You are on page 1of 25

5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Tugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD., CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD., CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Nianita S. Pamintuan
Tagasuri: Angelica M. Burayag, PhD/ Mary Jane P. Soriano
Edelwiza L. Cadag/ Rodel D. Lintag

Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino


Tagapaglapat: Nianita S. Pamintuan
Mary Jane P. Soriano
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Remedios D. Sitchon
Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane Padilla-Soriano
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Rodel D. Lintag

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Tugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay naglalaman ng iba’t ibang paraan ukol sa naging tugon ng mga Pilipino sa mga
naranasang hirap at kalupitan sa kamay ng mga mananakop.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. natutukoy ang tugon ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismong


Espanyol; at
2. naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol.

Subukin

I. Panuto: Basahin mo ang bawat pangungusap na naglalarawan sa iba’t ibang


paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol. Pumili ka ng naaangkop na tugon sa mga salita o parirala na nasa
loob ng kahon. Gumamit ka ng sagutang papel para sa iyong mga sagot.

A. Pag-aalsa B. Pagiging taksil o C. Nanahimik at


Mersenaryo sunod-sunuran
D. Tumakas at E. Idinaan sa lakas ng F. Yumakap sa
namundok panulat kolonyalismo

1. Ang mga Pilipino ay karaniwang matiisin at walang kibo sa mga nararanasang


paghihirap sa pamahalaang kolonyal.
2. Hindi lahat ng mga Pilipino ay nagsawalang kibo sa mga patakarang
ipinatupad ng mga Espanyol. Mayroong mga Pilipino na mas pinili nilang
takasan ito.
3. Mga Pilipinong nagbulag-bulagan sa nagaganap sa bansa. Ang mahalaga sa
kanila ay maproteksyonan ang kanilang kabuhayan at mahal sa buhay.
4. Mga Pilipinong mas pinili ang pansariling kapakanan kahit na ang katumbas
nito ay kasawian ng kapwa Pilipino.
5. May mga matatapang na Pilipino na idinaan sa dahas ang naising
pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga dayuhan.
6. Hindi gumamit ng dahas ang mga kabataang tinawag na ilustrado na
namulat sa tunay na kalagayan ng bansa.

1
II. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung ang isinasaad ay paraan ng pagtugon
ng mga katutubo sa kolonyalismo at titik M kung hindi nagsasaad. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Dumanas ng diskriminasyon ang mga Pilipino na nagnais na


pasukin ang pagpapari. May nagplano ng mga lihim na
pagtitipon upang isagawa ang pag-aalsa.

2. May mga katutubong mangangalakal na inagawan ng kabuhayan


sa buhay. Hindi nila inalintana ang yaman at kaligtasan sa
kamay ng mga dayuhan. Ipinaglaban nila sa pamamagitan ng
pag-aalsa ang kanilang karapatan.

3. Binabantayan ng mga sundalong Espanyol ang mga katutubong


manggagawa.
4. Dumanas nang matinding kalupitan ang mga katutubo sa ilalim
ng pamahalaang kolonyal pero nanatili pa rin silang sunod-
sunuran at sinarili na lang ang paghihinagpis na kanilang
nararamdaman.
5. Hindi idinaan sa dahas ni Jose Rizal ang ninanais na pagbabago
sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.
6. Nagpatupad ng mga patakaran ang pamahalaang kolonyal para
sa mga katutubo.
7. Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay akda ni
Jose Rizal na naglalayong punahin ang mga maling
pamamalakad ng mga dayuhan sa Pilipinas.
8. Ang mga namumunong Espanyol sa pamahalaan ay naging
palalo at mapagmataas sa kanilang posisyon.
9. May mga katutubo na naging taksil sa kapwa Pilipino. Sila ay
lihim na nakipag-ugnayan sa mga dayuhan kapalit ng kanilang
kahilingan.
10. Mas pinili ng mga mayayamang katutubo na maging tapat sa
pamahalaang kolonyal at tinalikuran ang hinihiling na suporta
ng kapwa Pilipino.

III. Panuto: Buuin ang mga salita. Punan ng tamang letra ang bawat kahon
upang mabuo ang tamang salita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Tawag sa mga nakipagkasundo sa mga dayuhan kapalit ng kanilang
kahilingan.

M R N O
2. Marahas na paraan ng pagtugon sa kalupitan ng mga dayuhan.

P G - L

2
3. Mga katutubo na hindi nagpasakop sa mga dayuhan na mas pinili nila ang
tumakas at mamundok.

U L N

4. Ginamit ang karunungan sa pagpuna sa malupit na pamamalakad ng


pamahalaan at ng simbahan.

A S G P U T

Aralin
Tugon ng mga Pilipino sa
1 Kolonyalismong Espanyol
Dadalhin ka ng modyul na ito sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
Malalaman mo ang iba’t ibang tugon ng mga Pilipino sa mga naranasang dusa at
hirap sa ilalim ng kanilang pamamahala. Mauunawaan mo kung paano nila hinarap
ang mga pangyayari na nagdulot nang matinding kasawian sa kanila.

3
Balikan
Ngayon muli mong balikan ang mga patakarang Espanyol na nagpabago sa
tahimik na pamumuhay ng mga Pilipino at nagdulot ng hirap at pasakit sa kanila.
Handa ka na ba? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Simulan mo na ang
pagsagot.

Panuto: Ayusin mo ang mga letra upang mabuo ang tamang salita.
1. Lahat ng kalalakihang edad 16-60 taong gulang ay nagtrabaho ng malayo sa
kanilang pamilya at walang bayad na tinanggap.

YOIC POSROLV E ______________________

2. Kinolekta ito sa mga katutubong Pilipino nang sapilitan.

BITUROT ______________________

3. Tanging sa pamahalaan lamang magbebenta ng produkto na may takdang-


dami ang mga Pilipino.

LADANAB ______________________

4. Paglilipat sa mga Pilipino sa bagong panirahan na tinawag na pueblo.

CIONECDUR ______________________

5. Sa mga piling lalawigan sa Luzon ay isang uri ng pananim lamang ang


ipinatanim ng pamahalaang kolonyal sa mga magsasaka at tanging sa
pamahalaan lamang ito ibebenta.

YOLPONOMO AS BOKATA _______________________

4
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa tugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol. Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa
pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng modyul na ito.

Tuklasin

Panuto: Basahin mo nang malakas ang tula.

5
Tagumpay sa Unang Laban
(Sinulat ni: Nianita S. Pamintuan)

Bansang Pilipinas, perlas ng Silanganan,


Pinagnanasaan dahil sa angking yaman.
Madaling pasukin dahil paligid ay katubigan,
Kaya pagpasok ng mga dayuha’y hindi nahirapan.

Sa kanilang pagdating katutubo’y nangabigla


Sa tunay na pakay hindi naging handa.
Magalang na pananalita sa mga katutubo ang sinalita
kaya mga datu’t raha ay napaamo talaga.

Tinanggap nang lubos itong mga dayuhan


At humantong pa sa sanduguan
Ito’y tanda ng kapatiran at samahan
Na magbibigkis sa kanila nang tuluyan.

Kung may tumanggap, meron ding pumalag


tulad ni Lapu-Lapu na hari ng Mactan.
Hindi napaamo ni Ferdinand Magellan
Kaya’t pakikipagkaibigan ay tinanggihan.

Sa pagtalikod ni Lapu-lapu sa mga dayuhan


Animo’y Leon sa galit ay biglang sumalakay.
Sa dalampasigan ng Mactan, naganap ang laban
Na humantong pa sa kamatayan ni Magellan.

Mabuhay! mabuhay ang tanging sigaw


ng mga katutubong Bisaya na matatapang
na di napaghandaan ng mga dayuhan
at walang nagawa kundi lumisan nang tuluyan.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Ilagay sa sagutang papel ang iyong
mga sagot.
1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang tula?
2. Bakit pinagnasahang pasukin ng mga dayuhan ang Pilipinas?
3. Bakit napaamo ng mga dayuhan ang mga datu at raha?
4. Ano ang naging tanda ng pagkakaibigan ng mga dayuhang Espanyol at mga
datu o raha?
5. Ano-ano ang naging reaksiyon o tugon ng mga katutubong Pilipino sa
pagdating ng mga dayuhan?
6. Ano ang naging damdamin ng mga dayuhan sa pagtanggi ni Lapu-lapu sa
alok nilang pakikipagkaibigan?

6
7. Kung ikaw si Lapu-Lapu gagawin mo rin bang talikuran ang mga dayuhan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin
Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taong nananatili ang mga Pilipino sa
animo’y hawla ng walang sapat na naaaninag na liwanag ng pag-asang makawala sa
kamay ng mga dayuhang Espanyol. Iba’t iba ang naging paraan ng pagtugon nila sa
sitwasyong mailalarawan sa pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob… matira ang
matibay!

Halos karamihan sa mga


katutubo ay nanatiling tahimik at
sunud-sunuran sa mga dayuhan
dahil sa takot na naramdaman.
Tinanggap nila na ang mga
Espanyol ang nasa kapangyarihan
at walang magagawa kundi
manahimik na lamang. Alam nila
sa kanilang pananahimik ay
katumbas ng kanilang buhay at ng
pamilya.

Mayroon din namang mga katutubong


nagpumiglas at umayaw sa mga patakaran na
nagpahirap sa kanila. Mas ginusto nilang
tumakas at mamundok kaysa maging bulag na
sunud-sunuran sa mga dayuhan. Sila ay
namuhay nang tahimik sa kabundukan.
Malayo at mahihirapang marating ng mga
sundalong Espanyol. Tinawag silang kalaban
ng pamahalaang kolonyal at binansagang mga
tulisan.

7
May mga Pilipino na nakipagsabwatan sa mga dayuhan. Pansariling
kapakanan ang pilit na isinalba kahit na ang kapalit nito ay ang kaligtasan ng kapwa
Pilipino. Sila ang binansagang mga mersenaryong
katutubo. Mga taksil sa bayan!

Ang iba ay yumakap o nagpasailalim nang


tuluyan sa kapangyarihan ng mga dayuhan. Ang
kanilang yaman o kabuhayan ang pinoproteksyonan.
Nagsawalang-kibo at nagbingi-bingihan sa hiling na
suportang salapi ng kapwa Pilipino para matustusan
ang pangangailangan ng kanilang samahang
nagsasagawa ng pag-aalsa.

Si Lapu-Lapu na hari ng Mactan ay binansagang


kauna-unahang bayaning Pilipino dahil mas pinili
niyang talikuran ang mga dayuhan kaysa tanggapin ang
alok na pakikipag-kaibigan. Mayroon ding sumunod sa kanyang mga yapak na hindi
rin nagsawalang-kibo sa kalupitan ng mga Espanyol. Sila ang magigiting na Pilipino
na nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.

Mga dating datu na nawalan ng karangalang mamuno


at nagnais na maibalik ang dating posisyon sa lipunan.
Kasama na rin ang iba’t-ibang sektor ng lipunan tulad ng mga
kalalakihan at mga kababaihan na walang takot na sumabak
sa digmaan. Mga katutubo na nabibilang sa mga magsasaka
na tinutulan ang mga patakaran sa agrikultura,
mangangalakal na inagawan ng kabuhayan, mga
propesyonal, mga babaylan at mga katutubong nagnais
maging pari. Diskriminasyon ang naranasan at tila naging
dayuhan sila sa sariling bayan. Humantong na sa hangganan
ang kanilang pagtitiis kaya bumuo sila ng mga
magkakahiwalay na pangkat at nanghikayat ng mga kasapi
na handang lumaban at manindigan laban sa mga dayuhan.
Pag-aalsa ang tanging solusyon para sa kanila.

Sa paglipas ng panahon hindi rin maikakaila na


mayroon ding magandang nangyari sa ating bansa lalo na
sa kabuhayan ng mga iilang mga Pilipino. Nagkaroon ng
magandang pagkakataon at pagnanasang makapag-aral
ang mga kabataang nabibilang sa panggitnang-uri o
middle class. Mga kabataang nakapag-aral sa kolehiyo, sa
Pilipinas man o sa Espanya. Sila’y tinawag na mga
ilustrado o mga naliwanagan ang pag-iisip. Ang taglay na
dunong bunga ng edukasyon ang nagmulat sa kanila sa
tunay na kalagayan at nagaganap sa bansa. Hindi nila hinayaan na manatiling
sunud-sunuran na lamang ang mga Pilipino. Kailangang nang gisingin ang manhid
na pakiramdam ng mga katutubo. Ginamit nila ang karunungang taglay bunga ng
edukasyong mayroon sila. Lakas ng panulat ang tugon ng mga ilustrado.

8
Nagsilbi silang tanglaw na nagsumikap na mabigyan ng liwanag ang kapwa
at gabayan ang nasa kadiliman. Hindi idinaan sa dahas kundi sa malumanay na
paraan. Sa pagsusulat ng pahayagan at aklat nila idinaan ang tugon sa mga
Espanyol.

Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay isa sa mga ilustrado na


sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Layunin nito na tuligsain ang
pamahalaang Espanyol at maging ang mga palalong prayle. Gisingin ang damdaming
manhid upang sumibol ang diwang makabansa ng mga Pilipino, walang armas na
hawak, walang dugo na pumatak. Kalayaan ang isinisigaw!

At sa oras ng pagbangon tanging sandata ay ang pagmamahal sa bayan na


kusang nag-aalab at umuusbong. Tulad sila ng ibong matagal na panahong
nakulong sa hawla ay uhaw na makawala at makalipad nang ubod ng laya at sa
paglaya nila ay
sabay-sabay sa paglipad. Malayang naipapagaspas ang
mga pakpak. Sinasamantala ang sariling lakas at ang
liwanag na nagbibigay ng gabay upang makita ang
paroroonan. Hindi alintana ang pagod, sakit ng katawan
maging buhay ay inialay sa pag-asang iyon lamang ang
paraan upang makawala ang bayang sinilangan sa
bagsik ng mga dayuhan.

Pag-aralan ito upang lubos mong maunawaan ang


aralin.
Tugon sa Kolonyalismo Dahilan

Nanahimik at nagtiis Likas na matiisin at sanay sa hirap ang mga


katutubo. Mas pinili nilang manahimik at
sumunod sa patakarang Espanyol para sa
kanilang kaligtasan.

Yumakap sa kapangyarihan ng Simula’t sapul mayroon ng mga katutubo na


mga dayuhan ang iniisip ay ang kung ano ang meron sila.
Ang mahalaga sa kanila ay katahimikan sa
buhay at kung paano maproteksyonan ang
kabuhayan.

Mga katutubo na kung tawagin ay mga


balimbing o taksil. Ipinagpapalit ang dangal
Nakipagsabwatan sa mga
para sa pansariling kapakanan.
dayuhan/mersenaryo

Tumakas at namundok Marami ring mga katutubo na mas piniling


takasan ang mga pagpapahirap ng mga
dayuhan. Namuhay sila sa bundok at naging
kalaban ng pamahalaan. Tinawag silang mga
tulisan.

9
Nag-alsa Mga katutubo mula sa iba’t ibang rehiyon at
sektor ng lipunan. Mga pangkat na lumaban
at nag-alsa na binubuo ng mga magsasaka,
mangangalakal, at propesyonal. May mga
kababaihan din na sumapi at hindi naging
hadlang ang kanilang kasarian.

Ang mga kabataang nakapag-aral sa kolehiyo


sa Pilipinas man o sa Espanya ay hindi rin
Ginamit ang lakas ng panulat
nagsawalang-kibo. Ginamit nila ang lakas ng
panulat sa pagsisiwalat sa kalupitan ng
pamahalaang Espanyol.

Pagyamanin

A. Panuto: HANAP-SALITA. Hanapin ang mga tugon ng mga Pilipino sa


kolonyalismong Espanyol mula sa kahon ng mga letra. Isulat sa sagutang
papel ang mga salitang iyong mahahanap. (5 SALITA)

N A M U M U N D O K M B
M P L P B P B M P I E L
B L V F N K M L B M R P
P M P A N U L A T I S C
K V K Z P V S M B H E P
B H L K H L L V H A N H
L P F M A X W B T N A V
V K T A M P M L L A R K
K B G K P F L V W N Y H
B A V C M B V K V K O D
P L F B V U X M L C P V
Y U M A K A P P D K L M

B. Panuto: Piliin ang naging tugon ng mga Pilipino mula sa pagpipilian na


nakalagay sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. mersenaryo B. tumakas at C. yumakap


namundok
D. nag-alsa o E. gumamit ng
lumaban lakas ng panulat

10
_______1. Hindi tinanggap ni Lapu-Lapu ang pakikipagkaibigan ni Magellan.
_______2. Ang Noli Me Tangere at El Filibustarismo ay isinulat ni Jose Rizal.
_______3. Nilisan ng mga Babaylan ang tirahan upang maibalik ang dating
paniniwala at relihiyon.
_______4. Nakipagsabwatan sa mga Espanyol upang makuha ang personal na
layunin o kagustuhan.
_______5. Nagsawalang-kibo para proteksyonan ang kabuhayan

C. Panuto: Iguhit ang masayang mukha  sa pahayag na nagsasaad ng paraan


ng pagtugon sa kolonyalismo at malungkot na mukha  naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

____1. Ginamit ng mga ilustrado ang dunong upang gisingin ang diwang

makabansa ng mga katutubo.

____2. Nagtanim ng mga gulay ang mga katutubo sa bakuran nila.

____3. Tinanggap ang pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng

pagsasawalang-kibo sa nagaganap na kalupitan ng mga dayuhan.

____4. Nagalit ang mga prayle sa mga Pilipino.

____5. Ninais ng mga datu na maibalik ang dating posisyon at dangal kaya

sila ay bumuo ng pangkat at nag-alsa.

D. Panuto: Piliin ang wastong paglalarawan sa mga sumusunod na pahayag


tungkol sa tugon ng mga katutubo sa kolonyalismo. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong


panahon ng kolonyalismo?
A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.
B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago.
C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan.
D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.

2. May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling


kagustuhan.
A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa mga patakarang Espanyol.
B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila ang gumawa ng mga
gawaing nakatakda sa kanila.
C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa mga patakaran.
D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.

3. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga katutubo sa malupit na


pamamahala ng mga Espanyol.
A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga sundalong Espanyol.

11
B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga lihim na pag-aalsa.
C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang
tuligsain ang dayuhan.
D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang ipamigay sa mga katutubo.

4. Naranasan ng mga Pilipino ang lupit ng mga patakarang ipinatupad sa


kolonya.
A. Nagsawalang-kibo ang nakararaming mga katutubo dahil sa takot sa mga
sundalong Espanyol
B. Tumutol sila sa pamamahala ng mga dayuhan at piniling takasan ang
kalupitan ng mga dayuhan.
C. Bumuo sila ng samahan upang simulan ang pag-aalsa.
D. Lahat ay tama.

5. Ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay nakaranas ng


diskriminasyon mula sa mga dayuhan ay hindi nanatiling sunud-sunuran
na lamang.
A. Nanatiling tikom ang bibig at takot na sumalungat sa patakaran
ng mga dayuhan.
B. Mga kababaihan na sumali sa pag-aalsa ay hindi naging hadlang ang
kanilang kasarian.
C. Mga magsasaka na hinayaang kunin ang kanilang lupain.
D. Gumawa ng kasunduan na babayaran ang mga katutubo sa
kanilang gawain.

Isaisip

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon upang mabuo mo ang talata.
Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

nanahimik sektor
lakas ng panulat kolonyal
Espanyol makabansa
samahan nag-alsa
mersenaryo/taksil tugon

Ang Pilipinas ay napasailalim sa pamahalaang _______________ sa loob ng 333 taon.

Sa bawat taon na lumilipas ay kalakip nito ang pagdurusa, hinagpis, takot, pasakit,

pagmamalupit, pagbubuwis ng buhay at diskriminasyon sa ilalim ng kapangyarihan

ng mga _________________. Nagkaroon ng iba’t ibang _________________ ang mga

12
Pilipino ukol sa mga nararanasang ito. May mga _________________ at sumunod sa

patakarang Espanyol para sa kanilang kaligtasan. Ang iba ay ________________ hindi

sila nagpasailalim sa mga patakarang ipinatupad sa kolonya. Hindi rin mawawala

ang mga _______________ na naging kasabwat ng mga dayuhan para supilin ang mga

lumalaban sa pamahalaang kolonyal. Maging ang mga katutubo mula sa iba’t ibang

_______________ ng lipunan ay naghangad na matuldukan ang nararanasang

kalupitan ng mga Espanyol kaya bumuo sila ng _______________ at nag-alsa. Hindi

rin nagsawalang kibo ang mga ilustrado na namulat sa tunay na nagaganap sa

kolonya sa kamay ng mga Espanyo. Ginamit nila ang lakas ng _______________ sa

paghahangad na gisingin ang diwang _______________ ng mga katutubong Pilipino.

Isagawa

Panuto: Isipin mo ngayon na ikaw ay nasa tamang edad na at maaari nang


gawin ang anomang naisin. Alin sa mga tugon o reaksiyon ng mga Pilipino na iyong
napag-aralan ang maaaari mong maging tugon sa kasalukuyang nagaganap sa ating
pamahalaan? Ipaliwanag mo ang iyong sagot.

Gumuhit ka ng katulad na puso ng nasa ibaba sa iyong sagutang papel at


sa loob nito ay isulat ang iyong tugon at paliwanag.

13
Tayahin

A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha  kung ang pangungusap ay nagsasaad


ng paraan ng pagtugon sa kolonyalismong Espanyol. Malungkot na mukha 
naman kung hindi. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga kabataang nakapag-aral sa Pilipinas man o sa Espanya ay gumawa
ng paraan upang mamulat ang mga Pilipino sa kalupitan ng mga dayuhan.
2. Tinanggap ng mga ibang Pilipino ang kapangyarihang pamahalaanan ng mga
dayuhan ang bansa.
3. Nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo sa loob ng 333 taon.
4. Pagliligtas sa sarili sa kalupitan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng
pagtataksil sa bayan.
5. Karamihan sa mga mayayamang katutubo ay natakot na tumulong sa kapwa
Pilipino sa paglaban sa pamahalaang kolonyal.

B. Panuto: Punuan ng mga angkop na tugon ng mga Pilipino ang sumusunod


na talata. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

A. mersenaryo

B. yumakap/tinanggap

C. nag-alsa

D. nanahimik

E. namundok

Ayon sa kasaysayan, maraming mga Pilipino ang tumutol at ______________

laban sa pamahalaang Espanyol. Hindi rin maikakaila na mayroong nagsilbing

mga _____________ sa mga dayuhan upang maisulong ang pansariling kapakanan.

Ang iba ay ____________ sa kapangyarihan ng mga dayuhan dahil gustong

proteksyonan ang kanilang kabuhayan. Likas din sa mga Pilipino ang pagiging

matiisin at masunurin kaya sila ay _____________ na lamang. Kung may nagtiis

14
mayroon ding sumuway sa mga patakarang Espanyol kaya ang ginawa nila ay

___________ na lamang at mamuhay malayo sa mga dayuhan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin mo nang may pang-unawa ang tula tungkol sa sakit na sumakop
ngayon sa ating bansa. Pagkatapos mong basahin ang tula, bigyan mo ng kasagutan
ang tanong.

1. Ano ang saloobin mo bilang isang batang Pilipino sa ganitong sitwasyon?


Ipaliwanag ang iyong sagot sa sagutang papel.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Mga Tunay na Bayani sa Panahon ng COVID-19


(Isinulat ni: Nianita S. Pamintuan)

Bansang Pilipinas bilang bahagi ng mundo’y


Di nakaligtas sa pandaigdigang dilubyo.
Epekto nito’y mabilis kumapit daig pa ang anino,
Na sunod nang sunod kahit saan mang dako.

15
Ako, ikaw, siya, anoman ang ating lahi
Mayama’t mahirap, kilala ma’t hindi.
Laban ito dahil COVID ay walang pinipili
Kaya ang sigaw sa bahay tayo’y manatili.

Sa panahong nasakop tayo ng takot


May mga frontliners na walang takot
Mga tunay na bayaning ating tinatampok
Sa giyera na ang kalaban ay virus na hayok.

May mga natalo, buhay ay dinagok.


Tulad sa digmaan di mo matarok.
Subalit mga frontliners ay sumusugod,
‘Di alintana kahit buhay nila’y makubkob.

Pangako sa tungkuli’y walang imbot.


Dunong at lakas hindi ipinagdamot
Pagmamahal sa kapwa sa puso ay tagos.
Kumakapit na lang sa mahal na Diyos.

16
17
Tuklasin Balikan
1.polo y servicio
1.angking yaman nito
2.tributo
2.Gumamit ang mga dayuhan ng
3.bandala
magalang na pananalita.
4.reduccion
3.sanduguan 5.monopolyo
sa tabako
4.Tinanggap ng lubos ang mga
dayuhan
5.nagalit
6. Tanggapin ang ano mang sagot.
bata.
Subukin C Subukin B Subukin A
1.mersenaryo 1.T 6.M
1. C
2. pag-aalsa 2.T 7.T
2. D
3.tulisan 3.M 8.M
3. F
4.lakas ng panulat 4.T 9.T
4. B
5.T 10.T
5. A
6. E
Susi sa Pagwawasto
18
Isagawa Isaisip
Tanggapin ang ano 1. kolonyal Pagyamanin-D
mang sagot ng bata 1. B
2. Espanyol
dahil ito ay pansariling 2. C
opinyon niya. 3. tugon 3. C
4. nanahimik 4. D
5. B
5. nag-alsa
6. Mersenaryo/taksil
7. sector
8. samahan
9. Lakas ng panulat
10. Makabansa
Pagyamanin C Pagyamanin Pagyamanin A
1. masayang B 1.namundok
mukha 1.D 2.yumakap
2. malungkot na 2.E 3.panulat
mukha 3.B 4.pag-aalsa
3. masayang 4.A 5.mersenaryo
mukha 5.C
4. malungkot na
mukha
5. masayang
mukha
19
Karagdagang Gawain Tayahin B Tayahin
Tanggapin ang sagot 1. C A.
ng bata dahil ito ay 2. A
pansariling opinyon 1. masayang mukha
3. B
niya. 4. D 2. masayang mukha
5. E
3. malungkot na mukha
4. masayang mukha
5. malungkot na mukha
Sanggunian

Antonio, Eleonor D., Baniaygas, Emilia l., Dallo, Evangeline M. 2015. Kayamanan.

p. 249-253 Manila: Rex, Publishing Company

Gabuat, Maria Annalyn P. , Mercado, Michael M., & Jose, Mary Dorothy dL .
2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. p. 216-251 Quezon City: Vival Group, Inc.
Ilao, Mari Cristtia D., Pantolla, Juanita G. 2005. Lahing Pilipino Diwang
Makabayan. p . 58-61 Manila: Innovative Educational Materials , Inc
Labrague, Carmen N., Tome, Sylvia C. 2004. Sa Umuunlad na Pilipinas. p.74-92.
Manila: Ibon Foundation Inc.
Milambiling, Ruben M. 2016. Doon po sa Amin… Bansang Pilipinas 5.p. 142-145
Manila: Innovative Educational Materials , Inc
Palu-ay, Alvenia P. 2010.Makabayan: Kasaysayang Pilipino. p. 56-65. Quezon City:
LG&M Corporation

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like