You are on page 1of 31

PANGANGALAGA

NG MGA HALAMAN
GRADE 5
Mahalagang tanong
Paano nga ba ang masistemang pangangalaga ng
mga halaman? Gaano karaming tubig ang
kailangan ng mga ito? Paano isasagawa ang pag-
aabono.
Kahalagahan ng paghahalaman
• Ang paghahalaman ay totoong kapaki-pakinabang at kasiya-siyang
gawain, subalit huwag kalilimutang ito ay hindi lamang nagtatapos sa
pagtatanim ng mga buto o punla sa lupa. Kahit na maliit na taniman ng
talong at kalabasa ay nangangailangan din ng kaukulang panahon sa at
atensyon.
• Ang mga halamang gulay ay hindi naman nangangailangan ng
masinsinang pag-aaruga gaya ng mga halamang ornamental, subalit hindi
naman ibig sabihin nito ay hahayaan na lamang na tumubo at lumaki ang
mga ito sa kanilang sarili.
WASTONG
PANGANGALAGA
NG MGA PANANIM
Pagdidilig
Tulad ng tao at hayop ang halaman ay
nangangailangan din ng tubig upang
mabuhay at lumaki.
Bakit mahalaga ang tubig sa mga halaman?
1. Ang mga halaman ay nagtataglay ng malaking porsiyento ng tubig.
2. Ang tubig, carbon dioxide, at enerhiyang mula sa araw ay kailangan ng
mga halaman upang makagawa ng sarili nilang pagkain.
3. Dahil sa tubig, nasisipsip ng mga halaman an mga sustansiyang mineral
sa lupa sa pamamagitan ng kanilang ugat.
4. Kailangan ng tubig upang hindi matuyo at malanta ang mga halaman.
Kailan isinasagawa ang pagdilig?
Pagmasdan mong mabuti ang pananim sa iyong paligid. Alamin
mo kung ano ang kalagayan nila. Ang pagkatuyo at paninilaw ng
mga dahon, o kaya naman ang pagbibitak-bitak ng lupa sa
paligid ng mga pananim ay tanda ng kakulangan ng tubig.
Subalitr minsan, ang pagkatuyo ng mga dahon ay maaring bunga
ng sakit sa halaman o kaya naman ay sobrang pagdidilig.
Ano ang kagamitan sa pagdidilig?
May iba’t- ibang kagamitan para sa pagdidilig batay sa pangangailangan
ng mga halamang itatanim, sa kanilang dami, at sa lawak ng lupang
taniman. Ang Sprayer ay para sa sensitibo at/o kakaunting halaman. Ang
Spinker hose ay para sa pang malawakang pagdidilig. Water can naman
ang madalas gamitin sa pagdidilig sa mga vegetable plot.
Sprinkler hose

Sprayer
Watering can
Paglalagay ng pataba
Ang pataba ay sangkap na inilalagay sa lupang walang
sustansiya at kakayahang magbibigay ng malusog na
kondisyon. Malaki ang maitutulong nito sa paglaki at
paglago ng mga halaman.
Dalawang uri ng pataba
•Organikong pataba
•Inorganikong pataba o kemikal na pataba
Organikong pataba
Ito ay mula sa pinabulok na dumi ng hayop at labi ng halaman.
Nagtataglay ito ng mga organikong bagay at may kakayahang
magbigay ng sustansiya sa mga halaman.
Ang organikong pataba ay inihahalo lamang sa lupa. Ang
pinakamainam na panahon sa paglalagay nito ay isang buwan
bago ang pagtatanim upang ganap itong mahalo sa lupa.
Inorganikong Pataba
Kadalasang mabibili, ito ang karaniwang
gamit ng mga magsasaka. Ito ay mula sa
nitrate ng soda, sulfate ng ammonia,
ammonium nitrate at urea.
Ano ang mga problemang dulot ng
kemikal at pataba?
A.Nagiging matigas ang lupa dahil sa pagkasira ng
estruktura nito.
B.Bumababa ang kapasidad ng lupa na simipsip ng tubig at
pagkain.
C.Nauubos ang mikrooganismo sa lupa.
D.Nawawalan ng sustansiya ang lupa.
Ibat-ibang paraan ng paglalagay ng pataba

1.Ring Method
2.Broadcast Method
3.Side-dressing Method
4.Foliar Method
5.Mulching o pagkikilib
Ring Method
Broardcast method
Side-dressing Method
Foliar Application Method
Mulching o Pagkikilib
PAGSUGPO NG
PESTE SA
PANANIM
Ang peste ay tumutukoy sa mapanirang insekto o hayop na
umaatake sa mga pananim.

Asparagus beetle
Aphids

Armyworms

Cabbage looper

Corn earworm

cutworms

Cucumber beetle
Ano ang pestisidyo?

•Ang pestisidyo ay sangkap na


ginagamit upang mapigilan ang
mapaminsalang mga peste at sakit sa
halaman.
URI NG PESTISIDYO GAMIT

Insecticide Kinokontrol ang mapaminsalang mga insekto

Herbicide Kinokontrol ang mapaminsalang mga damo at halaman

Rodenticide Kinokontrol ang mapaminsalang mga daga

Bactericide Kinokontrol angbakteryang nagdudulot ng sakit sa halaman

Fungicide Kinokontrol ang fungi na nagduduloy ng sakit sa pananim

Larvicide Kinokontrol ang mga larva ng insekto gaya ng lamok


Masamang Epekto ng kemikal na
pestisidyo
• Ang mga kemikal na pestisidyo ay nakalalason sa tao at hayop.
• Sa paggamit ng mga kemikal na pestisidyo, ang mabubuing insekto sa pananim ay
namamatay rin.
• Ang spray ng kemikal na pestisidyo ay nagdudulot ng polusyon sa hangin at tubig.
• Ang mga batang nalantad sa kemikal na pestisidyo ay posibleng magkaroon ng sakit sa
utak at leukemia.
• Ang mga halamang gulay na ginagamitan ng kemikal ay nagdadala ng lason, at kung
ito ay makapapasok sa katawan ng tao ay nagdudulot ng ibat ibang karamdaman.
Paano maiiwasan ang lason na dulot ng kemikal na pestisidyo.

1.sili, bawang at sibuyas


2.Salt spray
3.Mineral oil
4.Neem oil
5.Baking soda
Ano ang mga kasuotan para sa kaligtasan habang gumagamit
ng pestisidyo.

• Long rubber gloves


• Googles
• Waterproof hat
• long pants over boots
• rubber boots
• Face shield
• Respirator

You might also like