You are on page 1of 12

LIHAM

PANGANGALAKAL
Liham – ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan
ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o
grupo, kadalasan sa ibang lugar.

Liham Pangangalakal – ay ginagamit sa pakikipag-


ugnayan sa mga kompanya, organisasyon, pahayagan,
at tanggapan ng pamahalaan.
Pagsulat ng Liham Pangangalakal

1. Tiyak ay hindi maligoy ang nilalaman ng liham.


2. Malinaw at magalang sa pananalita.
3. Angkop ang mga salitang gagamitin.
4. Wasto ang gamit ng mga bantas at baybay ng mga salita.
5. Maikli at walang kahalong idea o opinyon.
6. Malinis ang pagkakagawa (encoded o typewritten).
Bahagi ng Liham Pangangalakal
Iba’t ibang uri ng liham pangangalakal

1. Liham pagtatanong.
2. Liham na nag-aanyaya sa panauhing
pandangal.
3. Liham na humuhingi ng pahintulot.
4. Liham ng pag-aaplay ng trabaho.
5. Liham kahilingan or pag order.
EHERSISYO

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na


impormasyon upang makabuo ng isang liham
pangangalakal na liham pag-aaplay. Isaalang-
alang ang pagtatalata. Bilang lamang ang
isulat.
1. Teresa’s Flower Shop P.O. Box 1020 Manila

2. 24 Dalaga Street Balut, Tondo, Manila Agosto 20, 2005

3. Lubos na gumagalang. Riza Polison

4. Nabasa ko po sa pahayagan ang inyong anunsyo hinggil sa pangangailangan


ninyo ng isang receptionist na tatao sa inyong shop kung Sabado at Linggo.
Nais ko pong magpresinta sa trabahong iyon. Ako po ay labing-anim na taong
gulang at nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan. May karanasan po ako
sa pagtatanim at pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng halaman noong ako’y
nakatira pa sa probinsya. Sa palagay ko po’y makatutulong ang karanasan
kong ito sa pakikipag-usap sa mga taong namimili sa inyong shop.
5. Ginang:

6. Sanggunian: Gng. Eugenia R. Gorgon Prinsipal, G.


Perfecto High School Ricafort St., Tondo, Mla. Gng.
Jean Marquez Barangay Chairwoman 373 Zone 38
Tondo, Manila
Direksyon:

1. Sa inyong palagay, mahalaga ba ang pagsulat


ng liham pangangalakal? Bakit?

2. GAWAIN Pahina 96
Pumili at magsulat sa isa sa mga
uri ng liham pangangalakal.
Takdang-Aralin

You might also like