You are on page 1of 10

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 8

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagiging


Pangnilalaman mapanagutang lider at tagasunod.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang
maging mapanagutang lider at tagasunod.

C. Mga kasanayan sa a. Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, namasid o
Pagkatuto. Isulat ang code napanood. EsP8P-Ilg-8.2
ng bawat kasanayan b. Nakagagawa ng mabuting pagpapasya sa iba’t ibang sitwasyong hinaharap.
c. Natutukoy ang iba’t ibang katangian ng isang lider at tagasunod na nais mapaunlad sa
sarili

II. Nilalaman Modyul 8: Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 104-110


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 205-209


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

143
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Mga larawan at nasaliksik ng mga mag-aaral mula sa Internet
Panturo Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Gamit ang nasaliksik mula sa internet, ang guro ay pipili ng limang mag-aaral na magbabahagi ng
aralin at pagsisimula ng kanilang output sa klase. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)
bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng 1. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak  Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, namasid o
napanood.
 Nakagagawa ng mabuting pagpapasya sa iba’t ibang sitwasyon na hinaharap
 Natutukoy ang iba’t ibang katangian ng isang lider at tagasunod na nais mapaunlad sa
sarili

2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa sampung grupo. Bigyan sila ng limang minuto upang
lipunin ang mga nasaliksik na mga sikat na lider. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative Approach)
 Ano-anong mga katangian ang tinataglay ng mga sikat na lider na ito? Mayroon ba silang
pagkakatulad? Mayroon ba silang pagkakaiba?

144
C. Pag-uugnay ng mga Pumili ng dalawang lider mula sa Hanay A at dalawa mula sa Hanay B. Gumawa ng
halimbawa sa bagong pagsasaliksik sa kanilang buhay gamit ang Lotus Diagram para sa worksheet. Maaari kang
aralin sumangguni sa pinagsama-samang mga output ng iyong grupong kinabibilangan upang magawa
ang Lotus Diagram. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative/Collaborative Approach)

D. Pagtalakay ng bagong Gamiting gabay ang ipakikita ng guro na Lotus Diagram tungkol kay Mahatma Gandhi.
konsepto at paglalahad ng Mula sa napiling dalawang lider sa nakaraang aralin, punan ang dalawang Lotus Diagram ng
bagong kasanayan #1 angkop na impormasyon ng bawat isa. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)

145
146
Matapos punan ang diagram, sagutan ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Constructivist Approach)

147
1. Suriin ang natapos na Lotus Diagram. Magbigay ng tatlong mahahalagang bagay na iyong
natuklasan sa buhay ng pinili mong lider sa Hanay A at sa Hanay B na nakaimpluwensya sa
kanila bilang lider.
2. Paghambingin ang kanilang katangian (ika-7 kahon sa Lotus Diagram). Ano ang
pagkakatulad? Ano ang pagkakaiba?
3. Kung isasaalang-alang mo ang bunga ng kanilang pagpapasya (ika-8 kahon sa Lotus
Diagram), sino ang nais mong tularan bilang lider? Pangatuwiranan.

E. Pagtalakay ng bagong Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng mga karaniwang
konsepto at paglalahad ng pangyayari sa isang pangkat habang ginagampanan ang nakaatang na gawain sa kanila. Sa
bagong kasanayan #2 bawat sitwasyon, sagutin sa iyong notbuk ang sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 10
minuto) (Constructivist/Reflective Approach)

1. Paano mo haharapin ang sitwasyon?


2. Ano ang pangmadaliang solusyon?
3. Ano ang pangmatagalang solusyon?
4. Ano-anong mga katangian ng lider at tagasunod ang gusto mong mapaunlad sa iyong
sarili?
“Ang Masayahing si Jose.” Isang proyekto ang pinagplaplanuhan ng klase bilang pagtulong sa
mga nasalanta ng bagyo. Aktibo si Jose sa paglalahad ng kaniyang mga mungkahi para sa
gagawing proyekto at nagpapahayag siya na nais niyang siya ang maging lider ng pangkat.
Nakagagaan ang presensya ni Jose sa pangkat dahil siya ay lubhang masayahin. Subalit,
maraming pagkakataon na nakasama mo na si Jose sa mga pangkatang gawain at alam mo
na hindi niya nagagampanan ang tungkulin niya bilang lider. Nalalaman mo rin na ang nais
lamang niya ay magkaroon ng posisyon at ang makilala. Kung magawa man ng pangkat ang
gawain, inaako ni Jose ang pagkilala at hindi binibigyan ng kaukulang pagkilala ang mga
kasapi ng pangkat.
“Ang Masipag na si Rita.” Masipag ang iyong kaklaseng si Rita. Madalas na siya ang nahahalal
na lider ng pangkat dahil siya ang gumagawa ng lahat ng kailangang gawin ng pangkat. Hindi na

148
siya nagbibigay ng gawain sa kaniyang mga kasama dahil mas madali niyang natatapos ang
gawaing iniatang sa pangkat nila kung siyang mag-isa ang gagawa. Hindi ka sang-ayon sa
ganitong paraan pero karamihan ng iyong mga kasama sa pangkat ay lubos na natutuwa.
“Ang Mabait na si Freddie.” Itinalaga ng guro na maging lider ng pangkat si Freddie. Kapag
nagpupulong, halos lahat ng kasapi ay hindi nakikinig, nagkukuwentuhan, at may ginagawang
ibang bagay. Hindi ito pinapansin ni Freddie at hinahayaan na lang niya ang mga kaklase. Nag-
aalaala ka dahil nasasayang ang panahon na walang natatapos ang inyong pangkat.
“Ang Masunuring si Lito.” Masarap kasama sa pangkat si Lito. Tahimik, maaasahan, at
masunurin siya. Subalit napapansin mo na laging inuutusan ng lider ninyo si Lito na sa palagay
mo ay hindi na makatarungan, tulad ng pagpapabili ng meryenda, pagpapabuhat ng bag, pag-
aayos at paglilinis nang ginamit na silid sa pagpupulong. Maraming magagandang ideya si Lito
na maaaring makatulong sa gawain ng pangkat. Subalit, dahil lagi siyang inuuutusan at
sumusunod, di siya nabibigyan ng pagkakataong maibahagi ang kaniyang naiisip at saloobin sa
mga paksang tinatalakay ng pangkat. Nanghihinayang ka para kay Lito.

F. Paglinang sa Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Mula sa mga sitwasyon sa katatapos na gawain, pumili ng isa at
Kabihasahan (Tungo sa isadula ito. Ipakita kung paano haharapin at bibigyan ng solusyon ang napiling sitwasyon. (gawin
Formative Assessment) sa loob ng 15 minuto)(Collaborative Approach)

Kraytirya:
a. Husay ng pagganap-40%
b. Kooperasyon at Disiplina-30%
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan)-30%

G. Paglalapat sa aralin sa Matapos masuri ang mga napiling lider sa Lotus Diagram, isulat ang mga katangain ng isang lider
pang-araw-araw na buhay na nais mong mapaunlad sa iyong sarili. (gawin sa loob ng 5 minuto)(Reflective Approach)
1.
2.
3.

149
H. Paglalahat sa aralin May mga katangian ang lider at tagasunod na maaaring katulad o kakaiba kumpara sa
mga kapwa niya lider at tagasunod. Gayunpaman, mahalagang nasusuri ang sarili kung may
mga katangian na nais mong mapaunlad upang mas maging epektibong lider o tagasunod lalo
na at kinakailangang gumawa ng pagpapasya.

I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na nagpapaliwanag tungkol
sa mga katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na iyong natutuhan sa mga ginawang
activities. Iugnay kung paanong ang mga katangiang ito ay iyong magagamit sa pagpapasya sa
iba’t ibang sitwasyong kakaharapin.

Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

J. Karagdagang gawain para Pangkatin sa apat ang klase at maghanda para sa pag-uulat ng sumusunod na paksa.
sa takdang aralin at
remediation Pangkat 1- Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod, Kahalagahan ng
Pamumuno at ng Lider at Mga Katangian ng Mapanagutang Lider
Pangkat 2- Pamumunong Inspirasyunal, Transpormasyonal, at Adaptibo ayon kay Dr. Eduardo
Morato (2007) at Mga Prinsipyo ng Pamumuno
Pangkat 3- Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod at Mga Tungkulin ng Tagasunod o
Follower
Pangkat 4- Mga Kasanayang Dapat Linangin ng isang Ulirang Tagasunod (Kelly, 1992) at Mga
Paraang Dapat Linangin ng Mapanagutang Lider at Tagasunod Upang
Magtagumpay ang Pangkat
IV. MgaTala
V. Pagninilay

150
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punongguro at superbisor?

151
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

152

You might also like