You are on page 1of 25

Ano-ano ang mga

kasarian ng pangngalan?
Magbigay ng halimbawa
ng bawat isa.
Ano kaya ang maaring
gawing libangan sa mga
bansang may niyebe?
Aralin 4
MASIPAG NA BATA
AY ISANG BIYAYA

UNANG ARAW
• Basahin ang Paghandaan natin
Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal
kaya nakararanas lamang ito ng dalawang
uri ng panahon- ang tag-araw at tag-ulan.
Dahil sa ganitong klima, basketbol ang
karaniwang larong kinahihiligan ng mga
Pilipino anumang edad. Laganap ang
pagtangkilik sa larong ito lalo na ng
kabataan.
• Taliwas naman ito sa nakahiligang
libangan ni Michael Chrstian Martinez,
ito ay ang skating.
Michael Christian Martinez
Filipino figure skater
Description
Michael Christian Martinez is a Filipino
figure skater. He is the 2015 Asian Figure
Skating Trophy champion, a two-time
Triglav Trophy champion and has won one
ISU Challenger Series medal, silver at the
2014 Warsaw Cup. Wikipedia
Born: 4 November 1996 (age
22 years), Parañaque
Height: 1.75 m
Skating club: Metro ISC
Began skating: 2005
Parents: Maria Teresa Martinez
Coach: Vyacheslav Zahorodnyuk
Karangalan Mula sa Niyebe
Nakilala si Michael Christian Martinez sa larong
skating nang nakapasok siya sa Winter Olympics
noong taong 2014. siya ang kauna-unahang figure
skater sa Pilipinas at sa Timog-silangang Asya.
Hindi madali ang larong ito para kay Michael.
Ang larong skating ay kilala sa malalamig na
bansa dahil sa niyebe rito. Kaya mistulang
namangha ang buong mundo kay Michael sa
ipinakita niyang husay at galing sa nasabing isport
kahit na walang taglamig o winter season sa
Pilipinas.
Naging papalaisipan sa marami kung
paano siya nakapagsanay nang husto dahil
walang niyebe sa Pilipinas. Bukod pa sa
malaking halaga ang kailangan para sa
gastusin kaugnay ng isport na ito. Ngunit
nalalagpasan ito ni Michael at kaniyang ina.
Buong- buo ang suporta ng ina sa anak.
Malaki ang papel ng isang sikat na mall
kay Michael at sa isport niyang skating. Dito
siya nagsimula.
Bata pa si Michael ay nakararanas
siya ng asthmatic bronchitis ngunit kahit
na nagdudulot nang masamang epekto
ang lamig mula sa skating rink ay hindi
niya ito ininda. Nakatulong pa nga ito
kay Michael dahil bumuti ang kaniyang
kondisyon kaya naman hinayaan na siya
ng kaniyang ina na dito niya ibinuhos
ang kaniyang panahon.
“Taon-taong bumubuti ang aking
kalusugan, kaya tuluyang sinuportahan ng
aking ina ang aking skating. Maigi pang
gumastos ng pera sa pag-skating kaysa sa
ospital,” ang pahayag ni Michael.
Marami nang kompetisyong sinalihan
si Michael sa ibang bansa. Pinalad din
naman siyang manalo sa ilang
kompetisyong ito. Karangalan ang dala
niya para sa ating bansa.
Dumating ang panahon na
kailangang magsanay ni Michael.
Kailangan niyang paghandaan ang
isang malaking kompetisyong
international. Itinuturing niya na
pinakamalaking laban niya ito bilang
skater.
Kailangan nila ng malaking halaga
para sa pagsasanay na gagawin sa
ibang bansa
“Huwag kang mag-alala, Anak. Makakasali ka sa
Sochi Winter Olympics. Isasanla muna natin ang ating
bahay. Huwag mong alalahanin ito. Matutubos din natin
ang bahay na ito. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo
at sa Diyos, higit sa lahat. Paghusayan mo para sa iyo,
para sa ating pamilya, at para sa ating bansa,” ang
mahabang pahayag ng ina ni Michael.
May mabubuting puso rin ang nag-sponsor sa
kinakaharap na ito ni Michael at ng kaniyang
pamilya, ito ang Philippine Retail and Development
Corporation, na nagmamay-ari ng skating rink sa
bansa at Philippine Skating Union.
Natupad ang pangarap ni Michael na
ito
makasali sa Sochi Olympics. Hindi man
siya nanalo, umabot naman siya sa final
round ng Men’s figure skating category.
Pinatunayan ni Michael na kapag
masipag, matiyaga, masigsig, at may
determinasyon, kayang-kayang
makipagtagisan ng Pilipino sa ibang lahi,
kahit na walang niyebe sa Pilipinas.
• Ano ang katangiang ipikanita
ni Michael sa kuwentong ating
binasa?
•Ano ang nagging epekto sa
kalusugan ni Michael ang
kanyang libangan?
•Ano ang suliraning kinaharap ng
kanilang pamilya sa pagsali niya
sa kompetisyon?
Naniniwala ba kayo na ang
masipag na bata, ay isang
biyaya?

Paano ninyo nasabi?


•Ano ang magandang dulot
ng pagiging masipag,
matiyaga, masigasig at
pagkakaroon ng
determinasyon sa buhay?
Bilang isang mag-aaral,
paano mo ipakikita ang
iyong pagmamalasakit
sa bansa?
Pagtataya:
Pasagutan ang Pag-unawa sa Binasa. Buuin ang
pangungusap sa bawat bilang. Punan ang patlang ng
angkop na salita. Isalat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
1. Bata pa si Michael nang makahiligan niya ang ________
2.Kahit na nakararanas ng ______________
3. Nakabuti sa _________ ni Michael ang lamig ng skating
rink.
4. Ang ___________ ay ang kompetisyong itinuring ni
Michael na pinakamalaking laban niya bilang skater.
5. Kayang-kayang makipagtagisan ng Pilipino kapag
___________, ________, ____________, at
_____________________.

You might also like