You are on page 1of 2

Si Annie Lee C. Masongsong ay karaniwang guro na may di pangkaraniwang karanasan sa pagtuturo.

Kilalang sa palayaw na Teacher Annie, napatunayan niya na hindi hadlang sa pagtuturo ang mga mapuputik at
mababatong daanan, o di kaya ay malalim na ilog at kahirapan.
Ang mga itinuturing na balakid, ay inspirasyon, para sa mga gurong determinadong mailapit ang edukasyon sa mga
taong higit na nangangailangan nito. Si Teacher Annie ay nagtuturo sa Labo Elementary School sa Bansud, Oriental
Mindoro. Dalawamput siyam na kilometro ang layo ng paaralan sa poblacion at para marating ito, kailangan munang
sumakay sa motorsiklo (o single) sa biyahe na tatagal ng kalahating oras. Ang pagsakay sa motorsiklo ay papalitan ng
halos dalawang oras na paglalakad para bunuin ang 14 na kilometro.

Walang kalsada, walang tulay. Mabato, pababa, pataas at maputik na lupa ang daraanan, 16 na rumaragasang ilog
ang tatawirin. Ito ang lingguhan penitensya ni Teacher Annie papunta sa kanyang paaralang pinagsisilbihan.

Ang Labo Elementary School ay nagseserbisyo sa isang kumunidad ng katutubong Mangyan. Hindi lang nagtuturo si
Annie, siya ay nagpapakain na rin. Naghahanda siya ng pagkain, kadalasan ay lugaw, para ganahan ang kanyang mga
estudyante sa kanyang klase. Napag-alaman ni Teacher Annie na karamihan ng kanyang estudyante ay pumapasok
ng walang laman ang sikmura. Ang pondo para sa pakain ay kadalasan ay sa sariling bulsa nanggagaling. Para
maipagpatuloy ang gawaing ito, humihingi siya ng saklolo sa kanyang mga kaibigan at kaeskwela para mapunuan ang
kakulangan sa sariling kakayahan.

Dalawa ang klase ni Teacher Annie sa Labo; may pambata at may para sa may wasto edad na - mga magulang sa
komunidad. Pagkatapos ng klase ng mga bata, ang mga matatandang Mangyan naman ang tinuturuan ni Teacher
Annie ng aritmetik at literasi. Ito ay boluntaryong ginagawa ni Teacher: naniniwala siya na makakatulong ang mga
nakatatandang Mangyang sa pagtuturo sa mga bata.

Dahil mahirap ang daanan mula sa Labo papunta sa health center o sa botika, minabuti ni Teacher Annie na siya
mismo ang magkusang bumili ng mga gamot at bitamina. Minsan galing sa bulsa, minsan galing sa awa ng mga
kaibigan.

Maralita ang kumunidad ng Labo at marami pang pangangailangan ang paaralan. Kaya noong 2014, nagsimulang
makipag-ugnayan si Teacher Annie sa mga kaibigan, samahan at grupo upang madugtungan ang mga kakulangan.

Ang kwento ng sakripisyo ni Teacher Annie ay umabot sa kaalaman ng ilang mga grupo, sa loob at sa labas ng bansa.
Naging tampok ang kanyang kwento sa isang dokumentaryo sa “I-Witness” noong 2015.

Sa mga nahingan ng tulong, nakabalita o nakapanood sa kanyang kasaysayan, may nagpadala ng mga pagkain, damit
at salapi para maipambili ng bigas at groseri sa mga nakaraang Pasko. May mga nagpadala ng school supplies at
tsinelas para sa mga batang Mangyan. Yung iba, sinuportahan ang kanyang mga maliliit na proyekto gaya ng patubig
at proyekto gaya ng pag-aalaga ng baboy para sa ilang pamilya para may karagdagang kita ang pamilyang
naninirahan sa Labo.Maging ang mga kagamitang tulad ng pagkakarpintero ay napadalhan sina Teacher Annie at
naibigay sa mga pamilyang Mangyan sa Labo.
Dahil sa kanyang mga naiambag sa paaralan at sa kumunidad, pinarangalan ng iba’t ibang samahan si Teacher Annie:
Natatanging Guro (Rotary Club of Calamba City); 2016 Teacher of the Year #Salamat Teacher (Gabay Guro of PLDT
and Smart Foundation); at 2017 Outstanding Teacher Award.

Nagkaroon ng mga pagkakataon para makapagturo sa ibang lugar si Teacher Annie: mas malapit, mas komportable.
Subalit mas pinili niya ang Labo Elementary School kesa sa mas komportableng assignment dahil naniniwala ang
guro na kailangan pa siya ng kanyang mga estudyante sa ngayon.
Kalayaan tungo sa kaunlaran at kinabukasan

Walong letra lamang ang salitang KALAYAAN ngunit ito’y napakahalagang kataga sa bawa’t Pinoy. Marahil
ito ang naging daan para umunlad ang ating bansa at makamit ang ating mga pangarap na inaasam-asam.

Ngayong Hunyo 12, nakatakda ang ika -114 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na maituturing na
pinakamahalagang petsa sa kasaysayan sapagka’t marka ito ng pagkamit ng kalayaan ng bansa mula sa
mga Espanyol na nagkait sa atin ng pag-asa noong Hunyo 12, 1898.
Kung ating matatandaan, ang dating presidente ng Pilipinas na si Emilio F. Aguinaldo ang nakipaglaban
upang maihayag ang kalayaan ng mga Pilipino na siyang naging hudyat ng paglayag ng ating bandila
bilang simbolo ng pagkakaisa at kaginhawaan ng mga mamamayan.

Kung wala ito, maaring ang mga tao’y hindi nagkakaisa ngayon datapwa’t, ito’y isinasagawa taon-taon para
sa kaalaman ng milyon-milyong tao na ito’y mahalagang kasangkapan para sa pag-abot ng kapayapaan.

Ito’y bilang tugon din sa Proclamation 295 na nilagdaan ng Pangulong Benigno S. Aquino III na kung saan
naghahayag ng regular na Holidays, Special Non-Working Holidays, at Special Holidays sa mga paaralan
ngayong taong 2012.

Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o DOLE, lahat ng manggagawang Pinoy ay


makakakuha pa rin ng isangdaang porsiyentong sahod sa araw na yaon bagama’t sa mga mag-oovertime
na magtrabaho sa Hunyo 12 ay makakapagkamit ng double pay sa naturang araw.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang aktibidad,sapagka’t ilan sa mga opisyal at kawani ng mga lokal na
pamahalaan sa buong bansa tulad na lamang ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando at
Provincial Government ng La Union ay magsasagawa ng simpleng programa tulad na lamang ng pagtataas
ng watawat at pag-aanyaya ng tagapagsalita partikular na ang Direktor ng Department of Interior and Local
Government na si Corazon Guray, bilang paggunita.

Magiging tampok din sa selebrasyon ang pagpaparada ng mga kapulisan at military sa Maynila na
pangungunahan ng pangulo na siyang masusundan ng talumpati at dalawamput-isang gun salute,ayon sa
ulat.

Para sa ilang Pinoy, lalong-lalo na ang mga namamasada ng mga bus, jeep o tricycle, manggawa sa ibang
bansa o ibayong dagat, magiging ordinaryong araw lamang ito dahil patuloy pa rin sila sa
pakikipagsapalaran para sa kanilang mga pamilya.

Ngunit, sa darating na Hunyo 12 at susunud na araw, kahit hindi magiging kapansin-pansin ito,
magsisilbing hamon ito sa bawat Pilipino’y na kailangang magtulungan kahit pa may kaguluhan sa ibang
panig ng bansa at pati sa ibang bansang walang katiyakan.

Problema man ang sumapit sa atin, tulad ni Aguinaldo kailangan nating maging matapang para sa
pagtamo ng kalayaan tungo sa kaunlaran at kinabukasan ng Pilipinas.

You might also like