You are on page 1of 6

Division of City Schools

BAWING NATIONAL HIGH SCHOOL


3RD PERIODIC TEST IN EsP G-8

Name___________________________________Yr.&SEC._________________Date__________score:

Teacher: FARINA ALYSA B. ALIPIO 50

Pangkalahatang Panuto: Basahin at Unawain ang bawat katanungan.Sagutin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1 Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang
mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong parin siyang tumingin sa kaniyang
pinanggalingan.
c. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang
kalooban.

2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?


a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

3. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?


a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang Sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil lagging nag iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

4. Ano ang entitlement mentality?


a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mon a dapat bigyan ng
dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pang-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.

5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:


a. pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala moa ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita moa ng pasasalamat sa kanila.
d. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao.

6. Ang sumusunod ay mga Gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:


a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. Pagtulong sa mga simpleng Gawain sa bahay
c. Paghinto sap ag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustus
ang mga magulang
d.Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal
sa kaniya.
7. Ang birtud na pasasalamat ay Gawain ng
a. Kalooban b. isip c. damdamin d. konsiyensiya

8. Alina ng hindi kasama sa tatlong anta sang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo.
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

9. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?


a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa s paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang na loob sa taong tumutulong

10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, malliban sa


a. Kwalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
b. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
c. Hindi pagkilala o pagbibigay halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad.

11. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng _________________.


a. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
b. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakhalubilo
c. Pagbibigay ng halaga sa isang tao
d. Pagkilala sa mga taong nagging bahagi ng buhay

12. Ano ang ipnahihiwatig ng pahayag na “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran ng kakayahang
magpasakop”?
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat
c. Maipapakita sa pamamagitan ng pagsuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong magpasakop at
sumunod.

13. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?


a. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya
b. Naipagtutuloy nito ang ttradisyon ng pamilya
c. Nagbubuklod nito ang mga henerasyon
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib

14. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa
iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa

15. Natutuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kanya
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakakatanda.
16. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang bta,
ang bata ay__________________.
a. Madaling makasusunod sa mga ipinaguutos ng kaniyang mga magulang
b. Nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay
c. Nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda
d. kumiklos ayon sa mga ipinatutupad n autos ng kaniuang magulang

17. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang nagging lider
ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginawa nang walang pagtutul, kahit
pa minsan ay napapabayaan niya ang kaniyang sarilng pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay napgpapakita
ng ____:
a. Katarungan
b. Kasipagan
c. Pagpapasakop
d. Pagsunod

18. Nag-iisang itinaguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak.Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak
nang siya ay nagging biyuda. Panatag siya dahil na nangagamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas
mapatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng _____________:
a. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang lingo.
b. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/email kung nasa malayong
lugar.
c. Pagkakaroon ng mga alintuntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga
d. Pagkakaroon ng bukas na kumunikasyon at malalim nap ag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.

19. Kilala ang pamilya nina Vangies sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga
magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid.
Ngunit siya ay kinakitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sap ag-aaral
ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa ibat-ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang
magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi
ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
a. Ipaunawa Kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila
ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga
natuklasang dahilan.
d. Isaalang-alang ang kakanyahan at paggiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya
nang walang pagtatangi.

20. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan m ng mga gawaing taliwas sa dapat
nilang gampanan. Maraming kabataang tulad moa ng nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod.Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban.Gawain kung ano ang
inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan.Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay
nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali,lalo na kung
hindi naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang
nagpapatupad sa batas ay siayng lumalabag ditto.
21. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may
kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaring bunga nito kay Mabuel
kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
a. Hindi na siya pagbibigyang makukuha ng pagsusulit.
b. Mas malakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
c. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral

Para sa bilang na 22-25. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Piliin at ilagay
ang titik ng tamang sagot pagkatapos ng tanong.

a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao


b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
22.Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito
dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigansa huli

23. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot
na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpanggap na magulang niya.

24. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kanyang
guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya
ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

25. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ng inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa
kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan.
Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkwentuhan hindi na ninyo namalayan na gumagabi nap ala. Alam mon a
pagagalitan siyan ng kaniyang mahigpit na ama.Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga
ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw
mong mapahamak ang iyong kaibigan.

26. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:


a. mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at
kapayapaan ng kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa isang tao hindi upang masisi,
maparusahan at masaktan.
d.Hindi mon a kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang
iyong nilikhang kwento.

Para sa bilang 27-30. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinapakita sa
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik
ng tamang sagot pagkatapos sa katanungan.

a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

27. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang
kaniyang ama ay hindi pa rin nagsasalita si Alvin.
28.Sinasabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito
na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.

29. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay chatmaine. Sa
halip ay sinagot nya ito na madadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaring
mayroong dalawang kahulugan.

30. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga
magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama.Mas ipinaramdam na lamang niya rito na siya ay
nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip nasabihin niya rito ang tunay na nararamdaman.

31. Hango sa salitang ugat na buti na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan at kabutihan.


a. Kabutihan b. kagandahan c. karangyaan d. kaayusan

32. Hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob.


a. kagandahang loob
b. bukal sa loob
c. tibay ng loob
d. kagandahang diwa

33. Ito ay kakanyahan ng tao.


a. Inner self o real self
b. outer self
c. mind set
d. none of the above

34. Ito ay isang etikang isinulat ni Aristotle kung saan tinalakay niya ang kaligayahan
a. Etikang Nikomakiya
b. Etikang happy
c. The Happy life
d. wala sa nabanggit

35. Kakayanhan ng tao na malampasan ang anumang pagsubok o tukso at labis na nagmumula sa kanyang
kalooban.
a. Transcendence self
b. Inner Self
c. Kabutihan
d. kagandahang loob
36-38. Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon at ilagay ito sa loob ng dayagram.

a. Inner Sel (loob) b. Kabutihan/Kagandahang loob c. Pakikipagkapwa

3637
37

Dayagram 1.Ugnayan ng loob


39. Sinong Pilosopong nag sulat ng Etikang Nikomakiya kung sann nagsasaad ng kaligayahan ng isang tao.

a. Aristotle b. Plato c. Confucius d. Socrates

40. Ano ang tawag isang bagay na nagpapatunay sa kagandahang loob ni Hesus ng kanyang pakikitungahan
nang mabuti sina Magdalena, Zakeyo,at Pedro.
a. Bibliya b. Almanac c. Diary d. Dictionary

41-50. Kumpletuhin ang mga kataga. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

Inggit tao ganda bago


Pamilya Kumunikasyon Pagmamahal Kaibigan

41. Kapag ang puso mo punong puno ng ___________ lahat ng lalabas sa bibig mo puro panlalait.

42. ____________ Ito ang kauna-unahang paaralan na napagdaanan ng sinumang tao na nabuhay sa daigidig.

43.Lahat ng _______ naluluma, ang 44. ____________ tumatanda, ang 45.______ ay kumukupas. Pero ang
halaga ng tunay at matagal na kaibigan ay hindi nagbabago.

46. _________________ ang bumubo sa pamilya.


47. Ang ______________ ay isang regalo na nagtatagal ng habang-buhay

48. Magkulang ka lang sa iba huwag lang sa iyong __________________.

49. _____________ susi sa mabuting ugnayan ng pamilya at pakikipagkapwa.

50. Masarap maging _________________ yong lagi kang naalala kahit walang kailangan, di yong kaibigan
kalang kapag may kailangan.

--------------------------GOODLUCK-----------------------------

You might also like