You are on page 1of 30

PAGTATANIM NG

HALAMANG
GULAY
EPP 5
PAGGAWA NG PLANO NG
PLOT O TANIMAN
Mahalagang maihanda ang lupa bago magtanim. Makatitiyak na
magiging mabilis at maunlad ang pagtubo ng mga pananim kung
maayos at angkop ang lupang pagtataniman.
Ang lupa ay inihahanda muna bago ito taniman ng gulay. Higit na
maraming uri ng gulay ang maitatanim kung maayos at nakahanay
ang mga halamang gulay. Ito ay magagawa kung ilalagay sa kamang
taniman o vegetable plot ang mga pananim.
PAGGAWA NG PLANO NG PLOT O
TANIMAN
PAGGAWA NG PLANO NG
PLOT O TANIMAN
Ang lupa ay inihahanda muna bago ito taniman ng gulay. Higit na
maraming uri ng gulay ang maitatanim kung maayos at nakahanay
ang mga halamang gulay. Ito ay magagawa kung ilalagay sa kamang
taniman o vegetable plot ang mga pananim.
Ang pagpaplano sa paggawa ng vegetable plot ay makatutulong
upang mas maging maayos at higit na mas maraming gulay ang
maitanim sa lupang taniman. Alamin muna natin ang mga gabay sa
pagplano.
Ang mga sumusunod ay gabay sa pagplano ng paggawa ng plot o taniman:
1. Sukat ng lupang tataniman ng gulay.
 alamin ang sukat at hugis ng lupang tataniman upang makita ang disenyo ng
plot na gagawin.
 kinakailangang sapat ang lapad at laki ng bawat kamang taniman upang
maluwag na makagalaw ang sinumang gagawa rito.
 Karaniwang may isang metro ang lapad ng bawat kamang taniman.
 Ang haba nito ay nakabatay sa laki ng lugar na pagtataniman.
2. Uri ng lupa.
 ang matagumpay na paghahalaman ay nakasalalay sa uri ng lupang
tataniman.
3 uri ng lupa
a. luwad
b. buhangin
c. loam – pinakaangkop na pagtamnan dahil ito buhaghag, magaan at
madaling bungkalin
3. Sikat ng Araw – Mahalagaang sikat ng araw upang makapag-ani
ng malusog at mataas na uri ng gulay. Ang init ng araw ay
nakatutulong sa mga dahon ng gulay na makagawa ng sariling
pagkain na nakukuha sa luntiang kulay ng dahon na tinatawag na
chlorophyll.
4. Pinanggagalingan ng Tubig at daluyan ng tubig – Ang isang
halamanan ay kailangang itatag sa isang lugar na may
pinanggagalingan ng tubg ng balon, ilog o sapa. upang magkaroon
ng sapat ng pandilig. Ang kalamanang salat sa tubig ay hindi
magtatagumpay lalong lalo na sa panahon ng tag-init.
PAGHAHANDA NG PLOT O
TANIMAN GAMIT ANG BIO-
INTENSIVE GARDENING
Ang bio-intensive gardening ay isang pamamaraan bayolohikal kung saan sa
ang maliit na sukat ng lupa ay natataniman ng maraming uri ng halaman subalit
napapanatiling mataba at mayaman sa mga sustansya ang lupa.
Sa pamamagitan ng BIG ang mga organikong bagay ay naibabalik sa lupa sa
pamamagitan ng kompost. Ito ang nagbibigay buhay sa lupa. Nakatutulong din
ito sa pag-dami ng mga bulate sa lupa na tumutulong para maging buhaghag ang
lupa at madagdagan ang mga sustansya nito.
PAGHAHANDA NG PLOT O
TANIMAN GAMIT ANG BIO-
INTENSIVE GARDENING
Narito ang makabagong pamamaraan sa paghahanda ng lupang taniman:
PAGHAHANDA NG KAMANG TANIMAN para sa BIO- Intensive Gardening
1. Sukatin ang kamang taniman ng 6 na metro ang haba at 1.5 metro ang lapad.
Buhaghagin ang lupa hanggang 30 sentimetrong lalim.
2. Dagdagan ng lupa ang kamang taniman hanggang tumaas ito.
3. Ilagay sa kamang taniman ang mga patabang tulad ng compost, tuyong dumi
ng hayop, dahon ng kakawati, atbp.
4. Haluing mabuti ang pataba at ang lupa.
5. Pantayin ang kamang taniman. Handan ang ito para taniman.
KAHALAGAHAN NG
PAGGAWA NG ABONONG
ORGANIKO
Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at sa halaman sapagkat
ito ay nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman.Kung ang mga
pananim natin ay maganda at malusog magbibigay ito sa atin ng masaganang
bunga na lubos na mapapakinabangan ng ating pamilya at maari pa natin itong
pagkakitaan.
Alam mo ba kung ano ang compost?
Ang compost ay isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa
nabulok na mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng organikong
materyal.
Bakit tayo gumagamit ng Compost?
• Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naaabuso ang lupa
• Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost muna bago
ihalo sa lupa.
• Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani.
Bakit maganda ang Kompost
• Pinalalambot ang lupa. Pinagaganda ang pagsalat (texture) at bungkal ng lupa
(Tilt)
• Hindi mabilis matuyo ang lupa.
• Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig (water
holding capacity) Pinaluluwag ang paghinga ng lupa
• Ibinibigay ang mga sustansiyang wala sa abonong kemikal.
• Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani.
• Matipid; maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono
Pamamaraan ng Composting na karaniwang ginagamit.
1. Compost pit
2. Basket composting
Pamamaraan sa Paggawa ng Abonong Organiko
Isang paraang dapat gawin upang may mapagkunan ng patabang organiko ay
ang paghahanda ng compost. Sa likod ng bakuran o sa isang lugar ay maaaring
gumawa ng hukay o balon kung saan hahayaang mabulok ang mga basura tulad
ng tuyong dahon, damo, balat ng pagkain, at dumi ng hayop upang maging
pataba pagkaraan ng ilang buwan.
Maraming paraan ng paggawa ng abonong organiko. Ang karaniwan sa mga ito
ay ang paggawa ng compost pit at basket composting.
Compost pit – pagsasama-sama ng mga nabubulok na basura katulad ng dumi
ng hayop, dahon, balat ng prutas, damo at iba pa. Ito ay maaaring gawin sa
bakanteng lote.
Basket composting – ito pagsasama-sama rin ng mga nabubulok na basura.
Ginagawa kung walang bakanteng lote na maaaring paggawan ng compost pit.
Pamamaraan sa paggawa ng compost pit
1. Humanap ng medyo mataas na lugar, tuyo, patag, at malayu-layo sa bahay o anumang anyong
tubig.
2. Gumawa ng hukay sa isang lugar na ang lapad ay dalawang metro, ang haba limang metro, at
ang lalim ay isang metro. Diinan at patagin ang loob ng hukay. Hayaan itong nakalantad sa araw
upang huwag pamahayan ng mikrobyo.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at
mga pinagbalatan ng gulay at prutas. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay
hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka hanggang
umabot ng 15 sentimetro ang kapal. Patungan naman ang ikalawang patong ng
lupa, abo, o apog.
5. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang mapuno ang hukay.
Panatilihing tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa pamamagitan ng
paglalagay ng ilang pirasong patpat at kawayan.
6. Diligin ang ibabaw ng hukay upang pumatag. Panatilihing mamasa-masa.
Kung tag-ulan naman, takpan ito ng ilang dahon ng saging sa ibabaw upang
hindi malunod sa tubig.
7.Tusukan ang compost pit ng ilang pirasong kawayan na inalisan ng buko at
binutasan sa gilid. Makakatulong ito upang mahanginan ang compost at nang
madaling mabulok kaagad ang basura.

8. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang pasingawang kawayan at haluin ang tambak.
Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging pantay-pantay ang pagkakabulok ng kalat.
Pagkaraan ng dalawang buwan o mahigit, ayon sa uri ng basurang ginamit, maaari ng gamitin
na abono ang laman ng compost fit.
Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting.
1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang
lalim.
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng
gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa tulad din ng compost pit hanggang mapuno ang
lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang
basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng
langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para magsama ang lupa
at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
Ang organikong abono ay nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. Ito ay makukuha sa paggawa
ng compost. Malaki ang maitutulong nito upang mas mapaganda ang ani.
Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay
Bagaman ang bawat uri ng halamang gulay ay may kani-kanilang
pangangailangan at pamamaraan upang lumaki ang mga ito ng malusog at
kapaki-pakinabang, may mga pangunahing hakbang na dapat gawin at tandaan
kapag nag-aalaga ng anumang uri ng gulay. Narito ang ilang dapat isaisip kapag
nag-aalaga ng halaman.
Mga dapat isaalang-alang sa pagdidilig ng halaman
• Diligin araw-araw
• Diligin sa hapon o sa umagang-umaga
• Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang halamang didiligan.
• Iwasang malunod ang halaman, lalo na yaong mga bagong lipat na punla.
• Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig.
• Kung ang gamit mo ay rigadera kailangan iyong maliliit lamang ang butas.
• Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, diligin din ang lupang nakapaligid
sa mga tanim.
Kahalagahan ng pagbubungkal ng lupa
• Madaling darami ang mga ugat ng tanim
• Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog ang halaman
kapag maraming ugat
• Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman
Dapat isaalang-alang sa pagbubungkal ng lupa
Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay ginagawa kung hapon o
kaya sa umaga. Gawing katamtaman ang pagbubungkal. Dapat bungkalin nang
mababaw lamang ang mga halamang gulay.
Kailan dapat maglagay ng abono?
Ang pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim, o
pagkatapos magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng
pataba ay habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga. Sa panahong ito,
kailangan ng tanim ang sustansiya mula sa lupa.
Mga kasangkapang Pang-agrikultura na makakatulong
pangangalaga ng mga tanim na halamang gulay.
 Asarol- Ito ay ginagamit na pambungkal ng lupa
 Piko- Ginagamit ang piko sa paghuhukay ng matigas na lupa.
 Kalaykay- Ginagamit sa pagpapantay ng lupa at paghihiwalay ng bato sa
lupa.
 Tinidor- Pandurog ng malaking kimpal ng lupa.
 Dulos- Ginagamit sa paglilipat ng punla, pagpapaluwang ng lupa, at
pagtatabon sa puno.
 Itak- pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking halaman.
 Bareta- ginagamit sa paghuhukay ng malalaking bato at tuod ng kahoy.
 Pala- ginagamit sa paaglilipat ng lupa.
 Regadera- ginagamit na pandilig sa mga halaman.
 Kartilya- lalagyan at panghakot ng lupa at kagamitan
TADAAN
Ang masistemang pangangalaga ng halamang gulay
na itinanim ay makakatulong upang makapagbigay
ito ng mas maraming ani.
Ang maling pangangalaga ng halaman ay maaaring
makapinsala o masira sa inyong mga pananim.
ACTIVITY
Mag search ng mga larawan gamit ang internet na
nagpapakita ng wastong pangangalaga ng mga pananim na
gulay, at mga kasangkapang Pang-agrikultura

You might also like