You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Ikaapat na Markahan: MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG KURSONG


AKADEMIKO O TEKNIKAL-BOKASYONAL O NEGOSYO
I. LAYUNIN:
1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pansariling salik sa pagpili ng
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining o sports, negosyo o hanapbuhay
2. Naiuugnay ang kahalagahan ng personal na salik sa pagkakamit ng mithiin sa buhay
3. Natutukoy ang iba pang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng kursong
pang-akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo. EsP7PB-IVe-15.1

II. NILALAMAN:
A. PAKSANG ARALIN: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng
Buhay (Pahayag ng Personal na Layunin sa Buhay)
B. SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kwarter 4 -Modyul 14: Ang
Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay
C. KAGAMITAN: laptop, telebisyon, powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
GAWAIN NG GURO
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PANALANGIN
2. PAGBATI
3. PAG SASAAYOS NG SILID
4. PAGTATALA NG MGA LIBAN

B. PAGBABALIK ARAL

1. Ano nga muli ang kahalagahan ng pagsulat ng motto o inspirational quoates sa buhay ng
isang tao?
2. Ano-ano nga muli ang mga dapat isaalang-alang sa bawat gagawing pagpili?

1. PAGGANYAK
Stop the Car!!! (Pangkatang Gawain)
Panuto: Ang bawat grupo ay kinakailangang maghanda ng mga katanungan. Bibigkasin ng guro ang
salitang stop the car at pipili ng grupo na magbibigay ng salita depende sa category na ibinigay ng
guro. Ang grupo na hindi makapagbigay ng salita ang siyang tatanungin ng ibang grupo. Paunahang
maka-3 puntos. Ang makatatlo ang tatanghaling panalo.

2. PAGTALAKAY
Ang Pahayag ng Personal na Layunin sa Buhay o Personal Mission Statement

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan na may halaga sa iyo at
tunay na pinaniniwalaan mo. Maaaring ito na ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na layunin
sa buhay.
2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng labinlimang minuto ay isulat mo ang
anumang nais mong isulat tungkol sa iyong misyon. Huwag kang mag-abalang
magsala ng mga ideya o itama ang mga pagkakamali dito. Matapos ang labinlimang minuto ay maaari
mo na itong salain at itama ang mga pagkakamali sa balarila o gramatika. Sa loob lamang ng 30
minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng layunin sa buhay.
3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar kung saan ka maaaring
mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang paggawa ng iyong layunin sa buhay sa anumang
paraang makatutulong sa iyo.
4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang perpektong pagkakasulat
ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka
ng guro. Ito ay personal mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo. Itanong sa
iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala sa aking isinulat?” Kung masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng
pahayag ng layunin sa buhay. Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang
panatilihing matatag sa anumang unos na dumating sa iyong buhay.
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang dapat isaalang-alang sa bawat gagawing pagpili?
2. Bakit mahalagang magkalap ng kaalaman bago magsagawa ng pagpapasya?
3. Bakit mahalagang pagnilayan ang isasagawang kilos?

3. PAGLALAHAD

Sa isang short bond paper, gagawa ng motto o quotation ang mga mag-aaral na siyang magiging
inspirasyon nila sa paggawa ng personal na layunin sa buhay. Mamarkahan ang mga mag-aaral
batay sa pamantayan sa ibaba

Pamantayan
Kaugnayan sa Paksa-------10
Pagkamalikhain--------------10
Presentasyon-----------------10
Kabuoan-------30

4. PAGLALAHAT
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ayon kay Covey, saan daw maihahalintulad ang pahayag ng personal na layunin sa buhay?
2. Bakit mahalagang pagnilayan ang mga isasagawang kilos?

5. PAGTATAYA

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang
pasya at MALI kung hindi.

_____1. Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay,
hindi na mahirap ang bumuo ng layunin sa buhay.
_____2. Isang mabuting giya o gabay sa pagpapasya ang pagkakaroon ng layunin sa
buhay.
_____3. Hindi kinakailangan na magpahinga at magkaroon ng oras sa pag-iisip.
_____4. Kinakailangan ng perpekto ang pagkakasulat ng layunin sa buhay.
_____5. Ang pangongolekta ng kasabihan o motto ay maaaring magsilbing inspirasyon
upang makabuo ng layunin.

IV. TAKDANG-ARALIN
PANUTO: Magsagawa ng interview sa isang kapamilya, kaibigan o kakilala na nahaharap sa
isang suliraning nangangailangan ng pagpapapasya. Gumamit ng video recorder at kasamang
ipapasa ang video.
Mga tanong gabay sa interview:
1. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng inyong pamilya?
2. Ano ang matinding idinulot nito sa buong pamilya?
3. Paano ninyo ito sinulusyonan?
4. Bakit kailangang matatag sa suliraning hinaharap?
5. Alin sa mga naging paraan ng paglutas ng suliranin ang nais mong ibahagi sa tao?

V. REPLEKSYON
Nakapagbigay ang mga mag-aaral ng iba’t ibang mga kasabihan at motto na kanila ring
binigyang palahulugan o nagbanggit ng mga aral na kanilang natutuhan sa sinabing motto o
kasabihan o quotation.

VI. MGA TALA


91.20% na mga mag-aaral ang nakakuha ng 5/5 sa maikling pagsusulit.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

JENNY JOY MADEL L. DIMAUNAHAN RAYMUNDO F. HERMO


Teacher I Punung-guro II

You might also like