Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region VII Central Visayas
DIVISION OF TALISAY CITY
Talisay City, Cebu
SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL
Laray San Roque, Talisay City, Cebu
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT ESP GRADE 8
PANGALAN: __________________________________________________ ANTAS:____________________
PANUTO: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at itiman
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuring na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay e. lungsod
2. Ano nga ba ang pamilya, ayon kay Pierangelo Alejo?
a. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng papapakasal
ng isang lalaki at babae.
b. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita, at ipadama ang pagmamahal.
c. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal.
d. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at
patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.
e. Ang pamilya ay nabuo sa pagmamahalan ng lalaki at babae.
3. Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na _______________________.a. pamayanan
ng mga tao
b. institusyon ng lipunan
c. pag-asa ng bayan
d. paaralan ng pagmamahalan
e. pamilyang may pagkakaisa
4. Ito ang pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan.
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay e. lungsod
5. Ito ang gumagabay sa ugnayan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya.
a. malayang pagbibigay (law of free giving)
b. walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love)
c. pagmamahal ng magulang (paternal love)
d. bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin
e. ag sampung utos ng Diyos
6. Ano ang hamon sa komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon?
a. pagpapalaglag
b. kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda
c. ang mga kahirapan sa pagsalin ng pagpapahalaga
d. entitlement mentality
e. inilalayo ng mga anak ang sarili sa mga magulang
7. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
e. Kapag may problema ang isang kasapi ng pamilya, tulung-tulong ang buong mag-anak8. Ano
nga ba ang komunkasyon?
a. Ang komunikasyon ay ano mang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kanyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri
ng pamumuhay at mga gawa.
b. Sa pamamagitan ng komunikasyon ay naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang
mga pangangailangan, ninanais at ang kanilang pagmamalasakit.
c. Sa pamamagitan ng komunikasyon nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga
suliraning dumarating.
d. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-
pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. e. Lahat ng nabanggit.
9. Ano ang Diyalogo?
a. Ang diyalogo ay uri ng pakikipag-usap ng dalawa o higit pang tao.
b. Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadayalogo.
c. Pakikipagpalitan ng kuru-kuro o opinion
d. Handang makinig at marinig.
e. Pakikipag-usap sa mga tao.
10. Ano ang monologo?
a. Ito ay may pakay na marinig lamang at hindi ang makinig.
b. Isang uri ng pagsasalita kung saan ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa sarili mismo.c.
Pagpaparatang sa kausap.
d. Pagmumungkahi sa isang usapan.
e. Nagsasalita na mag-isa.
11. Ano ang “I-Thou”?
a. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kanya.
b. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
c. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
d. Handang makinig at marinig.
e. Sarili lagi ang nasusunod.
12. . Ano ang “I-It”?
a. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo.
b. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
c. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
d. Handang makinig at marinig.
e. Sunudsunuran sa sinasabi ng iba.
13. Ang karapatan para sa __________________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan e. damit
14. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpapasyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak – ito
ay __________________________________.
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos ng magmahal.
b. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. Susubok sa kanilang kakayahan ng ipakita ang kanialng pananagutan bilang magulang.
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
e. Bunga ng pagmamahalan ng mag-asawa
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nang pagbabantay sa karapatan ng pamilya?
16. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa unang bilang?
a. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na pagbibilang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng
mga pagpapahalagang pampamilya.
b. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
c. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
d. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at
pang-ekonomiyang seguridad.
e. Wala sa mga nabanggit.
17. Suriin ang sumusunod na mga larawan iayos ang mga ito ayon sa maaring maging pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman
ang maghahanap-buhay spamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang
baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kya’t inaaruga nila
ng mabuti ag kanilang mga anak.
e. Lahat ng nabanggit.
39. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din
sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung ano ang pamilya siya din ang lipunan.
e. Pamilya ang pundasyon ng lipunan.
40. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayg
ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang magigin pakikitungo nito
sa iba.
c. Sa pamilya unang natutunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahana na gabay sa mga
mata.
e. Ang pamilya ang unang nagturo ng magandang asal sa mga anak.
41. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nag sama-sama higit sa lahat ang pagsimba ng
magkakasama tuwing Linggo.Ano ang ipinakikia ng pamilyang ito na dapat mong tularan? a. Buo at
matatag.
b. May disiplina ang bawat isa.
c. Nagkakaisa sa paraang ng pagsamba sa Diyos.
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman.
e. Mapagpakumbaba ang lahat ng kasapi ng pamilya.
42. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng
edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmualan at huling kahahantungan ng ating buhay. e. Wala sa
nabanggit.
43. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito
sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakkikipagkapwa.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
e. Ang pundasyon ng bata sa pamilya, dala hanggang sa pagtanda.
44. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa karapatan at tungkulin nito? Mahalaga ang kaalaman ng
pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito dahil ______________________________________.
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hndi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin g pamilya kundi hindi
nit alam kung anu-ano ang mga karapatan at tungkulin
nito.
c. Bahagi ito ng papael na pampolitikal at tungkuli nito.
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang
tungkulin.
e. Upang malaman ang responsibilidad ng bawat isa.
45. Ano ang implikasyon ng sumusunod na pangungusap? “Dapat pag-ibayuhin ang pangangalaga at
pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa
makabagong panahon.”
a. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapgbantay sa mga karapatan at tungkulin nito.
b. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod at nabibigyang proteksyon
sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakaaong lumaki at maging ganap na tao sa
pinakamabuting kapaligaran.
c. Ang mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa pamilya; hindi kailangang
sumabay sa mga pagbabagong ito ang pamilya.
d. Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil napapabayaan na ang pamahallan ang
pangangalaga sa mga karapatan ng pamilya.
e. Mga magulang na hindi nagplano at naghanda para sa kinabukasan ng mga anak.
Para sa bilang 46-50: Basahin at unawain ang mga sumusunod sa sitwasyon at pahayag, piliin sa pagpipilian sa
ibaba ang mga dahilan at konsepto nito.
a. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig at
iba pang nilikha.
b. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at mga institusyong
panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at
tungkuling ng pamilya.
c. Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa kaysa sa debosyon sa pamilya.
d. Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pangibabawan ng batas ng
malayang pagbibigay.
e.Nagagampanan ng pamilya ang kanyang tungkulin na panatilihin at paunlarin ang
kanyang lipunang ginagalawan sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang papel sa lipunan at
papel pampolitikal.
46. Ang ama ang nagsisilbing haligi ng tahanan; siya ang naghahanapbuhay para sa pamilya. Nakahanda siyang
magtiis ng pagod at hirap para lamang maitaguyod ang kanyang asawa’t mga anak.
47. Hindi positibo ang pagiging labis na makapamilya. Sa halip na makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-watak
at pagkakaniya-kaniya ang nililikha nito.
48. Dapat na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan.
49. Ang mga nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na isaisip ang kabutihan ng lahat ng tao.
50. Si Ka Desto ang pinakamatanda sa magkakapatid na Reyes. Lahat sila ay may kaniya-kaniya nang pamilya.
Tuwing sasapit ang eleksyon ay nagkakaroon ng pagpupulong ang magkakapatid sa kani-kanilang mga
pamilya tungkol sa mga kandidatong kanilang susoportahan sa eleksyon.