You are on page 1of 9

Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila

MATAAS NA PAARALANG RAJA SOLIMAN AGHAM AT TEKNOLOHIYA


Daang Urbiztondo, San Nicolas, Maynila

PLANO NG ARALIN PARA SA CATCH-UP FRIDAY

I. Unang Bahagi - Pagbasa


 Pagpapaalala sa pamantayan ng pagbasa nang tahimik.
 Pagbibigay ng panuto.
 Ipamamahagi sa klase ng babasahing kuwento.
 Pagsagot sa mga katanungang kaugnay sa kuwento.

ANG GALIT SA ATING BUHAY


“He, that is slow to anger is better than the mighty; and he that rules his spirit is better
than he that takes a city. “- Proverbs 16: 32

Nakahihigit ang isang taong marunong magpigil ng kanyang galit kaysa isang
haring madaling magalit. Iyan ang nakasulat sa Bibliya, sa Kawikaan 16:32.

Sa aklat ni Dr. David Fink, Release from Nervous Tensions, ay ganito ang
paliwanag hinggil sa nagagawa ng emosyon sa ating buhay:

Nerves control all our organs. These nerves are grouped chiefly in one part of our
nervous system. This part of our nervous system is the central control that
normally keeps our hearts and stomachs and lungs working in harmony with
each other. This nervous center of our emotional life is called interbrain.
Sometimes, it is called the thalamus or hypothalamus. The interbrain is the seat
of emotion: love, fear, anger and jealousy. Emotional storms coming out of the
interbrain can cause ulcers, palpitation of the heart and other maladies.

Maraming kapinsalaang nagagawa ang galit sa ating buhay bukod sa mga sakit
na maidudulot nito. Kapag tayo ay “nagwala” dahil sa matinding galit ay katulad tayo ng
hayop na hindi marunong magpigil ng kanyang emosyon.

Tayo ang lalabas na kahiya-hiya. Ang taong ating kinagagalitan ay mapapahiya.


Sa atin lalatay ang ginawa nating panghihiya.

Speak when you are angry and you’ll make the best speech you’ll ever
regret.

1
Iyan ang paalala ng isang ama sa kanyang mga anak. Sinabi ni Abraham Hasdai:
Anger begins with madness and ends with regrets.

Ang paliwanag ni Lowell Fillmore, isang Amerikanong manunulat: Anger is the


thief that seizes control of man’s faculties and uses them blindly and
destructively. Usually a man who loses his tempers also temporarily loses his
ability to think.

Maraming pagkakataon na tayo’y dapat magalit. Tayo ay pinagtaksilan. Ninakawan


ng isang pinagkakatiwalaan. Nagtanan ang ating anak. Niloko tayo sa isang negosyo.
Ipinahiya tayo. Pagkakamali ng iba na tayo ang naging biktima. Pinagsamantalahan
ang ating kabutihan. Kawalanghiyaan ang isinukli sa ating pagtulong. At marami pa
tayong maitatala.

Ngunit ano ang buti kung tayo ay magagalit?

Isulat natin ang ating mga hakbang na gagawin. Sulatan natin nang napakasakit ang
ating kinagagalitan ngunit huwag nating ipadala. Itago natin. Pagkaraan ng ilang araw
ay saka natin basahing muli. Tiyak na iba na ang takbo ng ating isip sa mga sandalling
iyon.
Kung tayo ay galit na galit, ano ang ating gagawin? Kung palagiang nangyayari ito,
sundin natin ang ginagawa ng aking kaibigan.

Bumili siya sa isang botika ng dalawang jelly bag. Itinahi niya ito sa isang katsang
damit na pakorteng sombrero. Inilagay ito sa freezer at kung siya ay galit na galit,
isinusuklob niya ito sa kanyang ulo upang ito’y biglang lumamig.

Ito ay mabuti sa mga maysakit na hypertension at diabetes na laging mainit ang


ulo.
Kung tayo ay may kausap na kagalit ay ilahad ang mga daliri. Ibaba ang tinig.
Sikaping maging taong edukado. Huminga nang malalim nang maraming ulit.

Kung tayo’y galit na galit at nag-iisa, maaari tayong magbasa ng Bibliya o


magtungo sa isang simbahan. Buksan ang ating puso sa Kanya. Maaari rin tayong
maglakad-lakad upang sumagap ng malamig na simoy ng hangin.

Maaaring suriin natin ang ating buong sitwasyon. Pag-aralan natin ang mga
aksyong ating gagawin. Kung tayo’y may matalik na kaibigan, ipagtapat natin ang ating
ikinagalit. Makaluluwag ito sa ating dibdib. Kapag lalo tayong nagalit sa ginagawa sa
atin, tiyak na naroon ang mga diablo na tumutukso sa atin.

2
Makabubuti na tayo’y manalangin sa Panginoon sa mga sandalling punong-puno ng
poot sa ating puso.
Tandaan natin ang pagunita ni Will Rogers: People who fly into anger always
make a bad landing.

Halaw mula sa:


Lakbay Diwa: Gabay sa wastong pamumuhay
Ni Bella Angeles Abangan, pahina 110-112

Mga Tanong:

1. Anong pagpapahalaga ang binibigyang diin sa kuwento?


2. Bakit hindi mabuti sa ating kalusugan ang labis na pagkagalit?
3. Anong mga paraan ang isinasangguni upang hindi tayo makagawa ng mga bagay na
pagsisisihan natin dahil sa labis nating pagkagalit?
4. Ano ang mga hindi kanais-nais na maaaring mangyari kung hahayaan nating
mangibabaw ang labis na pagkagalit?
5. Bakit mahalagang pairalin ang pagiging mahinahon o mapayapa sa gitna ng mga
sitwasyong maaari tayong madala ng labis na galit?

3
II. Catch Up Friday- Peace Education/ Values Education

A. Layunin:
1. Nasasagutan nang buong katapatan ang mga katanungan sa bawat gawain.
2. Nasusuri ang epektong dulot sa sarili at sa kapwa ng labis na galit.
3. Napahahalagahan ang mapayapang ugnayang pangkapwa sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng wastong pamamahala sa emosyon

B. Paksa: Wastong Pamamahala sa Emosyon Daan sa Mapayapang Ugnayang


Pangkapwa.

C. Gawain
Worksheet 1
DAHILAN KUNG BAKIT NAGAGALIT

Basahin at sagutin ng tapat ang mga katanungan Mula sa listahan ay lagyan ng check
ang mga nagiging sanhi ng iyong pagkagalit.

_____ Kapag hindi ako gusto ng ibang tao.


_____ Kapag pinagkakatuwaan ako ng iba.
_____ Kapag hindi ako iginagalang ng ibang tao.
_____ Kapag sa akin isinisisi ang hindi magandang kinahinatnan ng isang bagay.
_____ Kapag hindi ko kasama ang aking pamilya.
_____ Kapag hindi ko gusto ang aking tirahan.
_____ Kapag hindi ako kabilang, out of place
_____ Walang nagmamahal sa akin.
_____ Pinag-iinitan ako ng ibang tao.
_____ Kapag “high” sa droga ang aking ina.
_____ Kapag “high” sa droga ang aking ama.
_____ Kapag lasing ang aking ina.
_____ Kapag lasing ang aking ama.
_____ Kapag nakikita kong may sinasaktan.
_____ Kapag hindi ko nararamdamang ligtas ako sa paaralan.
_____ Kapag hindi ko nararamdamang ligtas ako sa aming pamilya.
_____ Kapag hindi ko nararamdamang ligtas ang aming pamayanan.
_____ Kapag hindi ako mahal ng taong mahal ko.
_____ Kapag hindi ako tanggap sa ibang lugar.
_____ Kapag sinasaktan ng tatay ko ang aking ina o maging ang ibang tao.
_____ Kapag sinasaktan ng nanay ko ang aking ama o maging ang ibang tao.
_____ Kapag pinagtatawanan ako ng aking kapatid.

4
_____ Kapag pinagagawa sa akin ng ibang tao ang bagay na hindi ko gusto.
_____ Kapag hindi ko nagustuhan ang isang bagay na nagawa ko.
_____ Kapag hindi ako makabasa kagaya ng ibang kabataan.
_____ Kapag hindi ko magawa ang math gaya ng iba.
_____ Kapag hindi ako magaling sa sports.
_____ Kapag nasigawan ako.
_____ Kapag sinaktan o binugbog ako.
_____ Kapag ang isang minamahal ay namatay.
_____ Kapag ninakaw ang gamit ko.
_____ Kapag ang isang alagang hayop ay namatay.
_____ Kapag nami miss ko ang mga kaibigan ng kami ay lumipat.
_____ Kapag pangit ang tingin ko sa sarili.
_____ Kapag wala akong kaibigan.
_____ Kapag pakiramdam ko ay hindi ako kailangan.

Kung may iba pang mga nagiging dahilan ng galit mo na hindi nakalista ay isulat mo sa ibaba:

______________________________________________________________________________
__
______________________________________________________________________________
__

 Ilan ang nalagyan mo ng check?


 Ano sa palagay mo ang ipinahihiwatig ng iyong mga kasagutan?
 Masaya ka ba sa kabuuang bilang ng nalagyan mo ng check? Bakit?

Worksheet 2:
ANO ANG GINAGAWA MO KAPAG IKAW AY GALIT?
Lagyan ng check ang gawaing tumutugma sa iyong naiisip o ginagawa kapag ikaw ay
galit.
____ Nambubugbog
____ Hindi nagsasalita
____ Iniisip na lang na maaayos din ang lahat.
____ Nag-iisip na lamang ng mga bagay na nagpapasaya sa akin
____ Pinagdidiskitahan ang ibang kapwa ko kabataan.
____ Nakikipag-usap sa iba
____ Nakikinig ng musika.

5
____ Nag eehersisyo
____ Nananakit na hayop
____ Nang-aasar ng ibang tao.
____ Naninira ng gamit ng iba
____ Iniisip kong saktan ang ibang tao
____ Gumagawa ng magandang bagay sa iba.
____ Nagsusunog ng mga bagay.
____ Naglalaslas
____ Nagnanakaw
____ Binabash sa social media ang taong kagalit
____ Sumisinghot ng rugby, pintura, gasolina, nagdodroga
____ Umiinom ng alak
____ Nagbabasa ng libro
____ Nagdo-drowing ng mga bagay na kinagagalitan.
____ Iniisip na makaganti sa taong nagpagalit sa akin.
____ Naglalayas
____ itinutuon ang isip sa mga gawain sa paaralan o sa trabaho.
____Gumagawa ng mga gawaing sekswal sa sarili
____ Gumagawa ng mga gawaing sekswal sa iba.
____ Kumakain ng marami
____ Gumagawa ng gawaing ikagagalit ng ibang tao.
____ Hindi sinusunod ang sinasabi ng magulang o guro.
____ Nagbibiro
____ Nagyayabang
____ Nagsusulat ng tula
____ Sinisiraan ang ibang tao.
____Nag oonline game

6
( maaaring isulat ang iba pang ginagawa kung galit na hindi naisama sa listahan)
__________________________________________________________________

Worksheet 1 & 2
Halaw mula sa
Lemons or Lemonade
An Anger Workbook For Teens
Jane F. Gilgun, PhD, LICSW
Minneapolis, Minnesota, USA
2012

 Ilan ang nilagyan mo ng check?________


 Ilan sa mga nilagyan mo ng check ang nakasasakit sa iyo o sa ibang tao ?_____
 Ilan sa mga nilagyan mo ng check ang makapagpapalala ng alitan?____Bakit?
 Ilan sa mga nilagyan mo ng check ang makatutulong upang hindi na lumalala
ang alitan? ________Bakit?

Worksheet 3
Ano ang ibig sabihin ng nito?

Ano ang mga kapahamakang maaring idulot ng hindi napigilang galit?


1.________________________________________________________________

2.________________________________________________________________

3.________________________________________________________________

4.________________________________________________________________

5.________________________________________________________________

7
D. Pagsusuri

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili matapos sagutan ang mga gawain?
2. Bakit walang kapayapaan ng isip ang taong may kagalit?
3. Paano maaaring mawala ang kapayapaan sa tahanan, sa paaralan, o sa pamayanan
kapag may magkakagalit? Magbigay ng halimbawa
4. Bakit mahalagang mapamahalaan mo nang mabuti ang iyong emosyon lalo na ang
galit?

E. Paghahalaw

Ano ang mahalagang mensaheng hatid ng awitin?

8
F. Pagsasabuhay

 Anong pagpapahalaga ang dapat mong isabuhay upang malutas ang anumang
alitan at umiral ang mapayapang ugnayan pangkapwa?

 Magbalik-gunita sa mga taong nakagalit, nakatampuhan o nakasamaan ng loob.


Gumawa ng isang maikling liham ng nagpapahayag ng iyong mga nais sabihin
na magbibigay daan sa inyong pagkakasundo.

You might also like