You are on page 1of 5

Department of Education

Region VI-Western Visayas


SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY
CONGRESSMAN RAMON A. ARNALDO HIGH SCHOOL
Technical Vocational High School
Banica, Roxas City

3RD DEPARTMENTAL TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

PANGALAN:____________________________________ SEKSYON: ___________________

I. TAMA o MALI : Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung ang pangungusap ay
wasto at Mali naman kund hindi.

1. Ang taong mapagpasalamat ay nagiging malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga
Gawain kaysa sa mga hindi.
2. Ang paggawa mo ng kabutihan sa kapwa na hindi ka ginagantihan ng parehas na kabutihan ay
nararapat lamang na itigil mo ito at ibaling sa iba ang paggawa ng kabutihan.
3. Walang kinalaman sa kalusugan at kaligayahan ng tao ang pasasalamat kaya hindi ito
nararapat na bigyan nang pansin.
4. Ang pasasalamat ay tumutulong sa pagbuo at pagpapalakas ng samahan o grupo at
pinagtitibay nito ang mga samahan dahil sa magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
5. Anuman ang mayroon ka sa buhay ngayon ay biyaya mula sa Diyos kaya nararapat na
magpasalamat sa Kaniya na tunay na nagmamahal sa bawat isa.
6. Ang pasasalamat ay gawi ng taong mapagpasalamat sa pagkilala at pagtugon sa kabutihang
ginawa ng kapwa malaki man o kahit sa simpleng paraan.
7. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay para lamang sa taong pinagkakautangan ng loob.
8. Ang pag-alis ng negatibong kaisipan sa bawat araw na paggising at pagsasa-isip ng
kagandahan at layunin sa buhay ay paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
9. Ang pasasalamat ay isa sa mga natatanging pagpapahalaga ng mga Pilipino na kailangang
isabuhay.
10. Ang kawalan ng pasasalamat o taong hindi nagpapakita ng pagpapasalamat ay isang
masamang ugali na nakapagpapababa sa pagkatao.
11. Ang kagandahang-loob o kabutihan ay likas na kaloob ng Diyos sa tao kung kaya siya ay
pinagkalooban ng ispiritwal at materyal na kabutihan.
12. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag-iisip,
damdamin, at gawa ng tao habang namumuhay ito nang matiwasay.
13. Ang kabutihan/kagandahang-loob hindi magiging ganap kung hindi ito maipamamalas sa iba.
14. Tungkulin ng lipunan ang pangalagaan ang dignidad ng matatanda sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mga batas na mangangalaga sa kanila.
15. Isa sa mga pagsasabuhay ng paggalang na ginagabayan ng katarungan ay sa pamamagitan
ng pagpapanatili ng pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at pagkilala sa halaga ng
pamilya.
II. Maraming Pagpipilian: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

16. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang
pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos
b. sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa
kaniyang pinanggalingan
c. Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa
kaniyang kalooban
17. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa niya ang trabaho nito
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

18. Ano ang ibig sabihin ng entitlement mentality?


a. Ito ay paggawad ng titlo o parangal sa isang tao
b. Ito ay isang paniniwala na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan
ang kanilang pangangailangan
19. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng:
a. kalooban b. isip c. damdamin d. konsiyensiya
20. Sa anong salitang Latin nanggaling ang salitang “Salamat” o “Thank You”?
a. gracias b. adios c. humus d. gratus
21. Paano natutuhang maging mapagpasalamat ng isang tao?
a. sa pag-aaruga ng kaniyang mga magulang
b. itinuturo ng mga guro sa mga mag-aaral sa mga tiyak na asignatura
c. pagkikipagtulungan ng relihiyong kinaaaniban
d. kapaligirang madamot sa kapuwa
22. Alin sa mga sumusunod ang pagkakaiba ng taong mapagpasalamat sa taong hindi
mapagpasalamat?
a. may kababaang-loob c. hindi mapanira sa kapwa
b. kontento sa buhay d. mapagmalaki
23. Siya ay isang Griyegong pilosopo na nagbigay-lalim sa kahulugan ng kabutihan o
Kagandahang-loob.
a. Plato b. Socrates c. Aristotle d. Alexander the Great
24. Ang kabutihan ay hango sa salitang-ugat na buti na nangangahulugang__________________.
a. kaayusan, kaaya-aya, kabutihan
b. kaaya-aya, katwiran, kabutihan
c. katiwasayan, kapayapaan, karangyaan
d. kayamanan, kapurihan, kaaya-aya
25. Ang kagandahang-loob ay hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob. Ang loob ay
tumutukoy sa inner self o real self na nangangahulugang ________________________.
a. talento ng tao
b. kakayahan ng tao at ang tamang silbi ng tao
c. kapurihan ng tao
d. kaalaman ng tao
26. Ito ay tumutukoy sa “ultimate end” ng tao ayon kay Aristotle.
a. kamatayan b. kaligayahan c. kalungkutan d. karangyaan
27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang tao ay may kagandahang-loob?
a. Si April na nagtayo ng isang organisasyong may layuning tumulong sa mga taong may
kapansanan.
b. Si May na dinaan-daanan ang palaboy sa kalsada.
c. Si June na palaging naghahanap ng makakasuntukan kapag nakainom.
d. Si July na kinukutya ang kapit-bahay na isang kahig, isang tuka ang estado sa buhay.
28. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng _______________.
a. pakikibahagi sa mga gawing nakasanayan
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo
c. pagbibigay ng halaga sa isang tao
d. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
29. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging
kaaya-aya para sa iyo
b. ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
c. ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali
d. suportahan ang kanilang mga proyekto at programa
30. Natutuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod,
maliban sa;
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin
b. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakakaunawa sa kaniya
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturing aral ng mga magulang
tungkol sa paggalang at pagsunod
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakakatanda

31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa mga magulang?


a. lagi silang ipanalangin na ikaw ay pamahalaan
b. maging halimbawa sa kapwa
c. alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay
magiging kaaya-aya para sa iyo
d. pagtupad sa itinakdang oras at paggalang sa kanilang kagamitan
32. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing
taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-
aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting
maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin
kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na
nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo
na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi
makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
33. Sa anong paraan mas higit na maipapakita ang pasasalamat sa ating kapwa?
a. gumawa ng kard ng pasasalamat
b. magpasalamat sa pamamagitan ng pag-iisip
c. itala ang iyong mga biyaya
d. lahat ng nabanggit
34. Ang sumusunod ay pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
b. gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa
pananaw sa buhay
c. pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
d. pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat ng ibang tao
35. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
a. nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng
depresyon
b. naghihikayat upang maging maayos ang Sistema ng katawan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate
c. nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat
d. nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacterias
sa katawan
36. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
a. pagsasabi nhg salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
c. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may
pantustos ng magulang
d. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kaniya
37. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. pagpapasalamat
c. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa
d. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
38. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
a. ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na
serbisyo
b. ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong
39. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
a. kawalan ng panahon upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
b. pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
c. hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d. paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil
menor de edad
40. Paano maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
a. panatilihin ang pagkakaunawaan, saradong komunikasyon at pagkilala sa halaga ng
pamilya
b. kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto ng pagkakamali
c. di-pagtugon sa pangangailang ng kapwa
d. pagbalewala sa sitwasyon o kalagayan ng kapwa

III. Pagtukoy:

A. Basahin ang bawat pangungusap at suriin kung may umiiral na paglabag sa paggalang
sa mga magulang, nakatatanda, at taong may awtoridad. Sa iyong sagutang papel, isulat
ang WALA kung walang may nakitang paglabag at MAYROON naman kung may umiiral
na paglabag sa paggalang.

41. Pagdating ni Mona sa bahay, agad niyang hinanap ang kanyang mga magulang upang
magmano.
42. Mababa ang nakuhang marka ni Ramon sa kanilang pagsusulit. Agad niyang kinausap ang
kanyang guro at minura ito dahil hindi siya makapaniwala na ganoon ang kanyang iskor.
43. Hiningi ni Lisa ang payo ng kanyang lola tungkol sa masugid nitong manliligaw.
44. Hindi makalabas si Ana sa kanilang bahay dahil sa pandemya dulot ng Covid19 at sa batas na
bawal lumabas ang mga menor de edad. Isang araw, hinimok niya ang kanyang kaibigan na
lumabas at gumala sa plasa dahil talagang nababagot na siya.
45. Nakita ni Jose na naiwan ng kanyang kapatid ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa. Dahil
alam niya ang password nito, binuksan niya ito at naglaro ng paborito niyang Mobile Legends
ng hindi nagpapaalam.
B. Tukuyin kung anong uri ng ng paggalang at pagsunod ang isinasaad ng bawat
pangungusap. Isulat ang PM kung Paggalang sa Magulang, PN kung Paggalang sa
Nakakatanda, at PMA kung Paggalang sa May Awtoridad.

46. Si Nina ay tumutulong sa mga gawaing bahay at sinasamahan ang kanyang ina sa paglalaba.
47. Sa isang meeting, ang isang empleyado ay nagbigay ng respeto at pakikinig sa kanyang boss
habang ito ay nagpapaliwanag ng mga direktiba.
48. Sa isang family gathering, ang isang pamangkin ay nagbigay ng upuan sa kanyang tiyo na
mas matanda sa kanya.
49. Sa isang pulong ng mga mag-aaral, ang mga estudyante ay nagpapalitan ng mga opinyon
ngunit naghihintay sila sa kanilang guro bago magsalita.
50. Sa isang public event, ang mga tao ay sumusunod sa mga alituntunin ng mga security guards
at nagpapakita ng respeto sa kanila.

*****WAKAS*****

Prepared by:

MENARD A. ANOCHE
Substitute Teacher

Checked:

DARREN B. DELMO, EdD


Master Teacher I

Noted:

ANGELITA B. BECARES, PhD


Head Teacher IV

ALEX B. BORDA
Secondary School Principal IV

You might also like