You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III 5
Guided Learning Activity Sheet
Physical Education 5
Quarter 3 – Week No. 7 – 8
Polka sa Nayon
MAPEH (Physical Education) – Ikalimang na Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Week 7-8
Polka sa Nayon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Katuwang na Tagapamanihala ng mga Paaralan:

Bumuo sa Pagsusulat ng LAS

Manunulat: BENGEN Q. RAMIREZ


Mga Editor: SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH

Tagasuri: SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH


ALFONSO MIACO JR., EPS I MAPEH
ENCARNITA D. DEVERATURDA, EPS I MAPEH

Mga Tagaguhit:
Tagalapat: BENGEN Q. RAMIREZ
Layout Evaluator: SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH
Cover Designer: ROSAURO M. PEREZ, EdD EPS I MAPEH
PAUL MARION R. VALLENTOS T1

Tagapamahala: MAY B. ECLAR, PhD, CESO III, Regional Director


LIBRADA M. RUBIO, PhD, CLMD-Chief
MA. EDITHA R. CAPARAS, EdD, EPS II, LRMDS
ENGELBERT AGUNDAY, EdD, EPS II, MAPEH, ADM
MERLINDA T.TABLAN EdD, CID-Chief
ELLEN C. MACARAEG EdD, EPS I, LRMDS
SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III – Pampaaralang
Pansangay ng

Office Address :
Telefax :
E-mail Address :
I. Alamin

Napag-aralan mo na ang mga katutubong sayaw ay mga tradisyonal na sayaw mula sa


partikular na lugar, rehiyon, o bansa. Pinapakita ng mga katutubong sayaw ang pamumuhay,
paniniwala, at tradisyon ng mga taong gumawa nito. Ang mga sayaw na ito ay pinasa mula sa
henerasyon papunta sa susunod.

Natutuhan mo rin na ang pagsasayaw ay isa sa mga nirekomendang pisikal na aktibidad


ng Philippine Physical Activity Pyramid dahil sa mga fitness benefit na makukuha natin mula
rito.

Karamihan sa mga katutubong sayaw ay nagtuturo ng magagandang asal.

Sa araling ito, matutuhan mo ang pinagmulan ng katutubong sayaw na Polka sa Nayon


at kung paano tanghalin ito. Mayroon ding maikling pagtalakay rito tungkol sa mensaheng
ipinahahatid nito. Karamihan kasi ng mga katutubong sayaw ay may sinisimbolo, kuwentong
sinasalaysay, o mensaheng ipinahahatid. Maliban dito, tatalakayin din ang ginagamit na
kasuotan ng mga mananayaw at iba pang mahahalagang detalye.

1. Assesses regularly participation in physical activities based on the This competency is already PE5PF-IIIb-
Philippines physical activity pyramid embedded in other LCs. h-18
This competency is already PE5RD-IIIb-
2. Observes safety precautions embedded in other LCs. h-3
PE5RD-IIIc-
3. Executes the different skills involved in the dance Week 1 to 8
h-4
This competency is already PE5PF-IIIb-
4. Recognizes the value of participation in physical activities
embedded in other LCs. h-19

4
Aralin
5 Polka sa Nayon

II. Balikan
Panuto: Magbigay ng limang katutubong sayaw na iyong alam. Ilagay ang iyong mga sagot sa
dayagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
.

KATUTUBONG
SAYAW

III. Suriin
Isang halimbawa ng social dance ang katutubong sayaw na Polka sa Nayon. Ito ay
isang popular na ballroom polka na nanggaling sa probinsya ng Batangas noong panahon ng
Kastila. Nagpapakita ito ng tamang pakikitungo ng lalaki at babae sa isa’t isa.
Source: Philippine Folk Dances by: Francisca Reyes Aquino

Kasuotan: Babae - Maria Clara/Balintawak o patadyong


Lalaki - Barong Tagalog/Camisa de chino at itim o puting pantalon
2
Musika: Ang musika ay nasa 4 time signature at binubuo ng tatlong bahagi: A, B, at C.

5
Bilang: Isa, dalawa/isa, at, dalawa, at

Formation: Ang mga mananayaw ay nakapangkat ng apat na magkakapares sa isang


pormasyong parisukat o maaaring anumang pormasyong nanaisin, sang-ayon sa
bilang ng pares o mananayaw.
L – left o kaliwa
R – right o kanan

Introduksiyon ng Musika

Haharap ang magkapareha sa mga manonod na magkahawak ang mga nakapaloob na


kamay. Hawak ng babae ang kaniyang palda sa kabilang kamay habang nasa baywang
naman ang kabilang kamay ng lalaki.
a. I-tap ang R paa sa bawat bilang ng measure 8M
b. Mananatili sa posisyong closed ballroom ang magkapareha hanggang handa na sa
Figure I 4M

I
Musika A
Iunat ang mga bisig ng magkapareha na may magkapatong na mga kamay patungo sa mga
manonood.
a. Simula sa L (R) paa, gawin ang apat na polka steps paikot clockwise, na magtatapos sa
orihinal na posisyon 4M
b. Ituro ang L (R) sa gilid (cts. 1), ituro ang L (R) malapit sa R (L) (ct. 2). Gawin ang isang
polka step sa gilid L (R) (cts. 1, at 2, at) 2M
c. Ulitin ang (b), simula sa R (L) paa 2M
d. Ulitin lahat ng step (a-c) nang tatlong beses 24M

II
Musika B
Humarap sa mga manonood at bumitaw sa pagkakahawak sa kapareha. Tumayo nang
magkatabi at maghawakan ng kamay. Sa kabilang kamay ay hawak ng babae ang kaniyang
palda habang nasa baywang ang kabilang kamay ng lalaki.
a. Simula sa paang nasa labas, gawin ang heel-and-toe polka steps ng dalawang beses
pasulong 4M
b. Gawin ang isang polka step palabas (1M) at isang polka step paloob (1M) 2M
c. Bitawan ang kamay ng kapareha. Simula sa paang nasa labas, umikot palabas sa
iyong puwesto sa pamamagitan ng polka step. Magtapos nang nakaharap sa kabilang
direksyon 2M
d. Ulitin ang (a-c), simula sa paang nasa loob. Kabilang direksiyong ang gawin sa (b) a (c)
8M
e. Ulitin ang a-d 16M

III
Musika A
Nasa closed ballroom position muli ang magkapareha, ang mga bisig at kamay ay nakaturo sa
mga manonood.
a. Simula sa L (R) paa, gawin ang apat na polka step sa direksiyong clockwise gaya ng
Figure I (a) 4M
6
b. Gawin ang tatlong gallop step sa gilid L (R) papuntang harapan (3 cts.), mag-pause (ct.
1). Huwag ilagay ang iyong timbang sa pasarang paa sa pangatlong gallop step 2M
c. Ulitin ang (b), simula sa kabilang paa, tungo sa kabilang direksiyon 2M
d. Ulitin lahat ng step (a-c) nang tatlong beses.

IV
Musika C
Haharap ang magkapareha sa mga manonood, ang mga babae ay nasa kanan ng lalaki.
Maghawak kamay gaya sa Figure II. Parehas magsisimula sa (R) paa.
a. Gagawin ng magkapareha ang isang polka step pakanan at isang polka step pakaliwa
2M
b. Ituro ang (R) paa paharap (ct. 1) at itaas ito tungo sa (L) paa, sa bandang itaas lang ng
bukungbukong (ankle) (ct. 1). Iturong muli ang (R) paa paharap (ct. 1), ihakbang ang (R)
paa malapit sa (L) paa (ct. 2) 2M
c. Ulitin ang (a) at (b), simula sa L paa 4M
Bitawan ang kamay ng kapareha. Magharapan at ilagay ang mga kamay sa iyong baywang.
d. Iposisyon ang R siko malapit sa isa’t isa (Jaleo position) at gawin ang walong polka step
pasulong habang umiikot ng clockwise nang dalawang beses (apat na polka step sa
bawat ikot). Magtapos sa dating posisyon 8M
e. Ulitin lahat (a-d) 16M

Saludo
Musika ng Pagtatapos
Haharap ang magkapareha sa mga manonood. Magkahawak ang kamay at ang kabilang
kamay ay gaya ng sa Figure II.
a. Simula sa (R) paa, gawin ang apat na polka steps pasulong 4M
b. Iikot ang mga babae nang counterclockwise sa ilalim ng bisig ng lalaki nang ilang ulit
3M
c. Magbitawan ng kamay. Magharapan at yumuko sa isa’t isa. Hawak ng babae ang
kaniyang palda samantalang nasa baywang naman ang kamay ng lalaki.

Tandaan: Kung nanaisin, ang buong sayaw ay maaaring ulitin nang may apat na pares sa
isang parisukat na formation. Lahat ay nakaharap sa gitna ng parisukat. Ang Saludo ay
ginagawa sa pagtatapos ng sayaw at ang lahat ay nakaharap sa mga manonood.

IV. Isagawa

Gawain 1
Panuto: Pag-aralan at gawin ang mga pangunahing galaw ng Polka sa Nayon.
Pagkatapos, gawin ito muli sa saliw ng musika. Maaaring i-video ang iyong ginawa.

Karaniwang Termino ng Sayaw


1. Libreng kamay – ang kamay na walang hawak o hindi ginagalaw
2. Paa/Kamay na nasa loob – ang paa/kamay na pinakamalapit sa iyong kapareha
7
3. Paa/Kamay na nasa labas – ang paa/kamay na malayo sa iyong kapareha
4. Close ballroom – magkaharap ang magkapareha; ang kaliwang kamay ng babae ay nasa
kanang balikat ng lalaki; ang kanang kamay ng babae ay nakapatong sa kaliwang kamay ng
lalaki. Hawak ng lalaki ang baywang ng babae sa kaniyang kanang kamay.
5. Jaleo – iikot ang magkapareha clockwise (na ang (R) siko ay magkalapit) o counter-
clockwise (na ang (L) siko ay magkalapit) habang naglalakad o ginagawa ang kahit anong
dance step.

Karaniwang Dance Step (Step Patterns)


1. Polka step – step, close, step, pause
1 at 2 at
2. Heel and toe polka – heel-place, toe-point, step, close, step, pause
1 2 1 1 at 2 at
3. Gallop step – step, cut, step, cut
1 at 2 at

Maaaring panoorin itong video para sa mga Basic Dance Steps ng Polka sa Nayon:
https://www.youtube.com/watch?v=q5edLVnfDnk

Gawain 2
Panuto: Sundin ang mga sumusunod na direksyon.
1. Humanap ng kapareha.
2. Pag-aralan at gawin ang mga figure ng Polka sa Nayon.
3. Mag-ensayo sa pamamagitan ng pagbilang.
4. Itanghal ang sayaw sa saliw ng musika.
5. I-video ang pagtatanghal at ipakita sa guro.

Maaaring gawing gabay ang video na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=J35eJCm-nds&feature=emb_logo

Gawain 3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang Polka sa Nayon ay isang popular na ballroom polka mula sa probinsya ng
_____________noong panahon ng Kastila.
a. Bataan b. Batangas c. Batanes
2. Ang Polka sa Nayon ay kadalasang sinasayaw sa mga ____________.
a. fiesta b. malaking pagtitipon c. a at b
3. Ang mga sumusunod ay kasuotan ng mga mananayaw ng Polka sa Nayon, maliban sa
isa?
a. Barong Tagalog b. Maria Clara/Balintawak c. Malong
8
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi karaniwang dance step ng Polka sa Nayon?
a. polka step b. close step c. heel and toe polka
5. Ang musika ng Polka sa Nayon ay binubuo ng ilang bahagi?
a. 1 b. 2 c. 3

V. Tayahin
Panuto: Isulat ang salita o mga salita na kukumpleto sa mga pangungusap. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

- Batangas
- polka step, heel and toe polka, gallop step
- Kastila
- kapareha
- apat

1. Nagmula ang Polka sa Nayon sa __________________.

2. Ang sayaw na Polka sa Nayon ay may __________________ na figure.

3. Ang Polka sa Nayon ay sinayaw noong panahon ng _________________.

4. Ang sayaw ay itinatanghal kasama ng _________________.

5. Ang karaniwang dance step na ginagamit sa sayaw ay__________________.

Rubrics para sa Gawain 1 at 2

COMPONENT 1 2 3 4 MARKA
Nangangailangan Kasiya-siya Mahusay Napakahusay
pa ng tulong
Pormasyon Hindi malinaw ang Ang mag-aaral ay Nag-posisyon ang Malinaw na
posisyon sa nangangailangan mag-aaral para sa ipinakita ng mag-
pagbuo ng sayaw. ng ilang tulong sayaw na may aaral ang tamang
mula sa guro kaunting tulong pagbuo ng sayaw
habang nasa mula sa guro. at tumutulong sa
posisyon. iba na may
paminsan-minsang
pahiwatig lamang
mula sa guro.
Pagkakasunod- Tila nawala ang Nakasunod ang Nakasunod ang Ang mag-aaral ay
sunod ng mga mag-aaral o mag-aaral sa ilang mag-aaral sa malinaw na

9
Hakbang nagpakita ng bahagi ng sayaw karamihan ng nagpakita ng
maling mga na may madalas pagkakasunod- wastong
hakbang sa na mga pahiwatig sunod ng sayaw na pagkakasunud-
pagsayaw. mula sa guro. may ilang gabay sunod ng sayaw.
na tulong mula sa
iba.
Tiyempo Ang mga paggalaw Hindi pare-pareho Naipakita ang Malinaw na
at ang tugtog ng ang tiyempo ng tiyempo nang pinanatili ng mag-
musika ay wala sa mag-aaral at madalas at kayang aaral ang tiyempo
tiyempo o hindi nagbabago-bago panatilihin ito sa sa kanyang sayaw
naipagsabay. ito paminsan- sayaw. nang tuloy-tuloy.
minsan.
Istilo Nagpakita ang Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay
mag-aaral ng isang umuusad patungo paminsan-minsang patuloy na
halo ng mga istilo sa pagpapakita ng nagpakita ng mga nagpapakita ng
na hindi kaugnay mga "istilong" "istilong" paggalaw mga paggalaw na
ng pag-unlad o paggalaw na na naaayon sa "pangkakanyahan"
tema na tiyak sa katangian ng sayaw. na naaayon sa
sayaw. sayaw. sayaw.
Ugali sa Nagpakita ng Ang mag-aaral ay Sumayaw na may Ang mag-aaral ay
Pagsasayaw kaunti o walang lumalahok sa positibong pag- lubos na lumahok
sigasig para sa sayaw ngunit uugali. Minsan sa sayaw. Palaging
sayaw. Hindi madalas na kailangan ang nakatuon at nasa
nakatuon at hindi paalala ay paalala upang gawain. Sa
sumunod sa kinakailangan mapanatili ang katunayan,
tagubilin, at upang mapanatili kanilang pagtuon hinihimok ang iba
madalas ay ang kanilang sa sayaw. na manatili sa
magulo. pagtuon sa sayaw. Nasunod nang gawain.
maayos ang
tagubilin.
Komento:
Kabuuang Marka:

10
VI. Susi sa Pagwawasto

iba C 5. polka, gallop step


at marami pang B 4. polka step, heel and toe 5.
C 3. kapareha 4.
C 2.
Singkil • Kastila 3.
B 1.
Tinikling • apat 2.
Bangko GAWAIN 3 Batangas 1.
Sayaw Sa •
TAYAHIN
Maglalatik •
Cariñosa •

BALIKAN

VII. Sanggunian

1. https://project-kibo.netlify.app/dances-polka.html

2. https://www.youtube.com/watch?v=q5edLVnfDnk

3. https://www.youtube.com/watch?v=J35eJCm-nds&feature=emb_logo

4. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, Batayang Aklat pp. 94-99

11

You might also like