You are on page 1of 4

Pangalan: _________________________________ Iskor: _____________

Seksiyon: _________________ Petsa: _____________

Mahabang Pagsusulit sa EsP 8

Test I. Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t-ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. Paaralan c. Pamahalaan
b. Pamilya d. Barangay
2. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa
isang tao kung ito ay kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
3. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kunid ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng
edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
5. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisismba ng
magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at metatag c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
b. May disiplina ang bawat isa d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
b. Pagkakaroon ng mga anak d. Mga patakaran sa pamilya
7. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t-ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama
nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
8. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na
pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa
eskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang
mabuti ang kanilang mga anak.
9. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
10. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi
nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
11. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. Si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa
kanilang mga anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang
magandang buhay para sa kanilang hinaharap
c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang
mga Gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa
hinaharap.
d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa
kanilang pamilya.
12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay
_____________________.
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
b. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon ng ginagabayan ng prinsipiyong moral.
b. Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito
ay matagumpay na malampasan.
c. Paagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsiyensiya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa
kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
d. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng
kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.
14. Ang karapatan para sa _________________ ng mga bata ay orihinal at panguahing karapatan.
a. Kalusugan c. Buhay
b. Edukasyon d. Pagkain at tahanan
15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan
ng magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba.
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan.
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang
mayroon siya.
17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga
maliban sa:
a. Pagtitiwala c. Katarungan
b. Pagmamahal d. Pagtitimpi
18. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtitiwala c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. Pagtataglay ng karunungan d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
19. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal
maliban sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga mag-aaral ng pananampalataya
c. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
20. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito ay
maisakatuparan.
21. Ito ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan,
kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.
a. Diyalogo b. Komunikasyon c. Impormasyon d. Pahayag
22. Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig. Ang dalawang tao ay dumudulog dito nang may lubos na pagbubugkas
ng sarili at tiwala sa isa’t-isa.
a. Diyalogo b. Komunikasyon c. Impormasyon d. Pahayag
23. Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon.
a. Tiwala b. Pag-unawa c. Pagmamalasakit d. Pagmamahal
24. Siya ang nagsabi na ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay “Diyalogo.”
a. Martin Luther b. Marvin Agustin c. Martin Buber d. Mar Roxas
25. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam
kung ano-ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.

Test II. Tukuyin kung panlipunang papel o pampolitikal na papel ng pamilya ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.


________________________________
2. Pagbubukas ng tahanan sa mga pamiyang naapektuhan ng bagyo. _________________________________
3. Pamimigay ng mga regalo sa mga batang nasa bahay-ampunan o sa mga batang lansangan.
__________________________
4. Pagtiyak sa mga batas na nakatutulong sa sambayanang Pilipino. _________________________________
5. Boluntaryong paglilingkod sa pamayanan o pagtulong sa mga kapus-palad.
_______________________________

Test III. Tukuyin kung anong uri ng diyalogo ang bawat sitwasyon kung ito ba’y I-Thou o I-It.

1. Madalas nagkakagalit ang magkapatid na Tom at Jerry. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa
ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa. ____________________
2. Laging pumupunta si John sa kanyang Lolo dahil lahat ng problema niya ay pinapakinggan nito at hindi siya
pinababayaan sa lahat ng pagsubok na dumating sa kanya. _________________
3. Nagpaalam si Mark sa kanyang mga magulang upang sumama sa mga barkada. Hindi siya pinayagan dahil gabi
na. At nang dahil dun binalibag niya ang pintuan at galit na galit ito sa kanila. ________________
4. Maganda ang samahan nina Sam at kaniyang ama. Pinakikinggan nito ang kaniyang mga opinion sa tuwing sila’y
nagkakausap. Kahit na hindi siya pinagbibigyan sa mga gusto kasi alam niya na para sa ikabubuti niya ito.
_______________
5. Ang magkaibigang sina Ether at Carlo ay nagbenta ng tanso sa tindahan. Kinausap ni Ether si Carlo na kung
maaari ay sana mas malaki ang hati niya kaysa sa kaibigan dahil mayroon siyang matinding pangangailangan.
Pumayag naman si Carlo at binigay ang perang nais ng kaibigan niya. ________________

Test IV. Enumerasyon. (3 puntos)

Pag-aalaga sa kalikasan ( Ano ang 3R’s?)

1.

2.

3.

You might also like