You are on page 1of 23

MGA HAKBANG SA PANGANGASIWA NG TAHANAN

1. Pagpaplano
Mga Uri ng Gawain
A. Pang- araw- araw
1. Pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan
2. Pagluluto
3. Paglilinis ng bahay
4. Pagliligpit ng higaan
5. Paghahanda ng hapag- kainan
6. Pagwawalis
7. Paglilinis ng bakuran
8. Pagtatapon ng basura
9. Pagdidilig ng halaman
B. Lingguhan
1. Paglalaba
2. Pamamalantsa
3. Paggogroseri
4. Pagpupunas ng mga kuwadro
5. Paglalagay ng floor wax
6. Pagpapalit ng beddings- punda at kubrekama o
bedsheet
7. Pagpapalit ng mantel
8. Pagsusulsi ng mga may punit/ sirang damit
C. Buwanan o Paminsan- minsan
1. Pagpapalit ng kurtina
2. Pag- aagiw ng kisame
3. Pag- aayos ng mga damit sa cabinet
4. Paglilinis ng bentilador
5. Paggupit ng damo sa bakuran
6. Pagpuputol ng mga sanga ng puno
2. Pagtatakda ng tungkulin
Iayon sa:
a. kakayahan
b. kasarian
c. gulang
d. kalusugan
3. Pagsasagawa at pagsubaybay
4. pagpapahalaga
TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN SA TAHANAN
Mga Gawain sa Tahanan Oras ng Taong
Paggawa Gagawa
1. Pamamalengke/ Paggogroseri
2. Pagluluto
3. Pagliligpit at paghuhugas ng pinaglutuan at
pinagkainan
4. Paglilinis ng bahay at pinagkainan
5. Pagdidilig ng mga halaman
6. Pagpupunas ng mga muwebles
7. Pagtatapon ng basura
8. Pagwawalis/ Pagbubunot ng sahig
9. Pagpapahid ng floor wax
10. Paglalaba
11. Pamamalantsa
12. Pag- aayos ng mga cabinet
13. Pagde-defrost ng refrigerator
GAWAIN SA BAWAT
BAHAGI NG TAHANAN
SALA O SILID-
TANGGAPAN
• Dito tinatanggap
ang mga bisita at
panauhin.
• Panatilihing maayos
at malinis upang
maging kaaya- aya
sa ibang tao.
SILID- KAINAN
• Dito malilinang at
masasanay sa
kabutihang asal,
pagpapahalaga sa
pagkain, pagtitipid,
konsiderasyon, at
pagbibigay- halaga sa
nakahandang
pagkain.
SILID- TULUGAN
• Tanging may-
ari ng silid na
ito ang
maaaring
maglabas-
pasok at
matulog ditto.
PALIKURAN
• Pribadong lugar
ang silid na ito.
Kapamilya man o
bisita ay
kailangang
humingi ng
permiso sa
pagpasok dito.
MGA PARAAN NG PAGLILINIS
1.Magsimula sa kisame. Gumamit ng
walis na may mahabang hawakan. Isama
ang ilawan.
2.Isunod ang dingding at mga larawang
nakakuwadrado.
3.Walisan ang ilalim ng cabinet, mesa,
kama, at mga upuan. Ipunin ang dumi
sa sahig.
4.Walisan ang mga gilid- gilid ng bahay papunta
sa gitna.
5.Ilabas ang naipong mga dumi at ilagay sa
basurahan sa labas ng bahay. Ilabas din ang
doormat at ipagpag sa labas ng bahay.
6.Ihuli ang pagma- mop ng sahig. Pagkatapos,
lagyan ng floorwax.
7.Punasan ang mga mesa, upuan, at iba pang
gamit, pagkatapos ng pagwawalis at
pagbubunot/ pagpa-polish.
MGA KAGAMITAN AT
KASANGKAPAN SA
PAGSASAAYOS
MGA KAGAMITAN SA
PAGLILINIS
BUNOT
Pinaggagamitan
• Panlinis at pampakintab ng
sahig
Pangangalaga
• Kayurin ang dumi.
• Gupitin ang mga gilid ng bao
na nakalitaw na.
FLOOR POLISHER
Pinaggagamitan
• Panlinis at pampakintab ng
sahig; mabilis at madali
Pangangalaga
• I-unplug kapag hindi
ginagamit.
• Iligpit sa ligtas na lugar.
MOP
Pinaggagamitan
• Panlampaso sa sahig
Pangangalaga
• Labhan sa tubig na may sabon.
• Banlawan at patuyuin.
WALIS TAMBO
Pinaggagamitan
• Panlinis sa sahig at sa patag na
mga ibabaw na kasangkapan
Pangangalaga
• Linisin sa tubig na may sabon.
• Banlawan at patuyuin.
• Ibitin sa hawakan sa pagliligpit.
BASAHAN
Pinaggagamitan
• Pampunas at pampaspas ng
alikabok
Pangangalaga
• Labhan sa tubig na may sabon.
• Banlawan at patuyuin.
WALIS TINGTING
Pinaggagamitan
• Panlinis sa hindi pantay at
bako- bakong ibabaw gaya ng
garahe at bakuran.
Pangangalaga
• Itabi sa gilid o ligtas na lugar.
WALIS TINGTING NA MAY
MAHABANG HAWAKAN
Pinaggagamitan
• Pantanggal ng agiw sa kisame
at matataas na dingding.
Pangangalaga
• Linisin sa tubig na may sabon.
• Banlawan at patuyuin.
• Itabi sa gilid o ligtas na lugar.
BRUSH O ESKOBA
Pinaggagamitan
• Panlinis sa kanal o estero.
• Panlinis sa mga muwebles na
may sapin at malalambot.
Pangangalaga
• Linisin sa tubig na may sabon.
• Patuyuin at banlawan.

You might also like