You are on page 1of 2

FINAL TEST SA ESP 8

QUARTER 4, SY 2021-2022
Name: _________________________ Score: __________________
Mr. Lovie Kim P. Ocura Year and Section: _________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? Dahil;
A. Nakapagpapasaya ka sa kapwa C. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa
B. May gumawa rin nito sa kanya D. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa
kapwa
2. Laging binibigyan ni Karen ang matalik niyang kaibigan ng sagot kung may pagsusulit samantalang si
Liza naman ay hinikayat ang mga kaklase na mag-aral ng pangkatan bilang paghahanda sa kanilang
pagsusulit. Sino kina Karen at Liza ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
A. Si Karen na nagbibigay ng sagot sa kanyang kaibigan
B. Pagtutulungan nina Karen at kaibigan sa pagsagot sa pasulit
C. Paghikayat ni Liza sa mga kaklase para kanya-kanyang mag-aral
D. Pangunguna ni Liza sa kanyang mga kaklase sa pangkatang pag-aaral
3. Ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aral o janitor sa paaralan ay tanda ng:
A. Pagtulong B. Kabutihan C. Pagpapasikat D. Pagpapakilala
4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa sa loob ng paaralan?
A. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase
B. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro
C. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase
D. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit
5. Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapwa kabataan?
A. Pakikipagkaibigan sa mga kabataan
B. Nakikisalamuha sa kapwa kabataan kung may pagtitipon
C. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar
D. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
6. Ano ang maaring makamit ng tao kung isasabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa?
A. pagkapahamak sa sarili C. rebelasyon ng masasakit na salita
B. respeto at tiwala ng kapwa D. may kaaway sa loob at labas ng bahay
7. Paano mo hihikayatin ang mga mag-aaral sa pagpapakita ng katapatan sa kanilang kapwa mag-aaral
kung ikaw ang Pangulo ng SSG sa inyong paaralan?
A. Magiging mabuting ehemplo ako sa kanila upang sila’y mahikayat.
B. Pasasalamatan isa-isa ang mga mag-aaral nang matapat.
C. Uutusan ko silang magwalis sa paligid upang makagawa ng kabutihan.
D. Bibigyan ko ng pangaral ang kapwa mag-aaral na magsasauli ng nawawalang gamit.
8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatunay ng kahalagahan ng katapatan?
A. Itinakbo ng kasambahay ang alahas ng mga amo niya habang nasa bakasyon.
B. Nagpapasalamat ang isang Amerikano sa isang nagmamaneho ng taxi dahil ibinalik nito ang
kanyang dolyares.
C. Nang dahil sa balita tungkol sa eskandalong kinasangkutan ng politiko nawalan ng tiwala ang
mga tao sa kanya.
D. Nahihirapang magdisesyon si Laila dahil nagtatalo ang kanyang isip at puso sa kung ano ang
dapat niyang gawin.
9. Nagpaalam sa kanilang mga magulang na pupuntang sayawan ang kuya ni Aljon ngunit hindi ito
pinayagan. Nang tulog na ang kanilang mga magulang papatakas na nakita niya ang kuya niya na dumaan
sa bintana. Sinabihan siya nito na huwag magsumbong at tumango lang siya. Tama ba ang ginawa ni
Aljon?
A. Hindi, dahil nagpadala siya sa takot sa kanyang kuya.
B. Oo, dahil nagpaalam naman sa kanya ang kanyang kuya.
C. Hindi, dahil pumanig siya sa maling ginawa ng kanyang kuya.
D. Oo, dahil pinayagan naman ng kanilang magulang ang kanyang kuya.
10. Bakit may pagkakataong ang tao ay nahihirapan magsabi ng katotohanan?
A. Dahil walang pakialam. C. Dahil sa takot na nararamdaman.
B. Dahil walang konsensya. D. Dahil walang malasakit sa kapwa.
11. Kumpletuhin ang pahayag, “Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng
maluwat”.
A. buo B. saya C. tapat D. katahimikan
12. Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagsunod sa utos ng
magulang?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda.
B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan
13. Isang araw namasada si Mang Ben, nang siya ay pauwi na ay may napansin
siyang isang bag sa upunan ng kanyang sasakyan. Ibinigay niya ito sa isang
pulis na kanyang nadaanan. Anong katapatan ang ipinakita ni Mang Ben?
A. Katapatan sa gawa C. Katapatan sa paggawa
B. Katapatan sa salita D. Katapatan sa pangangasiwa
14. Inutusan na bumili ng prutas ang magkapatid na Ben at Dan ng kanilang ina.
Dali-dali na tumungo ang dalawang magkapatid sa tindahan ng mga prutas
upang mamili. Nang sinuklian na a ng magkapatid ay napansin ng dalawa na
sobra ang sukling ibinigay. Agad naman nila itong ibinalik sa may-ari. Anong
katapatan ang kanilang ipinakita?
A. Katapatan sa gawa C. Katapatan sa paggawa
B. Katapatan sa salitaD. Katapatan sa pangangasiwa
15. Isa sa mga basehan ang __________ ng tao upang mas makilala ang tunay na
ugali nito.
A. Salita B. Wangis C. Kilos o Gawi D. Pagpapahayag
16. Alin sa sumusunod ang isa sa mga palatandaan ng pagbibinata o pagdadalaga?
A. umiiyak kapag inaaway
B. mas pinipiling mapag-isa
C. nakakaligtaang magbihis nan g maayos
D. pagpapakita ng atraksiyon o kagustuhang makipagrelasyon sa kapwa
17. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagpapakahulugan sa seksuwalidad?
A. Ang seksuwalidad ay humuhubog sa kapangyarihan ng isang tao.
B. Ang seksuwalidad ay isang behikulo tungo sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa sarili.
C. Ang seksuwalidad ay isang lunsaran upang makilala ng tao ang gampanin sa lipunan.
D. Ang seksuwalidad ay susi sa pag-alam sa tunay na kahulugan ng kayamanan at kapangyarihan.
18. Anong palatandaan ang pagkakaroon ng pagbabago sa sariling damdamin, atraksyon, pananaw at
maging sa pag-uugali?
A. pagiging matanda C. pagiging bata at isip bata
B. pagiging binata at dalaga D. pagkakaroon ng wastong pag-iisip
19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaganapan ng pagkatao?
A. Nakagagawa ng desisyong kalimitang hindi pinag-iisipang mabuti.
B. Hindi ikinakahiya ang kasarian at ginagalang ang seksuwalidad ng ibang tao.
C. Binigyang halaga ang kahulugan ng pagiging lalake at naipapakita ang pagiging dominante nito.
D. Binibigyang halaga ang kahulugan ng pagiging babae at naipapakita na mas nakaaangat sila sa
lipunan.
20.Simula nang ikaw ay isilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa kaganapan ng pagkikilala
sa iyong seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa pahayag?
A. kabutihan B. kaganapan C. kakayahan D. kasarian

You might also like