You are on page 1of 5

Arellano University

Elementary Department

MODYUL- Aralin Bilang 13 : Kamalayang Pansibiko

PANGALAN: PETSA:
BAITANG AT PANGKAT: GURO:
ASIGNATURA: PANURUANG TAON: 2020- UNANG KAPAT
Edukasyon Sa Pagpapakatao 5 2021

PAKSANG ARALIN : Kamalayang Pansibiko

MGA LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Layunin:

a. Naipakikita ang matalinong pagpapasya para sa kaligtasan ng sarili at kapwa.


b. Napahahalagahan ang mga alintuntuning dapat isaalang-alang para sa kaligtasan

Konsepto Bilang 1.13

Sa araling ito ang kamalayan at kaalaman tungkol sa pamayanang kinabibilangan ay mahalaga


upang maging bahagi at makibahagi sa mga gawaing pansibiko, tulad ng pakikilahok sa mga proyektong
pangkaligtasan bilang paghahanda sa pagdating ng kalamidad.
Isaisip Natin

Kamalayang Pansibiko ay nahahati sa dalawa:

1. Tungkuling Pansibiko- ito ay itinatakda ng batas at kailangang tuparin tulad ng pagboto, pagbabayad ng buwis,
at pagsunod sa batas.

2. Responsibilidad na Pansibiko- ito ay ang mga gawaing hindi idinidikta ng batas ngunit kailangan at
makatutulong sa pamayanan. Ito ay kadalasang nagsasangkot sa mga tao sa komunidad upang sama-samang
kumilo sa para sa ikabubuti ng nakararami.

Bilang mag-aaral kayo ay inaasahang makiisa at makisangkot sa mga gawaing may kinalaman sa
kaligtasan, kalinisan, ay kaayusan. Ito ay maaaring gawin sa paaralan at komunidad tungo sa pambansang
kaayusan at kapayapaan. Halimbawa nito ay ang pagsunod sa mga alituntunin na may kaugnayan sa pag-iingat,
pagsasanay at pag-iwas sa sunog, bagyo, lindol at baha.

Alamin natin ang mga tuntuning pangkaligtasan na dapat sundin, bago, habang at pagkatapos ng isang
lindol.

Bago Lumindol

1. Ihanda ang earthquake survival kit na


naglalaman ng radyong may baterya,
flashlight, first aid kit, tubig na inumin at
mga delatang pagkain.

2. Tiyaking matatag ang puwesto o base ng


mabibigat na kasangkapan tulad ng aparador o
kabinet na maaaring mabuwal kapag lumindol.
3. Suriin at tiyaking matibay ang pagkakabit ng
mga gamit at dekorasyong nakabitin.

Habang Lumindol

1. Kung nasa loob ng bahay o gusali, manatili


lamang sa loob nito. Pumunta sa lugar na hindi
mababagsakan ng mga gamit tulad ng ilalim ng
matibay na mesa.

2. Lumayo sa mga poste ng kuryente, pader at


iba pang estruktura na posibleng bumagsak.
Kung nasa labas o kalye, pumunta sa maluwag na
lugar o open area.

3. Kung nasa bundok, lumikas kaagad dahil


posibleng magkaroon ng landslide o pagguho ng
lupa.

Pagkatapos Lumindol

1. Makinig sa radyo o telebisyon at


sumunod sa babala para sa publiko.
2. Suriin ang sarili at tingnan kung may sugat
o pinsala sa katawan.

3. Kung nasa loob ng luma at marupok na


bahay o gusali lumabas ng mabilis at
manatiling kalmado at maayos.. Gamitin ang
daan sa pinakamalapit na labasan.

Tandaan Natin

Mahalagang tandaan ang mga tuntuning ito. Malaki rin ang maitutulong kung ang bawat isa ay
makikilahok sa mga pagsasanay pangkaligtasan na isinasagawa sa paaralan at lugar na pinapasukan. Sa ganitong
paraan, magiging sanay at handa ang ating mga sarili sa mga pagkakataon ng hindi inaasahang sakuna.

Pagsasanay Blg. 1

PANUTO: Sabihin ang TAMA o MALI ang mga pahayag. Isulat anHig iyong sagot sa patlang.

______________ 1. Hindi makikinig sa mga paliwanag sa mga pagsasanay.

______________ 2. Susunod sa mga anunsyo at patalastas.

______________ 3. Magiging kalmado sa pakikilahok sa fire at earthquake drill.


______________ 4. Makikipaglaro sa oras ng pagsasanay.

______________ 5. Titiyaking ligtas ang mga gamit na malilikha ng sunog.

______________ 6. Isasara nag tangke ng gas pagkatapos gamitin.

______________ 7. Ilalayo ang kandilang may sindi sa kurtina at mga bagay na madaling
magliyab.

______________ 8. Ibaba ang main switch kung may sunog sa paligid.

______________ 9. Unahing ilikas ang mga bata at matatanda.

______________ 10. Laging tatandaan at susundin ang mga alintuntunin sa pagsasanay kung
may sunog o lindol.

Pagsasanay Blg. 2

PANUTO: Isulat kung ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. Nag-imbita ang inyong guro ng isnag bumbero upang magbigay ng panayam para sa Fire Prevention
Month. Marami ang nagdadaldalan at hindi nakikinig.

____________________________________________________________________________________

2. Isang umaga nagising ka sa sigaw “Sunog!”.

____________________________________________________________________________________

3. May pagsusulit kayo nang maramdaman mong tila yumayanig ang inyong silid sa ikatlong palapag.
hindi ito namamalayan ng inyong guro at mga kamag-aral.

____________________________________________________________________________________

4. May naka-iskedyul na fire drill sa inyong paaralan nang hapong iyon. Nagbabalak ang mga kaklase mo
na huwag ng pumasok.

____________________________________________________________________________________

5. Naglalakad ka pauwi nang biglang lumilindol. Nagkakagulo at nagtatakbuhan ang mga tao. Nataranta ka
at nabitawan mo ang bag na dala mo.

____________________________________________________________________________________

Answer key

Pagsasanay Blg. 1

1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA

You might also like