You are on page 1of 2

Filipino sa Piling Larang –Tech Voc Handout #3

PAGSULAT NG LIHAM PANGNEGOSYO


Kahulugan at Gamit ng Liham Pangnegosyo
 Ang liham pang-negosyo o “business letter” sa english ay ang liham na nagmumula sa mga kompanya tungo sa iba, o sa
pagitan ng mga umiiral na organisasyon sa kanilang mga kliente.
 Ito ay naglalaman ng isang kahilingan sa isang serbisyo, suplay, produkto at marami pang iba.  Kung minsan ay ipinaparating
din dito ang mga hinaing at reklamo sa isang organisasyon na maaring may malaking banta o epekto sa takbo ng kanilang
negosyo. 
 Ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon sa pagitan ng
mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagkalakalan sa kanila.
BAHAGI NG LIHAM PANGNEGOSYO
Tulad ng ibang liham, ang liham pang-negosyo ay may parehong bahagi rin ng sulat.
1. Pamuhatan- nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat at petsa nang sulatin ang liham.
Halimbawa:
Mataas na Paaralang Pambansa ng Calumpit
San Marcos, Calumpit, Bulacan
Ika-20 ng Abril, 2017
2. Patunguhan- Ito ang tumatanggap ng liham
Halimbawa:
Gng. Doracy F. Almasan
Dora Flower Shop
Brgy. San Marcos, Calumpit, Bulacan
3. Bating Panimula- ito ay magalang na pagbati na maaring pinangungunahan ng Ginoo, Ginang, Mahal na Ginang o Mahal
na Binibini. Mahalaga na angkop sa taong padadalhan ang liham ang bating panimula o ginagamit.
Halimbawa:
Gng. Almasan:
Ginoo:
Mahal na Ginang:
Mahal na Binibini:
4.Katawan ng liham- ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng sumusulat sa kanyang
sinusulatan.
Halimbawa:
Magandang araw!
  Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga
bulaklak na aming kailangan sa pagtatapos sa Abril 28, 2018.
    4 na dosenang Daisy (pink)
    4 na dosenang Rosas (puti)
    2 dosenang Gladiola (dilaw)
  Kalakip po nito ay money order na isang libong piso (P1,000). Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay
pagtanggap namin ng mga bulaklak.
5. Bating Pangwakas - Ito ay bahagi ng pamamaalam ng sumulat at nagtatapos sa kuwit (,).
6. Lagda- pirma ng sumulat
Halimbawa
Sumasainyo,
Jose dela Cruz
Pangulo ng SSG
URI NG LIHAM PANGNEGOSYO
1. Liham Aplikasyon- ang liham na ito ay isinusulat upang humanap ng trabaho.
2. Liham Pagapapakilala- Isinusulat ang liham na ito upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang bagay/
produkto na iniendorso.
3. Liham Subskripsyon- isinusulat upang maglahad ng intensyon sa subskripsyon ng pahayagan, magasin at iba pang
babasahin.
4. Liham Pamimili- ang liham na ito ay isinusulat upang bumili ng paninda na ipapadala sa post office.
5. Liham na Nagtatanong- ang liham na ito ay isinusulat upang humingi ng impormasyon.
6. Liham na Nagrereklamo- isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing.
Filipino sa Piling Larang –Tech Voc Handout #3

Iba pang uri:


Liham sa Patnugot
Liham Paanyaya sa isang Panauhin Liham Pahintulot
Liham Kahilingan Liham sa Puno ng Barangay
ANYO NG LIHAM PANGNEGOSYO
1. Ganap na Blak (Full Block Style)
2. Semi-Blak (Semi-Block Style)
3. Modifayd Blak (Modified Block Style)

Mga Dapat tandaan sa pagsulat ng Liham Pangnegosyo


1. Kailangang ang liham ay maging malinaw at hindi dapat lumilikha ng ano mang alinlangan sa pinadadalhan o babasa
nito.
2. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, pangungusap, talata at mga bahagi ng liham.
3. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita, banghay at mga bahagi ng liham.

Sanggunian:
 Filipino sa Larangang Teknikal-Bokasyonal pp. 37 – 55 ( aklat )
 www.slide share.com
 www.google.com

Inihanda ni:

Gng. Raquel M. Cruz


Guro sa Filipino

You might also like