You are on page 1of 25

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay

inaasahang:
Masasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggan/nabasang kwento
Mapahalagahan at sariling pamilya at
maipakita ang paggalang sa nakakatanda.
Makalahok ng masigla sa klase
Fluency Domain
Babasahin ng guro at ng mga bata ang kasabihan
tungkol sa batang magalang.

Ang batang magalang ay kinalulugdan


Ng lahat ng tao at maging sinuman
Lagi siyang nagmamano sa mga magulang.
Sa mga nakakatanda , maging kapitbahay man.
Paghahawan ng Balakid

espesyal
paslit
antipara
nagagalak
espesyal- Espesyal para sa lahat ang araw ng
Pasko. Mahalaga ito sapagkat kapanganakan ito ng
ating Diyos.( Context clues)
espesyal- Espesyal para sa lahat ang araw ng
Pasko. Mahalaga ito sapagkat kapanganakan ito ng
ating Diyos.( Context clues)
paslit
antipara
Nagagalak- Nagagalak ako nakapagbakasyon ako
sa aming probinsya. Nasisiyahan ako na nakita
kong muli ang aking mga kaibigan. ( context clue)
Anong nakikita ninyo sa
larawan?
Sino sa inyo ang nakaranas
alagaan ng inyong lola?
Anong pag-uugali mayroon
siyai? Dapat ba ninyo siyang
mahalin? Bakit ?
 Ano ang inyong nakikita sa
larawan?
 Nais mo rin bang
makapagbigay ng regalo sa
iyong kapwa?
 Isulat ang mga bagay na gusto mong iregalo sa iyong mahal sa
buhay gamit ang graphic organizer. Gawin ito sa sagutang papel
Ang Munting Regalo
Jessel B. Colona
Isang araw, maagang gumising si Julio
upang tulungan ang kanyang Lola Erlinda sa
pagdadala ng kanyang mga paninda sa palengke.
Ito na ang nakasanayan niyang gawain bago siya
pumasok sa paaralan.
Paslit pa lamang ay ulila na sa magulang si
Julio kaya mula pagkabata ay sila ng
kanyang lola ang laging magkasama. Simple
lamang ang pamumuhay nila ng kanyang
lola. Nakatira sila sa maliit na bahay-kubo sa
may dalampasigan at pagtitinda ng isda ang
kanilang ikinabubuhay.
Sino ang mga
tauhan sa
kwento?
Si Julio ay isang mabait na bata kaya
naman kinagigiliwan siya ng mga tao sa palengke.
Sa murang edad na siyam na taong gulang ay
kakikitaan na siya ng pagiging magalang sa mga
nakakatanda. Mahilig siyang bumati at tumulong
sa lahat ng kanyang nakakasalamuha.
Bakit
kinagigiliwan
ng mga tao si
Julio?
Espesyal para kay Julio ang kanyang
lola kaya’t gusto niya itong bigyan ito
ng regalo para sa nalalapit nitong
kaarawan.
Ano kaya ang ireregalo
ni Julio para sa
kanyang lola?
Ang kaniyang ipon mula sa
alkansyang kawayan ang kanyang ibinili ng
antipara para sa kanyang lola. Masinop sa
pera si Julio .Ang binibigay sa kanyang baon
ng kanyang lola ay hindi niya ginagastos
kaya naman nakabili siya ng munting regalo
para sa kanyang lola.
Ano kaya ang
mararamdaman
ng lola ni Julio?
Noong sumapit ang kaarawan ni Lola Erlinda ay
lubos ang kanyang kagalakan sa regalo ng kanyang apo.
Hindi niya inaasahan na mapapalitan na ang kanyang
lumang antipara. Malaki itong katulungan sa kanya lalo’t
malabo na ang kanyang mata. Masaya si Julio at
nagustuhan ng kanyang lola ang kanyang munting
regalo. Ang munting regalong ito ay simpleng paraan
upang maiparamdam niya ang kanyang pagmamahal sa
kanyang lola pero higit sa lahat ang paggalang pa din sa
nakakatanda ang pinakamahalaga.
Literal Comprehension
 Sino ang mga tauhan sa kwento?
 Ano ang ginagawa ni Julio bago siya pumasok sa
paaralan?
 Ano ang pamumuhay na mayroon sina Julio?
 Ano ang nais iregalo ni Julio sa knyang lola ?
 Ano ang naramdaman ni Lola Erlinda?
Inferential Comprehension
 Paano mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga sa iyong lola o sa
nakakatanda?
 Mahalaga ba na igalang ang iyong lola/
nakakatanda? Bakit?
 Bilang isang bata, paano mo bibigyan ng
halaga ang iyong lola? Pamilya?
PANGKATANG
GAWAIN
Ang mga bata ay hahatiin ng guro sa tatlong pangkat.
Pangkat 1 - “Iguhit mo”
Iguhit ang mga bagay na gusto mong iregalo sa iyong
pamilya.
Group 2 - “Isadula mo”
Isadula ang paborito mong bahagi ng kwento.
Group 3 - “Isulat mo”
Sumulat ng isang maikling liham na nagpapahayag
ng iyong pasasalamat sa ginawang paggabay ng iyong
pamilya.

You might also like