You are on page 1of 7

PAGSULAT NG SANAYSAY NA NANGANGATUWIRAN

PANIMULA
Madalas sabihing mas makapangyarihan ang panulat kaysa espada. Tama ito sapagkat
kaya ng panulat na gisingin ang kamalayan ng isang bayan. Gaya ng sanaysay na Tungkol sa
Katamaran ng mga Pilipino kung saan pinukaw ni Jose Rizal ang kamalayan ng mga Pilipino
tungkol sa mga kamalian ng kanilang lipunan.
Nagawa ito ni Rizal bunga ng kanyang matalas na pangangatuwiran at pagsusuri sa
kondisyon ng kanyang lipunan. Gaya ni Rizal, mahalagang makuha natin ang kasanayang ito
upang tumugon sa mga usaping bumabalot sa atin sa kasalukuyan. Ang pagsulat ng isang
sanaysay na nangangatuwiran ay isang paraan upang makuha ang kasanayang ito.
PAGSULAT NG SANAYSAY
Nakasalalay ang pagsulat ng isang mahusay na sanaysay sa pagdaan sa isang lohikal na
proseso. Mainam na sundin mo ito sa iyong pagsulat.
Hakbang 1: Pagpili ng Paksa
Tulad ni Rizal, mahalagang pumili ng isang paksang nakapupukaw sa atensyon ng
madlang babasa ng iyong sanaysay. Sa bahaging ito, maaari kang magbasa ng pahayagan,
makinig sa radyo o manood ng telebisyon upang makahanap ka ng mga nagbabagang usaping
maaari mong paksain.
Si Rizal

Ako Naman!

Ano ang PAKSA ni Rizal sa

kanyang sanaysay?

Ano ang maaari kong PAKSA sa

sanaysay?

Bakit niya ito pinili?

Bakit ko ito pinili?

Hakbang 2: Pagpapayaman ng Paksa

Hindi madaling magsulat agad matapos na makapili ng paksa. Samakatuwid,
mahalagang pagyamanin muna ang paksa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang idea web na
naglalaman ng mga posibleng ideyang maaari mong ilahok sa iyong sanaysay.
Gaya ni Rizal, may iilang bagay siyang pinagtuunan ng pansin sa kanyang pagsulat ng
kanyang sanaysay na Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino. Halimbawa, tinukoy niya ang
ibat ibang aspeto ng kanyang lipunan, gaya ng Simbahan at mga prayle, ang pamahalaan,
sistema ng edukasyon, at iba pa. Kung gagawa tayo ng idea web mula sa sanaysay, maaari itong
maging ganito:
1

PUNTO 1
Epekto ng Simbahan at
mga prayle

PUNTO 2
Epekto ng gawain ng
pamahalaan at mga
abuso nito

PAKSA
Katamaran ng mga Pilipino
(Bakit nagiging tamad ang mga
Pilipino?)

PUNTO 3
Epekto ng sistema ng
edukasyon sa Pilipinas

PUNTO 4
Masamang epekto ng
bisyo at sugal sa tao

Kung ikaw naman ang gagawa ng sarili mong idea web para sa iyong sanaysay, paano mo ito
bubuuin?
PUNTO 1

PUNTO 2

PAKSA

PUNTO 3

PUNTO 4

Hakbang 3: Pagbuo ng Tesis na Pangungusap

Mula sa mga puntong nais mong bigyan ng diin sa iyong sanaysay, maaari kang bumuo
ng isang tesis na sasaklaw sa kaisipan ng iyong sulatin. Mahalagang maunawaan na dapat
lamanin ng iyong tesis ang mga sumusunod: ang paglalahad ng problema, kasama ang
tindig o opinyon ng manunulat ukol sa problemang ito.
Subukin natin ito sa iyong binubuong sanaysay:
MGA PUNTO KO

Ano ang mailalahad kong PROBLEMA?

Ano ang TINDIG o OPINYON ko rito?

Ano ang aking TESIS na pangungusap?

Hakbang 4: Pagbuo ng Balangkas

Ngayong nakabuo ka na ng tesis na gagabay sa iyong pagsulat, maaari ka nang bumuo ng
isang balangkas. Nararapat na tandaang may SIMULA, GITNA at WAKAS ang iyong
sanaysay upang mas madali itong maunawaan ng iyong mambabasa.

Pangalan: __________________________ Seksyon: _______ Guro:___________

_______________________________________________
(Pamagat ng Sanaysay)
TESIS na Pangungusap: _____________________________________________
_________________________________________________________________

I. SIMULA ng sanaysay (Isulat dito ang KONTEKSTO ng usaping iyong tatalakayin.
Isama rin dito ang TESIS na pangungusap sa dulo ng talata upang mabigyan ng direksyon
ang mga argumentong iyong ilalapat sa sanaysay.)
A.

__________________________________________________________

B.

C.

II. KATAWAN ng sanaysay (Dito mo ilagay ang mga ARGUMENTO o KATUWIRAN ng

iyong sanaysay. Maaari kang maglaan ng isang talata para sa isang argumento iyong
gagamitin sa sanaysay.)
A.

__________________________________________________________

B.

__________________________________________________________

C.

__________________________________________________________

III.

WAKAS ng sanaysay (Magbigay ng PAGLALAGOM sa mga argumentong iyong ginamit sa

sanaysay. Maaari ka bang magbigay ng mga solusyon sa problemang iyong tinukoy? Maaari mo
siyang ilagay sa bahaging ito.)

A.

__________________________________________________________

B.

__________________________________________________________

C.

__________________________________________________________

Sa bahaging ito, maaari mong balikan ang iyong babasahin ukol sa sanaysay ni Rizal.
Hindi bat laman ng SIMULA ng kanyang sanaysay ang KONTEKSTO ng usapin sa
katamaran? Hindi bat laman naman ng GITNA, na binuo ng mga sumusunod na talata, ang
mga KATUWIRAN niya? Sa WAKAS naman, napansin mo bang nagkaroon siya ng
PAGLALAGOM sa mga punto niya? Subukin mong gawing modelo ang sanaysay ni Rizal sa
iyong sariling sulatin.
4

Hakbang 5: Pagsulat ng Sanaysay

Ngayong handa na ang iyong balangkas, maaari mo nang sulatin ang iyong sanaysay.
Punan mo ng akmang mga salita ang iyong sanaysay upang maipahayag mo nang husto at
tumpak ang iyong mga opinyon sa usapin.
__________________________________________

5

6

Hakbang 6: Pagtatasa ng Sanaysay

Pagkatapos isulat ang iyong sanaysay, subukin nang padaanin ito sa editing. Tignan
muna ang nilalaman ng iyong sanaysay. Mahusay ba ang argumento o katuwirang ginamit sa
sanaysay? May mga datos ba itong kailangang palitan o baguhin? May mga bahagi bang hindi
naipaliwanag nang maayos?
Tignan pagkatapos ang organisasyon nito. Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga
ideya sa iyong sanaysay? Maituturing bang malinaw ang daloy ng mga ideya, mula sa simula,
gitna at wakas?
Huling tignan ang paggamit ng wika. Tama ba ang gamit ng mga bahagi ng pananalita?
May mga salitang Ingles bang mas angkop isalin sa Filipino? Tama ba ang paglalapi at paggamit
ng mga bantas?
Sa pagkakataong ito, maaari mong ipabasa sa mga kaibigan o kapamilya ang iyong
sinulat upang makapagbigay sila ng mga suhestiyon kung paano mapagbubuti pa ang iyong
nayaring sanaysay.

You might also like