You are on page 1of 4

San Gabriel Vocational High School

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ESP 8

Pangalan:___________________________________ Y/S:___________ Iskor:_____________


Subject Teacher: JINKY O. GABINO
I. Maramihang Pagpipilian: Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
___1. Ano sa salitang ingles ang pasasalamat?
A. Grateful B. Gratitude C. Ingratitude D. Ungrateful
___2. Ano ang kahulugan ng salitang latin na “gratia”?
A. Kabutihan B. Libre C. Nakalulugod D. Pagtatangi
___3. Anong gawain ng isang tao ang birtud ng pasasalamat?
A. Damdamin B. Isip C. Kalooban D. Konsiyensiya
___4. Anong gawi ng isang tao ang pasasalamat?
A. Mapagbigay B. Mapagpakumbaba C. Mapagpasalamat D. Matulungin
___5. Kanino nagsisimula ang kakayahan ng mga bata na kumilala sa halaga?
A. Awtoridad B. Kaibigan C. Nakatatanda D. Pamilya
___6. Ano ang kailangang panatilihin upang mapanatili ang paggalang ayon kay David Isaacs?
A. Pagmamahal C. Pagkakaunawan at bukas na komunikasyon
B. Pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba D. Pagtugon sa mga pangangailangan ng kapwa
___7. Sa anong aklat makikita ang pahayag na “Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako)”
A. Efeso 6:1 B. Levitico 6:1 C. Mateo 6:1 D. Pedro 6:1
___8. Sa anong salita nagmula ang salitang ‘paggalang”?
A. Respectus B. Repectus C. Receptus D. Reputecs
___9. Ano ang kailangan upang maipakita ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob?
A. Pag-aaruga B. Pagmamahal C. Pagmamalasakit D. Pagsasakripisyo
___10. Sa pamamagitan ng nito naipamamalas ang pagmamalasakit, ano ito?
A. Kagandahang-loob B. Pagmamahal C. Pamamahagi D. Utang-na loob
___11. Mula sa salitang kagandahang-loob, ano ang tinutukoy ng loob?
A. Great B. Inner Self C. Kaaya-aya D. Outer Self
___12. Ano ang ginagawa ng tao na kapag paulit-ulit ay parang bisyo?
A. Pagkamakasarili B. Panloloko C. Pangongopya D. Pagsisinungaling
___13. Anong pagsisinungaling ang nagagawa kapag iniisip ang pansariling kapakanan?
A. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili mula sa kahihiyan C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili
B. Pagsisinungaling upang makasakit ng damdamin ng iba D. Pagsisinungaling upang pangalaagan ang iba
___14. Ang tanong na “Gumagawa ka ba ng tama at mabuting pagpapasiya at naninindigan para dito? ay kabilang sa
anong Behaviour Patterns?
A. Decisiveness B. Honesty C. Moral authority D. Sincerity
___15. Ang tanong na “ Ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap sa katotohanan? ay
kabilang sa anong Behaviour Patterns?
A. Decisiveness B. Honesty C. Moral authority D. Sincerity
___16. Ano ang entitlement?
A. Paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Pagbibigya serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
C. Isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
D. Pag-aabuso ng mga mamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang mga pangangailangan.
___17. Kailan naisasagawa o nangyayari ang utang na loob?
A. Kapag nagpasalamat ang iyong kapwa
B. Kapag kaibigan mo ang isang taong gumawa ng pabor sa iyo
C. Kapag ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa sa panahong nangangailangan ka
D. Kapag hindi mo naibalik ang mabuting loob na ibinigay ng iyong kapwa sa panahong nangangailangan ka
___18. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
A. Pagpapasalamat
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
C. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
D. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo

___19. Ayon kay Wolf, kung gusto mong makaimpluwensya ng kapwa ano ang iyong gagawin?
A. Alamin ang unawain ang gusto ng kapwa
B. Maging halimbawa sa kapwa o maging modelo sa kanila
C. Tulungan ang kapwa sa lahat ng pangangailangan nila
D. Pagsama sa kapwa sa lahat ng kanilang ginagawa mabuti man o masama
___20. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “ Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang
magpasakop”?
A. May pagkakataong kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.
B. Maipapakita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
C. Ang marapat na pagsunod ay maipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
D. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
Ang pamilyang De los Reyes ay bukal ang kaloobang tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong bilang pagtugon sa
mga biyayang natatanggap sa Panginoon. Ang mag-asawang Jaki at Jak ay tumutulong sa mga batang may sakit na cancer.
Tumutulong din ang tatlong anak nila. Si Erik ay nagbibigay ng Scholarship sa mga mahihirap na bata na gustong makapagtapos ng
pag-aaral. Si Jane ay nagtuturo ng libre sa mga batang nakatira sa ilalim ng tulay. At ang bunso namang si Jose ay nagbibigay ng
regalo sa mga batang palaboy tuwing Desyembre. Tunay nga naming napakabuti ng pamilya De los Reyes sa kanilang kapwa.
_Bonus__21. Batay sa sitwasyong nabasa, ano ang tulong na ibinibibigay ng mag-asawang Jak at Jaki?
A. Nagbibigay ng scholarship sa mga batang nais makapagtapos ng pag-aaral.
B. Nagbibigay ng regalo sa mga batang lansangan
C. Nagtuturo sa mga batang nakatira sa tulay
D. Nagbibigay ng regalo tuwing Disyembre
___22. Batay sa sitwasyong nabasa, ano ang kabutihang loo bang nagagawa ni Jane sa mga batang nakatira sa ilalim
ng tulay?
A. Nagbibigay ng scholarship sa mga batang nais makapagtapos ng pag-aaral.
B. Nagbibigay ng regalo sa mga batang lansangan
C. Nagtuturo sa mga batang nakatira sa tulay
D. Nagbibigay ng regalo tuwing Disyembre
___23. Anong kabutihang loob nagawa ng pamilya De los Reyes sa kanilang kapwa?
A. Pagtulong sa kapwa C. Pagmamahal sa kapwa
B. Pagrespeto sa kapwa D. Pagsasakripisyo sa kapwa
___24. Upang mahubog ang karangalan, katapatan at integridad, ano ang kailangan sa buhay?
A. kasinungalingan B. katapatan C. katototohanan D. kabutihang loob
___25. “ Sabi nila, minsan masakit talagang malaman ang katotohanan ngunit mas magiging masakit kung ito ay
pagtatakpan ng kasinungalingan. “ Sa pahayag na ito, ano ang silbi ng pagsasabi ng totoo?
A. Magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao.
B. Magtutulak sa iyo upang makaramdam ng sekuridad.
C. Magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari.
D. Natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na pangyayari.
___26. Bakit napakahalaga ng pagpapakita ng pasasalamat?
A. dahil ito ay kaugalian nating mga tao
B. dahil ito ay kinakailangan kaya dapat itong isagawa
C. dahil ito ay pagtanaw sa nagawang kabutihan ng inyong kapwa
D. dahil ito ay itinuro ng ating mga magulang noong tayo ay bata pa lamang
___27. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
A. Si Maria ay kuntento sa kanyang buhay kahit simple lamang dahil malam niyang pahalagahan ang mga mabubuting
natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan.
C. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kanyang kalooban.
D. Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ag kanyang mga pangarap.
___28. Paano maipapakita ang paggalang sa iyong mga magulang?
A. Kapag sinusunod ang hangganan at limitasyong itinakda ng magulang
B. Kapag binibigyan ng mga bagay na magpapangiti sa kanila
C. Kapag binubulyawan sila lalo kung nag-uutos
D. Kapag binabalewa sila
___29. Bilang isang anak, ano ang gagawin mo sa mga turo ng mga magulang na nagpapakita ng paggalang?
A. Pag-isipan ito C. Pakinggan at isabuhay
B. Pagmasdan lamang ito D. Iwasto ang pagkakamali
___30. Sa paanong paraan naipapakita ang paggalang?
A. Pagbibigay ng halaga sa isang tao. C. Pagkilala sa mga taong nagging bahagi ng buhay.
B. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan. D. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.

___31. Ano ang mararamdaman mo kapag nakagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa?


A. Maaawa B. Makalilimot C. Malulungkot D. Matutuwa
___32. Sino ang unang mong dapat pasalamatan sa natanggap na biyaya?Bakit?
A. Ang aking pamilya dahil sila ang nag-aaruga at nagmamahal sa atin.
B. Ang aking kaibigan dahil sila ang karamay tuwing may mga problema.
C. Ang ating mahal na Panginoon dahil siya ang maylalang sa atin.
D. Ang taong nagmamahal sa atin dahil minamahal tayo.
___33. “ Pumunta kayo ng kaibigan mo sa isang pagdiriwang hanggang sa naabutan na kayo ng gabi dahil napasarap
ang inyong kuwentuhan ngunit hindi nakapagpaalam ang iyong kaibigan. At dahil hindi nakapagpaalam ang
iyong kaibigan ay pinakiusapan ka niyang huwag sabihin sa magulang niya na dumalo kayo sa kaarawan sa
halip ay gumawa kayo ng proyekto at itoy iyong ginawa. Anong katapatan sa salita ang iyong ginawa?
A. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili mula sa kahihiyan C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili
B. Pagsisinungaling upang makasakit ng damdamin ng iba D. Pagsisinungaling upang pangalaagan ang iba
___34. Maraming sekreto si Jak at ang ilan sa mga ito ay ibinahagi sa kanyang kaibigang si Lani. Dahil si Lani ay tunay
na kaibigan kailanman ay hindi niya ipinagsabi sa iba ang mga sekreto ni Jak kahit pa nag-aaway sila minsan.
Dahil sa ipinakita ni Lani ano ang masasabi mo sa kanya?
A. Makasarili si Lani C. Mapagkakatiwaalan si Lani.
B. Malalahanin si Lani D.Mapagmahal na kaibigan si Lani.
___35. Bakit kailangang magsabi ng totoo?
A. Upang malaman ng lahat ang tunay na pangyayari. C. Upang patuloy na makapagsinungaling
B. Upang maituro ang tama sa tao. D. Upang matutong magsabi ng totoo
___36. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
B. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
D. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
___37. Laging ipinapaalala ng nanay ni Kris ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin ng isang dalaga.” Saan nabibilang ang
sitwasyong ito?
A. Pagiging mapagmalasakit sa magulang. C. Pagiging maalalahanin
B. Pagtupad sa itinakdang oras. D. Pagkilala sa hangganan
___38. Malaki ang naging kasalanan ni Joe kay Jay pero sa kabila nito nagawa pa rin niyang patawarin. Anong kabutihang loob ang
naipapakita sa sitwasyong ito?
A. Masamang nangyari sa pagitan ng dalawa. C. Hidwaan ng dalawa.
B. Nararamdamang sama ng loob. D. Hindi pagkakaunawan.
___39. Ano ang mapapatunayan mo kapag ginawan ka ng kabutihang-loob ng iyong kapwa?
A. Mapagbigay ka rin sa iyong kapwa. C. Mapalad kang tao.
B. May halaga ka sa kanila. D. Mabuti kang tao.
___40. “ Pinatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na
mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya. Anong uri ng
pagsisinungaling ang isinabuhay ni Joey?
A. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan.
B. Pagsisinungaling upang maprotektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao.
C. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
D. Pagsisinungaling upang makasakit ng kapwa.
___41. Alin sa mga sumusunod ang hindi gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan?
A. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
B. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda sa bahay
C. Pag-alala sa kaarwan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya
D. Paghinto sap ag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila ng may pantustos ang mga magulang
___42. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat?
A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
B. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad
C. Hindi pagkilala o mpagbibigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan.
D. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
___43. Paano mo maipapakita ang pagsunod at paggalang sa mga nakatatanda kapag sila ay nagiging makulit at
mapilit sa kanilang nais gawin ayon sa aklat ng Respect for Erderly?
A. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan C. Sila ay arugain at pagsilbihan
B. Iparamdam na lagi kang nandiyan D. Maging mabuti sa kanila
___44. Paano mo maipapakita ang kabutihan sa iyong kawpa?
A. Paggawa sa lahat ng iuutos sa iyo. C. Pagtulong sa mga kabataang napapariwa
B. Pagsasabi ng po at opo sa kapwa D. Paghikayat sa iyong kapwa na sumali sa illegal na gawain
___45. “ Ipinagkalat ni Flor na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito
dahil maraming tao ang nais makipagkaibigan sa huli. Anong uri ng pagsisinungaling ang isinabuhay ni Flor?
A. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan.
B. Pagsisinungaling upang maprotektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao.
C. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
D. Pagsisinungaling upang makasakit ng kapwa.
___46. Anong paraan ang magagawa mo sa pamamagitan ng repleksyon?
A. Mangoleklta ng qoutations C. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa
B. Magpasalamat sa bawat araw D. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
___47. Anong paggalang ang nagagawa mo sa magulang kapag iniingatan mo ang mga bagay na iyong hiniram sa
kanila?
A. Pagiging maalalahanin C. Paggalang sa magulang
B. Pagiging mapagmalasakit D. Paggalang sa kagamitan
___48. Paano mo higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaaya-aya para sa iyo.
B. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali
C. Ipaglaban ang iyng karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
___49. Si Jess ay hindi makalakad dahil sa polyo.Dahil sa hindi siya makalakad hindi na siya pumapasok sa paaralan.
Ano ang maitutulong m okay Jess upang makapasok siya sa paaralan?
A. Bibigyan mo siya ng wheelchair para may magamit siya papunta sa paaralan.
B. Bibigyan mo siya ng baon para makapasok sa paaralan.
C. Bibigyan mo siya ng baon para makapunta sa paaralan.
D. Bibigyan mo siya ng mga aklat para may babasahin.
___50. “ Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang
kaniyang ama ay hindi pa rin nagsasalita si Alvin.” Anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang
ipinakita sa sitwasyon?
A. Pag-iwas C. Pagtitimping pandiwa
B. Pananahimik D. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

You might also like