You are on page 1of 45

Aralin 2

PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA


MAGULANG, NAKATATANDA, AT
MAY AWTORIDAD
PANALANGIN
Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po kami sa araw na ito.
Patuloy mo po kaming gabayan upang lahat naming tungkulin ay
aming magampanan. Tulungan mo po kami sa mga pasya na aming
ginagawa. Pagpalain mo ang aming mga guro na sa amin ay
matiyagang nagtuturo. Pagpalain mo rin ang mga magulang namin sa
patuloy na pagsuporta sa amin. Ang lahat ng ito ay aming sinasamo sa
ngalan ng aming Panginoong Hesus. Amen.
LAYUNIN
• Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang
na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal.
• Nakikilala ang mga bunga ng hindi pagpapamalas ng
pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad.
• Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa
magulang, nakatatanda, at may awtoridad.
LAGNAGUM
MAGULANG
TADANAKATAN
NAKAKATANDA
RIAWDOTAD
AWTORIDAD
Maraming pagkakataon na ang
pakikipagkapwa’y nagiging salat sa
paggalang na nagiging sanhi ng pag-aaway,
hindi pagkakaintindihan, pananakit, paglabag
sa batas, at iba pang mga gawaing hindi
kumikilala sa dignidad ng kapwa.
Dahil dito tunay ngang isang hamon
para sa kabataang tulad mo ang
pagpapanatili at pagpapatibay ng mga
birtud ng paggalang at pagsunod sa mga
magulang, nakatatanda at may
awtoridad.
Bakit kailangang gumalang

Sino ang igagalang


Maraming aral ang nagsasabi na igalang ang lahat ng tao,
igalang ang mga magulang at nakatatanda pati na ang mga
taong may awtoridad sa lipunan o estado.
PAGGALANG
• Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na
“respectus” na ang ibig sabihin ay “paglingon o pagtingin
muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang
sa pamamagitan ng pagbibigay ng hala sa isang tao o
bagay.
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay
ang nagkapagpapatibay sa kahalagahan ng
paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang
kakayahang kumilala sa pagpapahalaga.
PAMILYA
• ANG PAMILYA BILANG HIWAGA - Kung
ugnayan ang isasaalang-alang, isang hiwagang
maituturing ang pagiging sabay na malapit at
malayo ng pamilya sa iyong pagkatao.
Sinasabing ang pamilya ay malapit sa iyo dahil sa
sumusunod na patunay.
• Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa
mo o ikinaiinis mo.
• Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong
pinagbuklod ng pagmamahalan.
• Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong
nagpalaki sayo.
Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula ang
iyong pag-iral sa magkakasunod at makasaysayang
proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong
pag-iral.
Ang mga kasalukuyang suliranin tulad ng kawalan o humihinang
pagpapahalaga sa kabanalan, kawalan ng paggalang sa buhay at
kamatayan (na nagiging dahilan nang kayabangan, pagkukunwari,
pagkabagot o kawalan ng interes o kawalan ng pag-asa) ay ilan
lamang sa mga patunay ng di pagkilala sa halaga ng pamilya sa
paghubog ng iyong pagkatao.
Kung kaya’t sa pamilya unang nararanasan ang epekto ng mga
suliraning ito.
Halimbawa:
• Ang pakikipagtalo at pagsigaw sa mga magulang.
• Pagrerebelde ng mga anak.
• Pagpapabaya sa nakatatanda at may sakit na mga kamag-anak.
• Pag-aasawa ng hindi handa.
• Kayabangan o labis na pagpapasikat sa ibang tao.
ANG PAMILYA BILANG HALAGA

• Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi


nito ay naipakikita sa pagsusumikap na gumawa ng
mabuti at umiwas sa paggawa ng masama.
ANG PAMILYA BILANG HALAGA

• Ang karangalang tinataglay ng pamilya


ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat
kilalanin ng bawat kasapi nito.
Halimbawa: lumaki ka sa isang pamilyang
pinahahalagahan ang edukasyon, ang paggalang sa
pagnanais ng iyong mga magulang na makapagtapos ka
ng iyong pag-aaral ay maipapakita mo sa pamamagitan
ng pagsunod mo sa kanilang bilin at utos na mag-aral
kang mabuti.
Halimbawa: Kung ikaw naman ay bahagi ng isang
pamilyang nagpapahalaga sa katarungan, pagmamahal
at pagmamalasakit sa kapwa, at namamalas ang
pagsasabuhay ng batas ng malayang pagbibigay o law
of free-giving, kakikitaan ng kapayapaan at lalim ng
unawa ang ugnayan ng bawat kasapi.
Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang
nararapat at naaayon na uri at antas ng komunikasyon. May
marapat na antas ng komunikasyon para sa mga bagong
kakilala at sa mga mahal mo sa buhay, at di kailanman
marapat ang magsalita nang masama, magmura, o manglait
ng kapwa.
GINTONG ARAL o GOLDEN RULE:

• Huwag kang makipag-away


• Huwag kang mananakita ng kapwa
• Makitungo ka nang maayos sa iyong kapwa.
ANG PAMILYA BILANG PRESENSIYA

• Bilang presensiya, ang pamilya ang nagsisilbing proteksiyon sa


mga kasapi, duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan,
pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan, kalakasan, kahinaan,
damdamin, at halaga.
ANG PAMILYA BILANG PRESENSIYA

• Itinuturing ang pamilya na isang tahanang nag-


iingat at nagsasanggalang laban sa panganib,
karahasan at masasamang banta ng mga tao o bagay
sa paligid at labas ng pamilya.
Kung ano ang nakasanayan at palaging nakikita
na ginagawa ng mga kasapi ng pamilya, lalo na
ng mga magulang at nakatatanda, ay
makakalakihan at makakasanayan ng mga anak.
ANG HAMON SA PAMILYA
• Maraming suliranin ang naidudulot nang pagkawala o
unti-unting paghina ng nakagisnang gawi o ritwal na
dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay, paglipat ng
tirahan o paghahanapbuhay ng magulang sa malayong
lugar.
ANG HAMON SA PAMILYA
• Nakalulungkot isipin na may mga pamilyang hindi
naiingatan ang mga kasapi laban sa karahasan mula
sa mga tao o bagay sa labas at maging sa loob ng
pamilya.
ANG PAGGALANG AT PAGSUNOD SA
MAY AWTORIDAD AT ANG
KAHALAGAHAN NG PAGSANGGUNI
• Lahat ng tao ay napasasailalim sa awtoridad.
• Ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad
ay may kapangyarihang magtalaga at magpatupad
ng mga panuntunan.
• Ang pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang
nagbibigay ng karapatan sa taong may awtoridad
upang mapanatili ang pagkakaisa, pagtutulungan,
kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong
nasasakupan upang makamit ang kabutihang
panlahat.
Ano ang iyong gagawin kung ang
iniuutos sa iyo ng iyong magulang,
nakatatanda at may awtoridad ay
maghahatid sa iyo sa kapahamakan at
nalalaman mong labag sa kabutihang-
asal? Susundin mo ba ito
• Mahalaga ang pagsangguni sa mga taong
pinagkakatiwalaan at tunay na nagmamalasakit, na
maaaring bahagi rin ng pamilya (malapit o malayo),
tulad ng iyong nanay at tatay, mga nakatatandang
kapatid, tiyuhin o tiyahin, lolo o lola.
• Maaari ding sumangguni sa mga awtoridad na labas
sa pamilya na binibigyan ng lipunan ng
kapangyarihang ingatan ang dignidad, ipaglaban
ang karapatan, at tugunan ang pangangailangan ng
mga taong kaniyang nasasakupan.
• Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na taon dahil
kinikilala ng bata ang awtoridad ng kinagisnan
niyang pamilya nang walang pagtatangi o bahid ng
pag-aalinlangan.
• Mas madali para sa isang bata ang sumunod sa
kaniyang mga magulang at nakatatanda dahil sa
direktang pagtanggap niya mula sa mga ito ng
seguridad, pagmamahal at pag-aaruga para sa
kaniyang kaayusan at kagalingan.
Natututuhan ng bata ang paggalang
at pagsunod sa pamamagitan ng:

• Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi


ng pamilya kung paano sila gumalang.
Natututuhan ng bata ang paggalang
at pagsunod sa pamamagitan ng:

• Pagkikinig at pagsasabuhay ng mga itinurong aral


ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
Natututuhan ng bata ang paggalang
at pagsunod sa pamamagitan ng:

• Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at


pagmamalasakit.

You might also like