You are on page 1of 28

Araling Panlipunan- Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa
Pakikibaka ng Bayan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Nerissa V. Gomez
Grace L. Esguerra
James Ian R. Ramos
Virgilio L. Laggui, PhD.

Tagasuri ng Nilalaman: James Ian R. Ramos


Tagasuri ng Wika: James Ian R. Ramos
Tagasuri ng Paglapat: James Ian R. Ramos
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto
Rainelda M. Blanco
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________


Department of Education – Schools Division of Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 3
Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon
at Sektor sa Pakikibaka ng Bayan
(Week 5-6)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.


Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa
Araling Panlipunan Baitang 5.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa Partisipayon ng


iba’t ibang Rehiyon at Sektor sa Pakikibaka ng Bayan.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, inaasahang:

 natatalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng


pakikibaka ng bayan;
 nasusuri ang mga naunang pag-aalsa ng mga makabayang Filipino;
 natataya ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor sa
pakikibaka ng bayan;
 naipapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang
tugon ng mga Filipino sa kolonyalismo; at
 nabibigyang-katuwiran ang epekto ng mga naunang pag-aalsa para sa
kasalukuyang kalayaang ating natatamo.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang maituturing na isa sa pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon na naganap mula


Hulyo 1840 hanggang Nobyembre 1841.
A. Pag-aalsa ng Dagohoy
B. Pag-aalsa ni Hermano Pule
C. Pag-aalsa ni Lakandula
D. Pag-aalsa ni Tamblot
2. Ito ay isang pag-aalsang politikal kung saan ang hindi pagtupad sa pangakong libreng
buwis at polo para sa kanyang mga kaanak ang naging dahilan ng pag- aalsa.
A. Pag-aalsa ni Bancao
B. Pag-aalsa ni Dagohoy
C. Pag-aalsa ni Hermano Pule
D. Pag-aalsa ni Lakandula
3. Pag-aalsang nagsimula ng hindi pumayag ang kura na bigyan ng magandang libing ang
kanyang kapatid.
A. Pag-aalsa ni Bancao
B. Pag-aalsa ni Dagohoy
C. Pag-aalsa ni Hermano Pule
D. Pag-aalsa ni Lakandula
4. Nag-ugat ang pag-aalsa ng paghigpitan ng mga Espanyol ang produksyon at pagbebenta
ng Basi na isang uri ng alak.
A. Pag-aalsang Agraryo
B. Pag-aalsang Basi
C. Pag-aalsa ni Diego at Gabriela Silang
D. Pag-aalsa ni Sumuroy
5. Isang Waray na namuno sa pag-aalsa laban sa Polo y Servicio o sapilitang paggawa sa
Samar.
A. Agustin Sumuroy
B. Diego Silang
C. Gabriela Silang
D. Hermano Pule
6. Isang rebelde mula sa Cagayan ang nagpasimula ng pag-aalsa ukol sa di- makatuwirang
paniningil ng buwis ng mga Espanyol.
A. Agustin Sumuroy
B. Ladia
C. Magalat
D. Maniago
7. Isang pag-aalsa na nagsimula sa pagtanggi ng mga Igorot sa Hilagang Luzon na
mapasailalim sa kristiyanismo.
A. Pag-aalsa ni Bancao
B. Pag-aalsa ng mga Igorot
C. Pag-aalsa ng mga Itneg
D. Pag-aalsa ni Tamblot

2
8. Kinilala siya sa tawag na Hermano Pule na siyang nagtatag ng Cobfradia de San Jose,
isang kapatirang panrelihiyon na kinabibilangan ng mga Indio.
A. Agustin Sumuroy
B. Apolinario Dela Cruz
C. Diego Silang
D. Pedro Ladia
9. Namuno siya sa isang pag-aalsa laban sa mga Espanyol dahil sapilitang paggawa sa
mga galyon at ang hindi tamang pagbabayad ng pamahalaan sa mga biniling palay
mula sa mga magsasaka.
A. Apolinario Dela Cruz
B. Diego Silang
C. Francisco Maniago
D. Pedro Ladia
10. Isang Moro na taga-Borneo na sinasabing mula sa angkan ni Lakandula ang namuno sa
pag-aalsa sa Malolos ng sapilitang kunin ang kanyang ari-arian.
A. Apolinario Dela Cruz
B. Diego Silang
C. Francisco Maniago
D. Pedro Ladia

3
Balikan

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY HANAY B
A
1. Banal na digmaan ng mga Muslim na a. Animismo
inilunsad upang ipagtanggol ang
kanilang relihiyon at uri ng pamumuhay
2. Serye ng Labanan sa pagitan ng mga b. Comandancia
Espanyol at Muslim de Pais de
Igorrotes
3. Tinagurian ng isang historyador na si c. Digmaang
William Henry Scott na “Tribong Moro
Malaya”
4. Tawag sa paniniwala ng mga Igorot na d. Igorot
pinaniwalaan ng mga Espanyol na
isang uri ng pagsamba sa demonyo.
5. Isang paniniwala at ritwal ng mga e. Jihad
Muslim kung saan limang beses
magdarasal sa loob ng isang araw.
6. Sultan na unang naglunsad ng kauna- f. Kapangyarihan
unahang banal na digmaan
7. Pangunahing dahilan ng pagsalakay sa g. Kayamanan
Cordillera at karatig lugar sa Mindanao
8. Isang tradisyon ng pakikidigma sa mga h. Paglaganap ng
Igorot at pagpugot sa kaaway Kristiyanismo

9. Isang samahan na binubuo ng mga i. Pangangayaw


beteranong sundalo ang Itinatag
upang mabantayan ang mga Igorot at
mga taga- Pangasinan
10. Ikalawang layunin ng mga Espanyol sa j. Salat
pananakop sa bansa
k. Sultan Kudarat

4
Tuklasin

Panuto: Bilang isang kabataan sa bagong henerasyon, anong katangian ang


kailangan mong taglayin upang maipagpatuloy mo ang sinumulang laban
ng ating mga bayani ukol sa pagtutol sa mapang-abusong pananakop ng
mga dayuhan sa bansa? Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon kalakip
ang isang simbolo na kumakatawan sa iyong napiling katangian.

Pamprosesong tanong:
1. Ipaliwanag ang simbolong iginuhit sa loob ng kahon?
2. Bakit ang simbolong ito ang napili mo upang kumatawan sa iyong katangian?
3. Paano mo ipinahiwatig ang kahalagahan ng iyong napiling katangian?
4. Ano ang kahalagahan ng katangiang iyong napili upang maipagpatuloy ang
himagsikan laban sa mga mapang abusong mananakop?
5. Sa iyong pananaw, ang katangiang iyong napili ay tinataglay din ba ng ating
magigiting na bayani at rebolusyonaryo?

5
Suriin

Partisipasyon ng iba’t ibang Rehiyon at Sektor


sa Pakikibaka ng Bayan

Ang mga Filipino ay hindi lamang basta nagpasakop sa mga Espanyol bagkus sa
mahabang panahon ng kanilang pananakop ay maraming naisagawang pag- aalsa ang
mga Filipino upang tuligsain at kalabanin ang maling sistema ng pamamalakad ng
Espanyol sa Pilipinas. Mga pag-aalsang nangyari sa iba’t ibang panig ng bansa na gumising
sa diwang makabayan ng bawat Filipino.
Ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Filipino ay nahati sa tatlong pangunahing
kadahilanan, Politikal, Relihiyon, at ekonomiko.

6
Mga Pag-aalsang Politikal
Sa Sistema ng mga Filipino sa ilang
panig ng bansa ang, mga datu at maharlika
ang siyang namumuno at namamalakad sa
kanyang nasasakupan. Pagdating naman sa
aspektong ispiritwal, ang mga babaylan at
katalonan ang siyang nagsisilbing pinuno
dito, ngunit ng dumating ang mga Espanyol
sa ating bansa pinalitan nila ang mga datu at
maharlika bilang pinuno gayundin ang mga
babaylan at katalonan pagdating sa
aspektong ispiritwal. Dahil dito, nagsagawa
ng pag-aalsa ang mga datu at babaylan
upang maibalik sa kanila ang kapangyarihan
bilang pinuno ng kanilang
nasasakupan. Narito ang ilang pag-aalsang
politikal na naganap noon sa iba’t ibang
Lakandula – Huling Hari ng
Maynila
panig ng bansa.

PAG-AALSA PANGYAYARI

Pag-aalsa ni Lakandula Taong 1574, nagsagawa ng isang pag- aalsa si


Lakandula, huling hari ng Maynila nang hindi
tuparin ni Gobernador- Heneral Miguel Lopez
de Legaspi ang pangako nitong libreng
pagbabayad ng buwis ng kanilang angkan at
polo.
Pag-aalsa ng mga Datu ng Taong 1587-1588 nagkaroon ng sabwatan ang
Tondo o mas kilala sa tawag mga datu ng Tondo na sila Magat Salamat,
na pagsasabwatan sa Tondo Pedro Balingit, Juan Banal at Martin Pangan
upang bawiin sa kamay ng mga Espanyol ang
kanilang kalayaan at karangalan ngunit mabilis
na natuklasan ang kanilang plano kung kaya
ang mga nadakip na pinuno ay ipinapatay at
ang ilan ay ipinatapon sa iba’t ibang bansa.

7
Mga Pag-aalsang Panrelihiyon
Dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo sa ating
bansa maraming mga Filipino ang tumalikod sa
kanilang paniniwala at nagsimulang umanib sa
relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol. Maraming
Filipino ang nagpabinyag bilang mga Kristiyano.
Isang halimbawa nito ay ang mahigit 30 babaylan sa
Bohol taong 1611 ang tumalikod sa kanilang
katutubong paniniwala, binasag ang kanilang mga
anito at dambana at lumahok sa katekismo at
tuluyang tinalikuran ang dating paniniwala.

Apolinario Dela Cruz – mas kilala sa


tawag na Hermano Pule, nagtatagang
ng Samahan na Confradia de San Jose

Ngunit may ilang mga Filipino tulad nila


Apolinario Dela Cruz na mas kilala sa tawag na
Hermano Pule at Francisco Dagohoy na ipinaglaban
ang kanilang katutubong paniniwala at ang iba
naman na sumapi sa Kristiyanismo ay humingi ng
pantay na pagkilala sa relihiyon.
Nasa ibaba ang mga pag-aalsang isinagawa
ng mga Filipino bilang protesta sa mga Espanyol.
Francisco Dagohoy – Dating Cabeza
De Barangay at namuno sa isang pag-
aaklas laban sa mga Prayleng Kastila

PAG-AALSA PANGYAYARI

Pag-aalsa ng mga Igorot Ang ating mga katutubong Igorot mula sa


Hilagang Luzon ay tumutol na
mapasailalim sa Kristiyanismo. Hindi
nila pinayagan ang pagbibinyag sa
kanila alinsunod sa utos ni Gobernador-
Heneral Francisco de Tello de Guzman.
Hindi nagtagumpay na masakop at
maipalaganap ng mga Espanyol ang
relihiyong Kristiyanismo sa mga
katutubong Igorot.
Pag-aalsa ni Bancao Katuwang si Pagali, isang babaylan na
pinaniwalaang gumamit ng mahika,
pinamunuan ni Bancao ng Cariga ang
pag-aalsa laban sa Simbahang Katoliko
sa Leyte. Nagtayo sila ng mga dambana
at hinikayat ang iba’t ibang bayan na
sumapi at makilahok sa kanila. Ngunit
hindi rin nagtagal ang kanilang pag-
aalsa dahil nasupil sila at pinugutan ng
ulo si Bancao.
8
Pag-aalsa ni Tamblot Taong 1621 hanggang 1622 ay
nagkaroon ng pag-aalsang isinagawa
noong unang araw ng kapistahan ni St.
Francis Xavier. Isang pag-aalsang
pinamunuan ni Tamblot ng tumutol ang
mga Boholano na sumailalim at
magpasakop sa Kristiyanismo.
Pag-aalsa ng mga Itneg Taong 1625-1627 pinamunuan ang
isang pag-aalsa nila Miguel Lanab ng
Cagayan at Alababan ng Apayao nang
pugutan ng ulo ang dalawang
misyonerong Dominicano at hikayatin
ang mga Itneg na dumihan ang mga
imahe ng santo, sunugin ang mga lokal
na simbahan at magnakaw bilang
pagpapakita ng pagprotesta sa
sapilitang pagbibinyag. Ngunit ang pag-
aalsang ito at muling nasupil taog 1627
sa pamumuno ni Gobernador-Heneral
Fernando de Silva.
Pag-aalsa ni Tapar sa Panay Pinangunahan ni Tapar ng Iloilo noong
taong 1663 ang pagtatayo ng bagong
sangay ng Kristiyanismo sa bayan ng
Oton, kung saan siya ay kinilalang
“Diyos na Makapangyarihan” ngunit
agad din itong nasupil at lahat ng
lumahok sa pag-aalsa o rebelyon ay
ipinapatay.
Pag-aalsa ng mga Magtangaga ng Si Francisco Rivera o mas kilala sa
Cagayan tawag na “Papa Rey” (Papa o Pope at
hari) ay pinigil ang mga katutubo sa
Tuguegarao taong 1718 na ipagpatuloy
ang pagtangkilik sa Kristiyanismo at
hinimok ang mga ito na ibalik sa mga
prayle ang mga rosaryo at iskapulo.
Ngunit ang mga sumanib sa kanyang
samahan ay tumalikod din dahil sa
malupit na pamamalakad ni Francisco
Rivera.
Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol Isang dating Cabeza de Barangay si
Francisco Dagohoy na naglunsad ng
isang pag-aalsa laban sa mga prayle ng
hindi payagan ng isang paring Jesuit na
magkaroon ng isang marangal na libing

9
ang kaniyang kapatid. Itinuring ito na
pinakamahabang pag-aalsa laban sa mga
Espanyol na nagsimula noong taong 1744
hanggang 1829.
Pag-aalsa ni Apolinario Dela Cruz sa Maituturing na isa sa pinakatanyag na
Tayabas pag-aalsang panrelihiyon ang pag-aalsa
ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala
bilang Hermano Pule na nagtatag ng
Confradia de San Jose sa Lucban. Ang
Confradia ay isang kapatirang
panrelihiyon na nilahukan ng mga Indio.
Nagsimula ang pag aaklas ni Hermano
Pule nang hindi siya nabigyan ng
pagkakataon na mabigyan ng orden at
manatili sa kumbento bilang pari. Noong
1832 itinatag niya ang Confradia de San
Jose ngunit hindi pa rin ito kinilala ng mga
Kastila na labis nitong ikinagalit.

Noong Oktubre 1841, nagpadala si


Gobernador-Heneral Marcelino de Oraa
Lecumberri ng tropa upang supilin ang
kapatiran. Marami sa mga kasapi ang
hinuli at pinatay. Si Hermano Pule na
siyang pinuno ng kapatiran ay nakatakas
ngunit nahuli at pinatay sa pamamagitan
ng Firing Squad.

Mga Pag-aalsang Ekonomiko

Maraming bagong panuntunan ang


ipinatupad ng mga Espanyol sa ating bansa lalo
na pagdating sa ekonomiko. Ilan sa mga
panuntunang ito ay ang pagbabayad ng buwis,
sapilitang paggawa o Polo y Servicio,
monopolyo at kalakalang galyon. Sa bagong
sistemang ipinatupad ng mga Espanyol mariin
itong tinutulan ng mga katutubong Filipino.
Ilan sa mga pag- aaklas na may
motibong ekonomiko na naganap ay mababasa
sa ibaba
Diego Silang– isang Pilipinong
rebulosyunaryong pinuno na
nakipagsabuwatan sa mga puwersang
Britanyo upang patalsikin ang
pamamahalang Kastila.

10
PAG-AALSA PANGYAYARI

Pag-aalsa ni Magalat Isang rebelde mula sa Cagayan si Magalat , kasama


ang kanyang kapatid noong taong 1696 ay tuwirang
tinutulan nila ang sapilitang paniningil ng buwis ng
mga Espanyol. Ngunit ang pag-aalsa ni Magalat ay
hindi nagtagal ng ipapatay si Magalat ng mga
Espanyol sa mga Indio na nakilahok sa pag-aaklas.

Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, Taong 1643, isang Moro na mula Borneo na


Bulacan nagngangalang Pedro Ladia na naniniwalang mula
siya sa angkan ni Lakandula ang namuno sa pag-
aalsa sa Malolos nang sapilitang kumpiskahin ang
kaniyang ari-arian. Ngunit ang kanyang pag-aaklas
ay hindi rin nagtagal ng siya ay dakipin at parusahan
ng kamatayan.
Pag-aalsa ni Sumuroy Sumiklab ang isang pag-aalsa sa Samar taong 1649
hanggang 1650 sa pamumuno ng isang Waray na
nagngangalang Agustin Sumuroy nang tutulan nito
ang pagpapadala ng mga Waray bilang
manggagawa sa pagawaan ng barko sa Cavite. Dahil
dito sumiklab pa ang ilan sa mga pag-aalsa sa mga
lugar tulad ng Mindanao, Bicol, Cebu, Masbate,
Camiguin, Zamboanga at sa Hilagang Mindanao.
Humina ang pag-aalsa hanggang sa tuluyan ng
masupil nang madakip si Sumuroy at ipapatay ito
kasama ang mga lumahok sa pag-aalsa.

Pag-aalsa ni Maniago Pinamunuan naman ng isang taga Mexico,


Pampanga ang pag-aalsa nang tutulan nito at ng
mga Kapampangan ang sapilitang paggawa sa mga
galyon at ang hindi tamang pagbabayad ng
pamahalaan sa mga biniling palay mula sa mga
magsasaka. Ngunit ang pag-aalsang ito ay tumagal
lamang ng isang taon nang masupil sila ni
Gobernador-Heneral Sabiniano Manique de Lara
gamit ang “Divide and Rule Policy”.
Pag-aalsa ni Malong sa San Nagsimula ang pag-aalsang pinamunuan ni Andres
Carlos Pangasinan Malong sa hindi pababayad ng mga Espanyol sa
kaukulang sahod ng libo-libong nagtatrabaho sa
pagawaan ng barko. Ang pag-aaklas na ito ay
kinalaban ang mga opisyal ng Espanya ngunit hindi
ang simbahan. Mabilis na napigil ang pag- aalsang
ito na pinamunuan ni Andres Malong ng mga
Espanyol.

11
Pag-aalsa ni Almazan sa Sa San Nicolas, Laoag, Ilocos Norte, isang
San Nicolas, Laoag Ilocos Norte mayamang pinuno na kinoronahan bilang hari ng
Ilocos ang nanguna sa pag-aaklas laban sa mga
Espanyol. Siya ay si Don Pedro Almazan.
Kasama si Juan Magsanop na isang pinuno ng
Bacarra, Bangu sa pag-aalsang pinangunahan ni
Almazan. Ang pag-aalsang kanilang inilunsad ay
isang suporta sa pag-aaklas na isinagawa ni
Malong ng Pangasinan. Iginiit nila ang
pagbabayad sa mga trabahador na Filipino.
Ngunit matapos ipapugot ni Almazan ang ulo ng
isang prayleng Dominicano na si Jose Santa
Maria at isang Augustiniano na si Jose Arias ay
nadakip ito at binigti sa plasa, dahil dito natigil
ang pag-aalsa at rebelyo sa lugar.
Pag-aalsang Agraryo sa Hiniling ng mga magsasaka sa katagalugan na
Katagalugan muling ibalik sa kanila ang kinamkam na lupa ng
mga Espanyol na naging sanhi ng pag-aalsa ng
mga magsasaka sa pangunguna ng mga
lalawigan ng Batangas, Laguna at Cavite, ngunit
ang pag-aalsang ito ay hindi naging matagumpay
dahil walang lupang naibalik sa mga magsasaka.
Pag-aalsa ni Diego Silang Taong 1762 hanggang 1763, nagkaroon ng pag-
at Gabriela Silang aalsa na pinamunuan ng mag- asawang Diego at
Gabriela Silang. Nag- alsa si Diego Silang dahil
sa sapilitang paniningil ng buwis at nais niyang
palayasin ang mga Espanyol ngunit namatay si
Diego Silang ng siya ay traydurin ng kanyang
kaibigan na si Miguel Victor kung kaya ang
kanyang kabiyak na si Gabriela Silang ang
nagpatuloy ng kanyang nasimulan. Ngunit hindi rin
nagtagal ay nahuli si Gabriela at binigti.
Pag-aalsang Basi Nag-ugat sa paghihigpit ng Pamahalaang
Espanyol sa pagbebenta at produksyon ng basi,
isang uri ng alak mula sa tubo. Ipinagbawal ang
ang pribadong paggawa ng basi ng mga
Espanyol kaya napilitan ang mga Filipino na bumili
sa pamahalaan sa mas mataas na presyo.
Pinamunuan ang pag-aalsang ito ni Pedro
Ambaristo.

12
Mga Dahilan ng Pagkabigo ng Sinaunang Pag-aalsa sa Bansa
Sa kabuuan, lahat ng isinagawang pag-aalsa ng mga Filipino laban sa mga
Espanyol ay hindi naging matagumpay bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.

1. Pagiging watak-watak ng mga Filipino. Mapapansin na sa bawat pag-aalsa,


ito ay nagsisimula sa mga maliliit at magkakalayong lugar sa Pilipinas, kung
kaya’t madali itong masugpo ng mga Espanyol. Maliban dito, ang mga
mayayamang mga Filipino ay hindi sumusuporta sa mga pag-aalsang
isinasagawa.
2. Kawalan ng maayos ng Komunikasyon. Dahil sa topograpiya ng ating
bansa, hindi naging madali ang pagpapadala ng mensahe ukol sa pag-aalsa
sa isang lugar patungo sa kabilang bayan. May ilang pagkakataon na
nadadakip ng mga Espanyol ang mga mensahero kung kaya’t nalalaman
agad ito at madaling nasusupil. Isa pang dahilan ng hindi maayos na
komunikasyon ay ang pagkakaiba ng wika at diyalekto ng mga Filipino na
naging sanhi upang mahirapapan ang mga Filipino na manghikayat ng
dagdag na lalahok sa isang pag-aalsa.
3. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma. Dahil sa ang
armas ng mga Espanyol ay makabago, hindi nakasabay ang mga Filipino sa
makabagong armas nila sapagkat ang mga armas ng ating mga katutubong
rebelde ay gawa lamang sa mga katutubong materyales. Dagdag pa rito ang
hindi sapat na kaalaman ng mga Filipino pagdating sa pakikidigma.
4. May ilang Filipino na nasilaw sa pangakong salapi at pribilehiyo ng mga
Espanyol. Madaling nasilaw ang ilang katutubong mensahero at kasapi ng
isang pag-aalsa ng ang pamahalaang Espanyol ay mag-alok ng salapi at
pribilehiyo na isang malaking sanhi ng pagbagsak ng ilang pag-aalsa.

13
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman
kung hindi.
___________ 1. Itinuring na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni
Francisco Dagohoy ng Bohol.
___________ 2. Ang kahulugan ng Papa sa bansag kay Francisco Rivera na “Papa Rey” ay
Pope at hari.
___________ 3. Isang dating Cabeza de Barangay si Francisco Dagohoy.
___________ 4. Ang pag-aalsang pinamunuan ni Andres Malong ay nasupil dahil sa “Divide
and Rule Policy”.
__________ 5. Ang Confradia de San Jose ay isang kapatiran na lumaban sa mga Espanyol
dahil sa sapilitang paggawa o Polo y Servicio.
___________ 6. Ang Polo y Servicio ay ang sapilitang pagbebenta ng mga inaning gulay,
palay at produkto sa pamahalaan.
___________ 7. Si Apolinario Dela Cruz ay kilala rin sa tawag na Hermano Pule.
___________ 8. Isang malaking dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa ng mga Filipino ang
pagkakaiba-iba ng wika o sinasalitang lengguwahe.
___________ 9. Si Lakandula ang unang hari ng Tondo.
___________ 10. Ang ugat ng pag-aalsang basi ay ng sapilitang gawing pribado ang paggawa
ng basi o isang uri ng alak sa bansa.

Gawain B
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat katanungan sa ibaba. Isulat
ang tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.

Apolinario Dela Cruz Basi Diego Silang

Divide and Rule Policy Francisco Rivera Lakandula

Pedro Ladia Pedro Almazan Polo Y Servicio

Tapar

_______________ 1. Isang Moro na taga-Borneo na namuno sa pag- aalsa sa


Malolos nang sapilitang kunin ang kaniyang ari-arian.

_______________ 2. Tawag sa sapilitang paggawa ng mga Filipino na


ipinatupad ng mga Espanyol.

_______________ 3. Isang uri ng inuming nakalalasing.


Nagtatag ng Confradia de San Jose, isang kapatirang
_______________ 4. hinabilangan ng mga Indio.

_______________ 5. Isang mayamang pinuno ng Laoag at kinoronahan bilang


hari ng Ilocos.

_______________ 6. Huling hari ng Maynila.

_______________ 7. Pinatay ng kanyang kaibigan na si Miguel Vicos.


14
_______________ 8. Nasupil ang pag-aalsa ng mga Kapampangan sa
pamumuno ni Francisco Maniago ng gamitin ng mga
Espanyol ang polisiyang ito.

_______________ 9. Naging malupit na pinuno ng isang samahan at kilala sa


taguri na “Papa Rey”.

_______________ 10. Nais niyang makilala bilang “ Diyos na Makapangyarihan”


kung kaya naghangad siyang magtayo ng bagong sangay
ng Kristiyanismo sa bayan ng Oton.

Gawain C
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pag-aalsa ay panrelihiyon, ekonomiko, o
politikal. Isulat ang letrang PR- kung panrelihiyon, PE – kung Pang ekonomiko,
at PP- kung pang politikal.
1. Pag-aalsa ni Maniago
2. Pag-aalsang Basi
3. Pag-aalsa ni Diego Silang at Gabriela Silang
4. Pag-aalsa ng mga Itneg
5. Pag-aalsa ni Bancao
6. Pag-aalsa ni Ladia
7. Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan
8. Pag-aalsa ni Lakandula
9. Pag-aalsa ng mga Datu sa Tondo
10. Pag-aalsa ni Dagohoy

15
Isaisip

Panuto: Kopyahin ang graphic organizer. Itala ang mga pangyayaring naganap sa
bawat dahilan ng pag-aalsa nakasaad sa dito. Gawin ito sa sagutang papel

16
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay batay sa katanungan sa ibaba. Isulat sa


sagutang papel.

Ipagpalagay na isa ka sa mga namuno sa isa sa pag-aalsa ng mga Filipino,


paano mo pamumunuan ang iyong pangkat upang ang iyong hangarin ay maging
matagumpay.

Rubrik sa Sanaysay
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 5
Pagkakasunod-sunod 3
ng ideya
Wastong gramatika at 2
gamit ng bantas

Kabuuan 10

17
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay pag-aalsa na nag-ugat sa paghihigpit sa produksiyon ng basi.


A. Pag-aalsang Agraryo ng Katagalugan C. Pag-aalsa ng mga Igorot
B. Pag-aalsang Basi D. Pag-aalsa ng mga Itneg
2. Ito at tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas na nangyari sa Bohol taong
1744.
A. Pag-aalsa ni Bancao C. Pag-aalsa ni Hermano Pule
B. Pag-aalsa ni Dagohoy D. Pag-aalsa ni Tapar
3. Ito ay isang kapatiran na nilahukan ng mga Indio na pinamunuan ni Apolinario dela
Cruz.
A. Basi C. Divine Rule
B. Confradia de San Jose D. Polo Y Servicio
4. Siya ay isang Waray na namuno sa pag-aaklas laban sa sapilitang paggawa sa Samar.
A. Agustin Sumuroy C. Francisco Dagohoy
B. Apolinario Mabini D. Pedro Almazan
5. Siya ay pinatay ng kanyang kaibigan dahil sa utos ng mga Espanyol.
A. Apolinario Dela Cruz C. Francisco Rivera
B. Diego Silang D. Francisco Maniago
6. Isa siyang Moro na taga-Borneo na nag-aklas nang sapilitang kumpiskahin ang
kaniyang ari-arian.
A. Agustin Sumuroy C. Francisco Dagohoy
B. Apolinario Mabini D. Pedro Ladia
7. Huling hari ng Maynila na nag-aklas laban sa mga Espanyol nang hindi tumupad ang
gobernador-heneral na si Miguel Lopez de Legaspi sa kanyang pangakong hindi
pagbabayarin ang kanyang angkan ng buwis.
A. Almazan C. Lakandula
B. Bancao D. Sumuroy
8. Isang dating cabeza de Barangay na nagalit at nagpasimula ng pag-aaklas nang hindi
payagan ng kura na mabigyan ng marangal na libing ang kanyang kapatid.

A. Agustin Sumuroy C. Francisco Dagohoy


B. Apolinario Mabini D. Pedro Ladia
9. Isang uri ng alak na gawa o mula sa tubo.
A. Asi C. Basi
B. Bacarra D. Iskapularyo
10. Nasupil ang pag-aalsa gamit ang Divide and Rule Policy.
A. Pag-aalsa ni Apolinario Dela Cruz C. Pag-aalsa ni Francisco Rivera
B. Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy D.Pag-aalsa ni Francisco
Maniago

18
Karadagang Gawain

Panuto: Lumikha ng isang tula na may dalawa (2) o higit pang saknong ukol
sa paksang tinalakay. Lagyan ng sariling pamagat ang iyong
nilikhang tula.

Pamantayan sa Paggawa ng Tula

Kraytirya Napakagaling Magaling Pakagalingan pa


10 puntos 7 puntos 5 puntos

Makahulugan ang kabuuan ng


tulang nilikha.
Nakapukaw sa interes ng
mambabasa.
Tamang Gamit ng Salita,
Parirala at bantas.
Kaangkupan ng sukat at tugma

19
20
Subukin Balikan Tuklasin
1. B 1. E Nasa guro ang pagpapasya
2. D 2. C
3. B 3. D
4. B 4. A
5. A 5. J
6. C 6. K
7. B 7. H
8. B 8. I
9. C 9. B
10. D 10.G
Pagyamanin
Gawain A Gawain B Gawain C
1. TAMA Nasa guro ang pagpapasya 1. PE
2. TAMA 2. PE
3. TAMA 3. PE
4. MALI 4. PR
5. MALI 5. PR
6. MALI 6. PE
7. TAMA 7. PE
8. TAMA 8. PP
9. MALI 9. PP
10. MALI 10. PR
Isaisip Isagawa Tayahin
nasa guro nasa guro 1. B
ang pagpapasya ang pagpapasya 2. B
3. B
4. A
Karagdagang Gawain 5. B
nasa guro ang pagpapasya 6. D
7. C
8. C
9. C
10.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education K to 12 Most Essential Learning Competencies,
Araling Panlipunan 5, Fourth Quarter

Gabuat, M. A. P. Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, GOP–


Text book Funds, Vibal Group Inc. 2016

Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education) Araling


Panlipunan I Module 3 Ang Iba’t Ibang Mukha ng Ating Lahi

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like