You are on page 1of 14

Sala o Silid-Tanggapan

• Dito unang pumapasok ang mga tao, ang


may-ari ng bahay at bisita. Kailangang
magmukhang kaaya-ayang pasukin ito,
laging malinis at maaliwalas. Ang
malalaking muwebles ay dapat na nakaayon
sa dingding, ang sulok na bahagi ay may
angkop na muwebles, at ang mga silya ay
magkakaharap upang maayos na magkausap
ang sinumang uupo rito
• Mainam na may sapat na kaluwagan at bentilasyon ang
salas upang ito ay maging maaliwalas. KailaIwasang
magkabungguan ang mga taong magdaraan o
mababangga ang mga kasangkapan upang maiwasan
ang sakuna. Laging isaalang-alang ang ganda at
kaligtasan ng tahanan.
• Karaniwan na sa mga tahanan ang may radyo at
telebisyon kaya maaaring ilagay sa silid-tanggapan ang
mga ito upang maging libangan ng mga bisita. Sa oras
ng paglilibang ng mag-anak, dito rin sila nagtitipon
upang magsaya, umawit, tumugtog, at manood.
SILID TULUGAN
ALITUNTUNIN SA PAG- AAYOS
• Lagyan ang silid ng malinis at maayos na kasangkapan.
• Ayusin ang mga kasangkapan sa pamamaraang ito ay makapagbibigay ng
kaginhawaan at kaluwagan sa silid-tulugan.
• Ilagay ang kama sa isang sulok o isang bahagi ng nakasandig sa dingding.
Tiyakin na ang ulunan ay malayo sa ihip ng hangin at ilawan.
• Maglaan ng sapat na espasyo na maaaring pag-ayusan ng kubrekama.
Tiyakin na madaling abutin at linisin ang kabinet at bintana.
• Ilagay ang kabinet sa sulok na nakasandig sa dingding kahilera ng kama.
• Ang tokador ay mainam ilagay malapit sa ulunan ng kama o sa isang panig na
malapit sa ilawan.
• Sabitan ng kurtina o blinds ang mga bintana upang maging pribado ang silid.
• Kung nais, maaaring maglagay ng sopa sa paanan ng kama o mababang mesa
at silya sa isang sulod upang mas lalong maginhawa ang silid. Tiyakin lamang
na may sapat na espasyo para sa mga kagamitan ito.
SILID KAINAN
GABAY SA PAG AAYOS
• Ipuwesto ang mesa sa gitnang bahagi ng silid, malayo sa dingding
upang magkaroon ng sapat na espasyo sa pagkilos habang
naghahanda ng pagkain o paglabas at pagtayo mula sa mesa.
• Ang china cabinet ay kailangang nakalagay sa pwestong malayo sa
mesa, bintana, at daanan.
• Mainam na gumamit ng kurtinang may matitingkad na kulay o
valance upang maging maliwanag ang silid-kainan.
• Upang maiwasan ang langaw, lamok, at alikabok, lagyan ng screen
ang mga bintana at pintuan.
• Maglagay ng palamuti sa mesa o bintana. Maaaring gumamit ng
sariwang bulaklak o prutas sa mga mesa at mga tanim naman para sa
bintana o sa mga sulok ng silid.
•  
KUSINA
• Ang malalaking kasangkapan ay nakaayos ayon sa uri at gamit ng
mga ito. Iwasang pagtabihin ang oven at refrigerator, isaalng-alang
ang tatlong sentro ng gawaan sa pagkilos mula kanan pakaliwa. Ang
mga ito’y sentro ng paghahanda ng mga pagkain, sentro ng paglilinis
ng pagkain at paghuhugas ng mga ito at ang sentro ng pagluluto. Ang
patatsulok na ayos o hugis U na ayos ng kusina ay makatutulong sa
madaling pagkilos at paghahanda ng lulutuin. Ang mga kabinet ay
maaaring nasa ilalim ng mga gawaang lugar o itaas na bahagi ng
pinaggagawaan upang madaling makuha ang kailangan kasangkapan.
Kailangan ay may laging malinis na lalagyan ng tubig o may gripo.
Kung ang lutuan ay ginagamitan ng uling o kahoy, ito’y dapat may
singawan ng usok palabas na malapit sa bintana o pintuan. Ang mga
gamit sa pagluluto ay dapat na may sadyang taguan at natatakpan.
Punan ng tamang sagot.piliin ang sagot sa
ibaba.
• Ang nag-aanyong damit ng tahanan ay ang paglalagay ng
_______________.
• Ang ____________ ay kahoy na tumatakip sa kawad na sabitan ng
kurtina.
• Ang ____________ ay maaaring ipasok sa loob ng bahay upang
maging sariwa ang hanging malalanghap.
• Sa pag-aayos ng kasangkapan sa tahanan dapat isaalang-alang
ang ____________.
• Ang silid-tulugan ay nagagamit ding ___________.
•  
• kaligtasan halamang berde kurtina
• cornice valance silid-aralan

You might also like