You are on page 1of 24

Welcome to E.P.P. 5 Class!

Ms. Unielyn A. Despogado


Guro
Masistemang Pangangalaga ng
mga Tanim
(EPP5AG-Oc-5)

Mga Layunin:
1. Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na
mga gulay
2.Naipakikita ang masistemang paraan ng pagdidilig
3. Natutukoy ang kahalagahan ng pagbubungkal ng lupa
bilang isang paran ng masistemang pangangalaga ng tanim
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
 Sa inyong palagay, kailan ang tamang oras ng pagdidilig ng
halaman?
Pagtatalakay
 Ang pananim na mga gulay ay nangangailanagn ng
masistemang pangangalaga ayon sa kani- kanilang
pangangailanagan upang lumaki at lumago na maging kapaki-
pakinabang sa pamumuhay ng bawat pamilya sa pamayanan.
 Mga Pangunahing Hakbang sa Pag-aalaga ng gulay o
halaman.
1. Pagdidilig
2. Pagbubungkal
3. Paglalagay ng abono
Pagtatalakay
Pagdidilig - ang pagdidilig ay paglalagay /pagbuhos ng tubig sa
tanim nang may sapat na dami ayon sa pangangailangan ng
tanim.
 Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagdidilig ng halaman
1. Diligin araw-araw.
2. Diligin sa hapon o umaga.
3. Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang halamang
didiligin.
4. Iwasang malunod ang halaman, lalo na yaong mga bagong
lipat na punla.
Pagtatalakay
5. Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig.
6. Kung ang gamit mo ay regadera, kailangan iyong maliliit
lamang ang butas.
7. Upang manatiling mamasa masa ang lupa, diligin din ang
lupang nakapaligid sa mga tanim.
Pagtatalakay
Pagbubungkal - ang pagbubungkal ng lupa sa pagtatanim ay
pagkalkal nito upang maihanda ang lupa sa panahon ng
pagtatanim.Ito ay ginagawa upang malaman kung buhaghag ang
textura ng lupa at angkop sa tanim.
 Mga Kahalagahan ng Pagbubungkal ng Lupa
1. Madaling dumami ang mga ugat ng tanim.
2. Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog
ang halaman kapag maraming ugat.
3. Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman.
Pagtatalakay
Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagbubungkal ng Lupa
 Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay
ginagawa kung hapon o umaga. Gawing katamtaman ang
pagbubungkal. Dapat bungkalin nang mababaw lamang ang
mga halamang gulay.
 Paalala: Huwag kalimutang gumamit ng kasuotang pang
proteksyon sa katawan tulad
ng bota, gloves, sombrero at iba pa.
Pagtatalakay
Mga Kagamitan/Kasangkapan sa Pagbubungkal ng Lupa
1. Asarol- ginagamit
sa pagbubungkal
ng lupa.

2. Piko – ginagamit
sa pambubungkal
ng matigas na
lupa.
Pagtatalakay
3. Kalaykay – ginagamit sa
pagpapantay ng
lupa.
4. Palang Tinidor – ginagamit sa
pandurog sa malalaking kimpal
ng lupa.
5. Dulos- ginagamit sa paglilipat ng
punla at pagpapaluwag
ng lupa.
Pagtatalakay
6. Itak - pamutol sa mga sanga at
puno ng malalaking halaman.

7. Bareta – ginagamit sa paghuhukay


ng malalaking bato at tuod ng
kahoy sa lupa.

8. Pala - ginagamit sa
paglilipat ng lupa.
Pagtatalakay
9. Regadera - ginagamit na
pandilig sa mga
halaman.

10. Kartilya- ginagamit sa


paghakot ng lupa
at kagamitan.
Pagtatalakay
Paglalagay ng Abonong Organiko
 Mga Halimbawa ng Organikong Pataba / Abono:
1. Likidong abono mula sa halaman
2. Mula sa nabubulok na basura
3. Mula sa pinatuyong dumi ng hayop
Pagtatalakay
Mga Paraan sa Paglalagay ng Abono
1. Paglalagay sa gilid ng tanim (Side dressing method) - Sa
paraang ito, ang organikong abono ay inilalagay sa gilid ng
tanim na may sampung sentementro ang layo mula sa puno ng
tanim.
Pagtatalakay
2. Pag e-espray ng likidong Abono
(Spray method)- Ito ay ang paglala-
gay ng abono gawa sa organikong
likidong abono na inihalo sa tubig
at derektang ini-espray sa mga pananim.
3. Paglalagay ng Pabilog sa puno (Ring method) - Paglalagay
ng organikong abono sa palibot ng tanim na may sampung
sentementro ang layo mula sa
puno.
Pagtatalakay
4. Pagkalat ng abonong organiko sa lupa
(Broadcast method) - Ito ay ang de-
rektang paglalagay at pagkalat ng
organikong abono sa lupa na
may mga pananim.
 Nakadaragdag sa sustansiya ng lupa ang paglalagay ng
organikong abono. Ang organikong abono ay maaaring galing
sa dumi
ng hayop o compost. Maari ring gawing organikong abono ang
mga bulok na gulay, prutas at iba pang bagay na nabubulok.
Pagtatalakay
Kailan dapat maglalagay ng abono?
 Ang abono o pataba ay maaaring ilagay bago magtanim,
habang nagtatanim o pagkatapos magtanim. Ngunit ang
pinakamainam maglagay ng abono o pataba ay habang maliit
pa ang mga pananim bago ito mamunga sapagkat kailangan ng
tanim ang sustansiya mula sa lupa.
Paglalapat
Lagyan ng D kung dapat gawin, HD kung hindi dapat gawin ang
bawat bilang ng iyong sagot.
____ 1. Diligin ang mga pananim sa umaga, tanghali at hapon.
____ 2. Lunurin sa tubig ang halamang maliliit upang madaling
lumaki.
____ 3. Iwasan ang pagbubuhos ng malakas na tubig sa mga
pananim na gulay.
____ 4. Ang regadera o pandilig ay dapat may maliliit na butas
lamang.
____ 5. Diligin ang lupang nakapaligid sa tanim upang ito ay
mapanatiling mamasa-masa.
Paglalahat
 Ang paglalagay ng abono sa halaman ay kailangan upang ito
ay lumago.
 Ang organikong abono mula sa pinatuyong dumi ng hayop ay
inilalagay kasama ang lupa samantalang ang likidong abono
ay inihahalo sa tubig at dinidilig sa halaman.
Pagtataya
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Kailan ang tamang oras ng pagdidilig ng halaman ?
a. umaga,tanghali, gabi c. umaga’t hapon
b. umaga lamang d. umaga’t tanghali
___2. Ano ang maging epekto ng labis na pagdidilig ng bagong
lipat na tanim?
a. mabilis lumaki c. yayabong ang dahon
b. mabubulok ang ugat d. dadami ang ugat
Pagtataya
___3. Ano ang dapat gawin sa paligid ng mga halaman upang
makahinga ang mga ugat?
a. bungkalin c. hugasan
b. diligin d. tambakan ng lupa
___4. Ano ang ilalagay sa halaman upang mapabuti ang tekstura
ng lupa at mabilis ang paglaki?
a. putik c. organikong pataba
b. bakod d. basura
___5. Ano ang mabuting dulot ng mga pinag-aning labi ng
pananim na hinayaang mabulok sa lupa?
a. basura b. tubig c. layak d. pataba
Pagtataya
Hanapin sa hanay B kung paano ginagamit ang mga kagamitang
pambungkal ng lupa sa hanay A.
Hanay A Hanay B
____ 1. Piko A. ginagamit na pandilig sa halaman
____ 2. Itak B. ginagamit sa paglilipat ng lupa
____ 3. Pala C. pamutol sa malalaking sanga at
puno ng kahoy
____4. Regadera D. pandurog ng malalaking kimpal ng
lupa
____5. Tinidor E. ginagamit sa paghukay ng matigas
na lupa
Takdang-Aralin
Bakit kailangan nating bungkalin ang lupa sa paligid ng ating
mga tanim?(10 puntos)

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________

You might also like