You are on page 1of 12

MGA PARAAN NG

PAGSUGPO NG PESTE AT
SAKIT NG HALAMAN
Ang mga pesteng kulisap ay ang sumisira at
pumapatay ng mga punong halaman. Kinakain ang
dahon na nag-iiwan ng mga butas. Sinisipsip ang
katas ng halaman kaya nangungulubot ang mga
dahon. Kinakain din ang mga bulaklak at bunga at
nagdadala ng mga mikrobyo papunta sa ibang
halaman.
Ang mga pesteng kulisap ay nasusugpo sa
pamamagitan ng paraang mekanikal, kemikal at
bayolohikal. Ito ay sa pamamagitan ng pag-aalis ng
kamay o paggami ng kemikal, pagpapasingaw,
pagpapausok o pag-aalis o pagpuputol ng may sakit
na bahagi ng halaman.
Mga pamamaraang bayolohikal pagsugpo sa mga
pesteng kulisap.

1. Bunutin ang damo sa paligid ng mga tanim


2. Patubigan ang taniman bago at pagkatapos
magtanim
3. Pumili ng halamang tatagal sa pesteng kulisap
4. Ibaon o sunugin ang mga bahagi ng halaman na
may sira.
5. Sunugin ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng
taniman.
6. Lagyan ng organikong pamuksa o mga solusyong
ginawa mula sa iba’t-ibang halaman.
MGA PESTENG KULISAP NA NAMUMUKSA O
SUMISIRA SA MGA PUNONGKAHOY

Mango Fruit Fly – sinisira nito


ang prutas kapag nahihinog sa
puno

Ring borer – malaking gamu-


gamo. Mapupuksa gamit ang
methyl at parathion.
Mealy bug – dalawa ang uri
nito, mahaba at maiksi ang
buntot.

Armored scale – ito ay


mapaminsala sa mga
punongkahoy at sa prutas na
sitrus
Unarmored scale – softscale
na nagdadala ng maruming
pulut-pukyutan at amag na
tumutubo sa halaman.

Citrus rust mite – pinipinsala


nito ang kahel at ubas.
Sinisipsip nito ang katas ng
dahon ng halaman.
Melon aphid – sinisira ang
mga punongkahoy na
namumunga. Ang dahon ay
nangungulubot o nakukulot.

White grub – inaatake nito


ang ugat ng punong atis
Sphinx moth – mapupuksa ito
sa pagwiwisik ng sevin at
malathion.

Tipaklong – sinisira nito ang


mga murang buko ng halaman
MGA SAKIT NA UMAATAKE SA MGA
PUNONGKAHOY.

Canker – batik-batik na
mantsa sa mga tangkay,
dahon at bunga na nakikita sa
kalamansi, suha or kahel.

Dieback – natutuyo ang mga


tangkay
Gummosis – nagkakaroon ng
sustansyang tulad ng gummy
ang puno at sanga ng
punongkahoy.

Downy at powdery mildew


Leaf spot – inaatake nito ang
mga dahon.

Inflorescent rot
Scab- sakit na namiminsala sa
mga punong namumunga.
Isang bakterya na mahirap
sugpuin na nagiging dahilan ng
pagkakaroon ng crustlike
spots sa apektadong bahagi
ng halaman.

You might also like