You are on page 1of 16

5

EPP Agriculture
Modyul 6:
Naisasapamilihan ang mga
Alagang Hayop/Isda
EPP Agriculture – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 6: Naisasapamilihan ang mga Alagang Hayop/Isda
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Daisy M. Gonzales
Co-Awtor - Content Editor : Noel T. Lagman
Co-Awtor - Language Reviewer : Aileen R. Nuñez
Co-Awtor - Illustrator : Daisy M. Gonzales
Co-Awtor - Layout Artist : Daisy M. Gonzales

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
District Lead Book Designer : Rosemarie G. Agustin
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Noel T. Lagman
School LRMDS Coordinator : Bryan Bhen D. Meriño
School Principal, EPP/TLE : Leonila Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Fernalyn C. Magpoc
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Mary Grace V. Gabay
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Aileen R. Nuñez

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE : Evelyn V. Mendoza
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

EPP Agriculture
Modyul 6:
Naisasapamilihan ang mga
Alagang Hayop/Isda
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan ka kung paano


maisasapamilihan nang maayos ang iyong mga alagaang hayop/isda upang
magkaroon ng kitang marangal at maging isang produktibong indibidwal.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Pagsasapamilihan ng mga alagang hayop/isda (EPP5AG-Oj-18)

Aralin
Pagsasapamilihan ng mga
1 Alagang Hayop/Isda
Tunay na kasiyahan at walamg humpay na biyaya ang iyong matatamo sa iyong
pagiging matiyaga at masipag. Maituturing na tagumpay ang bawat pagod, pagtitiis
at sakripisyo sa mga panahong ginugol mo sa pag-aalaga ng mga hayop/isda. Sa
panahong maaari mo ng maipagbili ang iyong mga alaga, ito na ang katuparan ng
ilang buwang paghihintay upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang
iyong pamilya at magkaroon pa ng karagdagang kita para sa ilan pang
pangangailangan.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matutuhan at maisagawa ang pagsasapamilihan ng mga alagang
hayop o isda.

1
Tuklasin

Magkakaiba ang pamamaraan ng mga tao upang mabuhay at makamit ang pangarap
na kaginhawaan. Ako, ikaw, tayo ay may kakayanan upang kumita at matustusan
ang ating mga pangangailangan.
Basahin nang malakas ang tula at unawain ito nang mabuti.

2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang pinagkakakitaan ng pamilya sa tula?


2. Anu-anong uri ang yamang tubig ang nabanggit sa tula?

3. Saan nila ibenebenta ang mga alagang isda?

4. Paano ito nakakatulong sa kanilang pamilya?


5. Sa paanong paraan nila ibenebenta ang kanilang mga isda?

6. Kung ikaw ang tatanungin, sa parehong paraan mo rin ba ibebenta ang


mga isda? Bakit?

Suriin

Isa ka rin ba sa mga taong naging libangan na ang pag-aalaga ng mga hayop? Tunay
nga na kawili-wili ang pag-aalaga ng mga ito at bukod dito ito rin ay maaari mong
pagkakitaan at maging hanapbuhay.

Sa pagsasapamilihan ng iyong mga alagang hayop, mahalaga na ikaw ay may sapat


na kaalaman upang makahikayat ng maraming mamimili na tatangkilik sa iyong
produkto.

Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsasapamilihan:

1. Kasariwaan ng mga Produkto


Mahalaga na ang ating mga ipinagbibili ay may mataas na kalidad.
Ang sariwang produkto ay makakahikayat ng mga mamimili. Isang kasiraan

3
naman sa may-ari ng paninda kung ang kanyang mga produkto ay matagal
na at mayroong hindi magandang amoy.

2. Pagtatakda ng Presyo
Tiyaking hindi nalalayo ang presyo sa napapanahong halaga.
Pagaralang mabuti ang kasalukuyang halaga ng mga produktong ipinagbibili.

3. Pagsasaayos ng Paninda
Kaaya-ayang tingnan para sa mga mamimili ang panindang
nakasalansan nang maayos at nakabukod ayon sa uri nito.

4. Pag-akit sa mga Mamimili


Magiging matagumpay lamang ang isang negosyo kung sasamahan mo
ito ng mga mabubuting gawi at pag-uugali. Ang mabuting pakikitungo sa
kapwa ang maghahatid sa iyo sa tagumpay na iyong ninanais. Maari mo
silang hikayatin sa personal o maging sa mas malawak na sakop, ang “online
selling”.

Narito ang ilang mabubuting gawi at pamamaraan upang makahikayat ng


mga mamimili:

a. Maging tapat sa lahat ng pagkakataon. Magbenta sa tamang timbang


upang makuha ang tiwala ng mga mamimili.
b. Panatilihin ang kalinisan sa iyong tindahan at mga paninda.
c. Maging magiliw sa mga tao. Ngumiti ka sa kabila ng iyong pagod upang
makahikayat ng mga mamimili.
d. Matutong rumespeto sa iyong kapwa. Igalang ang kanilang pasya at
kagustuhan.
e. Sipag at tiyaga ang gawing puhunan upang magtagumpay sa negosyo.
Kahit na pagod at hirap na sa pagtitinda ay patuloy pa rin sa gawain.

4
Pagyamanin

Panuto: Gumuhit ng isang tagpo/pangyayari na iyong nasaksihan o naranasan sa


pinakamalapit na pamilihan, palengke o tindahan na may kaugnayan sa pagbebenta
ng mga inalagaang hayop tulad ng isda, manok, baboy atbp.

Rubriks para sa Pagguhit


Lagyan ng tsek () sa puntos na naaayon sa mga sumusunod na pamantayan.
Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
1. Kaangkupan ng konsepto -malinaw na naiugnay
sa aralin ang ginuhit
2. Pagkamalikhain
-naipakita ang husay sa pagguhit at pagkulay
ng mga detalye

3. Kompleto ang Detalye


-Mayroong kompletong detalye ang ginuhit na
paksa

4. Orihinal ang ideya


-Pinag-isipang mabuti at hindi gumaya sa
ibang larawan na makikita sa internet at ibang
babasahin.
5. Kalinisan
-Malinis at maayos ang pagkakagawa ng
gawain

Pagpapakahulugan:

25 - 20 = Napakahusay
19 - 15 = Mahusay
14 - 10 = Mahusay-husay
9–5 = Hindi gaanong mahusay
1–4 = Kailangan pang paghusayin

5
Isaisip

Kumpletuhin ang talata ayon sa iyong pagkakaunawa upang mabuo ang konsepto
ng aralin.

Ang isang matagumpay sa kanyang hanapbuhay lalo na sa pagtitinda ay

kailangang may taglay na mabubuting gawi at pag-uugali tulad ng pagiging

____________________________________________________________________________.

Ang tamang pagsunod sa mga dapat tandaan sa pagsasapamilihan ng iyong

produkto ay makatutulong upang paninda mo ay hindi maaksaya, at

makahikayat pa ng maraming mamimili. Ang maayos at maingat na

pagpaplano ng pagsasapamilihan ng mga alagang hayop o isda ay mahalaga

rin upang __________________________________________________________________.

6
Isagawa

Gamit ang iba’t ibang laruan o mga bagay sa iyong paligid gumawa ng munting
tindahan at isadula ang pagbebenta ng mga alagang hayop/isda.

Rubrik Para sa Gawain

Lagyan ng tsek (/) sa puntos na naaayon sa mga sumusunod na pamantayan.

Puntos
Pamantayan
5 3 1

Nagpakita ng kawilihan sa gawain.

Mahusay na naisagawa ang gawain.

Natapos ang gawain nang may kaayusan at


kalinisan, hindi na kailangang paalalahanan pa
ng nakatatanda.

Pagpapakahulugan:

15 - 10 = Naisagawa ang Lahat

9 - 5 = Bahagyang Naisagawa
4 – 0 = Hindi Naisagawa at Kailangan pang Paunlarin

7
Tayahin

Panuto. Ayusin ang mga letra upang mabuo ang hinihinging salita na may
kinalaman sa magagandang gawi at kaugalian upang maisapamilihan nang wasto
ang mga alagang hayop/isda.

1. Ang mga paninda ay nasa tamang presyo at timbang, Ang isang tindera ay
dapat maging (T P A A T) ___________.

2. Maayos na kapaligiran at ligtas na paninda para sa mga mamimili, Ang


tindahan at paninda ay dapat na (M L I A S N I) ____________.

3. Paggalang at maayos na pakikitungo sa iba, suki man o hindi


Kapwa-tao ay palaging bigyan ng (T O R E P S E)_____________.

4. Nagtatrabaho ng buong puso,


Puhunan ang sipag at (T I G A A Y) _____________.

5. Masayahing tao at palaging may ngiti sa labi.


Taglay ito ng tinderang (W A M L I G I) ______________.

Karagdagang Gawain

A. Kapanayamin ang isang indibidwal tungkol sa kanyang mga naging karanasan


sa pagbebenta o pamimili sa tindahan o palengke. Isama sa iyong ulat ang mga
sumusunod:

Pangalan:______________________________________________________________________

Edad:__________________________________________________________________________

Kasarian:______________________________________________________________________

8
Mga Gabay na Katanungan:

1. Ano-ano ang mga dapat tandaan o isaalaalang sa pagtitinda ng iyong


produkto?
2. Kung ikaw naman ang mamimili, anong batayan mo sa pagbili ng isang
produkto?
3. Sa iyong palagay bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa pagbebenta
o pamimili ng mga produkto sa pamilihan?

Rubriks para sa Panayam/ Interbyu

Lagyan ng tsek () sa puntos na naaayon sa mga sumusunod na


pamantayan.

Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1
1. Kahandaan:
May tiwala sa sarili sa paraan ng
pagtatanong

2. Kaangkupan ng mga tanong sa


paksa:
Malinaw at akma ang pagkakasaad
ng mga tanong.

3. Daloy ng panayam:
Maayos, malinaw at organisado
ang naging panayam.

4. Pagbubuod:
Nakalap ang mga importanteng
impormasyon tungkol sa paksa.
Ang mga makabuluhang datos ay
naibuod nang maayos.

Pagpapakahulugan:

20 - 16 = Naisagawa ang lahat


15 - 11 = Bahagyang naisagawa
10 - 6 = Hindi naisagawa
5 – 1 = Kailangan pang paunlarin

9
Susi sa Pagwawasto

10
Sanggunian
Peralta, Gloria A. EdD, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, Yolanda L. Quiambao,
and Jeffrey D. De Guzman. Kaalaman At Kasanayan Tungo Sa Kaunlaran
Baitang 5. 1st ed. Reprint, Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like