You are on page 1of 2

QUARTER 3 LESSON 2:

Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakakatanda, at Awtoridad

Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng:

1. Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng pamilya .

2. Pagkikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol

sa paggalang at pagsunod.

3. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at pagmamalasakit.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?

Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay maipakikita sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.

1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.

2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.

3. Pagtupad sa itinakdang oras.

4. Pagiging maalalahanin.

5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?

Ang pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda ay isang magandang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Sa
simula pa lamang, ang mga bata ay tinuturuang gumamit ng ‘Po’ at ‘Opo’ sa kanilang pakikipag-usap at
pagmamano sa mga nakatatanda.

1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.

2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungan.

3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa.

4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa


mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.

5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa kanila.

Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad.

1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga

taong may awtoridad.

2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.

3. Maging halimbawa sa kapwa

4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat

sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.


Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?

Maipakikita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad kung
kinikilala mo ang kanilang halaga.

Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa pamamagitan ng


sumusunod na mungkahi ayon kay David Isaacs

(Character Building, 2001)

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang


kinabibilangan.

2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto ng kaniyang pagkakamali.

3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa


kanila.

4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at


pagkilos.

5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na


paraan ng paggalang.

6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay ng angkop na tulong bilang
pagtugon sa kanilang pangangailangan.

7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya at ang nararapat ay ang paggalang
sa kaniyang dignidad.

8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita.

9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal at
pagpapatawad.

GABAY NA MGA TANONG:

1. Saan ba natutong sumunod at gumalang ang isang indibidwal?


2. Natutunan ba Iang pagsunod at paggalang?
3. Kailan dapat ito ituro?
4. Bakit umiiral ang mga paglabag sa pag-utos at hindi paggalng sa mga magulang, nakakatanda at may
awtoridad?

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa Activity/Journal notebook:

1. Bakit may mga paglabag sa pagsunod sa pag-uutos ng mga magulang, nakakatanda at may
awtoridad?

2. Ano ang mga dahilan bakit may mga umiiral na paglabag sa paggalang ng mga magulang,
nakakatanda ta may awtoridad?

3. Gaano kahalaga ang pamilya sa paghubog ng indibidwal sa pagsunod at paggalang sa kanila


[magulang], nakakatanda, at may awtoridad?

You might also like