You are on page 1of 44

PAGSASAAYOS NG TAHANAN AT

PAGLIKHA NG KAGAMITANG
PAMBAHAY
Aralin 4
Tiyak na Layunin:
Tungkulin sa Pag-aayos ng Tahanan
◦ Ang kaalaman, kasanayan, at pinagkukunan ng kabuhayan ng pamilya ay mga
mahahalagang salik sa maayos at matipid na pangangasiwa ng tahanan.
Saklaw ng tungkuling ito ay kung paano mapagagaan ang mga gawain para sa
bawat kaspi sa tamang oras at panahon na naaayon sa pagpapahalagang
itinakda ng bawat kasapi ng pamilya.
◦ Ang maayos na pamumuhay ng mag-anak ay matatamo sa pamamagitan ng
epektibo at matipid na paraan ng pangangasiwa ng mga gawain sa tahanan.
Magiging maligaya at matiwasay ang pamumuhay kung pahahalagahan ang
tungkuling gagampanan ng bawat isa.
◦ Magiging makabuluhan at mabisa ang maayos na pangangasiwa ng mag-anak
sa mga gawaing pantahanan kung nagkakaisa, nagmamahalan, at may
pagsusunuran ang bawat kasapi.
◦ Ang mga salik sa mabisang pangangasiwa sa gawaing pantahanan ay
nararapat sundin.
1. Dami ng Gawain – Alamin ang mga gawaing kailangan tapusin sa loob ng
tahanan sa takdang araw.
2. Pagkakasunod-sunod ng Gawain – Gumawa ng talatakdaan ng mga gawaing
pantahanan ayon sa pagkakasunod-sunod ng paggawa ng mga ito.
3. Dalas ng paggawa – Uriin ang mga Gawain ayon sa dalas ng pagsasagawa ng
mga ito. May mga gawaing kailangang gawin araw-araw tulad ng paglilinis
ng bahay at bakuran, pagluluto, at paghuhugas ng pinagkainan at
pinaglutuan. Ang paglalaba, pamamalantsa, pag-aayos ng mga kagamitan sa
kani-kaniyang lalagyan, at paglilinis ng refrigerator ay ginagawa nang
lingguhan. Mayroon ding ginagawa nang buwanan tulad ng pagkukumpuni
at pagpapalit ng kurtina.
4. Pangangailangan, kakayahan, gulang, kalusugan, at panahong
gugulinng bawat kasapi ng mag-anak – Kailangang isaalang-alang ang
kakayahan, gulang, at kalusugan ng bawat kasapi ng mag-anak sa
pagtatakda ng gawaing iaatas sa bawat isa. Gayundin ang
pangangailangan ng mag-anak at ang panahong gugugulin upang
maisakatuparan ang bawat Gawain sa takdang panahon.
5. Pag-uugnayan ng iba’t ibang kasapi ng mag-anak – Sa pamamagitan
ng pag-uugnayan, maisasagawa ang anumang balak gawin. Mapag-
uusapang Mabuti ang Gawain upang maiwasan ang pagtatalo at di-
pagkakaunawaan hinggil sa mga tungkuling ginagampanan.
Mga Bahagi ng Tahanan at mga Gawaing Kaugnay Dito

◦ Ang isang bahay o tahanan ay may iba’t ibang bahagi. Sa bawat bahagi ay may
nakatalagang Gawain at mga kagamitan.
1. Silid-tanggapan o Sala
Dito tumatanggap ng mga panauhin ang mag-anak. Dito rin sila nag titipon-
tipon, at sama-samang naglilibang at nagkukuwentuhan ng mga karanasan ng
bawat isa sa buong araw.
Ang silid-tanggapan ay nasa bungad na bahagi ng tahanan. Kailangang ito
ay maluwag, maliwanag, mahangin, at maaliwalas. Ang ganitong kaayusan ay
nagpapahiwatig ng sigla at kasiyahan ng pagtanggap sa mga panauhin.
◦ Ang mga kasangkapang karaniwang natatagpuan sa silid-tanggapan ay sala
set o sopa at mga upuan, mesang mahaba sa gitna o center table, at mesa sa
tabi o side table ng upuan. Maaari ring maglaan ng mga karagdagang gamit
na maaaring gamitin sa pagsusulat at pagbabasa.
2. Silid-kainan
Dito sabay-sabay na kumakain ang mag-anak. Sa ibang tahanan, magkasama
na ang silid-tanggapan at silid-kainan. Sa ibang tahanan naman ay magkasama
ang silid-kainan at silid-lutuan o kusina.
Ang silid-kainan ay dapat malapit sa iba pang silid. Ang mea at mga upian ay
maginhawang nasa gitna ng silid na ito. Ang mga pinggan at baso ay dapat ilagay
sa isang kabinet o estante sa silid-kainan. Ito ay nagsisilbing pakamuti sa silid.
Ayusing Mabuti ang mga pinggan, baso, at iba pang kagamitan sa pagkain bago
at pagkatapos kumain dito.
3. Silid-tulugan o Pahingahan
Dito nagpapahinga o natutulog ang mag-anak. Ito ang pinakapribadong
bahagi ng tahanan. Hindi tulad ng silid-tanggapan, ang silid-tulugan ay para sa
mag-anak lamang at ilan sa mga taong malapit at pinagkakatiwalaan nila.
Iminumungkahi ang bawat kasapi ng pamilya ay magkaroon ng kanya-kanyang
silid-tulugan kung may pagkakataon para sa mga pansariling
pangangailangan.
4. Silid-lutuan o Kusina
Dito inihahanda ang pagkain ng mag-anak. Nararapat lamang na
panatilihin ang kalinisan ng bahaging ito pati ang mga kagamitan sa
pagluluto, sapagkat nakasalalay sa malinis at maayos na paghahanda ng
pagkain ang kalusugan ng bawat kasapi ng mag-anak .
5. Banyo at Palikuran
Dito naliligo at naglilinis ng katawan ang mga kasapi ng mag-anak.
Karaniwang hiwalay ang paliguan sa palikuran. Ngunit, marami ring
tahanan ang may magkakasamang paliguan at palikuran.
Pag-aayos ng Tahanan, Kagamitan at Kasangkapan

◦ Isang karangalan ng mag-anak ang pagkakaroon ng tahanang


bukod sa malinis ay maayos at maganda pa. magiging kasiya-siya
ang pagtira sa isang tahanan kung ang lahat ng aspekto nito
tulad ng kurtina, mga kuwadro, mga halaman, at iba pang
dekorasyon ay nasa tamang kaayusan.
Pag-aayos ng mga Kagamitan
Ang pag-aayos ng mga kagamitan sa loob ng tahanan ay mahalaga sa isang mag-
anak. Ang kasangkapan ay kailangang matibay at naaayon sa laki ng bahay at antas ng
pamumuhay.
Sa pag-aayos ng sala set, gawing magkaharap ang mga upuan. Ilagay sa gitna ang
center table at ang side table sa may bandang gilid. Pagsama-samahin ang mga
appliances tulad ng telebisyon, stereo, at DVD player. Ilagay ang iba pang personal na
gamit tulad ng kompyuter at piano sa bahagi ng bahay na hindi naaarawan.
Pagkakabit ng Kurtina
Ang pagkakabit ng kurtina ay isang masining na Gawain sa loob ng bahay. Ito ay
nagbibigay-buhay at ginagawang kaakit-akit ang loob ng tahanan. Nagiging masaya
ang pakiramdam ng mag-anak at maaliwalas ang kapaligiran. Ang kurtina ay maaaring
yari sa tela, sa straw, sa kawayan o sa plastic na kung tawagin ay Venetian blind.
Ang kurtina ay kailangang ibagay sa kulay at laki ng silid. Ang disenyo, anyo ng silid,
sukat, at uri ng bintana ay kailangan ding bigyang pansin.
Narito ang ilang mungkahi sa pagkakabit ng kurtina:
a) Iayon ang telang gagamitin sa pagkakabit ng kurtina. Manipis na kurtina ang
kadalasang ginagamit sa mga bintanang salamin. Ang makakapal na kurtina
ay ginagamit na panggilid.
b) Iharap sa silid ang tamang bahagi ng kurtina. Ang haba ay maaaring apat
hanggang limang pulgada paibaba ng pasimano at apat hanggang limang
pulgada rin mula sa sahig.
c) Ipaloob sa balangkas ng bintana ang kurtina kung malapad ang bintana at
ilampas nang kaunti sa balangkas kung makitid.
d) Gumamit ng kahoy, aluminum na sabitan o curtain rod.
Pag-aayos ng Bulaklak
a) Ikebana- ito ay paraan ng pag-aayos ng bulaklak na nagmula pa sa Hapon.
Binibigyang-diin nito ang guhit at ang tatlong pangunahing taas o haba na
sumasagisag sa langit, tao, at lupa. Nakapagpapatingkad sa ganda nito ang
paggamit ng mahahabang tangkay at iba’t ibang tuyong bagay.

b) Palutang o floating arrangement- ang paraang ito ng pag aayos ay gumagamit ng


mga bulaklak na maaaring tumagal sa tubig ng lotus, water lily, at iba pang bulaklak
na may malambot na tangkay. Mahaba at yari sa kristal ang angkop na gamitin sa
palutang na ayos ng bulaklak.
c) Dish garden- ang paraang ito ag pag-aayos ng bulaklak ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagpapangkat ng mga halaman ayon sa laki, uri, at kulay ng mga ito.
Ang paso ay nilalagyan ng mga pinong bato at lupa kung saan itinatanim ang iba’t
ibang uri ng halaman. Kailangan ang masusing pag-aalaga at ingat sa pagdidilig.
Mahalaga ring pasikatan ang mga halaman ng araw paminsan-minsan.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aayos ng Bulaklak
a) Pumili ng bulaklak na may iba’t ibang haba ng tangkay.
b)Ilagay ang malalaki at matitingkad na kulay na bulaklak sa bandang
ibaba ng plorera. Ang apupusyaw na kulay at may pinakamahabang
tangkay ay sa bandang itaas at sa gitna ang katamtamang kulay at
haba.
c) Gumamit ng mga luntiang dahon bilang kaligiran o background.
d)Paisa-isang ilagay ang mga bulaklak upang makatiyak na balance ang
ayos nito.
e)Lagyan ng malinis at sapat lamang na tubig ang plorera.
Pagsasabit ng mga Larawan sa Dingding
Ang pagsasalita ng larawan ay isang masining na paraan ng pagpapalamuti sa
dingding. Isinasaalang-alang dito ang paksa, ganda, linya, kulay, at disenyo ng
larawang nasa kuwadro.
Ang landscape, tanawin o mga bulaklak ay nag bagay sa sala o silid-tanggapan.
Ang larawan ng santo, mag-anak o poster ng mga paboritong artista ay sa silid-
tulugan dapat ilagay. Maaari rin itong ipatong sa ibabaw ng mesa.
Halimbawa, ang larawan ng Last Supper at larawan ng mga pagkain ay maaaring sa
silid-kainan isinasabit.

Mga Alituntunin sa Pagsasabit ng Larawan


a) Ibagay ang laki ng kuwadro sa laki ng paglalagyan, maliit na kuwadro sa maliit na
dingding, at ang malaking kuwadro sa malapad na dingding.
b) Gumamit ng simpleng kuwadro. Iwasan ang paggamit ng kuwadrong
may disenyo sapagkat inaagaw nito ang atensiyon mula sa larawan.
c) Lagyan ng tornilyong pagkakabitan ng alambre ang likod ng kuwadro.
Maglagay ng hook sa pagsasabitan sa dingdin.
d) Isabit ang larawan nang lapat na lapat sa dingding at pantay sa mata
ng mga tumitingin o eye level.
e) Iwasang magsabit ng maraming larawan sa sala. Isa o dalawa lamang
ang maaaring isabit sa dingding.
Kabutihang Dulot ng Pag-aayos ng Tahanan
Pagsasaayos at Pagpapaganda ng Tahanan
May kasabihan na kahit na maliit ang tahanan basta’t maayos, malinis, at angkop ang mga bagay at
palamuting ginamit ay tiyak na magiging maganda, maginhawa, at kawili-wiling tirahan.
May mga tuntuning dapat sundin sa pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan.
A. Silid-tanggapan
Panatilihing malinis ang sala sapagkat dito tinatanggap ang mga
panauhin.
a. Ang malalaking muwebles ay dapat nakaayon sa dingding .
b. Ang mga silya ay dapat magkaharap upang maging maginhawa habang nag-
uusap.
c. Lagyan ng angkop na muwebles ang bandang sulok ng silid upang makadagdag ganda sa silid.
d. Maaaring maglagay ng palamuting halaman upang mas maganda ang silid.
e. Ibagay ang kurtinang ilalagay at mga palamuting maaaring isabit sa dingding tulad ng painting o magandang
tanawin.
B. Silid- kainan
a. Ang mesang kainan, mga silya, at estante ay mga
pangunahing kasangkapan na dapat makita sa silid-kainan.
b. Maglagay ng fruit tray o kaya’y bulaklak sa gitna ng mesa
upang maging makulay ang mesang kainan.
c. Magsabit sa dingding ng larawang my kaugnayan sa pagkain.

C. Silid-tulugan
b. Kailangang maging maayos at maaliwalas ang silid na ito,
sapagkat dito nagpapahinga ang mag-anak.
b. Ilagay ang kama sa tabi ng dingding.
c. Maaaring maglagay ng larawan ng mag-anak.
D. Silid-lutuan o Kusina
Ang kusina ay dapat maging malinis, sapagkat dit0
inihahanda ang Pagkain ng mag-anak.
a. Isaalang-alang ang apat na sentrong matatagpuan sa silid lutuan tulad ng:
Lutuan, hugasan, taguan, at gawaan ng pagkain.
b. Ang kusina ay may iba’t ibang hugis. Ito ay maaring L-shaped, U-shaped, o one wall-shaped.

L-shaped U-shaped one wall-shaped


c. Ang mga kabinet ay maaring sa ilalim ng gawaang lugar o itaas ng bahaging gawaan.
Paggawa ng Plano ng Pag-aayos
Sa paggawa ng plano ng pag-aayos, dapat isaalang-alang ang prinsipyo ng
sining na sumasaklaw sa mahahalagang element tulad ng mga sumusunod:
1. Diin o Emphasis
Ang isang silid ay kailangang magkaroon ng diin o sentro ng interes o focal
point. Maaaring isang kasangkapan o larawan o isang bintanang makikitaan ng
magandang tanawin. Ipinapayong magbigay-diin sa isang bahagi lamang.
2. Ugnayan o Harmony
Pinag-uugnay nito ang magkakatulad na element ng larawan upang
magkaroon ng kalugod-lugod na epekto. Iwasan ang pagkakaroon ng
matitingkad at magkakasalungat na kulay.
3. Timbang o Balance
Ang pag-aayos ng mga kagamitan ay pantay sa bawat bahagi ng silid. Hindi
dapat ilagay ang malalaking kasangkapan sa isang panig at ang maliliit ay sa
katapat na panig.
4. Sukat o Proportion
Ito ang kasiya-siyang pagkakaugnay ng mga bagay sa loob ng silid na may
kinalaman sa agwat, laki, at hugis ng mga bagay. Halimbawa, malaking
kasangkapan o malaking silid at maliit na kasangkapan sa maliit na silid.
5. Ritmo o Rhythm
Ito ang kaaya-ayang pagkakaugnay, pagkakapareho o consistency ng mga
bagay upang maging magaan ang paglipat ng paningin buhat sa isang
pangkat ng mga bagay tungo sa iba pang pangkat. Ang pag-uulit ng kulay,
guhit, hugis at laki ay mga paraan upang magkaroon ng ritmo.
Iba Pang Paraan ng Pagpapaganda n2g mga Silid
1. Pagpili ng Kulay
Nakapagbabago sa laki, hugis, at uri ng isang silid ang kulay. Sa malalaking bahagi
tulad ng dingding at kisame, gamitin ang mga kulay na di-matingkad. Mag kulay na
medyo matingkad naman ang kaaya-ayang gamitin para sa mga kurtina, sopa, at
kobrekama. Ang pinakamatingkad na kulay ang maaaring gamitin sa mga almohadon
o throw pillow at sa maliliit na bagay.
Sa pagpili ng kulay para sa silid, kailangang isaalang-alang ang liwanag na
pumapasok dito. Gamitin ang malalamig na kulay sa mga silid na maliwanag at di-
matingkad na kulay sa madilim na silid.
2. Pagpili at Pagsabit ng Kurtina
Karaniwang ang buong dingding ay nilalagyan ng kurtina upang mapaganda ang
isang silid.
Ang mga galss curtain ay isinasabit sa tapat ng bintana. Ang mga ito ay karaniwang
yari sa manipis na materyales. Ang ganitong kurtina ay maaaring isabit nang tuwid o
nakatali.
Ang bigat ng telang gagamitin at dingding o bintanang pagsasabitan ay dapat
isaalang-alang sa pagpili ng kurtina. Gumamit ng hook, ring, at curtain rod para sa mas
magandang pagkakasabit ng mga makurtina.
3. Pagpili ng Larawan
Piliin ang larawang may magagandang kulay at makahulugang disenyo. Isabit ang
larawan nang pantay-mata at lapat sa dingding. Tiyaking walang makikitang kawit o
alambre. Ang malaking larawan ay dapat isabit sa malaki ring dingding at ang maliliit ay
sa maliit na dingding.
Iba’t ibang Uri at Paraan ng Paggawa ng mga Kagamitang Pambahay (Soft
Furnishing)
a. Kurtina
Mga Kasangkapan: Telang mas Malaki ng 18 pulgada kaysa aktwal na haba ng kurtina
Sinulid na kakulay ng tela
Gunting
Medida o tape measure
Aspile o pins
Mga Kagamitan: Plantsa at plantsahan, Makina
Pamamaraan:
1. Basain ang tela o pre-shrink ito at patuyuin upang maiwasan ang pag-urong at paglunot ng
mga tahi sa unang laba nito.
2. Plantsahin, tiyaking walang gusot at kulubot ang tela upang maging eksakto ang sukat.
3. Gupitin ang uriya o gilid ng tela ( finished edge or selvage).
4. Itupi nang ½ pulgada paloob at plantsahin ang mga gilid.
5. Itupi ulit nang ½ hanggang 1 at plantsahin.
6. Aspilihan ang pangalawang tupi upang hindi mawala sa lugar.
7. Tahiin nang padiretsong tahi.
8. Tahiin ang tupi sa ibaba ng kurtina.
9. Pagtahi ng curtain rid pocket- Itupi ang itaas ng kurtina ng ½ sa unang tupi at 2 sa pangalawang
tupi at plantsahin. Aspilihan katulad ng naunang ginawa sa mga gilid ng kurtina at tahina.

b. Mantel (table cloth)


Mga Kasangkapan:
Tela ng Oxford o anumang angkop na tela (segun sa laki ng mesa)
Tailor’s chalk
Medida
Sinulid na kakulay ng tela
Mga Kasangkapan: Gunting, Makina, Medida
Pamamaraan:
1. Sukatin ang ibabaw ng mesa.
2. Alamin ang nais na drop o palawit ng metal at idagdag sa naunang sukat. Dagdagan ng 1
pulgada sa bawat gilid ng metal. Ang isang karaniwang drop o palawit ay 8 hanggang 10
pulgada.
3. Itupi ang mga gilid at ihilbana.
4. Tahiin sa makina ang mga gilid.
5. Maaaring lagyan ng border o anumang trimmings sa gilid o patched design upang
makadagdag sa magandang anyo ng metal.
c. Table Napkin
Mga Kasangkapan:
Tela
Sinulid na kakulay ng tela
Mga Kagamitan: Gunting, Medida, Plantsa
Pamamaraan:
1. Gupitin ang tela sa sukat na 13x13.
2. Tupiin nang ¼ ang lahat na gilid at plantsahin. Gawin nang dalawang beses.
3. Itupi ang bawat sulok para malalikha ng maliit na tatsulok. Idiing mabuti.
4. Gumawa ng ¼ pulgadang tupi sa itaas at ibabang gilid. Plantsahin.
5. Ulitin ang bilang 4. aspilihan ang tupi sa lahat na gilid.
6. Tahiin sa makina ang lahat ng gilid. Gamitin ang backstitch sa umpisa at sa dulo
bilang pansara.
Paggawa ng Plano ng mga kagamitang Pambahay
Ang anumang proyekto ay nangangailangan ng maingat na pagpaplano. Ito ang paraan
upang maiwasan ang pag-aaksaya ng gamit, enerhiya, at panahon.
Mga alituntunging dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng kagamitang tatahiin:
1. Masusuing pag-aralan ang gagawing proyekto. Bigyang-pansin ang layunin at mga
kagamitang kakilanganin.
2. Iangkop sa silid na paglalagyan ang telang gagamitin.
3. Pagtuunan ng pansin ang yari o tabas ng proyektong gagawin.
4. Tiyaking matibay at angkop sa badyet ang telang gagamitin.
5. Bilhin lamang ang mga karagdagang gamit ayon sa pangangailangan.
Paggawa ng Plano
Magiging maayos at maganda ang isang proyekto kung ito ay maipaplano nang husto. Ito
ang magsisilbing gabay habang pinaplano ang proyekto. May iba’t ibang bahagi ang isang
plano.
Plano ng Proyekto
I. Pangalan: Isinusulat dito ang pangalan ng gagawing proyekto.
II. Mga Layunin: Inilalahad sa bahaging ito ang mga pakay kung bakit gagawin ang
proyekto.
III. Mga Kagamitan: Inilalahad dito ang mga kakailanganin sa paggawa ng proyekyo.
IV. Disenyo: Iginuguhit dito ang kalalabasan ng proyekto.
V. Pamamaraan: Itinatala rito ang mga hakbang sa wastong pagkakasunod-sunod.
VI. Pagpapahalaga: Kadalasang ginagamitan ito ng isang scoreboard. Ito ay may mga
tanong o Gawain, bahagi para sa marka ng gumawa, at bahagi para sa magulang at
guro.
Paggamit ng Makina at Kamay sa Pagbuo ng mga Kagamitang
Pambahay
◦ Ang pagkaimbento ng makina ay isang malaking hakbang na nagpabuti sa gawaing
pananahi. Sa makina, mabilis na natatapos at higit na matibay ang tahi kaysa sa tahi sa
kamay.
◦ Ang unang makinang Panahi ay inimbento ni Elias Howe noong 1846. pinagyaman ito ni
Isaac Merritt Singer noong 1851.

Mga Bahagi ng Makina


◦ May pangunahing bahagi ang makinang Panahi. Mahalagang malaman ang mga bahaging
ito at ang ginagawa ng bawat isa.

A. Ulo ng Makina – ito ang bahagi sa itaas ng makina na binubuo ng maliliit at tiyak na bahagi
ng makina.
1. Gulong na pangkamay o balance wheel – ito ang
maliit na gulong sa gawing kanan ng ulo ng
makina na umiikot sa pamamagitan ng kordon.
Nagpapaandar ito o nagpapahinto sa makina
katulong ang gulong sa ilalim.
2. Tusukan ng karete o spool pin – ito ay nasa itaas
na bahagi ng ulo ng makina kung saan inilalagay
ang kareta ng sinulid o spool.
3. Ikiran ng sinulid ng bobina o bobbin winder – ito
ang bahaging nag-iikid o pumupulupot ng sinulid
ng bobina na matatagpuan malapit sa balance
wheel.
6. Panikwas ng sinulid o thread take-up lever 4. Pang-ayos ng tahi o stitch regulator – ito ay nasa
– ito ang bahaging humihila nang paitaas sa kaliwa ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-aayos
labis na sinulid. ng haba o ikli ng mga tahi.
7. Kabilya ng karayom o needle bar – ito ang 5. Pang-itaas na panghigpit o tension regulator – ito
pinaglalagyan ng karayom at nagdadala ng ang bahaging nag-aayos ng luwag o higpit ng mga
sinulid paitaas habang nananahi. tahi ayon sa pangangailangan.
8. Presser foot – ito ang bahaging
pumipigil at gumagabay sa tela habang
nananahi.
9. Presser bar lifter – ito ang nagtataas
at nagbababa ng presser foot.
10. Face plate – ito ang takip sa bandang
kaliwa ng braso na maaaring alisin
upang maparaan ang kabilya ng
karayom.

11. Tornilyong pampaandar o stop motion screw – ito ang malaking tornilyo
sa gitna ng balance wheel. Maaari itong luwagan o sikipan. Itinitigil nito ang
pag-andar ng makina kapag niluluwagan at pinaandar naman kung
sinisikipan.
12. Thread guide – ito ay binubuo ng tatlong kalawit na pumapatnubay sa
sinulid mula sa spool pin hanggang sa karayom.
1. Metal na pambibig o throat plate – ito
ang platong metal na nasa ibabaw ng
B. Kama o bed – ito ang patag na bahagi ng kama na daanan ng karayom at
ulo ng makina sinulid.
2. Ngipin ng makina o feed dog – ito ay
nasa ilalim ng presser foot. Ang
bahaging ito ay siyang nag-uusod ng
tela habang tinatahi.
3. Takip na metal o slide plate – ito ay
takip na metal sa gawing kaliwa ng
kama na maaaring buksan upang
alisin o ilagay ang kaha sa bobina.
4. Kaha ng bobina o bobbin case – ito
ang lalagyan ng bobina.
5. Bobina o bobbin – ito ang
pinaglalagyan o pinag-iikitan ng
sinulid na inilalagay sa ilalim ng
makina.
C. Ibaba ng Makina 1. Belt o koreya/ kulindang – ito ang nag-uugnay
sa maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking
gulong sa ilalim ng makina.
2. Malalaking gulong o band wheel – ito ang
malaking gulong na nasa gawing kanan ng
ibabang bahagi ng makina. Ito ang
pinagkakabitan ng koreya o kulindang at
nagpapaikot sa balance wheel.
3. Pedal o treadle – ito ang tapakan o pedal na
nasa bandang ilalim ng makina. Dito
ipinapatong ang mga paa upang paandarin o
patigilin ang makina.
4.Band wheel crank – ito ang bahaging nagpapaikot sa malaking gulong sa ilalim.
5. Pangawit o pitman rod – ang bahaging ito ay isang mahabang bakal na naghuhugpong sa
treadle at sa malaking gulong.
6. Giya ng koreya o belt guide – ito ang pumapatnubay sa koreya upang hindi mawala sa
lugar ang koreya.
Wastong Paraan ng Paggamit ng Makina
◦ Hindi sapat na malaman lamang ang mga bahagi ng makina at ang gawain ng bawat bahagi.
Kailangan ding malaman ang wastong paggamit at pangangalaga nito upang tumagal ang
gamit at maging maayos ang kagamitang tatahiin. Bago gamitin ang makina, kailangan
sundin ang mga sumusunod na gawain bilang paghahanda.
A. Paglalagay ng Karayom 1. Igalaw ang balance wheel hanggang tumaas nang husto
ang lalagyan ng karayom.
2. Paikutin ang tornilyo sa gilid ng needle clamp upang ito ay
lumuwag.
3. Ipasok ang turnilyo sa ilalim ng needle clamp. Ang karayom
na pangmakina ay may dalawang panig: ang isa ay lapat at
mahaba at ang kanila naman ay bilugan at maikli. Ang panig
ng mahaba ay kailangang nakaharap sa dako ng makina
kung saan nanggagaling ang sinulid na isusuot dito.
4. Ikutin ang tornilyo upang humigpit ito.
B. Paglalagay ng bobina
1. Ikutin ang stop motion screw sa balance wheel upang
huwag gumalaw ang makina.
2. Maglagay ng karete ng sinulid sa spool pin.
3. Paikutan ng sinulid ang bobina nang ilang beses.
4. Isuot Mabuti ang bobina sa bobbin winder.
5. Apakan ang treadle upang umandar ang bobbin
winder. Ipagpatuloy hanggang sa mapuno ng sinulid
ang bobina.
6. Hayaang may sobrang sinulid na hindi nakaikot sa
bobina.
7. Ipasok ang bobina sa kanyang kaha.
8. Hilahin ang dulo ng sinulid, isingit sa siwang ng kaha,
at itaas ito. Dapat umiikot ang bobina ng clockwise
kapag hinila ang sinulid na nakalabas sa kaha.

You might also like