You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 IKAAPAT NA MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakabubuo ang mag-aaral ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
C. MGA KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
EsP9PKIVc-14.2

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

KBI: Maging SMART sa lahat ng gagawing hakbang upang maabot ang mga pangarap.

III. KAGAMITAN SA PAGKATUTO


A. SANGGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Modyul para sa mga Mag-aaral Pahina 232-250
Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Gabay sa Pagtuturo Pahina 114-120

B. IBA PANG KAGAMITAN


Flash Card ng katagang “Begin with the End in Mind”

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagsasanay
Gawain: Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga pangungusap sa ibaba. Isulat
ang bilang 1 para sa una-5 para sa huli gamit ang krayteryang SMART.
___ 1. Nasusukat
___ 2. Naaabot
___ 3. Tiyak
___ 4. Nasusukat ng Panahon
___ 5. Angkop

2. Balik-aral
Tanong: Ano ang kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
3. Paghahanda/ Pagganyak
Tanong: Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly
Effective People, “Begin with the end in mind.” Magbigay ng tatlong ibig sabihin nito?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Gawain
Gawain: Sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB),
sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Anu-ano ang aking pagpapahalaga?
3. Ano ang nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa
aking buhay?

2. Pagsusuri
Gawain: Batay sa ginawang pagsagot sa mga katanungan sa pagbuo ng PPMB,
paano ito makatutulong sa iyo sa pagbuo ng PPMB at para makamit ang pangarap
mo sa buhay?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paghahalaw
Gawain: Gumawa ng matrix o talahanayan para mas lalong mapatatag at laong
maging tiyak sa pagbuo ng PPMB gamit ang krayteryang SMART. Sundin ang pormat
sa pahina 244-245 ng modyul.

2. Paglalapat
Gawain: Kung ang isang barkong naglalayag sa dagat sa gabi at sa panahon
ng bagyo ay nakaranas ng kawalan ng direksiyon, ano kaya ang gagabay ditto upang
maiwasan ang pagkaligaw ng daan at malayo sa kapahamakan? (Sagot: Lighthouse)
Tanong:
1. Maituturing mo baa ng iyong PPMB bilang iyong lighthouse?
2. Paano kang makasesegurong makararating nang ligtas sa iyong
destinasyon (mithiin o pangarap) gamit ang iyong lighthouse?

3. Paglalahat
Tanong:
1. Anu-anong pansariling pagtataya ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? Ipaliwanag ang bawat
isa.
2. Bakit kailangang alamin ng isang tao kung sino ang pinakasentro ng
kaniyang buhay bago siya gumawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay?
4. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ang hakbang sa pagbuo ng PPMB ay TAMA o MALI.
Isulat ang OO kung ito ay tama at HINDI kung ito ay mali.
1. Gamitin ang krayteryang SMART.
2. Alamin ang pinakasentro ng iyong buhay.
3. Maging malinaw sa karera o kursong pipiliin.
4. Isipin lang sarili bago ang iba.
5. Umalis kasama ang barkada.

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Pagnilayan ang gagawing Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay na dapat na
nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang
mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.

VI. MGA TALA

VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: _______


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation:______
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin: _______
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation: _______
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor?: _______________
G. Anong kagamitang panturo ang aking naidibuho na nais kung ibahagi sa mga kapwa guro:
_____________________

You might also like