You are on page 1of 14

Mga Hayop

Pagpaplano sa
Pag-aalaga ng
Hayop
Pag-aalaga ng Hayop
TULA

Sa Paghahalaman, maging sa paghahayupan


Ang pagpaplano ay kailangan
Kung gawaing ito’y nais mapagtagumpayan
Mahalagang bagay, dapat isaalang-alang.

Pagpili ng hayop iyong pag-isipan


Ganun din ang lugar at kapaligiran
Perang gagamitin at iyong puhunan
Isama na ring mga kagamitan.

Sa pasimula at kung wala pang alam


Sumangguni sa may karanasan
Maaari ding sa ahensayang pamahalaan
Upang sigurado maibibigay na kaalaman
Wastong pag-aalaga sa napiling hayop
Kuneho, kambing, baka at manok
Sa damuhan, sa dagat, at maging sa ilog
Pumili ng lugar, sa kanila ay angkop

Unti-unti ay matutunan din


Ang mga dapat at hindi dapat gawin
Mula dito maaaring palawakin
Proyektong sinimulan, kayang palaguin
Pagpapalano sa Pag-aalaga ng
Hayop

Ang pag-aalaga ng hayop ay isang


kapaki-pakinabang na gawain.
Maraming produkto ang makukuha
mula sa mga alagang hayop. Hindi
lamang ito isang libangan kung hindi
isang magandang pagkakakitaan.
Ngunit, mahalagang maghanda muna
ng plano sa paghahayupan bago ito
isagawa, upang matiyak ang
ikatatagumpay na proyekto.
Pagpapalano sa Pag-aalaga ng
Hayop
1. Isaalang-alang ang kapaligiran at lugar na
paglalayag nito. Dapat malayo sa mga kabahayan at
mayroon tubig na mapagkukunan.
2. Isaalang-alang din ang perang gagamitin, bilang
puhunan. Alamin ang maaaring pagkakagastahan
gaya ng mga kagamitan sa kulungan, pagkain at
gamot. Maaari na ring lagyan ng halaga ang sisiw,
ang nauubos na pagkain, gamot at upa sa mag-
aalaga nito.
3. Sa pasimula, maaaring sumangguni sa mga ahensya
ng pamahalaan.
4. Alamin ang wastong paraan ng pag-aalaga ng manok
o iba pang mga hayop
5. Isaalang-alang din ang pagsasapamilihan ng
produkto.
Paglalahat:

*Ano ang mangyayari kapag


mahusay at wasto ang
pagpaplanong inyong ginawa?
PAGLALAPAT:

PANGKAT 1 – Mga Hayop na maaaring alagaan


sa bahay.

PANGKAT 2 – Mga panuntunang


Pangkalusugan sa Pag-aalaga ng
Hayop

PANGKAT 3 – Mga Dapat isaalang-alang sa


pag-aalga ng hayop.
PANGKATANG PAG-UULAT:
PAGTATAYA:

Ang mga sumusunod ay mga gawain sa paghahayupan. Sagutin


ng TAMA kung ang parirala ay nagsasaad tungkol sa gawaing
pagpaplano sa pag-aalaga ng hayop at HINDI kung ito ay di
nagsasaad ng gawaing pagpaplano sa pag-aalaga ng hayop.

________1. Pagpili ng lugar o kapaligiran


_______2. Pagpapakain sa mga hayop
_______ 3. Magpasya at huwag sumangguni sa ahensiya ng
pamahalaan.
_______ 4. Paggamot sa mga sakit ng hayop.
_______ 5. Pagpili ng hayop na aalagaan.
_______ 6. Isaalang-alang ang puhunan
_______ 7. Pabayaan ang hayop at huwag itong ilagay sa
kulungan.
_______ 8. Pagsunod sa makaagham na pamamaraan.
_______9. Ibenta habang maliit pa.
_______10. Huwag bigyan ng pagkain.
V. Takdang Aralin:
Pumili ng isang uri ng hayop na nais
mong alagaan. Gumawa ng plano
tungkol sa pag-aalaga ng hayop na napili
mo.
VI. Pagpapayaman ng Gawain:

Kung merong mag-aalaga ng


hayop sa inyong lugar kapanayamin
mo at itanong kung paano niya
ginawa ang plano at paano ito
nakaapekto sa proyekto.

You might also like