You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of City of Sta Rosa
PULONG SANTA CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Pulong Sta. Cruz,Sta. Rosa City Laguna

Pangalawang Sumatibong Pagsusulit


sa Filipino V
(IKALAWANG MARKAHAN)
PAKIKINIG
Panuto: Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Nasaan si Marina?
a. sa lungsod b. sa nayon c. sa bayan d. sa bukid
2. Saan siya lumaki?
a. Sa lungsod b sa bukid c. sa bayan d. sa nayon
3. Ano ang ginagamit nilang ilawan?
a. kahoy b. elektrisidad c. gasera d. de bateryang ilaw
PAGSASALITA
A. Panuto: Ibanghay ang mga sumusunod na pandiwa.

PAWATAS PERBEKTIBO/NAGANAP IMPERPEKTIBO/NAGAGANAP KONTEMPLATIBO/GAGANAPIN


PA
4. magluto
5. sabihan
6. subukin
B. Panuto: Pumili ng angkop na pandiwa upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
7. ______________ kami ng mga bagong gamit sa susunod na buwan.
a. Kapapamili b. Mamimili c. Namili d. Namimili
8. ______________ naming ang aming mga bag sa klasrum kahapon.
a. Iiwan b. Kaiiwan c. Iniwan d. Iniiwan
9. ______________ ng mga bata ang pader sa likod ng baitang lima.
a. Sinusulatan b. Sinulatan c. Susulatan d. Kasusulat
10-12. Ibigay ang 5 hakbang sa pagluluto ng nilagang itlog.
PAGBABASA
A. Panuto:Basahin ang mga pangungusap upang masagutan an mga sumusunod na katanungan.
13. Ang buto ng langka ay puwedeng kainin kapag ito ay napakuluan sa tubig. Ano ang ibig sabihin ng buto?
a. ginagamit na pambato c. parte ng katawan sa loob
b. matigas na parte ng katawan d. pinagmumulan ng bagong pananim
14. Ang asukal ay nagmumula sa tubo. Ano ang ibig sabihin ng may salungguhit?
a. kita o pera b. daluyan ng tubig c. isang uri ng pananim d. lumalaki
15. Alin sa mga pangungusap na ang gamit ng salitang pito ay bilang?
a. Ang mga pitong bata ay naliligo sa dagat.
b. Ang pito ni Pedro ay ibinigay ng kaniyang Tiyo Ruben.
c. Sira na ang pito ng pulis kaya hindi na ito marinig.
d. Ang majorette ng banda ay may pitong hawak upang maging hudyat ng bagong tutugtugin ng banda.
16. Sa lahat ng anak ni Mrs. Aguite, si Ana ang siyang utak-ipis kaya nasa ikalimang baiting pa rin siya ngayon. Ano ang
ibig sabihin ng utak-ipis?
a. marunong b. mahina ang utak c. utak gaya ng ipis d. matalino
17. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay may pusong mamon sa lahat ng mga mahihirap. Ano ang ibig sabihin ng salitang
pusong mamon?
a. masungit b. matalino c. maawain d. mataray
18. Alin sa mga pangungusap ang HINDI uri ng isda ang kahulugan ng salitang dalagang bukid?
a. Si Mang Raul ay bumili ng isang kilong dalagang bukid sa palengke.
b. Ang bangkang Rommel ay maraming nakuhang dalagang bukid sa dagat kahapon.
c. Si Maria ay dalang bukid dahil lumaki siya doon simula ng pagkapanganak sa kanya.
d. Naghahanap ng dalagang bukid si Maria kasi siya ay naglilihi.
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na talata o teksto. Sabihin kung ano ang susuno na
mangyayari sa bawat teksto o talata. Isulat ang titik ng tamang sagot.

19. Hulin ang magkaibigang Rita at Diana. Kanina pa tumunog ang kampana ng kanilang paaralan. Nagmamadali sila
sa paglalakad. Tatawid na sa daan. Hindi sila tumawid sa takdang tawiran. Nakarinig sila ng pito sa pulis.
a. Papatawirin sila ng pulis. c. Huhuliin sila ng pulis.
b. Papaluin sila ng pulis. d. Kakausapin sila ng pulis.
20. Umaawit habang naglalakad si Rosa sa daan. Hindi niya napansin ang mga balat ng saging na nagkalat sa daan.
Natapakan niya ng isa sa mga iyon.
a. Nahulog siya sa tulay. c. Napadulas siya.
b. Nahulog siya sa bangin. d. Pinulot niya ang mga balat ng saging.

C. Basahin ang teksto at ibigay ang maaaring kalabasan o wakas ng kuwento.


21. Si Aling Maria ay maglalaba ng kanilang damit. Tiningnan niya ang kalangitan. Nakita niya na kulay itim at
mababa ang mga ulap. Ano ang susunod na mangyayari?

22. Imbes na mag-aral ng leksiyon o aralin si Marina, siya ay nanonood ng kaniyang paboritong teleserye buong
gabi. Inabot siya ng umaga sa panonood. Kinabukasan, pumasok siya sa paaralan na inaantok. Sinagutan niya ang
pagsusulit na masakit ang ulo at walang kaalam-alam. Ano ang magiging wakas ng kkuwento?

PAGSUSULAT
Panuto: Sumulat ng talambuhay na binubuo ng 3 talata. Sa unang talata mga personal na impormasyon tungkol sa
iyo, sa pangalawang talata tungkol sa mga paboritong pagkain,kulay at iba pa, sa pangatlong talata naman ay
panagarap paglaki at bakit iyon ang napili.(23-25)

PANONOOD
Panuto: Panoorin ang commercial na Tang We are Homemade. Isakilos ang inyong naunawaan sa inyong napanood.
(26-35)
KASAGUTAN:
1.A
2. D
3. C
7. B
8. C
9. A
10-12
13. D
14. C
15. A
16. B
17. C
18. C
19. A
20. C
21-22
23-25
26-35
PAWATAS PERBEKTIBO/NAGANAP IMPERPEKTIBO/NAGAGANAP KONTEMPLATIBO/GAGANAPIN
PA
4. magluto nagluto nagluluto magluluto
5. sabihan sinabihan sinasabihan sasabihan
6. subukin sinubok sinusubok susubukin
PARA SA GURO:

Aytem 1-3

ANG NAYON NI MARINA

Noon lamang nakarating sa lungsod si Marina. Lumaki siya sa isang nayong hindi halos marating ng kabihasnan
dahil sa kalayuan. Umiigib sila sa batis o kaya sa balon. Gasera ang ginagamit nilang ilawan. Halos araw-araw, namimitas
lamang sila ng gulay na maiuulam. Bihira silang makatikim ng isda at karne sapagkat napakalayo ang pamilihan ng
pinakamalapit na bayan sa kanila

Aytem 26-35
Ipanood ang commercial ng Tang we are homemade. Ipasakilos ito sa bawat pangkat.Gumamit ng
rubrics sa pagbibigay ng puntos.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of City of Sta Rosa
PULONG SANTA CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
Pulong Sta. Cruz,Sta. Rosa City Laguna

Talaan ng Ispesipikasyon sa Filipino V


Pangalawang Sumatibong Pagsusulit
Ikalawang Markahan
S.Y. 2016-2017

LAYUNIN BILANG NG BAHAGDA KINALALAGYA


AYTEM N N NG AYTEM
1.Nasasagot ang mga literal na tanong sa napkinggang teksto 3 8.571% 1-3
2. Naibabanghay nang wasto ang mga pandiwa ayon sa 3 8.571% 4-6
naganap, ginaganap, gaganapin pa
3. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa 3 8.571% 7-9
pagsasalaysay
4.Nakapagbibigay ng panutong may 3-5 hakbang. 3 8.571% 10-12
5.Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay 3 8.571% 13-15
ngunit magkaiba ang diin.
6.Nabibigyang kahulugan ang tambalang salita 3 8.571% 16-18
7.Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang 2 5.714% 19-20
dating karanasan o kaalaman
8. Nakapagbibigay ng wakas sa nabasang kuwento 2 5.714% 21-22
9. Nakakasulat ng sulating pormal(sa pamamagitan ng 3 8.571% 23-25
talambuhay)
10. Naipapakita ang pag-unawa sa pinanood sa pamamagitan 10 28.571% 26-35
ng kilos o galaw.
KABUUAN 35 100% 1-35

Inihanda:

MARIFE S. BALANAY
Guro I

You might also like