilang 1
hanggang 7 ayon sa iyong hilig (1 ang pinakagugusto mo at 7 ang pinakahuling
gusto mo.) Ang mga larawan ay ang batayan ng pagraranggo ng mga gawaing
kinahihiligan.
Gawaing panlabas
Mga gawaing mekanikal

Mga gawaing may kaugnayan sa computer


gawaing may kaugnayan sa pagdidisenyo

gawaing may kaugnayan sa pagbabasa


at pagsusulat ng mga akdang
pampanitika
Mga gawaing pang-opisina

gawaing tumutulong sa
ibang tao (social services)
Pitong Larangan ng mga Hilig Bilang
 
Mga gawaing panlabas
 
Gawaing mekanikal
 
Gawaing may kaugnayan sa computer
 
Gawaing pagdidisenyo
 
Gawaing may kaugnayan sa pagbabasa at
pagsusulat
 
Gawaing pang -opisina
 
Gawaing tumutulong sa ibang tao
Sagutin: Isulat ang sagot sa kwaderno sa EsP:
1.Ano -ano ang inyong natutuklasan sa
pagraranggo ng iyong mga hilig?
 
2.May kaugnayan ba ito sa pagtupad ng iyong
kursong teknikal – bokasyonal, negosyo at
hanapbuhay?

You might also like