You are on page 1of 69

Mga Bahagi Ng

Tahanan At
EPP5HE-0d-11
Alamin Natin:
Ang mga gawaing pantahanan ay
hindi para sa nakakabata o nakata-
tanda lamang o sa sinumang kasam-
bahay na tumatanggap ng kanilang
buwanang kita. Ang bawat kasapi
ng pamilya ay kailangan tumulong
sa pagpapanatili ng kalinisan at kaa-
yusan ng tahanan. Sa ganitong paraan,
magiging madali ang paglilinis, at pag-
aayos ng mga silid na kinabibilangan ng
salas, silid-tulugan, kainan, at banyo.
Ang bigat o gaan ng trabaho sa pagli-
linis ay hindi nababatay sa liit o laki ng
tahanan at sa bilang ng tao na gumaga-
wa dito. Magiging tila maliit lang ang
bahay na iyong nililinis, at magaan kung
ang lahat ay tutulong. Halimbawa magi-
ging mabigat para sa isang tao ang linisin ang
kabahayan na may lima o higit pang bilang ng
silid.Subalit, kung ang bawat silid ay may isang
kasapi na magpapanatili ng kalinisan nito ito ay
magiging magaan at mabilis.

Linangin Natin:
Ang tahanan ay binubuo ng
maraming silid na kinabibi-
langan ng sala, silid-tulugan,
silid-kainan,kusina at banyo.
May mga silid sa tahanan
tulad ng salas, silid kainan na
nagsisilbing tipunan ng pa-
milya. Kung minsan sa mga
silid ding ito pinauunlakan
ang mga kaibigan at pana-
uhin. May mga silid naman
tulad ng silid-tulugan na
pribado at tanging pamilya
lamang ang pinapapasok.
Sala o Silid Tanggapan
Dito unang puma-
pasok ang mga tao,
ang may-ari ng bahay
at bisita. Kailangang
panatilihin itong mali-
nis at maayos sapag-
kat sa silid na ito gina-
gawa ang mga sumu-
sunod na mga gawain:
a. Pagtanggap at pagpapaunlak ng mga
bisita
b. Pakikipagkwentuhan sa mga kapamilya
at kaibigan
c. Pagbabasa ng mga libro,magasin, at iba
pang kapaki-pakinabang na babasahin
d. Pagdiriwang ng iba’t iubang okasyon
e. Paglilibang tulad ng panonood ng
telebisyon at pakikinigsa radio.
Silid-tulugan
Ang silid-tulugan
ay silid na pahinga-
han. Ito ay itinutu-
ring na pribadong
silid kung kaya’t
tanging may-ari la-
mang o ang pinagla-
laanan nito ang ma-
aring maglabas-
masok dito. Sinu-
manang nais puma-
sok ay kailangan humingi muna ng permiso
sa pamamagitan ng pagkatok o pagpapaa-
lam sa may-ari. Ito ay isang tanda ng pag-
galang sa karapatan ng isang tao.
Ilan sa mga gawaing ginagawa sa silid-
tulugan ay ang mga sumusunod:
a. Pagtulog o pamamahinga
b. Pagbibihis
c. Pagbasa o pag-aaral
d. Pakikinig ng musika
Silid-kainan
Ang silid-kainan ay
itinuturing ding silid-
tipunan sapagkat ka-
tulad ng salas, nag-
titipon-tipon din dito
ang pamilya. Sa silid
na ito nila pinagsasa-
luhan ang kanilang
inihandang pagkain.
Ito ay karaniwang
katabi ng salas at
kusina. Kung minsan kapag maliit lamang
ang bahay ng mag-anak, ang isang silid ay
nagsi-silbing salas, kainan, at tulugan.
Narito ang mga gawaing maaring gawin sa
silid-kainan:
a. Pagsasalo-salo ng pamilya sa pagkain ng
almusal, tanghalian, at hapunan.
b. Pag-aasikaso ng mga kaibigan , kaanak o
kakilala tuwing may kaaraawan, reunion o
anumang handaan.
c. Pagpupulong ng pamilya upang lutasin ang
isang mabigat na problema
d. Pagbabasa o paggawa ng mga takdang
aralin kung walang Lugar para sap ag-aaral
e. Paghahanda ng pagkain kung walang
sapat na lugar sa kusina
Kusina
Ang kusina ang itinu-
turing na pinakama-
halagang bahagi ng
bahay sapagkat dito
inihahanda ang pag-
kain ng pamilya. Ito
rin ang dapat na
pinakamalinis at pinakamaayos na bahagi
ng tahanan.Ang sinumang gumamit ng kusi-
na ay may tungkuling panatilihin itong mali-
nis, maayos, at ligtas sa sakuna.
Ang kusina ay lugar para sa sumusunod na
mga gawain:
a. Paghahanda ng pagkain
b. Pagluluto ng pagkain
c. Pagtatabi ng pagkain
d. Pagtatago ng mga kagamitang pangkusina
e. Paghuhugas ng pinggan at iba pang
kagamitan.
Banyo at Palikuran
Ang banyo at
palikuran ang
karaniwang suma-
sakop sa pinaka-
maliit na bahagi ng
tahanan. Dito gina-
gawa ang mga
gawaing tulad ng
paglilinis at pagba-
bawas.
Tandaan Natin:

1. Hindi kailangang ito ay Malaki at magara.


Ang mahalaga ito ay malinis,maayos at higitsa
lahat masaya ang mga naninirahan.
2. Ang tahanan ay binubuo ng maraming silid
na kinabibilangan ng sala,silid-kainan,silid-
tulugan,kusina at banyo.
3. Ang bigat o gaan ng trabaho sa paglilinis ay
nakabatay sa liit o laki ng tahanan at sa
bilangng tao na gumagawa dito.
A. Isulat ang mga bahagi ng taha-
nan kung saan matatagpuan ang Gawin Natin:
sumusunod na mga kagamitan.
Isulat ang sagot sa patlang.
__________1. Kama __________8. Dutsa
__________2. Kaldero ________9. Paminggalan
__________3. Sofa
_________10. Muwebles
__________4. Kabinet
__________5. China cabinet
__________6. Kabinet ng
gamut
__________7 mesang
kainan
B. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B upang
matukoy ang angkop na gawain sa bawat bahagi
ng bahay.
Hanay A Hanay B
1. Makapagpahinga a. kusina
at makatulog.
2. Makakain ng almusal, b. banyo
tanghalian at hapunan.
3. Makapaglinis ng katawan. c. sala
4. Mapatuloy ang mga d. silid-kainan
bisita upang makipagkwentuhan.
5. Makapagluto ng e. silid-tulugan
masarap na ulam.
Pagyamanin Natin:

Gumawa ng album na
naglalaman ng larawan ng
iba’t ibang uri ng bahay at
mga bahagi nito.
Iba’t – Ibang
Paraan ng
Pag-aayos ng
Tahanan
Nilal
a man
:

Iba’t ibang paraan at tuntuning dapat


tandaan sa pag-aayos ng mga silid sa ta-
hanan, mga akmang kagamitan at kasang-
kapan na magbibigay ganda sa tahanan
gayundin ang kabutihang dulot ng pagsa-
saayos nito.
Alamin Natin:
Ang maayos at magandang tahanan ay
kagigiliwang tirahan ng lahat ng mag-anak
kung ang bawat kasapi ay magtutulung-
tulong sa pagpapaganda at pagpapanatili ng
kaayusan nito. May mga tuntuning dapat
tandaan sa wastong pagsasaayos ng mga
kasangkapan sa tahanan at wastong pagpili
ng mga gamit na angkop sa uri ng bahay at
pamumuhay ng mag-anak.
Ang mga gamit sa iba’t ibang silid ng tahanan ay dapat
maging angkop sa silid. Ang mga ito’y kailangang isaayos
ayon sa laki at gamit.

Sala o Silid-Tanggapan
Dito unang pumapasok
ang mga tao, ang may-
ari ng bahay at bisita.
Kailangang magmuk-
hang kaaya-ayang pasukin ito, laging malinis at
maaliwalas. Ang malala-king muwebles ay dapat
na nakaayon sa dingding, ang sulok na bahagi ay
may angkop na muwebles, at ang mga silya ay
magkakaharap upang maayos na magkausap
ang sinumang uupo rito.
Mainam na may sapat na kaluwagan at benti-
lasyon ang salas upang ito ay maging maaliwalas.
Kailangang iwasang magkabungguan ang mga
taong magdaraan o mababangga ang mga kasang-
kapan upang maiwasan ang sakuna. Laging isaa-
lang-alang ang ganda at kaligtasan ng tahanan.
Karaniwan na sa mga tahanan ang may radyo at
telebisyon kaya maaaring ilagay sa silid-tanggapan
ang mga ito upang maging libangan ng mga bisita.
Sa oras ng paglilibang ng mag-anak, dito rin sila
nagtitipon upang magsaya, umawit, tumugtog, at
manood.
Silid-Tulugan
Ang silid-tulugan ay silid
na pahingahan. Ito ay iti-
nuturing na pribadong
silid kung kay’t tanging
may-ari lamang o ang
pinaglaanan nito ang
maaaring maglabas-pasok
dito. Sinuman ang nais
pumasok ay kailangan humingi muna ng permiso
sa pamamagitan ng pagkatok o pagpapaalam sa
may-ari. Ito ay isang tanda ng paggalang sa kara-
patan ng ibang tao.
Ang silid-tulugan ay kailangan na makapagbi-
gay ng kaginhawahaan at pribadong pakiramdam
sa sinumang gumagamit nito. Sa pag-aayos ng silid
tulugan, sundin ang mga sumusunod na mga ali-
tuntunin upang maginhawa at maaliwalas ito.
Lagyan ang silid ng malinis at maayos na kasang-
2. Ayusin ang mga kasangkapan sa pamamaraang
ito ay makapagbibigay ng kaginhawaan at
kaluwagan sa silid-tulugan.
3. Ilagay ang kama sa isang sulok o isang bahagi ng
nakasandig sa dingding. Tiyakin na ang ulunan ay
malayo sa ihip ng hangin at ilawan.
4. Maglaan ng sapat na espasyo na maaaring pag-
ayusan ng kubrekama. Tiyakin na madaling abutin
at linisin ang kabinet at bintana.
5. Ilagay ang kabinet sa sulok na nakasandig sa
dingding kahilera ng kama.
6. Ang tokador ay mainam ilagay malapit sa ulu-
nan ng kama o sa isang panig na malapit sa ilawan.
7. Sabitan ng kurtina o blinds ang mga bintana
upang maging pribado ang silid.
8. Kung nais, maaaring maglagay ng sopa sa paa-
nan ng kama o mababang mesa at silya sa isang
sulod upang mas lalong maginhawa ang silid.
Tiyakin lamang na may sapat na espasyo para sa
mga kagamitan ito.
Ang silid-tulugan ay nagagamit ding silid-ara-
lan. Kailangan lamang isaayos ang mesa at upuan
sa isang sulok ng silid at maaari rin itong lagyan ng
bookshelf. Dito rin nakalagay ang aparador at sala-
min at mga kagamitan sa pagbibihis. Ang malala-
king muwebles na ito ay dapat malapit sa dingding
upang maging maaliwalas ang pagkilos ng tao. Ang
silid-tulugan ay dapat malapit sa palikuran upang
madali itong puntahan sa gabi.
Silid-Kainan
Ang silid-kainan ay kailangang
paantilihing malinis at maayos
upang matiyak ang kalusugan ng
pamilya. Mainam din kung may
sapat na ilaw at bentilasyon
upang matiyak ang masayang
pagsasalo-salo at pag-uusap ng
pamilya. Ilan sa mga kasangka-
pang makikita sa silid-kainan ay kainang mesa at
mga silya, kabinet para sa mga plato, baso, at iba
pang babasaging gamit na kailangan sa salu-salo
at maliit na mesa na karaniwang nakalagay sa gilid
ng malaking mesang kainan. Kung minsan ay dito
inilalagay ang mga inihandang pagkain at kung
minsan naman ay dito inilalagay ang mga babasa-
ging palamuti.
` Narito ang ilang gabay sa pag-aayos ng mga
kasangkapan sa silid-kainan:
1. Ipuwesto ang mesa sa gitnang bahagi ng silid,
malayo sa dingding upang magkaroon ng sapat na
espasyo sa pagkilos habang naghahanda ng
pagkain o paglabas at pagtayo mula sa mesa.
2. Ang china cabinet ay kailangang nakalagay sa
pwestong malayo sa mesa, bintana, at daanan.
3. Mainam na gumamit ng kurtinang may
matitingkad na kulay o valance upang maging
maliwanag ang silid-kainan.
4. Upang maiwasan ang langaw, lamok, at
alikabok, lagyan ng screen ang mga bintana at
pintuan.
5. Maglagay ng palamuti sa mesa o bintana.
Maaaring gumamit ng sariwang bulaklak o prutas
sa mga mesa at mga tanim naman para sa bintana
o sa mga sulok ng silid.
Silid-Lutuan o Kusina
Ang kusina ang pinakamahala-
gang silid ng isang bahay at
dapat itong maging maayos at
malinis dahil dito inihahanda
ang pagkain ng mag-anak. Ang
mga pangunahing kasangkapan
sa pagluluto ay mesang pagga-
waan, kalan, oven, lababo,
paminggalan, at palamigan o
refrigerator. Ang malalaking
kasangkapan ay nakaayos ayon sa uri at gamit ng mga ito.
Iwasang pagtabihin ang oven at refrigerator, isaalng-alang
ang tatlong sentro ng gawaan sa pagkilos mula kanan
pakaliwa. Ang mga ito’y sentro ng paghahanda ng mga
pagkain, sentro ng paglilinis ng pagkain at paghuhugas ng
mga ito at ang sentro ng pagluluto. Ang patatsulok na ayos
o hugis U na ayos ng kusina ay makatutulong sa madaling
pagkilos at paghahanda ng lulutuin. Ang mga kabinet ay
maaaring nasa ilalim ng mga gawaang lugar o itaas na
bahagi ng pinaggagawaan upang madaling makuha ang
kailangan kasangkapan. Kailangan ay may
laging malinis na lalagyan ng tubig o may gripo. Kung ang
lutuan ay ginagamitan ng uling o kahoy, ito’y dapat may
singawan ng usok palabas na malapit sa bintana o pintu-
an. Ang mga gamit sa pagluluto ay dapat na may sadyang
taguan at natatakpan.
Pagpapaganda ng Tahanan
May mga palamuting maaring gamitin sa pagpapaganda
ng tahanan ngunit hindi kailangan na mamahalin ang mga
ito. Pumili ng mga bagay na maliliit, kaakit-akit, at naka-
pagpapasigla saanman ito ilagay. Mayroong mga palamu-
ting nababagay sa iba’t ibang bahagi ng tahanan.
Narito ang mga paraan ng
pagpapaganda ng tahanan.
a. Paglalagay ng Kurtina
Ang kurtina ay mahalagang
palamuti ng tahanan. Dapat na
nababagay ito sa lugar at yari o
uri ng pamamahay. Ang kurtina’y
ginagamit bilang pananggalang sa
labis na liwanag ng araw, pan-
sangga sa sobrang alikabok o
hangin. Ito’y ginagamit din na
panghati ng silid at pantabing din
sa dingding at nagsisilbing
palamuti.
Ang cornice ay kahoy na may
disenyo na inilalagay sa mataas
na bahagi ng kurtina upang di
makita ang mga kawad na gina-
mit sa pagsabit nito. Ang kahoy
na ito ay nakadaragdag sa kaa-
yusan ng paglalagay ng kurtina.
Makabubuting gamitin ang metal
o kahoy na sabitan upang hindi
lumundo ang kurtina lalo na
kung ito’y mabigat.
Mga dapat tandaan sa paglala-
gay ng kurtina:
1. Isaalang-alang ang kaayusan
at sukat ng pamamahay. Alamin
kung gaano ang gustong haba
para sa bahagi na lalagyan ng
kurtina. Kung nais na hanggang
pasilyo na bintana lamang,
bigyang pansin ang kulay at
disenyo ng kurtinang
gagamitin, ang sukat at hugis
ng bintana at ang laki at sukat
ng silid.
2. Ang kurtinang tuloy-haba o
drapes ay maaari rin sa mga
bintanang may pasilyo. Ang
manipis na uri ng kurtina ay sa
gitnang bahagi at ang makapal
na mahabang kuritna ay sa
magkabilang gilid ng bintana.
Ito’y maaaring kumbinasyon ng
mga disenyo at walang
disenyong mga panig.
3. Ang paglalagay ng kurtinang
tuloy-haba o drapes at ng glass
curtain o manipis na yari sa lace
ay maaaring lagyan ng valance.
Ang valance ay kurtinang maikli
at isinasabit sa pagitan ng
dalawang mahabang kurtina sa
itaas na bahagi ng unang
kurtina.
4. May mga kurtinang pleated,
sadyang kulubot o may
sheering, may continental
design, at kurtinang may
valance. Maaaring pumili sa
mga ito ng kurtinang nais gawin
at gamitin sa tahanan.
5. Kung may malalaking bintana
sa inyong bahay at nais mong
magmukhang maliit ang bahagi
o lugar na iyon, gumamit ng
kumbinasyon na kurtina.
Subalit kung madilim ang silid,
pumili ng kurtinang mapusyaw
ang kulay na magbibigay ng
saya at liwanag tulad ng dilaw,
rosas, dalandan o puti. Kapag
makitid at mataas ang bintana,
ang kurtinang dapat gamitin ay
may hati o sash at valance sa
itaas na bahagi at sumasakop
sa magkabilang bahagi ng
dingding.
b. Pagsasaayos ng Bulaklak
Ang inayos na mga bulaklak ay nakadaragdag ng
kagandahan sa loob ng pamamahay. Maaaring
mga sariwang bulaklak ang ilagay sa isang plorera
upang palamuti sa gitnang mesa, sa isang sulok ng
lamesita o sa ibabaw ng kabinet at sa iba pang
bahagi ng tahanan. Ang halamang berde o luntian
sa paso ay maaaring ipasok sa loob ng bahay
upang maging sariwa ang hangin na malalanghap.

Ang iba’t ibang paraan ng pagsasaayos ng


bulaklak ay ang mga sumusunod:
1. Mass Flower Arrangement –
halu-halong maramihang
bulaklak. Ito’y inaayos sa isang
plorera na may kabuuang sama-
sama ngunit may pabilog na
anyo sa paningin at hindi nakiki-
ta ang mga pinagtusukan.

2. Floating Arrangement – palutang


na bulaklak. Ito’y mga bulaklak na
pinutulan nang malapit sa talutot at
ipinatong sa bowl na kristal na may
tubig. Ito’y ginagamit sa mga mesang
may mga nag-uusap nang harapan.
3. Line Arrangement – ang mga
bulaklak ay may kaayusang may
simbulo na ang pinakamataas ay
tinatawag na Langit, ang napapagit-
nang ayos sa plorera ay Tao, at ang
pinakamababa ay Lupa.

4. Ikebana – ito’y pagsasaayos ng


bulaklak mula sa bansang Hapon. Ito’y
may sinusunod ding simbulo ayon sa
damdamin at interpretasyon ng nag-
aayos. Karaniwan nitong gamit ang
pinagsamang sariwa at tuyong bahagi
ng halaman.
5. Bouquet Arrangement - ito ay pag-
aayos ng bulaklak na kinapapalooban
ng ternong sariwang bulaklak at rib-
bon upang mapaanyong bouquet. Ito
ay karaniwang ginagamit na dekora-
syon sa mahahalagang okasyon tulad
ng debut, anibersaryo, kaarawan,
binyagan, pista, at iba pa na inilalagay
sa mga pintuan o hagdanan.
Maaaring ring magamit ang bouquet arrangement na
hinahawakan para sa kasal, mga abay, pagsagala sa
santakrusa, debut, at kaarawan. ito rin ay ibinibigay sa
mga babaeng nananalo sa mga timpalak at paligsahan o
inaalay sa piling panauhin o ikinakabit sa damit.
6. Crescent Arrangement – ang kaa-
yusan ng bulaklak ay parang bagong
sikat na buwan ang anyong makikita
sa linya sa mababang plorera. Ma-
gandang ilagay ito sa hapag-kainan,
mesang pangkomperensya o pan-
sulok na palamuti kung malaki ang
paghahanda.
Ang mga inayos na bulaklak ay nagsisilbing dekorasyon sa
isang silid. Subalit ang piniling kulay, tekstura, at halimu-
yak ay magpapasigla ng damdamin ng taong makakakita
rito. Ang kaayusan ng bulaklak ay dapat angkop sa uri ng
plorera at lugar na paglalagyan upang maging kasiya-siya
at mapayapa ang damdamin ng mga taong lalagi sa silid.
Linangin Natin

A. Bumuo ng pangkat na may tatlo miyembro at gumawa


ng mga bugtong tungkol sa mga kasangkapan at kung
saan ito matatagpuan.
Halimbawa: Ako ay pahingahan, himlayan sa gabi. Ano
ako at saan naroroon?
Tandaan Natin:
 Ang pagpili ng mga kasangkapan ay dapat naaayon sa uri
ng pamamahay, lugar, at pamumuhay ng mag-anak.
 Ang kurtina at mga sapin ay dapat angkop ang kulay at
kumbinasyon sa iba pang kasangkapan.
 Nakapagpapaganda ng tahana ang mga sariwang
halaman o bulaklak sa tahanan.
Gawin Natin:
Punan ng angkop na salita ang mga patlang. Piliin sa ibaba
ang tamang kasagutan.
1. Ang nag-aanyong damit ng tahanan ay ang paglalagay ng
_______________.
2. Ang ____________ ay kahoy na tumatakip sa kawad na
sabitan ng kurtina.
3. Ang ____________ ay maaaring ipasok sa loob ng bahay
upang maging sariwa ang hanging malalanghap.
4. Sa pag-aayos ng kasangkapan sa tahanan dapat isaalang-
alang ang ____________.
5. Ang silid-tulugan ay nagagamit ding ___________.
kaligtasan halamang berde kurtina
cornice valance silid-aralan
Pagyamanin
Natin:

Ayusin ang inyong tahanan


ayon sa prinsipyo ng pag-aayos
ng mga kasangkapan.
Pagsasaayos At
Pagpapaganda Ng
Tahanan

Pagsasagawa ng pag-aayos at EPP5HE-0e-13


pagpapaganda ng tahanan sa
pamamagitan ng paggawa ng
talatakdaan.
Alamin Natin:
Masdan ang mga larawan sa
ibaba. Hanapin kung ano ang
pagkakaiba.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa
unang larawan? Sa pangalawang
larawan?
2. Sa palagay ninyo bakit kaya
magulo ang ayos ng nasa unang
larawan?
3. Ano kaya ang dapat niyang
gawin upang ito ay maging
maayos?
Linangin Natin:
Ang paghahanda ng talatakdaan ng gawain ay
makatutulong upang maisagawa ng bawat kasapi
ang mga tungkuling dapat gampanan sa tamang
oras. Dito ay inilista ang mga gawaing pambahay
at pampamilya. Narito ang ilang bagay na dapat
tandaan sa paggawa ng talatakdaan ng gawain.
1. Gumawa ng talaan ng mga tungkuling kaila-
ngang isagawa. Sa paggawa ng talaan, tiyakin na
ang mga mahahalagang bagay ang dapat mauna.
Samantala, maaari namang isunod ang iba pang
tungkulin ayon sa hilig, libreng oras, at
kaluwagan ng pagsasagawa.
2. Maglaan ng tamang oras o panahon upang mai-
sagawa ang mga tungkulin. Mainam na palagiang
maging handa sa pagbabago ng talatakdaan lalo
kung may mga hindi inaasahang pangyayari.
3. Ang mga gawaing pareho ang proseso sa pagga-
wa ay maaari nang pagsamahin upang makatipid
sa oras at lakas.
4. Tiyakin na may oras ng pamamahinga at pagli-
libang na nakapaloob sa talatakdaan upang mai-
wasan ang pagkabagot at mabigyan ng tamang
pahinga ang katawan. Sa ganoon, nagkakaroon ng
sapat na lakas ang katawan para sa susunod na
gawain.
5. Isulat ang talatakdaan sa isang malaking papel
at idikit ito sa bahagi ng tahanan na palagingang
nakikita ng mga kasapi ng mag-anak.
Narito ang isang halimbawa ng talatakdaan:
Oras Magsasagawa Gawain
6:00 n.u. Ate Maghahanda ng almusal
7:00 n.u. Kuya at Bunso Magliligpit o mag-aayos ng silid-tulugan
7:00 n.u. Nanay Maglilinis ng salas at kusina
8:00 n.u. Buong mag-anak Pagkain ng almusal
9:00 n.u. Kuya Paghuhugas ng kinainan
9:00 n.u. Nanay at Ate Pamamalengke
10:00 n.u. Tatay Pagkukumpuni ng kasangkapan sa bahay
11:00 n.u. Nanay, Bunso, Ate Paghahanda ng pananghalian
12:30 n.h. Buong mag-anak Pananghalian
1:30 n.h. Buong mag-anak Pamamahinga/panonood ng television
Mga Salik na Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Talatak-
daan
1. Gulang – Ang mga bata’y mas maliksi at mabilis kumilos
kaysa sa mga nakatatanda at maaari silang bigyan ng
maraming gawain.
2. Kakayahan at karanasan – Makabubuti na alam natin
ang kakayahan at akalaman ng taong gaganap sa mga
tungkulin upang mapagkatiwalaan siya sa mga gagawin.
3. Lakas – May mga gawaing kailangan ang higit na lakas
upang maging mabuti ang paggawa, tulad ng pagbubuhat
o paglilipat ng mga kasangkapan kapag nag-aayos ng
pamamahay.
4. Oras – Oras sa pagsasagawa o bilang ng oras na
maaaring ilaan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Sa paghahanda ng talatakdaan ng gawain ay dapat
itala ang mga gawaing inaasahang matatapos ng isang
araw at ang oras na gugugulin sa paggawa, gayundin ang
mga taong tutulong at gaganap sa mga gawain.
Mga Gawain
Unang Araw
Gawain A. Bumuo ng pangkat na may apat na miyembro
at ipatala ang mga tiyak na kasangkapan ayon sa bahagi
ng bahay.
Unang Pangkat: Silid-Tanggapan
Ikalawang Pangkat: Silid-Kainan
Ikatlong Pangkat: Silid-Tulugan
Ikaapat na Pangkat: Kusina
Mga Gawain
Gawain B. Sa pangkatang gawain, mag-brain
storming tungkol sa paggawa ng talatakdaan.
○ Paano ginagawa ang talatakdaan?
○ Bakit kailangan ang talatakdaan na gawain ng
mag-anak?
○ Anu-anong gawain sa inyong tahanan ang
kailangan pagtulungan ng buong mag-anak?

Gawain C. Ipasagot kung TAMA o MALI


1. Ayusin ang mga kasangkapan sa pagluluto ng
magkakalapit sa isa’t-isa.
2. Ilagay ang maliit na kasangkapan ayon sa laki,
Mga Gawain
uri at gamit nito.
3. Isaayos ang mga upuan sa paligid ng hapag-
kainan.
4. Pangkatin ang mga kasangkapan ayon sa laki,
uri at gamit nito.
5. Ilagay ang kama sa gitna ng silid-tulugan.

Pagyamanin Natin:
Bumisita sa mga kabahayan ng iyong kaklase. Alamin
ang kanilang pamamaraan ng pag-aayos ng bahay. Ibahagi
ang pamamaraang sa tingin mo ay pinakamabisa. Ibigay
ang iyong kadahilanan kung bakit ito ang iyong napili.
Tandaan Natin:
*Ang paghahanda at paggawa ng talatakdaan
ng gawain ay dapat isagawa ng buong mag-
anak ayon sa kanilang mga kakayahan at oras
na maibibigay.
* Ang talatakdaan ng gawain ay makatutulong
sa mabuting samahan ng mag-anak upang
matapos agad ang mga gawain sa tahanan.
* Ang pagmamahal sa paggawa, sipag, tiyaga
at pagkamalikahain ay nakapagpapaundlad sa
sarili at nakatutulong sa pag-unlad ng mag-
anak at ng pamayanan.
Paglikha Ng
Kagamitang
E Panghalili
P
P
5
Mula Sa Iba’t-
ibang
HE
0e-
14

Materyales
Makalikha ng mga kagamitang panghalili
mula sa iba’t ibang uri ng materyales na
magagamit sa pag-aayos ng tahanan. Ang
paggawa ng mga kagamitang ito ay
magbibigay ng kasanayan sa mga mag-aaral
na mamulat sa mga kapaki-kapakinabang
na gawain upang umunlad ang pagiging
malikhain at magbukas ng isipan sa
maaaring pagkakitaang gawain.
min Na ti n:
Ala

Maaliwalas ang pakiramdam at nakararagdag sa


kaganda-han ng tahanan ang paglalagay ng palamuti.
May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng
palamuti para sa tahanan at paggawa ng isang
kagamitang pantahanan. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Uri at laki ng silid na paglalagyan
2. Gamit o tungkulin
3. Bumabagay sa mga kasangkapan
4. Tampulan ng pansin o focus of attention
5. Pampukaw sa imahinasyon at pagkamausisa
ng tao
Linangin Natin:

Bumuo ng pangkat na may tatlo miyembro at


sundin ang nakasaad sa activity card.
Activity Card 1 : Gumawa ng kurtina
Activity Card 2 : Gumawa ng ash tray
Activity Card 3 : Gumawa ng bulaklak na yari
sa drinking straw
Activity Card 4 : Gumawa ng simpleng
kwadro para sa larawang parisukat
Tandaan Natin:
Ang mga palamuti ay mga bagay na
maliit, kaakit-akit at nagdaragdag ng
kasiglahan sa anumang silid na
kinalalagyan nito. Mahalagang piliin ang
mgga palamuti sa tahanan. Dapat iayon
ang mga palamuti sa uri at laki ng
pinaglalayan nito. Hindi magandang
tingnan kung masyadong maraming
palamuti sa tahanan lalo na kung hindi
ito nakapangkat sa uri.
Gawin Natin: Ipasagot ng Oo, Hindi Gaano o Hindi
Mga Pamantayan Oo Hindi Hindi
Gaan0
1. Kapakipakinabang ba ang
proyektong napili?
2. Gumamit ba ng materyales na
matibay?
3. Naging matipid ba sa paggamit ng
materyales?
4. Naipakita ba ang wastong
pamamaraan at hakbang sa pagbuo
ng kagamitang pantahanan?
5. Natapos ba sa takdang oras ang
kagamitang pantahanan?
6. Angkop ba sa lugar ng bahay na
paglalagyan nito?
Pagyamanin Natin:
Magpagawa ng simpleng kwadro
para sa larawang isasabit sa silid-
tulugan.
Salamat sa
Pakikinig!

Hanggang sa Mul
i Mam Maylen

You might also like