You are on page 1of 32

MODYUL 10

Pagsunod at
Paggalang SA
MGA
MAGULANG,
NAKATATANDA
ATAMPARO
MATE. ORINION
AWTORIDAD
Master Teacher II
“paggalang”
nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang
ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,”
na ang ibig sabihin ay naipakikita ang
paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halaga sa isang tao o bagay.
“paggalang”
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang
nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang
pamilya

Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang


kumilala sa pagpapahalaga
MAGULANG nakatatanda awtoridad

ang nagtatakda ng mga pamantayan o batas at


sila rin ang nagpapasunod ng mga ito..
May positibong impluwensiya ang paggamit
ng mga magulang at ng mga nasa
kapangyarihan ng kanilang awtoridad.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Ang anumang samahan o pangkat na may tunguhin at
layunin ay mayroon ng itinalagang isang taong tatayo bilang
pinuno at siyang magdadala sa bawat kasapi papunta sa
tunguhin o layunin na nais marating ng pangkat.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Ito ang makikita natin sa isang lipunan kung saan ay may mga
pinuno na itinalaga o hinirang upang mangasiwa sa
pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Sa isang paaralan, mayroon namang mga guro at opisyal na
nagbabantay at nagtuturo sa mga mag-aaral. Ganito rin ang
nagaganap sa isang pamilya kung saan may itinalagang lider o
mamumuno sa katauhan ng magulang upang pangalagaan ang
kaniyang mga kasapi.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Ang bawat pinuno ng isang samahan, kasinlawak man ito ng
lipunan o kasinliit ng pamilya, ay pinagkalooban ng awtoridad
upang magampanan niya nang maayos ang kaniyang
pananagutan at gampanin bilang pinuno.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Ang awtoridad na ito na taglay ng isang tao dahil sa kaniyang
pagiging pinuno ay karaniwang ginagamit niya upang matiyak
ang kabutihan ng kaniyang mga pinangungunahan.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Samakatuwid, ang awtoridad ay likas na posisyon na
inookupahan ng isang tao at mawawala lamang sa tao kapag
siya ay wala na sa posisyon ng pamumuno.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Sa loob ng tahanan, ang magulang ang siyang itinalaga bilang
pinuno nito. Dahil sa kanilang posisyon bilang magulang at
puno ng pamilya, mayroon silang awtoridad na gawin ang
anumang makabubuti at makatutulong sa pagkamit ng pamilya
sa layunin nito.
Ang Tamang Pagsunod at Paggalang
sa mga Awtoridad
Ang awtoridad na nasa isang pinuno ay nagbibigay sa kaniya
ng kapangyarihan at karapatan na gumawa ng pasiya at
magbigay ng mga kautusan o patakaran para sa ikaaayos at
ikabubuti ng kaniyang pinamumunuang samahan. Kapag hindi
niya ito nagawa nang tama, maaring kuwestiyunin o
pagdudahan ang kaniyang awtoridad
Ang Awtoridad at ang Pag-iiral ng
Patakaran
PATAKARAN

panuntunan o batas na siyang gagabay at maglalagay ng


hangganan o limitasyon sa bawat kasapi.
Ang Awtoridad at ang Pag-iiral ng
Patakaran
AWTORIDAD

nagkaroon siya ng karapatang itakda ang mga patakarang ito at


ipasunod sa lahat.
Mga Dahilan ng Pagpapairal ng Batas
ng mga may Awtoridad:
UNA

ito ay tanda ng pagmamahal ng magulang sa mga anak, ng mga


guro sa mga mag-aaral o ng lider ng mga bansa sa kanyang
mga kababayan.
Mga Dahilan ng Pagpapairal ng Batas
ng mga may Awtoridad:
PANGALAWA

pananagutan ng mga namumuno na turuan at pangalagaan ang


kanilang kasapi.
Mga Dahilan ng Pagpapairal ng Batas
ng mga may Awtoridad:
PANGATLO

kailangan ng mga patakaran sapagkat hindi pa kaya ng isang


bata o kabataan na turuan at disiplinahin ang sarili.
Pagpapakita ng Paggalang sa
Awtoridad
Ang totoo, lahat ng tao ay nangangailangan na maramdaman
nila na sila ay iginagalang, pinakikitunguhan nang mabuti,
itinuturing na isang taong may halaga, at binibigyan ng
konsiderasyon bilang indibidwal.
Pagpapakita ng Paggalang sa
Awtoridad
ang paggalang na inaasahan sa iyo ay una mong sinasanay
gamitin sa loob ng tahanan at pamilya, sa iyong mga magulang
at sa mga nakatatanda sa iyo. Kapag natutunan mo ito sa loob
ng tahanan, madali mo na itong maipakikita sa lahat ng taong
nakatatanda at sa mga awtoridad sa labas ng tahanan.
Paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong magulang,
maging sa iba pang nakatatanda at awtoridad?

1. Sundin ang kanilang patakaran at payo.


Ang pagsunod ay tanda ng paggalang - ang dalawang ito ay
hindi maaaring paghiwalayin. Ang pagkilala at paggalang
sa kanilang awtoridad ay pagkilala at paggalang sa kanilang
posisyon at kalagayan bilang pinuno ng samahan.
Paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong magulang,
maging sa iba pang nakatatanda at awtoridad?

2. Magsalita at makipag-usap nang maayos kung may


pagdududa o di pagsang-ayon sa awtoridad ng magulang o
sinumang nakatatanda.
Ang pakikipag-usap sa kanila ng malumanay at sa maayos
na paraan upang ipaliwanag ang iyong panig, sasabihin ang
iyong nararamdaman at opinyon, mas bubuti ang inyong
ugnayan.
Paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong magulang,
maging sa iba pang nakatatanda at awtoridad?

3. Makinig.

Nais ng mga magulang at ng iba pang awtoridad na


pinakikinggan sila habang sila ay nagsasalita bilang tanda
ng paggalang sa kanila.
Paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong magulang,
maging sa iba pang nakatatanda at awtoridad?

4. Huwag magsalita kung hindi nararapat.

Hayaang matapos sa pagsasalita ang isang magulang,


nakatatanda o awtoridad at huwag putulin ang kanilang
sinasabi para lamang makapagsalita ka.
Paano mo maipakikita ang paggalang sa iyong magulang,
maging sa iba pang nakatatanda at awtoridad?

5. Huwag silang siraan sa iba

Ang pagsasabi ng kasiraan ng isang magulang, guro o


pinuno ay magiging kasiraan din sa imahe ng mga may
kaugnayan sa mga nabanggit gaya ng anak, estudyante at
tagasunod nito.
GAWAIN A.1

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


pahayag. Iguhit ang masayang ( ) mukha sa
iyong papel kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at malungkot ( )
na mukha kung ito ay walang katotohanan.
1. Nagsisimula sa paaralan ang kakayahang kumilala sa
halaga ng paggalang sa kapwa.
2. Ang pagkilala sa halaga ng kapuwa bilang kapantay
ay nangangahulugan ng pagtanggap sa kaniya bilang
kapantay.
3. Ang pagsusuri bago ang pagsunod sa batas ay
nagpapakita ng kagalingan sa pagsunod sa awtoridad.
4. Kinikilala ang kahalagahan ng paaralan sa paghubog
ng pagiging mabuting pagkamamamayan kaysa sa papel
ng pamilya.
5. Ang karangalang tinataglay ng pamilya ang
nagbibigay dito ng kapangyarihang dapat kilalanin ang
bawat kasapi nito.
GAWAIN A.2
PANUTO: Suriin ang mga pangungusap at tukuyin ang
mga ito kung ito ay patungkol sa mga magulang,
nakatatanda o awtoridad.
1. May pananagutan sila sa pamunuan, turuan at
pangalagaan ang kanilang mga kasapi.
2. Nagtatakda ng mga patakaran ng lahat ng kasapi ng
pamilya upang ang mga ito ay lumaking masunurin.
3. Biniyayaan sila ng mayamang kaalaman ng
karanasan upang magabayan ang mga kasapi ng
pamilya.
TAKDANG ARALIN
PANUTO: Kopyahin ang “Venn Diagram” sa sagutang
papel at magbigay ng tig-iisang paraan kung ano ang
nakikita/ginagawa mong paglabag sa paggalang sa
magulang, nakatatanda at awtoridad.

magulang nakatatanda awtoridad


_________ _________ _________

You might also like