You are on page 1of 18

Araling Panlipunan Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan – LAS – WEEK 1- 3
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
Learning Activity Sheets (LAS) na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa LAS na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda na pinaghalawan at pinagkunan ng
mga datos at impormasyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon -
SDO Calapan, Curriculum Implementation Division.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo ng Kontekstuwalisadong
Learning Activity Sheet - LAS

Manunulat : LERMA A. RODRIGUEZ

Tagasuri : Ma. Vanessa M. Cariaso,


Aljune J. Castillo
Martiniano D. Buising
Tagaguhit: Lilibeth M. Jimenez
Tagalapat: Edwin N. Quinto
Tagapamahala:
Laida Lagar M. Mascareñas,OIC-SDS
Cynthia Eleonor G. Manalo, ASDS
Florina L. Madrid, CID Chief
Norman F. Magsino, DEPS, LRMS
Marlou G. Roderos, DEPS-AP

Inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon –


Lungsod ng Calapan
Office Address: Hilltop, Calero, Lungsod ng
Calapan
Telefax: (043) 288-1581
E-mail Address:
deped.calapan@deped.gov
UNANG LINGGO

Pangalan:______________________ Lebel: ________________

Seksiyon:______________________ Petsa: ________________

Pamamaraang Ginawa ng mga Pilipino Laban sa


mga Espanyol

I. Panimula (Susing Konsepto)

Isang malaking hamon ang kinaharap ng mga katutubo


bunsod ng kolonyalismong Espanyol. Nagpatupad ng ibat-ibang
pamamaraan ang mga Espanyol upang maging matagumpay ang
pananakop. Sa pagpapatupad nito, ang mga gobernador-heneral
at mga paring namamalakad sa pamahalaan at simbahan ay
naging malupit at mahigpit sa kanilang pamumuno sa mga
Pilipino. Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol
ay humantong sa tahasang pagtutol ng mga Pilipino.

II. Kasanayang Pagkatuto at Koda:

*Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa


kolonyalismong Espanyol.
1. Naiisa-isa at naihahambing ang pamamaraang ginawa ng
mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. AP5PKP-IIIb-2

III. Mga Gawain sa Pagkatuto:

A. Talahulugan:

Panuto: Basahin ang mga salita at kahulugan nito:

1. Pueblo-salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay bayan

2. Babaylan-mga babaeng nanguna sa mga panrelihiyong


ritwal sa sinaunang lipunang Pilipino

3. Digmaang Moro-serye ng labanan sa pagitan ng mga


Muslim at Espanyol
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod:

Pamamaraang Ginawa ng mga Pilipino Laban sa mga


Espanyol:

1. Buong katapangan at kagitingang nakipaglaban ang


pangkat nina Lapu lapu at gumamit sila ng matitibay na panang
yari sa kawayan na may lason sa dulo sa pakikipaglaban sa mga
unang Espanyol na nakarating sa ating bansa.

2. Ang mga Pilipinong ayaw manirahan sa pueblo ay pumunta


sa mga kabundukan at tinawag silang mga tulisanes o taong
labas ng mga Espanyol.

3.May mga Pilipinong gustong bumalik sa dating relihiyon. Sila


ay namuno sa pag-aalsang relihiyon tulad ni Tamblot.

4.Ang ibang babaylan na nais ipagpatuloy ang dating gawain


ay namundok at doon ipinagpatuloy ang gawaing ispiritwal.

5. Maraming Pilipino ang nagtatag ng samahan at namuno sa


pag-aalsa sa ibat-ibang kadahilanan.
6. Ang mga Muslim ay buong tapang na nakipaglaban at
naglunsad ng anim na Digmaan Moro sa pagitan ng Muslim at
Espanyol. Hindi sila nagapi ng mga Espanyol.

III. Mga Gawin sa Pagkatuto:

A. Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang inyong sagot sa


sagutang papel.

1. Anong pamamaraan ng pakikipaglaban ang ginawa nina Lapu


lapu laban sa mga unang kastilang nakarating sa ating bansa?

2. Anong ginawa ng mga Pilipinong ayaw manirahan sa pueblo


itinatag ng mga Espanyol?

3. May mga Pilipinong gustong bumalik sa dating relihiyon


katulad ni Tamblot, ano ang ginawa niyang pakikipaglaban sa
mga Espanyol?

4. Ano ang ginawa ng mga babaylan upang hindi sila


mabinyagan sa relihiyong Kristiyanismo?

5. Paano nakipaglaban ang mga Muslim sa mga Espanyol?

IV. Pangwakas
Ilan sa mga pamamaraang ginawa ng mga Pilipino laban sa
mga Espanyol ay ang pakikipaglaban gamit ang pana at tabak,
pamumundok, pakikipagdigmaan, at pagtatatag ng samahan at
pamumuno sa pag-aalsa.

V. Susi sa Pagwawasto:

1. Nakipagdigmaan gamit ang matitibay na panang may lason sa


dulo.

2. Sila ay namundok.

3. Si Tamblot ay namuno sa pag-aalsa.

4. Sila ay pumunta sa kabundukan.

5. Naglunsad ng anim na digmaang moro at buong tapang na


nakipaglaban..
IKALAWANG LINGGO

I. Kasanayang Pagkatuto at Koda:

*Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa


kolonyalismong Espanyol.

Paghahambing ng Pamamaraan ng mga Pilipino Laban sa


Kolonyalismong Espanyol

Pamamaraan ng mga Pilipino Bunga/ Resulta ng kanilang


laban sa mga Espanyol Pakikipaglaban
Pakikipaglaban ng pangkat ni Napatay si Ferdinand Magellan at
Lapu-lapu gamit ang matibay na umurong ang mga Espanyol sa
panang may lason sa dulo pakikipaglaban
Mga Pilipinong namundok dahil Naging kalaban ng pamahalaang
ayaw nilang tumira sa pueblo Espanyol at tinawag na tulisanes o
taong labas
Mga Babaylang namundok dahil Naipagpatuloy ang sinaunang gawaing
ayaw nila sa Kristiyanismo ispiritwal sa kabundukan
Mga Pilipinong nagtatag na Karamihan sa pag-aalsa ay nadakip at
samahan at namuno sa pag-aalsa pinapatay
Pakikipaglaban ng mga Igorot at Hindi nasakop ng mga Espanyol ang
Muslim mga Igorot sa Cordillera at mga
Muslim sa Mindanao
II. Gawain sa Pagkatuto:

A. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang teksto:

1. Sino-sino ang tatlong tao o grupong nabanggit na buong giting na


nakipaglaban at hindi napagtagumpayan sakupin ng mga Espanyol?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____________________________________

2. Aling pamamaraan naman ng mga Pilipino ang karamihan ay hindi nagwagi


sa paglaban sa mga Espanyol?
3. Ano-ano ang ilan sa mga dahilan ng mga Pilipinong pumunta sa
kabundukan bilang pagtanggi sa mga patakaran ng mga Espanyol?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

III. Pangwakas

May mga pamamaraan sa pakikipaglaban ng mga Pilipino ang


napagtagumpayan katulad ng pakikipaglaban ni Lapu-lapu, mga Igorot at mga
Muslim. Karamihan sa mga Pilipinong nagtatag ng samahan at namuno sa pag-
alsa ay hindi nagtagumpay, Sila ay nadakip at pinapatay.

IV. Susi sa Pagwawasto:

1. Lapu-lapu, mga Igorot at Muslim

2. Mga Pilipinong nagtatag ng samahan at namuno sa pag-aalsa

3. a. Mga Pilipinong ayaw tumira sa pueblo

b. Mga Babaylang ayaw sumapi sa relihiyong Kristiyanismo

IKATLONG LINGGO
Pangalan: ___________________________ Lebel: ________________

Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa Kolonyalismong


Espanyol

I, Panimula (Susing Konsepto)

Hindi na matatawaran ang pagkamakabayan ng mga Pilipino dahil sa


ipinakitang kagitingan ng ating mga bayani sa pagtatanggol sa bansa noong
panahon ng mga Kastila. Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at
halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.

Maipakikita natin ang pagpapahalaga para sa mga bayani sa


pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa ginawa ng mga bayani
natin upang magkaroon tayo ng kalayaan ngayon at ipagmamalaki sila
sapagkat kung hindi dahil sa kanila hindi natin mararanasan ang ganitong
buhay na ating hinaharap ngayon.

II. Kasanayang Pagkatuto at Koda:

1. Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa


kolonyalismong Espanyol.

2. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa mga Pilipinong nagtanggol ukol


sa kolonyalismong Espanyol. AP5PKP-IIIb-2

III. Gawain sa Pagkatuto:

A. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Gumuhit ng masayang


mukha kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga
Pilipino laban sa mga Espanyol at malungkot na mukha kung hindi:

_____ 1. Pagkilala sa mga bayaning nakipaglaban sa mga Espanyol na


nakapaloob sa mga leksiyong pinag-aaralan.

______2. Pagbabalewala sa mga asignaturang may kinalaman sa pag-aaral ng


mga bayani.

______3. Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paggalang


sa watawat at pambansang awit na nagsisilbig simbolo ng pagiging malaya ng
Pilipinas.
______4. Ipagmamalaki ang nagawa ng mga bayaning Pilipino kahit
makarating sa ibat-ibang bahagi ng mundo

______5. Gawing huwaran ang mga kaugaliang ipinakita ng mga bayani


tungkol sa pagmamahal ng bansa

_____6. Gawing katuwaan ang mga palabas tungkol sa ating mga bayani.

______7. Pagmamalaki at paglahok sa pagbibigay-parangal para sa mga


bayani.

______8. Pagkalimot sa mga pagpaparangal sa mga bayani.

______9. Pagiging madisiplina at pagsunod sa mga batas ng bansa.

_____10. Pag-aalaala ng mga ginawang kabayanihan ng mga Pilipino noong


panahon ng Espanyol.

B. Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng pagpapahalaga at


pagmamalaki sa mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol. Gumamit ng
mga salitang hindi lalampas sa sampu.

IV. Gabay na Tanong

Paano natin maipakikita ang pagpapahalaga sa mga Pilipinong


nakipaglaban sa mga Espanyol?

Rubrik sa Pagpupuntos
V. Susi sa Pagwawasto:

1. 2. Malungkot 3. 4. 5.

6. malungkot 7. 8. Malungkot 9. 10.

MUNGKAHING GAWAIN PARA SA INTERBENSYON


Bilang 1
Pangalan: _____________________________ Lebel: ________________

Seksiyon: _____________________________ Petsa: ________________

I. Kasanayang Pagkatuto at Koda:

*Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa


kolonyalismong Espanyol.

*Naipaliliwanag ang katayuan ng mga Pilipino laban sa koloyalismong


Espanyol. AP5PKP-IIIb-2

II. Basahin at unawain:

Katayuan ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

Sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, binago nila ang maraming


aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sapilitan nilang ipinatupad ang ibat
ibang patakarang nagpabago sa kalagayang pampolitika, pang-ekonomiya at
panlipunan ng mga katutubong Pilipino.

Kalagayang pampolitika

1. Inalis ang mga datu, rajah, at sultan sa pinakamataas na katungkulang


pamunuan ang kanilang sakop at ibinigay ito sa mga pinunong Espanyol.
Inilagay sila sa pinakambabang yunit ng pamahalaang lokal-ang pamahalaang
barangay.

2. Naging mapang-abuso ang mga Espanyol at hindi naging pantay ang


pagtrato sa mga Pilipino.

3. Hindi pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino sa matatas na posisyon sa


pamahalaan sa takot na magdulot ito ng problema sa pamahalaang Espanyol.

3. Ang mga Pilipino ay naging tagasunod na lamang sa sariling lupain.

Kalagayang Panlipunan

1. Naging sekondarya o pinakamababang mamamayan na lamang ang mga


Pilipino sa sariling bansa. Pinakamataas ang Epanyol na isinilang sa Spain at
pangalawa ang Espanyol na isinilang sa Pilipinas.

2. Bumaba ang katayuan ng mga babae sa lipunang kolonyal ng Pilipinas. Ang


mahahalagang desisyon sa tahanan ay hindi na sa ina nagmumula kundi sa
ama. Ang Katalonan at babaylan na dating pinunong ispiritwal na mga
kababaihan ay pinawalang bisa sa ilalim ng mga Espanyol at naging
tagapaglingkod na lang sila ng parokya.

3. Nabawasan ang karapatan at kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino.

4. Pinagmalupitan ng mga Espanyol ang mga Pilipino kaya kalaunan maraming


pag-aalsa ang isinagawa ng mga Pilipino sa ibat-ibang lugar subalit halos lahat
sa mga ito ay nauwi sa pagkahuli at pagpatay sa kanila.

III. Mga Gawain sa Pagkatuto:

A. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang teksto:

1. Sa anong posisyon sa pamahalaang Espanyol inilagay ang mga datu, raha at


sultan? ______________________________________

2. Bakit hindi inilagay sa mataas na posisyon sa pamahalaan ang mga Pilipino?

_______________________________________________________________

3. Ano ang naging antas ng mga Pilipino sa lipunan sa panahon ng Espanyol?

_______________________________________________________________

4. Ano ang dalawang nabanggit na pangyayari na nagpapakitang bumaba ang


antas ng kababaihan sa panahong ito?

a.
_______________________________________________________________

b.
_______________________________________________________________

5. Ano ang naging bunga sa mga pag-aalsang isinagawa ng mga Pilipino laban
sa mga Espanyol?

_______________________________________________________________

IV. Pangwakas

Sa kabila ng pagbabagong nangyari sa Pilipinas sa ilalim ng


kolonyalismong Espanyol, Hindi naging maganda ang katayuan ng mga
Pilipino sa kalagayang pampolitika at panlipunan.
V. Susi sa Pagwawasto:

1. Inilagay ang mga datu, sultan at raha sa pinakamaliit na yunit ng


pamahalaan -ang barangay.

2. Takot ang mga Espanyol na baka magdulot ang mga ito ng problema.

3. Ang mga Pilipino ang naging pinakamababang mamamayan sa sariling


bansa.

4. a. Inalis na sa ina ng tahanan ang pagbibigay ng mahahalagang desisyon sa


tahanan.

b. Inalis sa mga babaylan at katalonan ang pamumuno sa gawaing


ispiritwal

5. Sila ay nadakip at ipinapatay.

MUNGKAHING GAWAIN PARA SA INTERBENSYON


Bilang 2
Pangalan: _____________________________ Lebel: ________________

Seksiyon: _____________________________ Petsa: ________________

Katayuan ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

I. Kasanayang Pagkatuto at Koda:

*Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa


kolonyalismong Espanyol.

Naipaliliwanag ang katayuan ng mga Pilipino laban sa koloyalismong


Espanyol. AP5PKP-IIIb-2

II. Talahulugan:

Basahin at pag-aralan ang mga patakarang ekonomiko ng Espanyol sa


Pilipinas:

1. encomienda-isang teritoryo o lugar sa Pilipinas na ipinagkatiwala ng Hari


ng Espanya sa mga sundalong Espanyol bilang gantimpala sa pagtulong sa
pagpapalaganap ng kolonyalismo

2. Polo y servicio- ito ay isang patakaran kung saan ang mga Kalalakihang
Pilipino ay sapilitang gagawa ng mabibigat na Gawain tulad ng paggawa ng
galyon, pagtatayo ng mga simbahan at pagtotroso nang walang bayad at
pagkain.

3. Sistemang bandala-ito ay ang sapilitang pagbili ng ani ng mga magsasaka

4. Monopolyo ng tabako- may itinakdang dami at presyo ng aning tabako ang


dapat naipagbibili ng mga magsasaka sa pamahalaang Espanyol

5. Kalakalang Galyon-ito ay kalakalang Maynila at Acapulco, Mexico.


Tinawag na kalakalang galyon sapagkat ginamit ang galyon (sasakyang
pandagat) sa pakikipagpalitan ng mga produkto sa Mexico.

Katayuan ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

Narito naman ang katayuan ng mga Pilipino sa kalagayang pang-ekonomiya:


1. Pinagbayad ng ibat ibang uri ng buwis ang mga Pilipino na sa kalaunan ay
nagmalabis sa paniningil ang mga Espanyol at pati ari-arian ay sapilitang
kinuha sa ilalim ng sistemang encomienda.

2. Puwersahang pinalahok ang mga kalalakihang may 16 hanggang 60 gulang


sa ibat-ibang mabibigat na trabaho na walang bayad at pagkain sa patakarang
polo y servicio o sapilitang paggawa. Ipinapadala sila sa mga lugar na malayo
sa kanilang pamilya.

3. Sapilitang pagbili ng mga ani ng magsasaka sa sistemang


bandala.Kalimitang hindi nababayaran ng katumbas na halaga ang biniling ani
mula sa magsasaka.

4. Naghirap ang mga magsasaka sa ilalim ng patakarang monopolyo ng


tabako. Sapilitang silang pinagtanim ng tabako sa halip na palay at binili
ang tanim na tabako sa mas mababang halaga at kalaunan ay hindi na
binayaran.

5. Hindi kasali ang mga Pilipino sa Kalakalang Galyon (kalakalang panlabas).


Ang tanging partisipasyon lamang nila ay ang paggawa ng galyon at nagdanas
sila ng matinding hirap sa paggawa nito.

III. Mga Gawain sa Pagkatuto:

A. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang teksto:

1. Kapag kulang ang ibinabayad na buwis ng mga Pilipino, ano ang ginagawa
ng mga Espanyol?

_______________________________________________________________

2. Bukod sa walang bayad at walang pagkain ng mga kalalakihang


nagtatrabaho sa patakarang polo y servicio, ano pa ang isang pagpapahirap na
ginagawa sa mga ito ng mga Espanyol?

_______________________________________________________________

3. Nagpahirap din ba sa mga Pilipino ang monopolyo ng tabako? Bakit?

_______________________________________________________________
4. Paano isinagawa ang sistemang bandala?

_______________________________________________________________

5. Ano ang partisipasyon ng mga Pilipino sa kalakalang galyon? Ano ang


dinanas nila dito?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

IV. Pangwakas:

Ang mga patakarang ekonomiko ng Espanyol sa Pilipinas tulad ng


encomienda, polo y servicio, sistemang bandala, monopolyo ng tabako at
kalakalang galyon ay hindi nagbigay ng kaginhawahan sa mga Pilipino bagkus
lalo pa itong nagpahirap sa kalagayan nila sa ilalim ng Kolonyalismong
Espanyol.

V. Susi sa Pagwawasto:

1. Kinukuha ang mga ari-arian ng mga katutubo.

2. Dinadala sa malalayong lugar at sila ay napapalayo sa pamilya ng ilang


buwan.

3. Opo. Kulang ang ibinabayad at kalaunan ay hindi sila binabayaran ng mga


Espanyol.

4. Sapilitang binibili ng mga Espanyol ang ani ng mga magsasaka at hindi


binabayaran ng tama ang kanilang binili.

5. Walang kumitang mga Pilipino sa kalakalang galyon, ang tangi lamang


ginawa ay ang paggawa ng galyon at sobrang hirap ang dinanas nila ditto.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


Sanggunian:
 Unang Linggo
Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 Batayang Aklat

 Ikalawang Linggo
Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 Batayang Aklat

 Ikatlong Linggo
Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 Batayang Aklat

 Gawaing Pang-Intevention/Remediation and Enhancement Activities


Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 Batayang Aklat

 Gawaing Pang-Intevention/Remediation and Enhancement Activities


Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 Batayang Aklat

You might also like