You are on page 1of 5

PANGATNIG, MGA URI AT

HALIMBAWA
Ang Pangatnig ay tinatawag na conjunction sa wikang English. Ito ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita,
parirala, sugnay o pangungusap upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.

Parirala (Phrase)- Lipon ng mga salitang hindi buo ang diwa: bahagi lamang ng pangungusap.
Sugnay (Clause)- ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na maaring may buong diwa (makapag-
iisa) o di-buong diwa (di-makapag-iisa

Mga Pangatnig at mga Halimbawang Pangungusap


1. Subalit
subalit – dinudugtong upang magkaroon ang isang pangungusap ng positibo resulta at negatibong resulta.
(datapwat,ngunit)
Halimbawa:
a. Si Nena ay ginugulo ng kaniyang kapatid habang nag aaral subalit hindi siya nagpatinag at patuloy
siyang nag aral.
b. b. Si Laura ay inutusan ng kaniyang tatay subalit hindi niya ito sinunod.

2. Samantala, Saka
samantala, saka – ginagamit na pantuwang
Halimbawa:
a. Si Mang Ben ay matalino saka mabait pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay hindi.

3. Kaya, Dahil sa
Kaya, dahil sa – ginagamit na pananhi
Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao ay dahil sa kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
4. Sa wakas, sa lahat ng ito
sa wakas, sa lahat ng ito – panapos
Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang.

5. kung gayon
Kung gayon– panlinaw
Halimbawa:
Malinaw ang paalala sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.

Mga Uri ng Pangatnig


May siyam na uri ng pangatnig, ito ay ang Pamukod, Panubali, Paninsay, Pananhi, Panapos, Panlinaw,
Panimbang, Pamanggit at Panulad. Ating kilalanin ang bawat isa.

1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.


Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

2. Panubali- nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disinsana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
©rgevangelista
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
3. Paninsay – kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng:
ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi – nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa,
sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos – nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa
di- kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

6. Panlinaw– ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

7. Panimbang– ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gayang: at – saka,


pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa’t pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit– gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.
Halimbawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

9. Panulad– tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin,
kung gaano…siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

©rgevangelista
TRANSITIONAL DEVICES
Ito ay ang mga salita o parirala na makakatulong magdala ng kaisipan mula sa isang pangungusap tungo sa isa
pa, mula sa isang ideya tungo sa iba, o mula sa isang talata tungo sa isa pang talata. Ang transitional devices
ay nag-uugnay ng mga pangungusap at mga talata nang maayos kung saan walang kahina-hinala at biglaang
talon o pagitan ng mga ideya.

Ang tatlong uri ng transition ay:

 Pagbabago sa pagitan ng mga pangungusap.

 Ginagamit kapag ang pangungusap ay lamang bahagyang may kaugnayan.

 At ang mga ideya na kailangan maging konektado.

Mga Halimbawa ng Transitional Devices


1. Sumunod
2. Pagkatapos
3. Una
4. Sa katunayan
5. Sa negatibong panig.
6. Sa positibong panig.
7. Sa kabilang banda.
8. Gayunpaman
9. Pagkatapos
10. Sa wakas
11. Bago
12. Bukod sa
13. Bilang karagdagan.
14. Bagaman
15. Lalo na
16. Partikular sa.

©rgevangelista
(GUMAMIT NG BUONG PAPEL/ PAD PAPER PARA SA INYONG MGA KASAGUTAN)

PAGSASANAY 1

Pagkilala sa pangatnig
Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.


2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.
6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.
7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.
8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.
9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.
10. Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.
11. Nagmadaling pumunta si Ted sa istasyon ngunit hindi niya naabutan ang tren.
12. Lalabhan ko ang damit ni Ariel at paplantsahin ko ang uniporme ni Alicia.
13. Mag-aaral ako nang mabuti upang mataas ang makuha kong marka sa pagsusulit.
14. Si Ate Rita ay bumili ng sariwang gulay at mga hinog na mangga sa palengke.
15. Si Tatay o si Kuya Martin ang susundo sa inyo sa paaralan mamayang hapon.
16. Dapat sabihin ko sa kanya ang katotohanan ngunit ayaw kong magalit siya sa akin.
17. Si Janice ang kakanta dahil siya ang pinakamagaling na mang-aawit sa klase natin.
18. Hindi niya makuha ang tamang sagot bagama’t nakinig siya sa sinabi ng guro.
19. Gusto nilang maglaro sa palaruan pero pinagbawalan silang lumabas ng bahay.
20. Sumali sa paligsahan si Danilo kahit sinabi nila na wala siyang pag-asang Manalo.

PAGSASANAY 2

Pagpili ng tamang pangatnig


Panuto: Isulat ang pangatnig na bubuo sa pangungusap. Pumili sa mga pangatnig sa kahon.

subalit kaya dahil bagama’t habangkapagpara


upang samantalang o at kasingunitkung
nang kahit hanggang bago sapagkat

1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ang bayad sa


kuryente.
2. Hindi ako nakatulog kagabi masyadong maingay ang aking kapitbahay.
3. Magsasanay ako tuwing hapon gumaling ako sa pagtugtog ng piyano.
4. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan napakalakas ng tilaok ng
mga manok sa kanyang bakuran.
5. Pagod na si Carlo hindi siya makatulog.
6. Si Patrick ang titingin sa nagmamaneho si Gary.
mapa
7. Maaari tayong tumawid berde na ang ilaw. ©rgevangelista
8. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon ang bagong
maong?
9. Lapis, pambura pantasa lang ang kailangan kong dalhin sa pagsusulit.
10. Magaling siya maglaro ng basketbol mas gusto niya ang paglalangoy.
11. Basa ang sahig ng pasilyo nadulas ang bata.
12. Umiiyak ang bata tinutukso siya ng mga kalaro niya.
13. Naglaro kami ng basketbol sa labas tinawag kami ni Tatay.
14. Nagising si Marco tumilaok ang manok.
15. natulog ang mga anak niya, nagbasa siya ng kuwento para sa kanila.
16. Sasama ako sa inyo manood ng sine papayagan ako ni Nanay.
17. Marami ang kakainin ko hindi ako magutom sa mahabang biyahe.
18. Pinagalitan ang mga mag-aaral hindi sila ang nagsimula ng away.
19. Wala kang ginagawa diyan kanina pa abalang-abala sa pagluluto
ang nanay mo.
20. Maghanda na tayo ng mga kandila at baterya para sa plaslayt
malapit na ang bagyo

PAGSASANAY 3

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na Transitional Devices.


1. Sumunod
2. Pagkatapos
3. Una
4. Sa katunayan
5. Sa negatibong panig.
6. Sa positibong panig.
7. Sa kabilang banda.
8. Gayunpaman
9. Pagkatapos
10. Sa wakas
11. Bago
12. Bukod sa
13. Bilang karagdagan.
14. Bagaman
15. Lalo na
16. Partikular sa.

SANGGUNIAN: Pangatnig, Mga Uri at Halimbawa, Transitional Devices- Aralin Philippines

©rgevangelista

You might also like