You are on page 1of 17

Health 4

Self-Learning Module
Ika-apat na Markahan – Modyul 2: Injury Prevention, and First Aid
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health 4 ng (Self Learning Module) Modyul


para sa araling Injury Prevention, Safety and First Aid !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Health 4 ng (Self Learning Module) Modyul ukol sa


Injury Prevention, Safety and First Aid !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral,
ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan.
Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan- Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutunan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
Paunang Pagsubok- Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral- Dito masusukat ang iyong natutunan at naunawaan sa mga unang


paksa

Aralin- Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

Mga Pagsasanay- Pagbibigay ng guro ng ibat-ibang pagsasanay na dapat


sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat- Sa bahaging ito ay binubuod ang mahalagang konsepto na dapat


bigyan ng halaga.

Pagpapahalaga- Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pagkatuto ay naiugnay, nailapat sa inyong pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit- Dito masusukat ang mga natutunan ng mga


mag-aaral

MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


A. nakapagpapakita ng mga angkop at nararapat na
tugon bago, tuwing, at pagkatapos ng anumang
kalamidad o sakuna, at kagipitan;
B. nakapagbibigay ng mungkahi at paraan upang
makaiwas sa hindi mabuting dulot ng mga sakuna at
kalamidad;
C. natutukoy ang mga mabuting maidudulot ng maagap
at maagang paghahanda sa pagdating ng anumang
kalamidad o sakuna, at kagipitan;
D. nauunawaan ang epekto ng ibat ibang uri ng
kalamidad sa ari-arian at buhay ng tao.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Pagmasdang mabuti ang larawan sa ibaba.

1. Ano ang nakikita mo sa unang larawan?


Sa ikalawang larawan?
2. Ano ang nararapat na gawin upang mapaghandaan
ang ganitong sakuna?

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ito ay nagsasad ng wasto


at M naman kung hindi.
_________1. Ang lava at batong ibinubuga ng bulkan ay
lubhang mapanganib.
_________2. Pumasok sa paaralan si Linda kahit alam
niyang nasa signal no. 2 na ang kanilang
lugar.
_________3. Inilayo ni Dan sa kurtina ang kandilang may
sindi.
_________4. Hindi pinansin ni Mang Alfonso ang mga
natumbang puno at sirang linya ng
kuryente sa kanilang lugar.
_________5. Lumabas ng bahay habang lumilindol.

ARALIN
Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o
kalamidad. Ito ay aksidente o mga hindi sadyang pangyayari
tulad ng bagyo, lindol, at iba pa.
Ang maagap na paghahanda ay naglalayo sa sakuna. Upang
maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural na kalamidad,
makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala, at maging
alerto. Maaring malaman ang pinakabagong impormasyon ukol
sa sama ng panahon sa radyo, telebisyon o internet. Laging
ipinapahayag sa telebisyon o radyo ang pagdating o paglapit ng
isang bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, baha at malakas na
hangin.
Mga Dapat Tandaan sa Panahon ng Kalamidad
BAGYO
BAGO dumating ang bagyo
● Manood ng balita sa telebisyon o radyo ukol sa lagay
ng panahon.
● Isaayos at itabi sa ligtas na lugar ang mga
importanteng bagay at mahalagang papeles.
● Mag-imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain.
● Siguraduhing kumpleto ang emergency supplies
katulad ng baterya ng radyo, flashlights, at first aid
kit.
● Itsek ang bubong ng bahay at ang mga puno sa
bakuran na posibleng bumagsak dahil sa malakas na
hangin.
HABANG may bagyo
Signal No. 1
● Makinig ng balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
● Walang pasok ang pre-school sa paaralan.
● Magdala ng payong, kapote, at bota kung lalabas.

Signal No. 2
● Makinig ng balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
● Walang pasok sa elemetarya at sekondarya.
● Manatili sa loob ng bahay kung kailangan.
● Iwasang magbiyahe maging sa daan, dagat, at
himpapawid.
● Maging handa sa posibleng pagbaha.
● Maghanda kung sakaling kinakailangang lumikas sa
mataas at mas ligtas na lugar
Singal No. 3
● Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan maging sa
opisina
● Manatili sa loob ng bahay o sa lugar na mas ligtas.
● Kung nakatira sa mababang lugar, lumikas sa mas
mataas at mas ligtas na lugar.
● Iwasan ang pagpunta sa anumang uri ng anyong
tubig.
Signal No. 4
● Ipagpaliban ang ano mang gawain at manatili sa loob
ng bahay.
● Lumikas sa mas mataas na lugar sa posibleng
pagbaha o landslide.
● Umantabay sa mga ulat sa mass media.
● Maghanda ng emergency kit.
● Kapag bumaha patayin ang main switch.

PAGKATAPOS ng bagyo
● Kumpunihin ang mga naiwang sira o pinsala sa bahay
at bakuran kung mayroon.
● Iwasang magtampisaw sa tubig baha upang makaiwas
sa sakit.
● Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang pinsala
sa linya ng kuryente, tubig, at telepono.
● Kung nasa evacuation site, maghintay ng hudyat kung
kailan ligtas nang bumalik sa inyong bahay.
LINDOL
BAGO ang lindol
● Alamin kung may emergency plan ang opisina,
paaralan o ang iyong pinagtatrabahuan.
● Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa
paghahanda sa bagyo.
● Alamin kung nasaan ang electric fuse box sa bahay.
Kinakailangan itong maisara kung sakaling
magkalindol dahil maari itong pagsimulan ng sunog.
● Iwasang maglagay ng mga bagay na maaring mahulog
at magdulot ng malaking panganib.
● Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay o
komunidad.
HABANG may lindol
● Manatiling kalmado. Maging alerto kung saanman
abutan nito.
● Kung nasa loob ng isang gusali, tumayo sa isang pader
malapit sa sentro ng gusali. Maghanap ng matatag na
maaring pagsilungan habang lumilindol.
● Kung nasa loob ng sasakyang, ihinto ang sasakyan at
hintaying matapos ang panganib.
● Kung nasa labas ilayo ang sarili sa anumang maaring
mahulog na bagay at mabuwal na puno o poste.
● Gawin ang duck cover at hold.

PAGKATAPOS ng lindol
● Suriin ang sarili kung may natamong anumang sugat.
●Suriin ang linya ng tubig, kuryente, at gasul sa
anumang pagtagas. Kung may pagtagas sa mga ito lalo
na ang gasul, buksan ang bintana at lumikas sa ligtas
na lugar. Ipagbigay alam sa kinauuukulan ang
pangyayari.
● Makinig ng balita sa radio at TV.
● Umiwas sa mga gusaling nasalanta ng lindol.

PAGPUTOK NG BULKAN
BAGO pumutok ang bulkan
● Tukuyin ang ligtas na lugar para sa paglikas.
● Ihanda ang kinakailangan sa paglikas: damit, pagkain,
at mahalagang kagamitan.
● Mag-imbak ng kinakailangang pagkain, gamot, at
tubig sa panahon ng paglika.
● Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop.
● Alamin ang lugar na maaring pagdaanan ng lava mula
sa bulkan upang makaiwas sa mga ito.
PAGKATAPOS ng pagputok ng bulkan
● Maghintay sa hudyat ng mga kinauukulan sa
posibleng pagbalik sa tirahan.
● Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya
ng kuryente, tubig, at telepono.
● Pag-aralan kung paano maaring magamit ang lupa na
may halong mga bato mula sa bulkan.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang
Sagot.
1. Si Mang Raul ay nakatira malapit malapit sa Bulkang
Mayon. Ano ang dapat niyang gawin?
A. mamasyal sa paligid
B. gumawa ng malaking bahay
C. makipag-usap sa kapitbahay
D. alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas
2. Alin ang isinasagawa sa paaralan o gusali upang
maiwasan ang anumang sakuna kung may lindol?
A. funrun C. athletic meet
B. earthquake drill D. nutrition program
3. May nag-aaway na mga lasing na may mga armas o
patalim. Ano ang iyong gagawin?
A. awitan sila C. lumayo sa kanila
B. kunan ng litrato D. tawagin ang kapitbahay
4. Lumilindol sa inyong lugar, anong ahensiya ng
pamahalaan ang mabilis na tutugon upang
matulungang iligtas ang mga biktima?
A. Pulis C. NDRRMC
B. barangay D. barangay tanod

5. Biglang nawalan ng kuryente sa bahay at nagsindi ka


ng kandila. Saan mo ito dapat ilagay?
A. maliit na lata C. malapit sa kurtina
B. kabinet ng aklat D. malambot na upuan
Pagsasanay 2
Panuto: Hanapin sa mga salitang nasa hanay B ang wastong
salita na naglalarawan sa bawat bilang sa hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Naglalaman ng earthquake drill
mahahalagang gamit sa
panahon ng kalamidad
2. Paggalaw ng lupa pagputok
ng bulkan
3. Isang paghahanda para lindol
sa lindol
4. Tuluy-tuloy na buhos bagyo
ng ulan at malakas na
hangin
5. Pagbuga ng usok emergency kit
abo at bato
Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang sumusunod at salungguhitan ang tamang
sagot sa loob ng panaklong.
1. Ang (lindol,baha) ay dulot ng walang tigil na
pag-ulan.
2. Ang duck, cover and hold ay ginagawa kapag may
(tsunami, lindol).
3. Walang pasok ang pre-school kung nakataas sa
(signal no.1, signal no.2) ang bagyo.
4. Mainit ang (bato, lava) na dumadaloy sa bunganga ng
bulkan kapag ito ay pumuputok o nag-aalburuto.
5. Ang lindol ay dulot ng (pagyanig ng lupa, pagbuhos
ng malakas na ulan).

PAGLALAHAT
Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo
ang talata.
Ang sakuna ay ________________________________.
Maari itong maiwasan kung tayo ay __________________.
Nararapat sundin ang mga ___________________________
upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng
tamang sagot.
1.Niyaya ka ng iyong mga kaibigang maligo sa tabing
dagat kahit may paparating na bagyo. ano ang iyong
gagawin?
A. Awayin sila
B. Balewalain sila
C. Sumama sa kanila pero di masyadong lalayo
D.Pagsabihan sila na huwag ng tumuloy dahil
mapanganib.
2. Ano ano ang dapat nilalaman ng “emergency kit” mo?
A. bola, pulbo, sapatos
B. calculator, kuwaderno, ballpen
C. flashlight, gamot, biscuit, tubig
D. loom bands, slumbook, rubber bonds

3. Bumubuga ng usok ang bulkan sa karatig-probinsya.


Maari itong maging sanhi ng __________________.
A. biglaang pag-ulan B. malakas na hangin
C. pagtaas ng tubig D. pagyanig ng lupa
4. Ito ang ahensya ng pamahalaan na nagtatakda ng
kung gaano kalakas ang lindol?
A. PHILVOCS B. MMDA
C. PAGASA D. DILG
5. Ayon sa balita, may namumuong bagyo sa Pilipinas,
ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagwalang bahala
B. Yayain si Inay na mag-shopping
C. Antabayanan ang susunod na balita tungkol
sa bagyo
D.Pumunta sa tabing-dagat at matyagan ang
galaw ng alon

PANAPOS NA
PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na gawain kapag may
kalamidad. Isulat sa patlang ang BAGO, HABANG o
PAGKATAPOS base sa isinasaad ng bawat
pangungusap.
_____________1. Manood ng balita sa telebisyon o
makinig sa radyo ukol sa lagay ng
panahon.
_____________2. Itsek ang bubong ng bahay at ang mga
puno sa bakuran na posibleng
bumagsak dahil sa malakas na hangin.
_____________3. Alamin ang emergency plan ng inyong
opisina, paaralan o komuidad.
_____________4. Gawin ang duck, cover and hold.
______________5.Suriin ang sarili kung may natamong
anumang sugat.

SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

DepEd-Bureau of Elementary Education Curriculum Development


Division. Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan. DepED

Patnubay ng Guro sa MAPEH (PE at HEALTH)


DepEd Central Office

https://www.fema.gov/media-library-data/1403288482740-05d47613c192
0a94a001fe0a63c74e6e/Factsheet_Tsunamis_tl.pdf
https://www.fema.gov/media-library-data/1403289152587-c8bd0ea26eb4c
82bd9d1f0210ab6cf7c/Factsheet_Volcanoes_tl.pdf
https://www.coursehero.com/file/43794207/BAGYOdocx/
https://images.app.goo.gl/y19XgoHpsjdaFZom9
https://images.app.goo.gl/PB8LH1aBrib2SN5E8

You might also like