You are on page 1of 15

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paggalang ng Pilipino
Angat sa Buong Mundo!
Edukasyon sa Pagpapakatao III
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paggalang ng Pilipino, Angat sa Buong Mundo!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pamparalang Pansangay ng Lungsod ng San Jose


Tagapamanihala: Johanna N. Gervacio PhD, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Roy Chester V. Andres
Editor: Lordennis T. Leonardo, PhD
Tagasuri: Benedect V. Aquino
Rosalie G. Patiag
Tagaguhit: Carmelitas R. Cacho
Tagalapat: Roy Chester V. Andres
Tagapamahala:
Veronica B. Paraguison, PhD
Lordennis T. Leonardo, PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose
Office Address: San Jose-Lupao Road, Sto. Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 331-0285
E-mail Address: sanjosecity@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang


kasanayan ng mag-aaral sa pamantayang:

Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino


EsP3PPPIIIa-b – 14
1.1 pagmamano, paggamit ng “po” at “opo”
1.2 pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakatatanda

Subukin

Mapagpalang araw
sa iyo! Kamusta ka?

Ako si Sir Roy ang


gagabay sa iyo sa araling
ito! Sigurado ako na ikaw
ay masisiyahan sa mga
kaalaman sa araling ito.
Handa ka na ba?

1
Panuto: Alamin at kilalanin ang mga larawan. Lagyan ng
tsek () ang bawat bilang kung ito ay nagpapahayag nang
paggalang sa kapuwa ekis (X) naman kung hindi. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.
Kung nasagutan
mo ng tama ang lahat
ng nasa bilang, marahil
alam mo na ang araling
ito.

Ngayon naman ay
ipagpatuloy mo ang
daloy ng aralin na ito
upang higit kang
matututo at masisiyahan
sa gagawin mo. Tara,
samahan mo ako!
2
Aralin
Paggalang ng Pilipino Angat
1 sa Buong Mundo!
Ang mga Pilipino ay isa sa pinakamagagalang sa buong
mundo. Hindi lang sa pagmamano sa nakatatanda ang ating
ginagawa kundi tayo rin ay mayaman sa mga magagalang na
pananalita.

Balikan

Masaya nating natalakay sa nakaraang aralin ang tungkol


sa pagiging masiyahin sa pakikiisa sa paglalaro. Matatandaan mo
pa kaya ang mga ito?

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang masayang mukha ☺


kung ito ay nagpapahayag ng pagiging masiyahin sa pakikiisa sa
paglalaro at malungkot na mukha  naman kung hindi.

1. Gustong manalo ni Ana sa laro kaya siya nandadaya.

2. Gusto kong gayahin si Mica sa pagiging masiyahin.

3. Para manalo sa laro, kailangang umiyak ng malakas.

4. Mas masayang kasama ang mga kalarong mandaraya.

5. Tinanggap ni Ben ng maluwag sa loob ang pagkatalo sa


laro.

3
Tuklasin

Basahin at unawain ang tulang nasa ibaba

Magalang Ako, Dahil Ako ay Pilipino!

ni Roy Chester V. Andres

Kilala tayong mga Pilipino


Sa pagiging masiyahin sa kapuwa tao
Dumanas man ng lindol, baha o bagyo
Nananatili tayong mga positibo.
Ngunit ang natatangi pa nating pag-uugali
Ang pagiging magalang na kawili-wili
“po” at “opo” madalas sinasabi
sa nakakatandang tao, marespetong pagbati!

Simbolo pa ng paggalang sa ating magulang


aalis at darating sa ating tahanan
kinukuha ang kanilang kamay sa ulo iniaatang
itinataas ang antas ng paggalang

Bunga ng paggalang ay masunuring kabataan


Sundin ang magulang nang walang alinlangan
Kung gusto mong umasenso sundin mo lang ito kaibigan
mapapabuti at maipagmamalaki kapa ng sangkatauhan!
4
Panuto: Buuin ang pangungusap gamit ang gabay na tanong.
Isulat ito sa sagutang papel.

1. Sa iyong palagay ano ang ipinababatid ng tula?

Sa aking palagay ang tula ay ________________________________

_____________________________________________________________

2. Nasasabi mo ba sa mga nakatatanda ang salitang “po” at


“opo”? Bakit?

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Susi sa magandang kinabukasan


ang pagiging masunurin at magalang
sa magulang.
Dito tayo nakikilala sa buong
mundo. Ang magagalang na
pananalita na “po” at “opo”.

5
Suriin

Narito ang pangyayari sa larawan. Suriing mabuti ang


dayalogo.

Nanay alam po
ninyo pag Tama yan anak!
nahihirapan po
Maging
ako sa modyul
masunurin ka
na sinasagutan
lang sa amin at
ko, iniisip ko lang
maging
po ang payo magalang para
ninyo sa akin na
rin ito sa iyong
mag-tiyaga sa
kinabukasan ito
pag-aaral kaya ang aming mga
po nasasagutan
pangaral sa iyo.
ko po ito ng Pagbutihin mo
maayos!
at magtanong
ka sa akin kung
ano ang mga
hindi mo pa
alam.

Sa tagpung ito pinapayuhan ng ina ang kanyang sariling


anak na maging masunurin sa pagsagot sa modyul para sa
kanyang aralin. Napansin mo rin bang nagsasalita ng may
paggalang ang bata gamit ang “po” at “opo”?

Ang paggalang sa magulang ay tanda ng pagiging


marespeto sa kapuwa. Maging mabuti at huwarang kabataan na
maipagmamalaki ng bawat pamilya at sa buong mundo.

6
Ngayong naunawaan mo na ang kahalagahan nang
pagiging magalang na kabataan, matutukoy mo na kaya
maging masunurin at gumagalang sa nakatatanda?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel:

1. Inutusan ka ng iyong nanay na maghatid ng meryenda ng


mga nagtatanim ng sibuyas sa inyong bukid. Papaano mo
sasabihin sa kanila ito?

a. “Pst! Meryenda na!”

b. “Hoy halina kayo at mag meryenda!”

c. “Halina po kayo at mag meryenda na po!”

d. Iiwan nalang ang meryenda at bahala na silang kumuha.

2. Napansin mong nahulog ang tungkod ng ale na hindi


nakakakita, papaano mo siya tutulungan?

a. Kunin ang tungkod at pagsabihan ang ale.

b. Kunin ang tungkod at hilain siya sa pupuntahan niya.

c. Kunin agad ang tungkod at gabayan siya sa pupuntahan.

d. Kunin lang ang tungkod at tingnan siya sa pupuntahan


niya.

7
3. Inutusan ka ng iyong nanay na magwalis, ito ay agad mong
sinunod. Anong ugali ang iyong ipinamalas?

a. matapang

b. malinis

c. mapagkumbaba

d. masunurin

4. Oras ng pagsagot ng modyul, bigla kang tinawag ng iyong


tatay upang patahanin sandali ang kapatid na umiiyak. Ano
ang iyong sasabihin?

a. “Nandiyan na po tatay!” “

b. “Saglit lang! Tatapusin ko lang ito!”

c. “Huwag po ninyo akong abalahin nagsasagot ako!”

d. Huwag ninyo akong abalahin utusan na lang ninyo si


kuya!”

5. Dumating galing sa trabaho ang iyong nanay, agad mo


siyang sinalubong at ikaw ay nagmano. Anong ugali meron ka?

a. pag-aaruga

b. pagkamasiyahin

c. pagkamatalino

d. pagkamagalang

8
Isaisip

Bilang isang batang katulad mo, mahalagang matutunan


mo at maipakita ang mga kaugaliang Pilipino. Gaya ng mga
sumusunod:

• pagmamano
• paggamit ng “po at opo”
• pagsunod sa tamang tagubilin ng mga
nakatatanda

Isagawa

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang panunumpa ng


pagiging magalang. Isaulo, isaisip at isagawa ang laman ng
panunumpa.

Panunumpa ng Batang Magalang


Ako! Bilang kabataang Pilipino ay nangangakong magiging
magalang sa magulang at nakatatanda sa akin.
Sisikapin kong maging mahinahon pag ako ay nakikipag-usap
sa nakatatanda. Uugaliin kong magsabi ng “po” at “opo” sa
nakatatanda sa akin.
Gagawin ko ito upang maging mabuting ehemplo sa mga
batang tulad ko.
Patnubayan nawa ako ng Panginoon.
_______________________________
Pangalan at Pirma ng Magulang
9
Tayahin

Panuto: Sagutin sa sagutang papel ang mga sumusunod na


katanungan na may paggalang na pangungusap.

1. Isang umaga, nakasalubong mo sa paaralan ang iyong


guro na si G. Roy. Ano ang sasabihin mong pagbati sa kanya?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Hindi mo narinig na inuutusan ka ng iyong ina na bumili sa


tindahan at gusto mong ipaulit ang kanyang sinabi. Paano mo ito
sasabihin nang may paggalang?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

3. Dumating ang iyong lolo galing sa bukid, gusto mong mag


mano ngunit marami siyang dala-dala. Bilang isang batang
magalang ano ang iyong gagawin?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

10
4. Gusto mong humingi ng paumanhin sa nanay ng kaklase
mo. Dahil hindi ka agad nakipagpalitan ng modyul. Paano mo ito
sasabihin ng may paggalang?

___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. May taong kumakatok sa inyong bahay, ano ang iyong


sasabihin?

___________________________________________________________
___________________________________________________________

11
12
Subukin Tuklasin Isagawa
1. Batay sa kanilang Batay sa kanilang
1.  mga paliwanag pagsasagawa
2. X 2. Batay sa kanilang
3. X paliwanag
Tayahin
4. 
Pagyamanin Batay sa kanilang magalang
5.  na pagsagot
1. C
2. C
Balikan
3. D
4. A
1.  5. D
2. ☺
3. 
4. 
5. ☺
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikatlong Baitang: Caraan, Maria
Carla M., Catapang, Rolan B., Castillo, Rodel A., Soriano,
Portia R., Sajise, Rubie D., Ambat, Victoria V., Roson, Violeta
R., Canlas, Rosa Anna A., Bongat, Leah D., Habijan, Enrico
M., Pandiño, Marilou D., de Robles, Irene. 2014.Edukasyon sa
Pagpapakatao. 5th Floor, Mabini Bldg. DepEd Complex,
Meralco Avenue, PasigCity: Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

13

You might also like